logo text

Chubby President (Last Chapter)

Hindi niya akalain na sa kaniya pala nito balak ipasa ang kompanya. Niyakap niya ang kaniyang tiyo at nagpasalamat dahil sa kagandahan nito ng loob. Isang magsasaka lamang ang kaniyang ama at house wife lamang ang kaniyang ina. Ang kaniyang tiyo ang nagpaaral sa kaniya at hindi niya akalain na gagawin nito iyon. Hindi na kasi nakapag-asawa ang tiyuhin niya dahil natuon ang atensiyon nito sa kompanya. Kompanya ng bunga ng pagsisikap nito. Nag-aaral pa lamang siya noon sa high school ng maitayo nito ang kompanya. Papel ang produkto na benebenta rin nila sa ibayong-dagat. Alam niyang malaking responsibilidad ang nakaatang sa kaniya pero gagawin niya ang lahat maging proud lamang ang tiyo niya.
Nang hapon na iyon ay ipinatawag ni Mr. Enriquez ang mga nasa mataas na posisyon para sa isang meeting pero ang meeting na iyon ay para ipakilala si Alyna bilang presidente ng kompanya. Nang kompleto na ang lahat kabilang si Miguel ay inianunsiyo na ni Mr. Enriquez ang magandang balita kasabay ng pagpasok ni Alyna. Lahat ng mga naroon ay namangha at nagulat sa pagbabagong nakita nila kay Alyna. Ang dating mataba, ngayon ay balingkinitan ang katawan at hinahangaan ng mga kalalakihan na naroon. Ngunit ang bukod tanging kakaiba ang ekspreksiyon ay si Miguel. Na sa loob ng limang buwan, hindi niya lubos maisip kung bakit umalis ito ng hindi nagpapaalam sa kaniya. Matagal na nitong pinagsisihan ang paggamit kay Alyna dahil sa sariling interes. Isa lang ang nasa isip ni Miguel ng mga sandaling iyon . Ang makausap si Alyna. Kaya naman ng matapos ang meeting, tumayo siya at tiningnan si Alyna.
"Humuhingi ako ng permiso Ma'am Alyna na makausap ka. Maaari po ba?" tanong niya. Nakaramdam siya ng kaba ng tumingin ito sa kaniya. Galit ang makikita sa mukha nito pero dagli rin iyon nawala.
"Sure," tugon nito. Nang makaalis na ang lahat. Lumapit siya kay Alyna.
"Bakit ka nawala ng limang buwan? Hindi ka man lang nagpaalam sa 'kin. Hindi kita makontak at hindi ka online sa social media, Alyna. Anong nangyari? at ngayon bumalik ka. Ibang-iba ka na," puno ng paghanga niyang sabi habang titig na titig sa magandang mukha ng dalaga. Hinintay niya ito sa loob ng limang buwan at hindi siya naghanap ng babae. Dahil habang tumatagal ay napapamahal na siya kay Alyna.
"Bakit ko sasabihin ang dahilan? At, bakit ako magpapaalam sa 'yo?" Mas lumapit pa ito sa kaniya. "Narinig ko lahat ng mga sinabi mo non kay Joseph ang dahilan kung bakit mo ako niligawan at nakipaglapit ka sa 'okin. Dahil gusto mong ma-promote. Huwag kang mag-alala, hindi kita aalisin sa posisyon na myroon ka. Pero once na nagkulang ka sa posisyon mo, ibababa kita," pagbabanta ni Alyna. Tatalikod na sana ito ng pigilan niya sa kamay.
"Sandali. Pakinggan mo muna ang paliwanag ko, Alyna bago ka mag-isip ng negatibo," pagmamakaawa niya. Iwinaksi nito ang kaniyang kamay.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Miguel. Tapos na tayo," may diin nitong sabi saka tumalikod at lumabas ng meeting room. Napaupo siya. Hindi niya akalain na magiging ganoon ang trato ni Alyna sa kaniya. Nasaan na ang malambing na Alyna na nakilala niya noon? Natawa siya ng mahina.
"Kasalanan ko kaya siya nagbago. Walang ibang sisisihin kundi ako dahil nasaktan ko siya," bulong niya sa sarili.
"Tito, may gusto akong itanong," sabi ni Alyna sa kaniyang tiyuhin ng magkasabay silang nag-lunch ng tanghaling iyon sa isang restaurant. Niyaya kasi siya nito na mag-lunch. Sino ba naman siya para hindiaan ang tito niya?
"Ano iyon?" tanong nito habang ngumunguya. Tinanong ni Alyna kung kamusta si Miguel sa bago nitong posisyon. Naging totoo naman ang kaniyang tito Enriquez na maganda ang performance ni Miguel at talagang deserve nito ang posisyon. Napatango-tango naman siya. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Miguel kanina na pakinggan ang paliwanag nito. Matapos nilang magtanghalian ay bumalik na sila sa gusali. Nakita niya si Miguel na hinihintay siya pero hindi niya binigyan ito ng pagkakataon na makausap siya.
Alas syete iyon ng gabi at out na ni Alyna. Nang makarating siya sa parking lot kung saan naroon ang bagong labas niyang sorts car, natigilan siya ng makita si Miguel na naroon sa tabi ng sasakyan niya. Nagsalubong ang kilay niya.
"Anong ginagawa mo RITO, mIGUEL? Di ba nag-usap na tayo na wala ka ng dapat ipaliwanag pa? Kung puro kasinungalingan lang naman ang mga sasabihin mo. Huwag na lang!" sabi niya at akmang bubuksan na ang sasakyan ng magsimulang magpaliwanag si Miguel. Nagtapat ito na totoo na sinabi niya iyon kay Joseph pero pinagsisihan nito lahat. Nang mawala siya doon narealize ni Miguel na hindi lang iyon ang motibo ng binata kundi natutunan siya nitong mahalin. Hindi alam ni Alyna kung ano ang papaniwalaan ng mga sandaling iyon. Sumakay siya agad sa sasakyan at pinasibad iyon paalis. Bago natulog si Alyna ng gabing iyon ay napaisip siya sa mga sinabi ni Miguel. Kita niya kasi sa mukha at boses nito ang sinseridad sa mga sinabi. Napag-isip-isip ni Alyna na bigyan ng chance ang pagmamahalan nila at paatawarin ito. Lahat naman ng tao ay nagkakamali. Ang mahalaga nagsisi at handang magbagong-buhay.
Kinaumagahan, nang makarating si Alyna sa kaniyang opisina. Tumibok ng malakas ang puso niya ng makita ang isang pumpon ng bulaklak sa kaniyang mesa. May letter pa. Binasa ni Alyna ang nakasulat.
"Handa kitang ligawan ulit mapatunayan ko lang na totoo ang nararamdaman ko para sa 'yo, Alyna," basa niya sa nakasulat. Napapikit siya dahil sa kilig na nararamdaman. Ilang araw na ganoon ang nangyayari. Hindi na rin siya nagpupunta sa karinderya dahil may nagdedeliver na ng pagkain sa kaniya na nakapangalan kay Miguel. Nang sandaling iyon ay buo na ang loob ni Alyna na sagutin si Miguel. Handa niyang kalimutan ang lahat para makapagsimula sila ulit. Tanghali iyon at tapos na siyang kumain ng biglang may kumatok sa kaniyang pintuan. As usual, may nagdeliver na naman ng pagkain sa kaniya na galing kay Miguel.
"Pasok!" sigaw niya mula sa labas. Bumukas iyon at ang kaniyang Tiyo Enriquez ang pumasok. napatayo siya.
"Tito, bakit po?" tanong niya. Ngumiti ito.
"May ipapasuyo sana ako sa conference room. May naiwan kasi ako doon," sabi nitosaka tumalikod at umalis na. Napaisip siya. May sekretarya naman ang tiyo niya para utusan bakit siya pa? WELL, baka confidential ang ipinapakuha nito. Tumayo na lamang siya at nagtungo sa conference room. nang buksan niya iyon ay halos mapanganga siya ng makita ang loob. Hanggang sa narinig niya si Miguel na umawit kasabay ng pag-gitara. Lumamlam ang mga mata niyan napatingin dito habang titig na titig ito sa kaniya. Naglakad ito palapit sa kaniya. Napanganga siya ng mabasa ang nasa dingding na "Will You be mine?" 
"Will you be mine?" tanong nito ng makalapit sa kaniya. Wala ng dahilan pa para magpakipot siya. Alam niyang napatunayan na nito ang sarili sa kaniya.  Tumango-tango siya.
"Yes. Alam kong deserve mo 'to. You deserve a second chance," sinsero niyang sabi. Ngumiti ito.
"Hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na ibinigay mo sa 'kin, Alyna," tugon nito. Palakpakan ang mga nakasaksi na nasa labas ng conference room kabilang na ang kaniyang tiyuhin na kasama sa plano. Nagpasalamat si Miguel sa kaniyang tiyuhin dahil pinayagan siya nito na ipagamit ang conference room para sa surpresang ito. Nagkatitigan ang dalawa at unti-unting naglapat ang mga labi. Nang mga sandaling iyon ay masaya ang dalawa dahil natagpuan nila an tunay na pag-ibig. Higit sa lahat, si Alyna dahil hindi siya nagpadaig ng galit niya kundi nanatili sa kaniyang pusoang pagpapatawad.

Book Comment (269)

  • avatar
    Ricablanca Desirie

    good story

    08/03

      0
  • avatar
    EmrrMohha

    nice story

    13/12

      0
  • avatar
    Mirull Efype

    wow

    17/10

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters