logo text

The Heiress's Plan (Chapter 1)

Pinakatitigan ni Melissa ang kaniyang mukha sa salamin. Ibang-iba ang Melissa na kaniyang nakikita. May malaking salamin sa mata, may makapal na kilay, may mangilan-ngilang tigyawat sa mukha at makapal na labi.
Umalis siya sa harap ng salamin at kinuha ang shoulder bag na nasa kaniyang kama. Isinukbit niya iyon sa kaniyang balikat. Bago pa siya makahakbang palabas ng silid ay nakarinig na siya ng sunod-sunod na katok sa pinto.
"Pasok! Bukas iyan," sigaw niya sa kung sinoman ang nasa labas. Bumukas ang pintuan at pumasok ang kaniyang ama na makikita ang pagtutol sa kaniyang mukha. Pagtutol sa gagawin niya.
"Dad, may sasabihin po ba kayo?" tanong niya. Pinakatitigan siya ng kaniyang ama.
"Anak, hindi mo naman kailangang gawin ito. You will have the highest position in the company because you are my daughter. Please stop this," pakiusap ng kaniyang ama.
Sa tatlong magkakapatid, nag-iisang babae lamang si Melissa at bunso pa. Ang kaniyang dalawang kapatid na lalaki ay may kaniya-kaniya ng asawa at pinamamahalaan ang dalawa nilang branch. Kaya hindi na nakapagtataka na ganoon na lang ang pagtutol ng kaniyang ama sa gagawin ni Melissa. Nilapitan ni Melissa ang ama at hinawakan sa kamay.
"Dad, ginagawa ko ito dahil may dahilan. Napag-usapan na natin iyon kagabi. Kaya pumayag ka na, dad," paglalambing niya saka inihilig ang ulo sa dibdib ng kaniyang ama. Malalim na napabuntong-hininga si Daniel. Kahinaan ng matanda ang paglalambing ni Melissa.
"Okay, basta mag-iingat ka. Kapag may nangahas na saktan ka. Sabihin mo lang at lalapatan natin ng kaukulang parusa. Maliwanag ba, anak?" tanong nito na may bahid ng awtoridad ang boses. Umalis si Melissa sa pagkakasandal sa dibdib ng kaniyang ama at masuyo itong nginitian.
"Opo. Thank you, dad!" masiglang tugon niya saka hinalikan sa pisngi ang pinakamamahal na ama. Ginantihan rin siya ng ngiti ng kaniyang ama saka pinakatitigan.
"You still beautiful. Manang-mana ka talaga sa nanay mo," puri ng kaniyang ama.
"Oo naman, dad. Wala naman pong pangit na tao di ba? Nasa tumitingin iyan kung paano i-appreciate ang itsura ng isang tao," tugon niya.
Tumango ang kaniyang ama. Natutunan niya sa kaniyang ina ang bagay na iyon na huwag manlalait sa isang tao base lamang sa pisikal na kaanyuan nito. Ang kagandahan at kagwapuhan ay kumukupas o nawawala sa paglipas ng panahon pero ang pagkakaroon ng magandang ugali ay nananatili iyon magpakailanman.
Ngayon ang unang araw ni Melissa bilang empleyado ng Ramirez Real Estate. Sumakay si Melissa imbes ng kotse dahil parte iyon ng pagpapanggap niya. Gusto niyang malaman kung ano ang magiging reaksiyon ng mga ito na ang isang tulad niya ay may kotse. Ipinark niya ang kotse sa aring area at naglakad palapit sa entrance ng gusali. May ilang empleyado na nasa labas na napapatingin sa direksyon niya.
Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa pangit niyang mukha? Lihim na napangiti si Melissa. Mukhang umpisa pa lang ay alam niya kung sino sa mga empleyado niya ang tumitingin sa panlabas.
"Sino ka?" tanong ng guwardiya na nagbabantay sa labas. Ipinakita niya ang ID rito.
"Bagong empleyado ako rito," tugon niya. Napangiwi ang guwardiya.
"Hindi ko akalain na tatanggap ang HR ng empleyado na walang pleasing personality," panglalait nito. Kakilala niya ang HR kaya walang dahilan na hindi siya matanggap. Alam din nito ang plano niya.
"So kailangan maganda ang maging empleyado ng kompanya? Hindi naman dapat sa panalbas tumitingin di ba? kundi sa kakayahan ng isang tao," sagot niya. Napasimangot ito.
"Ang dami mong sinasabi. Pumasok ka na lang," sabi nito. Hinintay niyang pagbuksan siya nito pero hindi nito iyon ginawa.
"Hindi mo bubuksan?" tanong niya. Nagsalubong ang kilay nito.
"Bakit ko naman bubuksan? Bahala kang magbukas," masungit nitong sagot. Bumuntong hininga siya at itinulak ang glass door.
Mukhang my i-teterminate na ako," mahinang bulong niya sa sarili. Iginala niya ang paningin at hindi na nagtaka ng makitang halos lahat ng empleyado na nasa lobby ay sa kaniya nakatingin.
Kung hindi lang ganito ang itsura niya marahil iisipin niya na tinitingnan siya ng mga ito dahil sa maganda siya pero hindi. Iba ang itsura niya ngayon. Kaya alam niya na ang rason kung bakit siya tinitingnan ng mga ito. Hahakbang na sana siya ng may dalawang babae na naglakad palapit sa kaniya. Tumigil ang mga ito iang metro ang layo sa kaniya. Sinuyod siya ng mga ito mula ulo hanggang paa.
"Look, tingnan mo siya Andy. Ang pangit niya 'no? Bakit ba na-hire ito? Eh ang halos buong mukha niya ay may tigyawat," panlalait ng babaeng may maikling buhok. Tumawa ng malakas ang mga ito.
"Bakit ka natanggap ng HR? Siguro naawa siya sa 'yo dahil kailangan mo ng pera para sa sarili mo!" sabi ng babae na tinawag na Andy. Lumapit ang babaeng may maiksing buhok.
"Sisiguraduhin namin na hindi ka magtatagal, rito. Ang mga kagaya mo ay hindi nababagay sa ganitong kompanya!" sigaw nito at itinulak siya dahilan para mapaupo siya.
"Stop, Andy and Elaine!" sigaw ng isang lalaki sa kanilang likuran. Napaatras naman ang dalawa.
"Sir Vince?" nahihintakutang sabi ng dalawa. Yumuko ang mga ito. "Sorry po," hinging-paumanhin ng mga ito. "Mag-uusap tayo mamaya. Magtungo na kayo sa inyong trabaho!" sigaw ng lalaki. Nagmamadaling umalis ang mga ito. Siya naman ay pinilit na tumayo. Napatingala siya ng makita ang isang nakalahad na kamay sa kaniyang harapan. Napalunok siya ng makita kung gaano kaguwapo ang lalaki.
"Hawakan mo na ang kamay ko para makatayo ka," sabi nito ng hindi niya tanggapin ang kamay nito. Hindi lang alam ni Vince na natulala si Melissa kaya hindi niya agad natanggap ang kamay nito. Nang magsalikop ang kanilang kamay ay hinila siya nito patayo.
"Pasensiya ka na sa dalawa. Hayaan mo at kakausapin ko sila," masuyo nitong sabi. Ngumiti siya.
"Salamat, Sir Vince," tugon niya.
"Saan ka ba nakatoka?' tanong nito at sabay na silang naglakad patungo sa elevator.
"Sa Finance department ako," sagot niya. Tumango-tango lamang ito. Nnag makapasok na sila sa loob ng elevator ay hinarap siya ng lalaki. Hindi ba ito nandidiri sa itsura niya at natititigan pa siya? Inilahad nito ang kanang kamay sa kaniyang harapan.
"Vince Fernandez pala," pagpapakilala nito sa sarili. Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito.
"Mellissa Sanchez," pagpapakilala naman niya sa sarili.
"Nice to meet you," ani nito. Tinugon niya rin ito. Humarap na ito sa elevator at isinndal ang likod.
"Buti hindi ka nandidiri sa itsura ko?" tanong niya. Saglit siya nitong tiningnan.
"Bakit naman ako mandidiri? Lahat tayo may mga dumi sa katawan at wala akong karapatang husgahan ka. Pare-parehas lang tayong empleyado dito," Hindi niya maiwasang humanga sa sagot nito. Hindi niya akalain na sa unang araw niya ay makakatagpo siya ng may mabuting puso.
"Salamat," iyon ang sagot niya bago ito lumabas ng elevator.

Book Comment (269)

  • avatar
    Ricablanca Desirie

    good story

    08/03

      0
  • avatar
    EmrrMohha

    nice story

    13/12

      0
  • avatar
    Mirull Efype

    wow

    17/10

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters