logo text

The Chubby Wife (Last Chapter)

"Baka napasarap siguro ang kuwentuhan nila ni Rommel," sabi na lang niya sa sarili at kumain na. Ngunit alas-kuwatro na ng hapon ay hindi pa rin umuuwi si Marlon. Tinatawagan niya ito pero unattended ito. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba at mag-isip ng hindi maganda pero kaagad niya iyon iwinaksi sa kaniyang isipan. Makakasira iyon sa pagsasama nila. Inaliw na lang niya ang sarili sa pag-aalaga sa kanilang anak.
"Salamat sa paghatid. Sa uulitin!" sabi ni Annie at binigyan si Marlon ng isang halik sa pisngi. Sa may kanto niya ito inihatid dahil baka makita siya ng kaniyang magulan at tiyak na sermon ang aabutin niya.
"Huwag mo na lang sasabihin o ikukuwento sa iba 'to," bilin niya. Tumango-tango ito.
"Oo naman!" sabi nito at tuluyan ng lumabas. Pinausad naman na ni Marlon ang sasakyan patungo sa kanilang tahanan. Alas syete na iyon ng gabi at nagugutom na rin siya. Malayo rin kasi ang pinuntahan nila ng dalaga at hindi na niya ito niyayang mag-dinner. Pagdating niya sa bahay ay ganoon na lamang ang galit niya ng makitang wala pang nalutong pagkain! Agad siyang nagtungo sa kanilang silid at nadatnan ang asawa na mahimbing na natutulog.
"Sanya!" sigaw niya na ikinaiyak ng bata. Agad namang tumayo si Sanya at kinuha ang bata at pinatahan ito sa pag-iyak.
"Bakit kailangan mong sumigaw? Hindi mo ba alam na may bata?" naiinis na sabi ni Sanya.
"Sinong hindi magagalit? Anong oras na Sanya hindi ka pa nakakapagluto!"
"Ngayon mo sasabihin sa 'kin iyan? Kung umuwi ka sana ng maaga eh di sana nakapagluto ako. Alam mo naman na may bata akong inaalagaan 'di ba?" naiinis na tugon ni Sanya. Agad na lumabas ng kuwarto si Marlon at iniwan ang asawa na tahimik na umiiyak. Nang mga sandaling iyon ay tinawagan nito si Annie para may makausap. Alam naman ni Annie na may asawa siya. Nagkita sila sa may kanto at nagtungo sa isang lugar kung saan sila nagtagpo.
"Bakit hindi mo na lang hiwalayan iyang asawa mo? Nandito naman ako para samahan ka. Bubuo tayo ng pamilya. Di ba masaya iyon?" tanong ni Annie. Umiling si Marlon. Hindi niya alam pero ayaw niyang lokohin ang asawa niya. Hindi niya alam kung bakit nagui-guilty siya kapag gagawin niya iyon.
"Eh, ano ako? Pampalipas oras?" tanong ni Annie. Akmang tatayo na ito ng pigilan niya ito sa kamay.
"Dumito ka muna," pakiusap niya. Iwinaksi nito iyon saka umalis. Siya naman ay nagtungo sa kaniyang magulang. Laking gulat ng mga ito ng makita siya. Ipinaliwanag niya rito ang mga nangyari at ang dahilan kung bakit nanlamig siya kay Sanya. Ipinagtapat niya rin sa kaniyang magulang ang pagkakaroon niya ng ugnayan kay Annie na kapit-bahay nila. Pinagalitan siya ng kaniyang magulang. Pero sinabi niya na doon muna siya magpapalipas ng gabi . Mabuti na lang at may uniporme pa siya sa trabaho sa bahay noong siya ay binata pa. Nagpadala siya ng mensahe sa asawa na pumasok na siya sa trabahong umagang iyon. Tumawag ito pero hindi niya sinagot. Sumapit ang tanghalian at nag-lunch siya sa isang fast food chain. Nagkataon naman na ang katapat niyang mesa ay may nakaupong babae. Isang matabang babae. Mas mataba pa kay Sanya. Napaawang ang kaniyang labi ng ilapag ng isang lalaki ang isang bucket ng chickenjoy at iba pa. Napaisip siya. Hindi ba dapat on diet ang asawa nito dahil mataba ito. Natawa ang babae.
"Ang dami nito, mahal. Baka tumaba ako lalo nto," sabi ng babae. Umupo ang lalaki sa katapat na upuan ng babae.
"Eh ano naman ngayon? Wala akong pakielm kahit mataba ka pa. Mahal kita at tanggap ko kung sino ka. Ang pagmamahal ay nasa puso iyan hindi sa nakikita ng mata," ani ng lalaki. Kitang-kita niya sa mukha ng babae ang kasiyahan. Nagyuko siya ng ulo. Ni minsan ay hindi niya iyon nakita sa mata ng asawa simula ng tumaba ito. Lagi na lang itong malungkot kapag sinasabi niya na magpapayat ito. Ngayon niya narealize na marami siyang naging kasalanan at pagkukulang sa asawa. Tumingin siya sa panlabas na kaanyuhan at nakalimutan niya na ang sinumpaan niyang pangako sa harap ng altar. Nang mga sandaling iyon ay nangako si Marlon na babawi siya sa asawa.
