"Good morning students! Calling the attention of Miss Sharmaine Dizon. Go to the Principal Office now," Natigilan siya. Bakit pinapatawag siya? May nagawa ba siyang mali? Biglang naisip niya ang matanda. Hindi kaya pinapatawag siya nito? Agad siyang lumabas ng silid-aralan at nagtungo sa Principal's Office. Nadatnan niya ang matanda na prenteng nakaupo sa sofa. Ngumiti ito ng makita siya. Tumayo ito at sinalubong siya ng yakap. Niyakap niya din ito pabalik. Nang kumalas ito sa pagkakayakap sa kaniya, tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Donyang-donya ito sa suot na alam niyang hindi biro ang haga niyon. "Kamusta ka na?" tanong nito. "Ayos lang po ako. Kayo po? Mayaman po pala kayo," aniya na ikinatawa ng mahina ng matanda. "Oo aT DAHIL sa kabutihan na ipinakita mo sa 'kin, tutuparin ko ang pangarap mong maging abogado," sagot nito. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Totoo ba ang lahat ng ito? Hindi ba siya nananaginip lamang? Matutupad na ang pangarap niya? Pero bakit siya nito tinutulungan? "Bakit niyo po iyon gagawin?" tanong niya. "Bilang pasasalamat sa pagtulong mo sa 'kin at ngayon ikaw naman ang tutulungan ko," sagot ng matanda. Kitang-kita niya ang sinseridad sa mga mata nito kaya magtitiwala siya. Tumango siya. Tiningnan ng matanda ang principal. "Ako na ang bahala sa kaniya. Kilala niya ako," seryusong sabi ng principal. Tiningnan siya ng principal. Tumango siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ng matanda. Umalis na sila sa unibersidad at sumakay ng magara nitong sedan. Nalula siya dahil ito ang unang pagkakataon na makakasakay siya sa isang magarang sasakyan. "Gusto kong makilala ang magulang mo at ipaalam sa kanila na papag-aaralin kita," sabi ng matanda sa kaniya. Ngumiti siya at nagpasalamat. Masaya siya dahil may taong gustong tumulong sa kaniya para matupad ang pangarap niya. Hindi niya akalain na ito pala ang tutulong sa kaniya. Wala naman masama kung tatanggapin niya ang alok nito dahil kapag nakapagtapos na siya at naging ganap ng abogado ay susuklian niya lahat ng ginawa nitong kabutihan sa kaniya. Sinabi niya kung saan sila nakatira. "Balak kong kunin muna pansamantala si Sharmaine para doon sa bahay tumira. Kung gusto ninyo ay puwede naman kayo tumira din doon," sabi ng matanda. Nasa salas sila ng kanilang barong-barong at kaharap ang kaniyang magulang. Umiling ang kaniyang ama. "Paumanhin pero mukhan labis na po iyon. Kung papaaralin niyo po ang anak ko ay pumapayag po kami pero dito na lamang po kami. Hindi na po namin kayang umalis sa nakagawian lalo at may mga naging kaibigan na kami sa amingbhanapbuhay," sagot ng kaniyang ama. "Nirerespeto ko po ang desisyon ng aking asawa," wika ng kaniyang ina. Tumang-tango ang matanda. "Sige, kayo ang bahala," nakangiting sagot nito. "Gusto ko lamang po magpasalamat sa kabutihan po ninyo, ma'am. Hayaan po ninyo na susuklian ko po iyon kapag nakapagtapos na po ako," sabi ni Sharmaine. Umiling ang matanda saka sinabi na ginagawa nito iyon dahil gustio nitong suklian ang kabutihan na ipinakita sa kaniya ni Sharmaine at higit sa lahat, gusto niyang tumulong lalo at maganda ang hangarin ni Sharmaine kung bakit gusto nitong maging abogado. Matapos ang pag-uusap na iyon, nagpaalam na si Sharmaine sa kaniyang magulang. Masakit man dahil malalayo siya sa mga ito pero titiisin niya para kinabukasan niya at para mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang magulang. Ngunit nangako naman siya na bibsitahin niya ang mga ito kapag wala siyang pasok. Nalula si Sharmaine ng makarating sila sa destinasyon nila. Sa mansiyon ng matanda na si Donya Esperanza. Pumasok na sila sa loob ng mansiyon. Natigilan si Sharmaine ng makita ang isang binata na pababa ngayon ng hagdan. Napaka-guwapo nito at matikas ang pangangatawan. Ngumiti siya ng magtama ang kanilang mga mata pero seryuso lamang na nakatingin ang binata sa kaniya. "Iho, halika rito. Si Sharmaine nga pala. Iyong nabanggit ko na tutulungan ko," pakilala ng matanda sa kaniya sa binata. Naglakad palapit sa kanila ang binata pero nilampasan lang siya nito. "Pupunta lang po ako sa kaibigan ko," paalam nito sa matanda saka tuluyan ng lumabas ng bahay. Hinawakan siya sa siko ng matanda. "Pagpasensiyahan mo na si Nathan. Suplado talaga iyon pero mabait naman," hinging paumanhin naman ng matanda. Ngumiti lamang si Sharmaine at sinabing ayos lang. Iginiya siya ng donya sa isang napakagarang silid. Nalula siya sa ganda niyon. Nagpasalamat siya sa matanda. sinabi nito na magpahinga siya dahil pagkatapos nilang mananghalian ay pupunta sila sa ES University para mag-enroll. Nahiga siya sa malambot na kama. HIndi niya akalain na makakahiga pala siya sa ganitong kalambot na kama. Dumating ang pasukan at talagang pinagbubuti ni Sharmaine ang pag-aaral. Pagdating sa mansiyon kung saan siya nakatira ay nagrereview siya. Kapag wala naman siyang ginagawa, tumutulong siya sa mga katulong ng gawaing-bahay. Sobrang natuwa si Donya Esperanza sa ipinapakita ni Sharmaine. Kapag walang pasok ay umuuwi si Sharmaine sa kanila at sinusundo na lamang kapag linggo ng gabi. Malaki ang nagbago sa buhay ni Sharmaine simula ng makilala niya si Donya Esperanza. Isang araw. Maagang umuwi si Sharmaine, may pinuntahan naman ang matanda ng mga sandaling iyon. pagdating na pagdating niya, inilabas niya sa bag ang kaniyang libro at nagsimulang magbasa. Bukas ay may exam sila at hindi siya papayag na bumagsak siya.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good story
08/03
0nice story
13/12
0wow
17/10
0View All