logo text

The Chubby Wife (Chapter 2)

Hindi maiwasang mapangiti ni Sanya habang nakatingin sa asawa na masayang-masaya. Makalipas lamang ang ilang linggo na pananatili nina Sanya at Marlon sa hospital, ay nadischarge na sila. Kitang-kita ni Sanya ang tuwa sa mukha ng asawa kapag hawak nito ang kanilang anak. Kaya naman, ginawa niya ang buong makakaya niya para mabago ang sarili. Para makapag-diet. Pero kahit anong gawin niya ay hindi niya magawa dahil nagbre-brestfeed siya.
"Nagda-diet ka na ba?" tanong ni Marlon ng kumakain sila ng hapunan ng gabing iyon.
"Oo naman! Hintayin mo lang papayat na ako niyan," saad niya. Napatango-tango naman si Marlon.
"Aasahan ko iyan. Kailangan mong maging presentable dahil malapit na ang birthday ni mama. Pupunta tayo doon. Nakakahiya na bibisita tayo sa kanila na ganiyan ka kataba," sabi nito. Napakagat-labi si Sanya. Sa susunod na buwan na ang birthday ng kaniyang biyenan na babae. Kaya ba niyang mag-diet ng ganong kaiksing panahon? Susubukan niya. Wala naman masamang sumubok.
Ngunit makalipas ang isang buwan at isang linggo na lang ang natitira bago ang kaarawan ng kaniyang biyenan. Napangiti siya sa salamin ng makitang may pagbabago ang kaniyang katawan. mataba pa rin pero nabawasan ang timbang niya kahit papaano. Lumabas si Marlon ng CR na nasa kanilang silid. Nakangiting lumingon siya sa asawa.
"Hon! Pumayat ako!" masigla niyang sabi. Pinasadahan siya ng tingin ni Marlon mula ulo hanggang paa.
"Hindi iyan ang katawan na gusto ko, Sanya," ani nito saka nagtungo sa crib ng bata at binuhat ito. Nalungkot si Sanya dahil hindi man lang na-aprreciate ni Marlon ang pagbabago ng kaniyang katawan. Lumapit siya rito at niyakap ito sa likod.
"Sige, susubukan ko ulit na mag-diet, hon hanggang sa kaarawan ni mama," pangako niya. Humarap sa kaniya si Marlon.
"Sige, aasahan ko iyan,"
Dumating ang kaarawan ng biyenan ni Sanya at konti lamang ang ibinawas ng kaniyang timbang. Walang nagawa si Marlon kundi ang isama ang asawa dahil gusto ito makita ng kaniyang ina lalong lalo na ang bata. Nang dumating sila sa bahay, bumaba na sila ng kotse.
"Oh hayan na pala sina Sanya at Marlon!" bulalas ng ina ni Marlon at lumapit sa kanila pero bigla itong natigilan ng makita si Sanya.
"Sanya, ikaw ba iyan?" hindi makapaniwalang tanong nito. Ngumiti si Sanya sa biyenan.
"Opo, ma. Ako nga po," Pinasadahan siya ng tingin ng ginang mula ulo hanggang paa.
"Ang laki ng itinaba mo. Pero ayos lang iyan, di ba , Marlon?" tanong nito. Alam kasi ng ginang na ayaw ni Marlon sa mataba. Tumango na lamang si Marlon at nauna ng naglakad papasok ng bahay. Nasaktan si Sanya dahil hindi man lang siya hinintay ng asawa. Napansin iyon ng ina ni Marlon pero hindi na lang ito nagsalita. Niyaya na siya nito na pumasok na sila sa loob.
"Masyado ka atang binusog ni Marlon, Sanya," biro ng kapatid ni Marlon na si Mae. Napatingin si Marlon sa asawa. Totoo pumayat ito pero hindi siya kontento sa improvement nito. Ang anak nila ay inaalagaan ng kanilang pinsan na si Paula.
"Masarap kasing kumain, Mae," ganting-biro ni Sanya.
"Kung talagang inaalagaan mo ang sarili mo, syempre magpipigil ka," hindi niya napigilang sabihin. Sinita si Marlon ng ina nito na hindi dapat ganoon ito magsalita. Dapat kahit mataba ang asawa, dapat tanggap niya ito. Napapalatak siya.
"Basta mag-diet siya. Iyon ang usapan namin," Tumayo na siya at nagtungo sa gilid ng bahay kung saan naroon ang kaniyang ama, pinsan at nakatatandang kapatid na lalaki. Binati siya ng mga ito. Umup na si mARLON sa isang bakanteng upuan at nilagyan ng alak ang kaniyang baso. Akmang iinumin na niya iyon ng makita ang isang babae na dumaan sa may kalsada. Seksi ito at maganda ang hubog ng katawan.
"Huwag mong sabihin na type mo? Oy! May asawa ka na, Marlon!" sabi ng kaniyang pinsan na si Ernesto. Hindi niya pinansin ang pinsan.
"Sino iyon?" tanong niya. Kumunot ang noo ni Ernesto. Ang kaniyang kapatid at ang kaniyang ama ay nag-iihaw hindi kalayuan sa kanila.
"Ah iyong babae? Pamangkin ni Aling Odessa. Galing Maynila," sagot nito na hindi binigyan ng pansin ang tanong ni Marlon. Napatango-tango lamang siya.
Gabi na ang makauwi sila Sanya at Marlon. Kaagad na nakatulog si Sanya at ang bata dahil sa pagod. Tumagilid siya ng higa at nagsimulang mag-type sa cellphone. Balak niyang padalhan ng mensahe ang babae na nakita niya kanina. Nakuha niya ang cellphone number nito sa anak na babae ni Aling Odessa na nasa high school. Binigyan niya ito ng pera para hindi nito sabihin sa pinsan na kinuha niya ang number nito. Napangiti si Marlon ng magreply ang babae. Nagpuyat siya na kausap ito tutal wala naman siyang trabaho kinabukasan. Kinabukasan nga, pagkatapos mag-agahan ay nagpaalam si Marlon kay Sanya na may pupuntahan ito. Hindi naman na nagtanong si Sanya dahil may tiwala naman siya sa asawa niya. Ang hindi alam ni Sanya, nagtungo ang kaniyang asawa sa isang lugar kung saan niya katagpuin ang babae ng walang nakakakita sa kanila. Magkikita sila ni Annie, ang babaeng nakita niya sa birthday ng kaniyang ina. Nang magkita ang dalawa, niyaya ni Marlon si Annie na mamasyal. Tuwang-tuwa naman si Annie ng mga sandaling iyon dahil makakapasyal ito. Nasa bente syete pa lang ang babae at hiwalay sa kinakasama. Habang kumakain sila Marlon at Annie hindi maiwasan na maalala ni Marlon ang asawa na ngayon ay nag-aalaga ng kanilang anak. Agad niyang iwinaksi iyon sa kaniyang isipan at itinuon ang pansin sa babaeng ka-date. Samantala, sa kabilang banda, hindi maiwasang mag-alala ni Sanya sa asawa dahil nangako ito na sasabay ito sa kaniya sa lunch.

Book Comment (269)

  • avatar
    Ricablanca Desirie

    good story

    08/03

      0
  • avatar
    EmrrMohha

    nice story

    13/12

      0
  • avatar
    Mirull Efype

    wow

    17/10

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters