logo text
Compilation Of One Shot 2

Compilation Of One Shot 2

Leah Felix


Rags To Riches (Chapter 1)

Alas-singko pa lang ng umaga ay gising na si Sharmaine para tulungan ang kaniyang ina sa gawaing bahay. Masaya naman ang kaniyang ina dahil sa pagiging responsable ng dalaga. Maaga din nagising ang kaniyang ama para magtungo sa maliit na bukirin nila na natatamnan ng mga gulay. Kahit papaano ay naitataguyod ng kaniyang magulang ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Pagkatapos magwalis ng bakuran ni Sharmaine at makapagluto ng almusal ang kaniyang ina ay pinagsaluhan na nila ang munting almusal. Makikita sa mukha ng mga ito ang kasiyahan na kahit pritong itlog at pritong talong lamang ang ulam ng mga ito.
"Pagbutihan mo ang pag-aaral anak at itataguyod namin ng iyong ina ang matrikula mo sa Kolehiyo," anang kaniyang ama.
"Puwede naman po ako magtrabaho habang nag-aaral 'tay," sagot ni Sharmaine. Umiling ang kaniyang ama.
"Hindi ako papayag, anak. Responsibilidad ka namin ng iyong ina at hindi ko hahayaan na magtrabaho ka habang nag-aaral." Wala ng nagawa si Sharmaine kundi ang sumang-aayon. Bilang ama ay nirerespeto niya ang desisyon nito. Nag matapos kumain, ay naghanda na si Shamaine sa pagpasok sa paaralan bilang isang fourth year student sa isang pampublikong paaralan sa kanilang barangay. Matapos makapaghanda ay nagpaalam na siya sa kaniyang magulang. Kumaway siya sa mga ito habang paalis saka tinalunton ang daan patungong paaralan.
"Mabuti na lang biniyayaan tayo ng anak na mabait at responsable. Higit sa lahat magalang. Kaya magsisikap tayo para lang mapag-aral siya sa Kolehiyo," determinadong sabi ni Oscar habang nakatingin sa papalayong bulto ni Sharmaine.
"Oo, gagwin natin ang lahat. Maghahanap ako ng extrang trabaho para may pandagdag sa mg gastusin. Tatanungin ko si Rina kung nangangailangan siya ng labandera," ani Gina.
Makikita sa mukha ng mag-sawa ang determinasyon na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang anak na si Sharmaine. Pumasok na sila sa loob para maghanda para magtungo sa kanilang hanapbuhay. Basureo at basurera ang hanapbuhay ng magulang ni Sharmaine. Mayroon tambakan ng basura na malapit lamang sa kanila. Namumulot sila ng mga plastic, karton at iba pa na puwedeng ibenta. Sa isang araw ay kumikita sila ng tatlong daan piso pababa. Kapag swenerte naman ay nasa tatlong daan pataas ang kinikita nila. Kahit ganoon man, hindi nila ikinakahiya ang trabaho nila dahil marangal ito at wala silang tinatapakang tao.
Taas-noong naglakad si Sharmaine patungo sa kaniyang classroom. Alam niya ng mga sandaling iyon na nakangisi ang mga kaklase niya. Makikita na naman niya ang nakasimangot na mukha ng mga ito dahil sa pang-iinsulto sa uri ng trabaho na mayroon ang magulang niya. Hindi siya dapat matakot o mahiya. Proud siya sa trabaho ng magulang niya dahil naitataguyod ng mga ito ang kaniyang pag-aaral at mga pangangaiangan nila kahit papaano. Napatingin ang mga kaklase niya ng pumasok siya sa loob ng kanilang silid-aralan.
"Ayan na si Miss Basurera," pang-aasar ng kalaban niya sa top. Tawanan ang lahat ng naroon. Nasaktan man siya pero hindi siya nagpadaig. Ngumiti siya at tiningnan ang mga naroon. Kailangan niyang depensa ang sarili. Kapag naging duwag siya ay uulitin ng mga ito ang ginagawa.
"Oo, basurero at basurera ang mga magulang ko. Mas mabuti na iyong ganoon na trabaho kaysa magnakaw di ba? Wala sa uri ng trabaho iyon basta ang mahalaga ay marangal." aniya saka umupo sa tabi ni Annalou na malungkot ang mga matang nakatingin sa kaniya. Naaawa ito dahil sa trato ng kanilang mga kaklase sa kaniya. Buong apat na taon ng kaniyang pag-aaral sa sekondarya ay ganoon ang trato ng mga kaklase niya sa kaniya pero tiniis niya iyon dahil may pangarap siya para sa kaniyang magulang.
"Pagpasensiyahan mo na sila. Tutal makaka-graduate naman tayo at hindi mo na sila makikita pa," sabi ni Annalou. Hindi na siya nagkomento pa HANGGANG SA DUMATING ANG KANILANG GURO para sa unang subject.
Dumating ang araw na iaanunsiyo na ng kanilang adviser ang mga nangunguna sa klase. Kung sino ang nasa top 1 hanggang 5.
"Our Top 1 is Ms. Sharmaine Dizon! Congratulations iha!" bati sa kaniya ng kaniyang guro. Binati rin siya pabalik ng mga kasundo niyang kaklase samantalang ag iba naman ay hindi masaya sa parangal na natanggap niya. Lumapit si Annalou sa kaniya at niyakap siya.
"Congrat, be. Deserve mo iyan dahil sa kasipagan mo," buong sinseridad nitong sabi.
May luhang tumulo sa mga mata ng kaniyang kaibigan dahil sa labis na kagalakan. Nang dumating ang kaniyang pagtatapos ay labis ang tuwa ng kaniyang magulang dahil sa wakas ay nakapagtapos na siya ng sekondarya. Bilang parangal ay binigyan siya ng full scholarship ng isang pribadong paaralan para sa kaniyang pag-aaral sa Kolehiyo. Labis-labis naman ang pasasalamat ng kaniyang magulang. Pagkatapos ng graduation at mabati ang isa't-isa ay umuwi na rin si Sharmaine kasama ang ama. Nagpaiwan ang kaniyang ina dahil magluluto raw ito ng hapunan nila. Alam niyang baka walang naihanda ang kaniyang ina dahil nagbayad ang mga ito ng fee para sa graduation pero ayos lang iyon sa kaniya. Pero laking-gulat niya ng makapasok sa bahay at may tatlong putahe na nakahain sa mesa. May pancit, sphagetti at puto na naroon. Napatingin siya kaniyang ina na nakangiti na nakatingin sa kaniya. Maluha-luha na niyakap niya ito.

Book Comment (269)

  • avatar
    Ricablanca Desirie

    good story

    08/03

      0
  • avatar
    EmrrMohha

    nice story

    13/12

      0
  • avatar
    Mirull Efype

    wow

    17/10

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters