logo text

Rags To Riches (Chapter 2)

"Hindi niyo naman po kailangang maghanda 'nay. Okay lang po kahit isang putahe lamang ang niluto ninyo," masuyo niyang sabi. Hinawakan ng kaniyang ina ang kaniyang pisngi at pinakatitigan siya.
"Okay lang iyon, anak. Pinahiram kami ni George ng pera dahil alam niyang magtatapos ka at valedictorian ka pa!" masigla nitong sabi. Si George ay matandang lalaki kung saan binabagsak ang mga nakakalakal ng kaniyang magulang. Niyakap niya ang kaniyang ina at nagpasalamat dahil kahit na gipit sila ay gumawa ito ng paraan para maipaghanda siya sa kaniyang graduation.
"Salamat po 'nay," buong-puso niyang sabi. Nagtungo na sila sa hapag-kainan at pinagsaluhan ang munting handa.
Matapos makapag-enroll ni Sharmaine sa isang unibersidad sa kanilang bayan, lumabas na siya ng campus. Tatawid na sana siya ng kalsada ng may kumalabit sa kaniya. Lumingon siya at nakita ang isang matanda.
"Anak, may extra ka bang pera diyan? Puwede ba akong makahingi ng tulong sa 'yo? Kanina pa kasi ako nagugutom. Wala naman may gustong tumulong sa 'kin. Nanakawan kasi ako ng pera," malungkot na sabi ng matanda saka inilahad ang kamay sa kaniyang harapan. Hindi maiwasang maawa ni Sharmaine sa matanda. Alam niya ang pakiramdam na mawalan. Sa katunayan pupunta siya ngayon sa canteen para kumain muna.
"Kain po muna tayo sa Karinderya, lola. Pagkatapos, bibigyan kita ng pera na pamasahe para makauwi na po kayo, sa inyo," sagot niya sa matanda. Ngumiti ng matamis ang matanda.
"Naku, salamat iha. Kaawaan ka nawa ng nasa Itaas," tugon naman ng matanda. Ngumiti lamang siya sa matanda at sinabi na wala lamang iyon. Alam niya din kasi ang pakiramdam ng hindi tinutulungan.
"Tara na po," alok niya sa matanda. Hinawakan niya ang kamay ng matanda saka inalalayan ito patawid ng daan. Nang marating nila ang karinderya ay agad ng namili ng pagkain si Sharmaine para sa dalawang tao. Kinuha niya ang order at inilapag iyon sa mesa nila ng matanda saka umupo.
"Pasensiya na po kayo, lola. Ito lang po kasi kaya ng budget ko po," hingin-paumanhin niya.
"Naku, wala 'yon, iha. Ang mahalaga may pagkain na pagsasaluhan at dapat kong ipagpasalamat iyon dahil tinulungan mo ako," sinserong sabi ng matanda. Ngumiti lamang si Sharmaine at inalok na sa matanda na kumain. Habang kumakain ay nagkuwentuhan sila ng matanda. Nasabi rin ni Sharmaine na isang basurero at basurera ang kaniyang magulang. Kitang-kita ng matanda ang lungkot sa mga mata ni Sharmaine.
"Kung maaari lang po sana, gusto ko po maging abogado. Gusto kong ipaglaban ang mga mahihirap na inaapi at naaagrabyado. Kaso hindi po kaya ng budget kaya guro po ang kinuha kong kurso. Ayos na po iyon sa 'kin. Ang mahalaga po ay makapagtapos ng pag-aaral at matulungan ko ang aing mga magulang. Higit sa lahat, maihahon ko po sila sa hirap," madamdaming pahayag ni Sharmaine. Hinawakan ng matanda ang kamay ni Sharmaine.
"Tiyak na matutupad iyang pangarap mo. Magtiwala ka lamang," makahulugang sabi ng matanda. Ngumiti lamang si Sharmaine dahil alam niyang hindi iyon mangyayarii. Pagkatapos nilang kumain at makapagpasalamat ang matanda sa kaniya, inihatid na ito ni Sharmaine sa sakayan ng jeep at binigyan ng pamasahe pero bago sumakay ang matanda ay tinanong nito ang pangalan niya.
"Sharmaine Dizon po," sagot niya. Kumaway siya sa matanda ng paalis na ang jeep. Naglakad si SHARMAINE NA MASAYA DAHIL nakatulong siya sa kapwa niya.
Sa kabilang banda naman, nang makauwi ang matanda sa tinitirhan na isa palang mansiyon. Ibig sabihin, mayaman ang matanda na tinulungan ni Sharmaine. Pumasok na siya sa loob at nadatnan ang kaniyang apo sa salas at may tinatawagan.
"La!" sigaw nito ng makita siya. Lumapit ang binata sa kaniya at tinanong kung anong nangyari sa kaniya at wala ang dala niyang bag. Ikuwenento naman ng matanda ang nangyari at ang pagtulong ng babae sa kaniya.
"Tutulungan ko siya, Nathan," seryusong sabi ng matanda.
"Sigurado po ba kayo? Baka gawan lang po kayo ng masama non," bilin sa kaniya ng binata. Umiling ang matanda.
"Hindi, tiyak kong mabuti siyang tao. Ramdam ko iyon. Isa na doon ang pagtulong niya sa 'kin ay katunayan lang na may mabuti siyang puso," Walang nagawa ang binata kundi sumang-ayon sa gusto ng matanda. Nang mga sandaling iyon ay may naiisip na ang matanda.
Maagang nagising si Sharmaine ng umagang iyon para pumasok sa unibersidad. Unang araw iyon ng pasukan kaya sobrang excited siya. Nagpaalam na siya sa kaniyang magulang saka binigyan ng halik sa pisngi. Nagtungo siya sa daan para sumakay ng pampasaherong tricycle. Nang makarating sa paaralan ay agad siyang nagtungo sa kaniyang silid-aralan. Binati niya ang kaniyang mga kaklase at ganon din ang mga ito sa kaniya. Pagkaupong-pagkaupo niya sa upuan. Nagsitayuan ang mga kaklase niya at dumungaw sa bintana.
"Sino iyang matandang iyan?" tanong ng isa niyang kaklase. Dahil sa kuryosidad, napatayo na rin siya at nakidungaw sa bintana. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang isang pamilyar na matanda na ngayon ay naglalakad patungo sa loob ng gusali. Hindi lamang iyon, may alay pa ito at may mga suot na alahas. Kilala niya ang matandang iyon! Ang matanda na tinulungan niya noong isang araw! Mayaman pala ito? Napapitlag siya ng marinig ang boses ng principal nila sa speaker.

Book Comment (269)

  • avatar
    Ricablanca Desirie

    good story

    08/03

      0
  • avatar
    EmrrMohha

    nice story

    13/12

      0
  • avatar
    Mirull Efype

    wow

    17/10

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters