"Tito, pinapatawag niyo raw ako?" tanong ni Alyna sa kaniyang Tiyo Franco ng nasa opisina na siya nito. Bigla na lang siya pinatawag ng sekretarya nito. Inilahad nito ang kamay sa swivel chair. "Maupo ka, iha," wika nito. Nagtungo roon si Alyna at naupo saka tiningnan ang kaniyang tito na matiim na nakatitig sa kaniya. "Tito bakit ganiyan ka naman makatingin?" tanong niya. Huminga ito ng malalim saka tinanong kung may boyfriend na siya. Sumagot siya ng wala. Sinabi ng tito niya na kailangan niya ng mag-diet pero ang rason niya. Hindi basehan ang katawan para mahalin ka ng isang tao. Kung mahal ka niya, tatanggapin niya kung sino ka. Tumango-tango na lamang si Mr. Enriquez. "Okay. Go back sa rason kung bakit kita pinatawag," panimula nito. Seryuso siyang nakatingin sa kaniyang tiyuhin. "Gusto kitang i-atang sa isang posisyon na alam kung magagampanan mo, iha. Gusto kong ikaw ang mag-supervise sa mga empleyado. Tingnan mo kung may improvement ba sila sa trabaho and you wil report it to me kung sino ang deserve na ma-promote," Sabi pa ni Mr. Enriquez na mahirap magtiwala sa iba dahil baka magkaroon ng favoritism kaya sa kaniya iniaatang ay dahil pamankin siya nito at may tiwala si Mr. Enriquez sa kaniyang kakayahan. Hindi aakalain ni Almira na ibibigay sa kaniya ng kaniyang tiyuhin ang ganoong posisyon. "Thank you po, tito," sinsero niyang sabi. "Mr. Enriquez?" natigilan si Alyna ng marinig ang boses na iyon. Boses iyon ng kaniyang crush sa kompanya. Si Miguel Cadiz. Tinanong ni Mr. Enriquez kung ano ang sadya nito at hindi daw iniwan sa sekretarya nito. Ang sabi ni Miguel, nag-lunch si Ma-ann. Eh, kailngan na daw iyon ibigay sa kaniya. Lumapit si MIguel sa mesa ni Mr. Enriquez at inilapag roon ang folder. Si Alyna naman ay parang estatwa sa kinauupuan. Malimit lang sila magkita ni Miguel pero kahit kailan hindi nawala ang paghanga niya rito. "Good morning, Ms. Alyna," bati nito sa kaniya. Kaagad siyang napabaling rito at ngumiti saka binati ito pabalik. Lumabas na si Miguel pagkatapos maibigay ang folder. Hindi alam ng dalawa na narinig nito ang pinag-usapan nila at ng mga sandaling iyon ay nag-iisip na ito ng plano para mapalapit kay Alyna at magawa ang plano nito. Papunta na si Alyna sa karinderya na hindi kalayuan sa gusali ng marinig niya na tinawag ang kaniyang pangalan. Lumingon siya. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso ng makitang si Miguel ang tumawag sa kaniya. Kaagad niyang kinalma ang sarili. Hinihingal pa ito ng huminto ito sa kaniyang harapan. "Buti naabutan kita. Sabay na tayo mag-lunch," paanyaya nito. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang itong lumapit sa kaniya at niyayaya siyang managhalian. Dati, hindi siya nito pinapansin kaya hanggang pagtingin na lamang siya rito. Marahil, gusto nito makipagkaibigan sa kaniya o baka higit pa roon? Kaagad niyang iwinaksi iyon. Imposibleng magkagusto ito. Baka niyayaya siya nito dahil wala itong kasabay kumain. Iyon an totoong dahilan. Ngumiti siya. "Sure. Tara!" Ngumiti ito at sabay na silang nagtungo sa loob ng canteen. Nang makarating sila sa canteen. Mag-oorder na sana si Alyna ng magprisinta si Miguel na ito na ang mag-oorder ng pagkain nila. Sinabi na lang niya kung ano ang gusto niyang ulam. Napangiti siya dahil gentleman pala si Miguel. Mas lalo tuloy siyang humanga rito. Naghanap na rin ng bakanteng mesa para doon sila maupo ni Miguel. Naupo siya roon at hinintay ang binata. Nang makaupo siya ay sakto naman na papalapit si Miguel dala ang kanilang pagkain. Hindi niya tuloy maiwasang mapatitig rito. Ang lakas ng dating nito. Pinangarap niya na sana balang araw ay ligawan siya nito at maging sila. Pero mukhang imposible iyon. Nang makalapit ito, inilapag na nito ang tray sa mesa. "Salamat," sinsero niyang sabi. "pWalang anuman," tugon naman nito. Naupo na rin ang binata sa kaniyang tapat at nagsimula na silang kumain. Habang kumakain ay nagkukuwentuhan sila tungkol sa trabaho at sa mga bagay-bagay patungkol sa sarili nila. Nang mga sandaling iyon ay masayang-masaya si Alyna dahil napalapit siya sa binata. "Sino boyfriend mo ngayon?" tanong bigla ni Miguel na ikinatigil niya sa pagkain. Umiling siya. "Wala. Hinihintay ko pa lang kung sino ang lalaki na ibibigay sa 'kin ng naasa itaas," tugon niya. Natigilan siya ng mapansing nakatitig sa kaniya si Miguel. Biniro niya ito na baka malusaw siya sa titig nito. Ngumiti lamang ang binata at sinabing nagagandahan ito sa kaniya. parang may humaplos sa puso niya dahil sa papuri nito sa kaniya. Napakagat-labi siya dahil doon. "Puwede ba kitang ligawan?" tanong bigla ni Miguel ng patapos na sila kumain. Nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang labi dahil sa tanong nito. Totoo ba ang narinig niya? Gusto siyang ligawan ni miguel? Nananaginip ba siya? "Pardon me, totoo ba ang narinig ko?" tanong niya. Natawa ito. Sinabi ni miguel na totoo ang narinig ni Alyna. Hindi talaga makapaniwala si Alyna at tinanong na bakit siya nito liligawan. Sinabi ni Miguel na gusto siya nito noon pa man at hindi lang ito nagsasabi. Ngayon, kailangan niya ng sabihin ang nararamdaman niya para kaky Alyna. "So payag ka na?" tanong nito. Sino ba naman ang hindi papayag sa sinabi nito? Ang isang Miguel Cadiz na isa sa pinaka-guwapo sa mga manager ay mnliligaw sa kaniya? Syempre hindi na niya palalampasin ito! Tumango-tango siya. "Oo naman," tugon niya. Matapos nilang mananghalian, bumalik na sila sa gusali at nagtungo sa kani-knilang destinasyon na palapag. Nangako si Miguel na ihahatid siya nito mamayang gabi. Alas syete kasi ang labas niya samantalang ito ay alas sais. Willing naman daw itong maghintay. Kinilig siya dahil doon. Nang nasa opisina na siya, hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa mga magandang nangyari sa kaniya sa tanghaling iyon.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good story
08/03
0nice story
13/12
0wow
17/10
0View All