Nang makatulog ang bata ay nagtungo na sa kusina si Sanya para magluto ng hapunan. Sa katunayan, nalulungkot siya dahil hindi umuwi an asawa niya kagabi. Minsan naiisip niya na baka hindi na siya mahal ng asawa. Dahil ba iyon sa katawan na mayroon siya? Sinusubukan naman niyang mag-diet kahit papaano. Hindi naman kasi biglaan ang pagpayat. Nang matapos magluto ay nakarinig siya ng ugong ng sasakyan sa labas. Kumabog ng mabilis ang kaniyang puso at nagmamadaling nagtungo sa kuwarto para magbihis. Gusto niya maging fresh sa harapan ng asawa. Nang matapos sakto naman na bumukas ang pintuan at pumasok ang kaniyang asawa. Nilapitan niya ito.
"Napagod ka ba? nagluto na ako ng hapunan natin," aniya. Nakatitig lamang sa kaniya si Marlon.
"Bakit? May dumi ba ang mukha ko?" tanong niya. Lumapit ito sa kaniya at hinaplos ang kaniyang pisngi. May narealize sa sarili si Marlon ng mga sandaling iyon. Na kaya pala naguguilty siya na sumama sa ibang babae ay dahil mahal niya ito bonus na lang seksi nitong katawan noon. Iyon pala ang dahilan. Umiling siya.
"Walang dumi sa iyong mukha. Ang ganda mo nga, eh. Ito iyong mukha na gustong-gusto ko," anito at hinaplos ang kaniyang pisngi. Lumakas ang tibok ng puso ni Sanya dahil sa sinabi nito. Simula ng tumaba siya ngayon lang niya narinig na sinabi iyon ng asawa. Tumulo ang luha sa kaniyang pisngi. Hindi niya tuloy maiwasan na maging emosyonal. Gamit ang hinlalaki ni Marlon ay pinunasan nito iyon.
"Sorry kung nasaktan kita sa mga nasabi ko sa 'yo. Sorry kung binago kita. Sorry kung hindi ako naging mabuting asawa sa 'yo. Narealize ko na kapag mahal mo ang isang tao tanggap mo kung anuman ang maging pagbabago sa katawan nito," anito. napakagat-lbi si Sanya. Sobra siyang nasasaktan kapag pinipilit siyang baguhin ng asawa.
Dahil mahal ni Sanya ito ay ginawa niya iyon kahit mahirap. Ikwenento ni Marlon nag nakita niya kanina sa kinainan na fast food chain. Doon niya napagtanto n tumingin siya sa panlabas hindi sa panloob na katangian. Ipinagtapat din ng asawa niya ang ginawa niyang pakikipaglapit sa isang babae. Nasaktan siya pero kitang-kita niya ang pagsisisi sa mukha ng asawa. Kaya sino ba siya para hindi ito patawarin? Kung handa naman ito magbago bakit hindi? At saka wala naman namagitan sa kanila ng babae. Ayaw niyang masira ang pamilya nia kung papairalin niya ang pride.
"Pinapatawad na kita, hon. Magsimula na tayo ng panibago lalo at may anak na tayo," aniya. Agad na sinapo ni Marlon ang kaniyang mukha at mapusok siyang hinalikan sa labi. Punong-puno iyon ng pananabik at pagmamahal. Nang matapos ang halik ay pinagdikit ni Marlon ang kanilang noo at pinakatitigsn siya.
"mahal na mahal kita, Sanya," buong pagsuyo nitong sabi. Ngumiti siya.
"Mahal na mahal din kita, Marlon," buong pagmamahal niyang sabi. Niyaya na niya ang asawa na kumain ng dinner. Inasikaso siya ni Marlon. Ito ang naghanda ng hapunan nila sa mesa. Nilagyan din nitong pagkain ang kaniyang plato. Alagang-alaga ito sa kaniya. Natawa siya.
"Tataba ako neto, hon!" bulalas niya. Natawa rin si Marlon at naupo sa upuan.
"Ayos lang. Kumain ka lang ng kumain. Kahit tumaba ka pa ng bongga ay mamahalin at mahal pa rin kita," buong sinsero nitong sabi. Napangiti siya. Ngayon lang siya kakain na hindi iniisip na baka tumaba siya.
"Pero syempre dapat balance diet lang di ba? Huwag masyado," aniya. Natawa na lamang si Marlon. Nagsimula na silang kumain pagkatapos manalangin.
Sa buhay, minsan nagkakamali tayo ng desisyon. May mga pinapaniwalaan tayo na akala natin ay tama. Ang mahalaga, natuto tayo sa ga pagkakamali natin at handa tayong magsisi.

Book Comment (269)

  • avatar
    Ricablanca Desirie

    good story

    08/03

      0
  • avatar
    EmrrMohha

    nice story

    13/12

      0
  • avatar
    Mirull Efype

    wow

    17/10

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters