logo text

Rags To Riches (Last Chapters)

Nasa opisina si Nathan sa mansiyon ng kaniyang lola ng hapon na iyon. Siya na kasi ang namamahala ng negosyo ng kaniyang lola esperanza. Nagsusupply sila ng bigas sa iba't-ibang panig ng Pilipinas. Mahirap pero kinakaya niya. Namatay ang kaniyang magulang dahi sa aksidente kaya ang kaniyang lola esperanza niya na ang nag-alaga sa kaniya. Nag-iisang anak ang kaniyang ina kaya walang ibang tagapagmana kundi siya lamang. Lumabas siya ng opisina. Pupunta siya sa kusina para gumawa ng sandwich. Nagutom siya. Natigilan siya ng makita ang dalaga na abala sa pagrereview sa salas ng makababa siya ng hagdan. Napangiti siya. Nag-aaral itong mabuti. Hindi niya kasi nabati ito noon dahil bigla siyang nahiya lalo na ng makita kung gaano ito kaganda. Matapos gumawa ng ng apat na sandwich na inilagay sa dalawang platito at dalawang baso ng juice ay lumabas na siya. Gusto sana ng dalawang katulong na ang mga ito na ang mag-prepara pero tumanggi siya.
Naglakad siya palapit sa dalaga. Nang makalapit inilapag niya sa tabi nito ang platito na may dalawag sandwich at juice. Natigilan ang dalaga. Hindi nito napansin ang paglapit niya dahil abala ito sa pagrereview. Tiningala siya ng dalaga.
"Thank you," magiliw niyang pasasalamat.
"Walang anuman," aniya saka tumabi rito. Nagsimula na siyang magtanong rito kung kamusta ang pag-aaral nito at kung nahihirapan ba ito. Hindi niya maiwasang humanga sa sagot nito.
"Oo. mahirap pero kakayanin para sa pangarap ko at para sa pamilya ko. Higit sa lahat, para kay Lola Esperanza para worth it lahat ng perang ipinambabayad niya sa tuition fee," puno ng sinseridad nitong sabi. Lola na kasi ang tawag ni Sharmaine sa matanda dahil iyon ang gusto nito. Nasa amiga nito ang matanda at pinag-uusapan ang patungkol sa negosyo. Nagkuwentuhan pa sila ng dalaga. Nang mga sandaling iyon ay unti-unting nagugustuhan ni Nathan ang dalaga dahil sa mabuti nitong kalooban.
Lumipas ang anim na taon at sa awa ng Diyos naging consistent sa pagiging Dean Lister si Sharmaine. Sobrang proud na proud si Donya Esperanza lalong-lalo na si Nathan na ng mga sandaling iyon ay mahal na ang dalaga. Lihim niya itong minamahal sa nakalipas na apat na taon. Higit sa lahat na masaya ay ang magulang ni Sharmaine na labis labis ang pasasalamat sa Donya.
"Wala iyon. Ginawa ko lang ang mabuti. Si sHARMAINE pA RIN ANG GUMAGAWA PARA SA PANGARAP NIYA. Masaya ako dahil may nabago akong buhay," ani ng matanda.
Samantala, naging abala si Sharmaine sa huling taon niya sa abogasya at hindi na sila gaanong nakakapag-usap ni Nathan dahil madalas siya nasa library. Minsan ginagabi rin siya sa pag-uwi. Pag-uwi niya ay natutulog na siya dahil sa pagod. Kapag umaga naman ay tulog pa ang binata at nagpapaalam na agad siya sa donya para pumasok sa unibersidad. Hindi sila nagpapang-abot ni Nathan. Alas otso iyon ng gabi at pauwi na si Sharmaine ng mansiyon. Binigyan din siya ng matanda ng kotse na magagamit niya sa pagpasok. Ipinasok niya ang kotse sa garahe saka lumabas at pumasok sa loob ng bahay. Napahawak siya sa dibdib ng makita si Nathan na nakaupo sa sofa.
"Ginulat mo naman ako Nathan!" bulalas niya. Tiningnan siya nito saka tumayo.
"Masyado kang busy," sabi nito pero mahihimigan ang pagtatampo sa boses nito.
"Kailangan eh. Kailangan kong magsunog ng kilay para ma-reach ko ang goal ko na maging Cum Laude," tugon niya. Dahan-dahan na lumapit si Nathan sa kaniya . Napalunok siya. Sa totoo lang, may gusto niya ang binata pero hindi niya lang iyon masabi dahil nahihiya siya. Baka kasi parang kapatid lang ang turing nito sa kaniya.
"Nathan," bulong niyang sabi sa pangalan nito ng ipalibot ng binata ang mga kamay sa kaniyang beywang.
"Gusto kita, Sharmaine," buong-pusong sabi ni Nathan na ikinaawang ng labi niya. Tama ba ang narinig niya? Gusto siya ni Nathan?! Nagbaba siya ng tingin dahil hindi niya kayang salubungin ang tingin nito. Aamin na ba siya?
"Ayos lang kahit hindi mo ako gusto, Sharmaine. Ang mahalaga nasabi ko ang nararamdaman ko para sa 'yo," wika ni Nathan. Hinalikan siya sa noo. "Matulog ka na para makapagpahinga ka." Tatalikod na sana ito pero natigilan sa sinabi ni Sharmaine.
"Gusto rin kita, Nathan. Hindi ko lang masabi dahil natatakot ako na baka hanggang kapatid lang ang turing mo sa 'kin." Humarap si Nathan at mabilis na niyakap si Sharmaine.
"Hihintayin kita hanggang sa makapagtapos ka at liligawan kita," ani Nathan. Nang gabing iyon ay masaya si Sharmaine dahil parehas sila ng nararamdaman ng binata.
Dumating ang araw ng pagtatapos ni Sharmaine. Masaya si Donya Esperanza at ang kaniyang magulang. Higit sa lahat, si Nathan dahil sa wakas ay magtatapos na ito at puwede niya na itong ligawan. Suma Cum Laude si Sharmaine. Nang malaman ito ng mga dati niyang kaklase ay nagtungo ang mga ito sa lugar kung saan idinaos ang graduation niya at binati siya. Humingi rin ng tawad ang mga ito sa pam-bubully sa kaniya. Nagpatawad si Sharmaie dahil mga bata pa sila noon. Nang tawagin ang pangalan niya para magsalita sa harapan ay agad siyang nagtungo roon. Hinawakan ang mic at nagsimulang magsalita.
"Unang-una ay nagpapasalamat ako sa Manlilika dahil siya ang may gawa ng lahat ng ito. Mula sa pagtatagpo namin ni Lola Esperansa na naging daan para makapag-aral ako sa kursong abogasya. Kaya para hindi masayang ang pagtulong niya sa 'kin, ginawa ko ang lahat para magkaroon ng mataas na grado dahil iyon lang ang alam kong paraan para worth it lahat ng tulong niya." Tiningnan niya si Lola Esperansa. "Maraming-maraming salamat po, la. Tatanawin kong utang na loob ito habang ako ay nabubuhay," madamdamin niyang pahayag. Ang ibang nakasaksi ay hindi maiwasan na tumulo ang luha dahil sa mga narinig. Tiningnan niya ang kaniyang magulang. "Maraming-maraming salamat po sa lahat 'nay at tay. Sa pagpapalaki ninyo sa 'kin. Soon, makakapagpatayo na po tayo ng sariling bahay."
Nang matapos ang graduation ay kaniya-kaniyang kuhanan ng picture. Bumilis ang tibok ng puso ng dalaga ng tabihan siya ng binata at sabihin na magpicture silang dalawa. Sabay-sabay na silang nagtungo sa mansiyon at pinagsaluhan na ang handa. Maraming handa an nakahain. Kahit sino ay puwedeng kumain. No exeption. Dahil rin sa kabutihan ni Donya Esperansa ay mas lumawak pa ang negosyo nito.
"Puwede na ba akong manligaw ngayon?" tanong ni Nathan ng magkatabi silang kumakain sa isang mesa. Tumango si Sharmaine.
"Oo naman," nakangiting sabi ni Sharmaine. At sa dalawang buwan na panliligaw ni Nathan ay sinagot na ito ni Sharmaine. Labis ang kagalakan ni Donya Esperansa dahil sila ang magkasintahan. Sumapit ang araw na mag-ta-take na bar exam si Sharmaine. Pinaghandaan niya iyon. Ilang buwan din siyang nagreview at laging nakaalalay sa kaniya si Nathan at binibigyan siya ng latest na reviewer. Lagi nitong pinapalakas ang loob niya at sinasabing makakapasa siya. Ang hindi alam ni Sharmaine ay may plano si nathan once na nakapasa siya. Dumating ang araw na malalaman na ang mga nakapasa sa bar exam. Sinamahan siya ni Nathan para tingnan ang kaniyang pangalan kung nakapasa siya. At ganoon na lang ang tuwa ni Sharmaine ng makita ang pangalan niya.
"Congratulations, mahal," puno ng pagsuyo na sabi ni Nathan kay Sharmaine. Ngumiti lamang ng matamis si Sharmaine saka mabilis na hinalikan sa labi si Nathan sa harap ng mga tao. Nanlalaki ang mga mata ni Nathan dahil sa gulat.
"Hinalikan mo ako?" hindi-makapaniwala nitong sabi. Namula ang pisngi ni Sharmaine ng mapagtanto ang ginawa.
"Oo. Thank you ko dahil tinulungan mo ako," Ngumiti lamang si Nathan saka niyaya na ang kasintahan na umuwi.
"Ano po ito lola?" tanong ni Sharmaine kay Donya Esperansa habang nakapiring ang mga mata at hindi alam kung saan sila ngayon. Kanina ay niyaya siya ng matanda na maggrocery hanggang sa gabihin sila. At ng nasa malapit na sila ng mansiyon ay piniringan siya ng matanda.
"Nandito na tayo!" anunsiyo ng matanda saka dahan-dahan na tinanggal ng kaniyang piring. Iminulat niya ang mga mata at halos matutop niya ang kaniyang bibig ng mabasa sa dingding ng salas ang tatlong salita na iyon. nakaluhod rin sa kaniyang harapan si Nathan habang hawak ang isang box. Unti-unting tumlo ang luha sa kaniyang mga mata dahil sa nasasaksihan.
"Will you marry me, Sharmaine? Are you willing to spend your life with me?" tanong nito. Napakagat-labi siya.
"Yes! Oo! Syempre!" aniya na ikinatawa ni Esperansa. Inilahad niya ang kaniyang kaliwang kamay sa binata. Tumayo ang binata at isinuot ang singsing sa kaniyang daliri. Niyakap siya ni Nathan.
"Thank you, Sharmaine," Palakpakan ang lahat ng nakasaksi kabilang na ang kaniyang ina at ama na nasa bahagi ng salas na hindi nakikita. Lumapit ang kaniyang magulang at niyakap siya.
"Congratulations, anak," buong pagsuyo nilang sabi. Lumapit ang matanda sa kanila saka siya niyakap.
"Masaya ako dahil magiging parte ka na ng pamilya. Masaya ako dahil kayo ang magkakatuluyan dahil alam ko na nasa mabuting babae ang apo ko," madamdaming pahayag ni Donya Esperansa. May luhang dumaosdos sa pisngi nito dahil sa labis kagalakan.
Masaya ang mga naroon, maging ang mga katulong. Kahit naman kasal na si Sharmaine sy hindi pa rin niya kakalimutan ang obligasyon niya na tulungan ang kaniyang magulang. Pinagsalo-salohan nila ang inihanda ng mga katulong na pagkain. Makikita sa mukha ng mga ito ang kasiyahan.
Sa buhay, hindi mo inaasahan ang biyaya na darating sa 'yo lalo kapag mabuti kang tao at may takot sa Diyos. Magsikap sa pag-aaral at makakamit mo lahat ng gusto mo. Kung may pangarap ka para sa pamilya lahat makakaya mo at kapag nangyari iyon worth it lahat ng hirap. Laging irespeto at igalang ang magulang dahil iyan ang magbibigay sa 'yo ng magandang buhay.

Book Comment (269)

  • avatar
    Ricablanca Desirie

    good story

    08/03

      0
  • avatar
    EmrrMohha

    nice story

    13/12

      0
  • avatar
    Mirull Efype

    wow

    17/10

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters