logo text

The Heiress's Plan (Last Chapter)

"Hello," sabi nito sa kabilang linya. Napapikit siya. Na-miss niya ito. Ganoon nga siguro na sa maikling panahon ay natutunan na niya itong mahalin.
"Si Melissa ito. Puwede ba kitang makausap ngayon?" ILang sandali ang lumipas hanggag sa magsalita si Vince.
"Sure. Pupunta ba ako sa office mo maam?" napakagat-labi siya na mapansin sa boses nito ang pang-uuyam.
"Okay. Hihintayin kita," aniya at pinatay na ang tawag. Ilang beses siyang huminga ng malalim hanggang sa marinig niya ang pagkatok sa kaniyang pintuan at ang pagbukas niyon.
"Ma'am narito po si Sir Vince. Papasukin ko na ba?" tanong ni Mila. Sekretarya ng kaniyang ama. Tumango siya.
"Sige," tugon niya. Pinapasok ni Mila si Vince. Pagpasok ng binata, inilahad niya ang sofa.
"Maupo ka," aniya. Naupo naman ang binata saka siya sumunod.
"Anong sasabihin mo sa 'kin Ma'am Melissa?" tanong nito habang madilim na nakatitig sa kaniya.
"Galit ka ba sa 'kin?" tanong niya. pinakatitigan muna siya ng binata bago bumuntong-hininga.
"Oo. Nagagalit ako dahil pakiramdam ko hindi mo ako pinagkakatiwalaan. Kaya pala ayaw mong magpahatid sa 'kin ay dahil malalaman ko ang sikreto mo," puno ng hinanakit nitong sabi. Nagbaba siya ng tingin.
"Hindi naman sa ganoon. Hindi pa kasi ako handang sabihin sa 'yo ang lahat. Sorry," puno ng sinseridad niyang sabi at nag-angat ng tingin. Nag-iba ang ekspreksiyon ng mukha ni Vince. Puno na ng paghanga ang mukha. Tumango ito at nagkaayos na rin sila. naging maaganda ang pamamalakad ni Melissa sa kompanya. Kinagiliwan siya ng mga empleyado dahil sa kabutihan ng puso niya. Sina Andy at Elaine ay nagsikap sa kanilang trabaho. Naging mabuti na rin sila sa kapwa nila empleyado na bagong hire. Nagustuhan iyon ni Melissa. Kapag nagkakasalubong sila ay ngumingiti ang mga ito. Lahat ng tao ay nagkakamali, kailangan mo lang ipaintindi sa kanila ang pagkakamali nila bao mabago nila iyon. Napansin din ni Melissa na iniiwasan siya ni Vince. Kaya naman ng out na ang binata ay agad siyang nagpunta sa parking area para makausap ito.
"Vince," tawag niya rito ng akmang papasok na ito sa kotse nito. Natigilan ito saka napalingon sa kaniya.
"Bakit, Ma'am Melissa?" tanong nito. Dahan-dahan siyan lumapit.
"Bakit mo ako iniiwasan? At saka huwag mo ako tinatawag na ma'am kapag nandito na tayo sa labas! Hindi mo alam na nasasaktan ako sa ginagawa mo?" tanong niya. Pinakatitigan siya ni Vince hanggang sa ipagtapat nito sa kaniya na gusto siya nito. Na kaya siya iniiwasan ay dail alam niyang walang patutunguhan ang nararamdaman nito sa kaniya. Sino daw ba ito para magustuhan niya? Isa lamang itong simpleng empleyado samantalang siya ay isang CEO. Hindi akalain ni Melissa na gusto rin pala siya ng binata. Na parehas lang silan ng nararamdaman.
"Gusto rin kita, Vince. Hindi ako tumitingin sa estado ng buhay. Gusto kita at tanggap ko kng anoman ang mayroon ka," sinsero niyang pahayag. Dahil sa sinabi niyag iyon, sinugod siya ng yakap ni Vince at hinalikan sa noo. Ngunit natigilan ng mapagtanto ang isang bagay.
"Tiyak na hindi ako tanggap ni Mr. Ramirez," malungkot nitong sabi.
"Sino nagsabi na hindi ka tanggap ng aking ama? Tatanggapin ka niya dahil gusto kita," Ikuwenento niya rito na nagmula lang din sa mahirap na pamilya ang kaniyang ama. Nang mga sandaling iyon ay nabuhayan ng loob si Vince at sinabing liligawan siya nito. Kinausap ni Melissa si Kaye at itinalaga ito bilang isang Chief Marketing Officer. Nalula si Kaye si taas ng posisyon na ibinigay sa kaniya. Buong-puso ang pasasalamat ni Kaye kay Melissa.
"Deserve mo iyan. Matagal ka na rin dito sa kompanya at nakita ko ang pagsisikap mo sa posisyon na mayroon ka." Kinausap din ni Melissa si Vince at ibinigay dito ang posisyon bilang isang Chief Operating Officer. Labis na namangha si Vince.
"Hindi ko ata matatanggap ang posisyon na iyan, Melissa," tugon nito. Nasa opisina ni Melissa si Vince. Lumipat ng upo si Melissa at hinawakan ang kamay ni Vince.
"Ibinibigay ko ito sa iyo dahil karapat-dapat ka sa posisyon na ito. Gusto ko rin na maging katuwang kita sa kompanya," Ngumiti siya. "Kaya, sinasagot na kita," tugon niya. Biniro ni Vince si Melissa na sigurado na daw ba ito sa kaniya? Ang sagot naman ni Melissa ay oo. Lumipas ang ilang buwan at nakita ni Melissa ang pagbabago nina Andy at ELaine kaya naman inilagay niya ang mga ito sa mataas na posisyon. Labis-labis ang pasasalamat ng mga ito sa kaniya. Nagpunta rin si Vince sa bahay nina Melissa at tanggap siya ng ama ng dalaga. Hindi nagtagal ay nag-propose si Vince kay Melissa. Dalawang buwan ang lumipas ay ikinasal ang dalawa. Naging magkatuwang sila sa kompanya na mas lalong umunlad dahil sa pakikisama nila sa mga empleyado.
Pakikisama sa kapwa ang kailangan sa buhay. Kung gusto mong umunlad, tumulong ka sa kapwa mo at huwag mong aabusuin ang kakayahan na mayroon sila para lang umunlad ka. Marunong magpatawad sa mga taong nagkamali at nagkasala sa iyo. Walang perpektog tao. Ang mahalaga naituwid mo iyong pagkakamali na iyon ng isang tao at handa itong magbago.

Book Comment (269)

  • avatar
    Ricablanca Desirie

    good story

    08/03

      0
  • avatar
    EmrrMohha

    nice story

    13/12

      0
  • avatar
    Mirull Efype

    wow

    17/10

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters