"You may now kiss the bride," anunsiyo ng pari sa dalawang nasa altar ng mga sandaling iyon. Agad na humarap si Sanya kay Marlon pagkatapos sabihin iyon ng pari. Itinaas ni Marlon ang belo ni Sanya saka pinakatitigan ang asawa ng buong pagsuyo at pagmamahal. "I love you," masuyong sabi ni Marlon. "I love you, too," ganti ni Sanya. Dahan-dahan na inilapit ni Marlon ang mukha sa asawa at masuyo siyang hinagkan. Palakpakan ang mga saksi na mga naroon. Masaya sa pag-iisang dibdib ng dalawang nagmamahalan. Pagkatapos ng kasal at reception, nagtungo na ang mag-asawang Sanya at Marlon sa kanilang bagong tahanan. "Ang ganda!" Hindi napigilang maibulalas ni Sanya ng makita ang kanilang tahanan pagpasok na pagpasok pa lamang nila ni Marlon sa loob. Nagtungo si Marlon sa kaniyang likuran at niyakap siya saka inamoy ang kaniyang buhok saka hinaplos ang kaniyang balingkinitan na katawan. "Ang sexy talaga ng asawa ko," wika nito. Humarap si Sanya sa asawa at ipinalibot ang mga kamay sa leeg nito. "Paano kung tumaba ako?" tanong niya habang masuyong nakatitig sa asawa. "Hangga't maaari sana, i-maintain mo ang katawan mo," ani nito. Tumango-tango na lamang si Sanya. Siguro kapag nagbuntis na siya, mananatili pa rin ang kaseksihan niya. Nasa genes kasi nila na kapag nagbuntis ay tumataba. Pero sana ay huwag niyang mamana iyon. "Okay. Sabi mo, eh. Basta para sa ikaliligaya mo, gagawin ko," aniya at siya na ang humalik sa asawa na humantong sa isang mainit na tagpo. Ilang buwan ang lumipas at napansin ni Sanya ang mga pagbabago sa kaniyang sarili kaya naman nag-pregnancy test siya at nalamang buntis siya. Pagkarating ng kaniyang asawa galing trabaho, kaagad niyang ibinalita iyon rito. "Marlon! Buntis ako!" bulalas niya. Sobrang natuwa naman si Marlon ng makita ang pregnancy test at niyakap siya. "Thanks, hon! Sa wakas magiging tatay na ako!" bulalas nito at agad ring natigilan. "Bakit?" tanong niya. "Baka tumaba ka na niyan?" nag-aalangan nitong sabi. "Bakit? Ayaw mo bang tumaba ako?" tanong niya. Ang sagot naman ni Marlon ay ayaw nitong tumaba siya. Gusto nito na manatili ang magandang katawan niya. Walang nagawa si Sanya kundi ang tumango. Kaya naman nitong mga nakaraang araw ay pinipigilan niya ang sarili na mag-crave pero hindi pa rin niya mapigilan lalo at may bata sa kaniyang sinapupunan. At napansin iyon ni Marlon na nadadagdagan ang timbang niya. Habang nasa hapag-kainan sila ay tinanong siya ni Marlon. "Mukhang tumataba ka, hon?" tanong nito sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin. "Hindi ko kasi mapigilan ang kumain, hon lalo at may sanggol sa sinapupunan ko," saad niya. Napatango-tango si Marlon. "Okay pero huwag mo ng hayaan na mas tumaba ka pa," sabi nito na sinang-ayunan na lamang niya. Anim na buwan ng buntis si Sanya at domoble ang bigat niya. "Di ba sinabi ko na huwag kang magpapataba?! Ano iyan? Kain ka kasi ng kain kaya iyan ang nangyari sa 'yo!" galit na sabi ni Marlon. "Hindi ko mapigilan ang kumainn dahil nakakaramdam ako ng gutom!" balik-sigaw niya. Umalis si Marlon at lumabas ng bahay. Siya naman ay naupo sa kama habang may dumadaosdos na luha sa kaniyang pisngi. Hindi niya akalain na pag-aawayan nila ang tungkol sa katawan niya. "Bro, bakit ka nandito?" tanong ni Rommel ng makita siya habang binubuksan ang gate ng bahay nito. Si Rommel ay ka-trabaho niya sa kompanyang pinapasukan. Bumuntong-hininga siya saka pumasok sa loob. "Si Sanya, tumataba na," aniya sa malungkot na tinig. Nagtungo sila sa teresa at naupo roon. "Eh, buntis siya di ba? Ganoon talaga, Marlon," sabi naman ni Rommel. "Pero ayaw ko, Rommel. Gusto ko sexy siya at hindi mataba! Alam mo naman na ayaw ko sa mataba, di ba?" saad niya. Lumabas ang asawa ni Rommel na si Cindy at humalik sa pisngi ng asawa saka tumingin sa kaniya. Hindi maiwasang mapatingin si Marlon kay Cindy. Maganda pa rin ang katawan nito kahit may dalawa ng anak ang mga ito. "Oh, Marlon. Bakit ka napasyal?" tanong nito. Ikuwenento naman ni Rommel ang naging pag-uusap nila at napatango-tango naman si Cindy. Sabi nito natural lang iyon sa buntis. Hintayin daw nito na makapanganak si Sanya bago niya i-suggest na mag-diet ito. Tumango-tango na lamang si Marlon. Matapos ang pag-uusap na iyon ay umuwi na siya at nagtungo sa kanilang kuwarto. Nadatnan niya ang kaniyang asawa na mahimbing na natutulog. Hinalikan niya ang noo nito na naging dahilan pra magising si Sanya. "Hon," sambit ni Sanya sa pangalan niya. Inalalayan niya itong makaupo. "Pasensiya na kung umalis ako kanina. Gusto ko lang magpalamig ng ulo," masuyo niyang sabi. NGUMITI LAMANG si Sanya. "Okay lang. Hayaan mo mag-da-diet ako para sa iyo," sabi nito. Umiling siya. "Pagkatapos mo na lang manganak," ani nito. Niyakap siya ni Sanya. "Salamat, hon," anito. Makalipas ang apat na buwan, nanganak si Sanya ng isang malusog na baby. Isang lalaki. Sobrang galak ang naramdaman ni Marlon ng mga sandaling iyon at higit sa lahat, si Sanya na siyang nagluwal sa bata. "Hello, baby boy! Welcome to the world!" sabi ni Marlon habang tinitingnan ang anak na ngayon ay katabi ni Sanya.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good story
08/03
0nice story
13/12
0wow
17/10
0View All