logo text

Her First Crush (Chapter 1)

Masayang kumakain ng popcorn sina Belinda, Lucas, Miguel, at si Ginang Maria habang nanunuod ng pelikula sa malaki flat screen tv ng pamilyang Domites. Pasado alas-otso na ng gabi at iyon ang tamang oras upang manood at mag-relax. Nasa kalagitnaan na sila nang palabas nang bilang mamatay ang lahat ng ilaw pati na rin ang tv.
“Wala bang kuryente?” tanong ni Belinda.
“Hindi, ate. Bukas ang ilaw ng mga kapitbahay,” ani naman ng kapatid nito.
“Titingnan ko ang fuse box sa labas dahil baka doon nagkaroon ng problema,” anang binata tsaka ito tumayo.
Pero bago pa man makalabas si Miguel sa back door at kusa na iyong bumukas at tumambad ang isa sa mga magnanakaw na nangloob sa bahay nila kahapon. Ito ang napabalita na nakatakas noong inaresto ang mga ito ng mga pulis. Napatayo naman sila dahil sa gulat at kaba lalo na nang maglabas ang lalaki ng baril.
“T-Teka lang. Sino ka ba at anong kailangan mo?!” nauutal na sigaw ni Ginang Maria.
Mapait naman na napatawa ang lalaki. “Nahuli lang naman kami ng mga pulis dahil sa pakialamero mong anak. Isa lang naman kasi ang gusto namin, ehh. Ibigay nyo ng maayos ang mga pera at lahat ng alahas na mayroon kayo. Pero itong si Miss. Little Girl na ito ay nanlaban pa sa halip na sundin ang sinabi namin. Kung maayos mo lang sanang sinuko lahat ng ari-arian mo, wala sanang problema.”
Inaamin niya na may punto ang mga binitawang salita ng lalaki na siyang pinuno ng grupo na nangloob sa bahay nila kahapon. Paano nga kung sumunod na lamang siya at binigay ang lahat ng mga alahas nila? Edi, wala sana sila sa ganitong sitwasyon ngayon. Hindi rin sana siya nagkaroon ng chance upang makasama ang lalaking pinakamamahal niya.
“P-Patawad. Pero pwede ka pa namang tumakas. Wala kaming gagawin. Umalis ka na ng maayos hanggat wala pang nakakapansin sa’yo,” aniya.
Tiningnan naman siya ng masama ng lalaki. “Nagpapatawa ka ba? Nakakulong na ang kapatid ko sa mabahong selda ngayon ng dahil sayo. Ano pang silbi ng pag-alis ko ngayon kung wala na naman akong kasama sa labas?”
“Hindi namin kasalanan ang nangyari sa inyo ng kapatid mo. Kung hindi nyo naisipan na magnakaw, hindi sana kayo mahuhuli,” anas naman ni Miguel.
“Magpapahuli rin naman ako sa mga pulis pagkatapos ko kayong ligpitin,” ani ng lalaki.
Napatakbo pabalik sa kanila ang binata upang daluhan ang ina nito. Kinasa naman ng lalaki ang hawak na baril tsaka iyon tinutok sa kanya. Hindi naman niya maiwasan na sisihin ang kanyang sarili dahil sa nangyayari sa kanila ngayon. Mas gugustuhin pa niya na hindi mapansin ni Miguel kaysa sa may mapahamak na tao ng dahil sa kanya.
Pare-pareho silang napaiktad nang biglang may kumatok sa may pintuan. Sunus-sunod iyon na tila walang balak na huminto kaya naman, sinenyasan siya ng lalaki na kumilos kaya naman, lumapit siya doon at binuksan ang pintuan.
“Okay lang ba kayo? Nandyan ba si Mrs. Domites? Napansin namin na ang bahay nyo lamang ang walang bukas na ilaw,” anang isang lalaki na kapitbahay nila.
Napalunok naman siya. “O-Okay lang. May naging problema lamang sa fuse kaya namatay ang kuryente.”
Sinusubukan niyang sumenyas sa lalaki na kausap niya gamit lamang ang kanyang bibig at ekspresyon. Nagsalita siya ngunit walang boses upang hindi marinig ng nangloob ang kanyang paghingi ng tulong. Naguguluhan naman ang lalaki dahil sa ginagawa niya ngunit nakuha rin naman nito ang gusto niyang sabihin dahil tumango ito at mabilis na tumakbo paalis. Sinaraduhan naman niya ang pintuan at sinadyang hindi iyon ikandado upang madaling makakapasok ang sinomang may mabuting loob na tutulong sa kanila.
“Bumalik ka rito. Hindi pa tayo tapos,” ani ng lalaki na may hawak ng baril.
Sinunod niya ang sinabi nito at muling bumalik sa tabi ng kanyang kapatid. Biyuda na si Ginang Maria kaya naman, walang asawang tutulong sa kanila ngayon.
“May pagkakataon ka pang magbago. Makakalabas din naman ang kapatid mo pagkatapos ng ilang taon. Maawa ka,”pakiusap niya.
Napatango naman ang lalaki. “Hindi naman namin ginustong gawin ito. Napilitan lang kaming tatlo dahil nasa hospital ang anak ng kapatid ko. Kailangan namin ng pera at kilala ang pamilya Ignacio na isa sa pinakamayaman dito sa subdibisyon kaya naman, iyon ang pinili naming looban. Kung sana ay binigay mo na lang ang mga ari-arian nyo, pare-pareho sana tayong walang problema ngayon.”
Hindi lahat ng masama o kriminala ay halang ang bituka. Ang iba sa kanila ay nagagawa lamang na magnakaw at gumawa ng kromen dahil sa kahirapan. Pero kahit saan pa ito tingnan ay mali pa rin iyon.
Napabuga ng malalim na hininga si Belinda habang hinahanda ang sarili sa kanyang katapusan. Ngunit talaga naman yata na kakampi nila ang tadhana dahil muli na namang naudlot ang tangkang pagnanakaw ng lalaki. Mula sa likod na pintuan na ginamit din ng salarin upang makapasok ay mabilis na nakapasok ang tatlong mga guwardya. Inagaw ng mga ito ang baril na hawak ng lalaki at pinagtulungan na dakipin. Napayakap naman sa kanya ang kapatid dahil pangalawang beses nang nangyari sa kanila ito.
“Kumusta kayo? Maayos ba ang pakiramdam nyo?” nag-aalalang tanong ni Ginang Maria.
Sabay naman silang tumango ng kapatid niya at pareho ring hindi sumagot. Ilang minuto pa ay dumating na rin ang mga pulis upang dakipin at dalhin sa presinto ang lalaki. Tiniyak naman ng mga otoridad na ligtas sila bago umalis at magpaalam ang mga ito.
Masarap gumising sa umaga kung alam mong ligtas at payapa ang magiging maghapon mo. Pero para kay Belinda, masarap gumising kung crush mo ang masisilayan mo sa tuwing umaga.
“Magandang umaga, Miguel,” bati niya sa binata.
Ngumiti naman ito sa kanya. “Good morning. Gusto mong sumama sa akin sa morning jog ko?”
Napatango naman siya kaagad. “Sure! Sandali lang. Magbibihis lang ako. Hintayin mo ako sa ibaba.”
Hindi na niya hinintay pang makasagot ang binata dahil kaagad na siyang pumasok muli sa kanilang tinutuluyang silid. Nagpalit siya ng damit na akma para sa pag-e-ehersisyo nila. Mabilis naman siyang tumakbo pababa suot ang kanyang leggings, at sando.
“Pwede bang dumaan muna tayo sandali sa bahay namin? Wala akong dalang sapatos, ehh,” aniya nang makalapit sa binata.
Tumango naman ito sa kanya. “Sige. Walang problema.”
Sabay silang lumabas ng bahay at magkasama rin na nagpunta sa bahay ng mga Ignacio ilang metro lamang ang layo mula sa bahay ng mga ito. Pumasok sila sa loob upang kuhanin ang sapatos niya. Pinaupo naman muna niya ang binata sa may sala habang patakbo naman siyang nagpunta sa kanyang silid. Ilang minuto lang din ang lumipas at nakabalik na siya agad suot ang kanyang sneakers.
“Tara na,” pag-aaya niya.
Ngumiti naman sa kanya si Miguel at sabay na silang lumabas ng kanilang bahay. Nagsimula na rin sila na mag-jogging sa may gilid ng kalsada kahit pa wala naman masyadong sumadaan na sasakyan doon dahil nasa loob sila ng subdibisyon. Tumakbo sila paikot ng buong village at kahit pa nakakaramdam na siya ng pagod ay nagpatuloy lamang siya. Ayaw kasi niyang mapahiya sa binata dahil natatakot siya na hindi na siya nito yayain sa susunod.

Book Comment (269)

  • avatar
    Ricablanca Desirie

    good story

    08/03

      0
  • avatar
    EmrrMohha

    nice story

    13/12

      0
  • avatar
    Mirull Efype

    wow

    17/10

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters