"Bakit?" tanong niya. "Niyayaya kitang pumasok sa loob para mag-meryenda. Tara na!" "Okay," tugon niya saka naglakad na palapit sa mga ito at sabay silang nagtungo sa loob ng bahay. Kanina pa napapansin ni Gabriel ang katahimikan ni Cathy magmula kaninang umalis sila kina Janna. Napapansin niya na nakasimangot ito kanina habang kausap niya si Janna. Nagseselos ba ito? Agad siyang umiling. Imposible na magselos ito dahil tiyak naman na hindi siya nito magugustuhan. O baka naiinis ito dahil hindi niya ito kinakausap kanina. Puwede na iyon ang dahilan. "Pasensiya ka na kanina kung hindi kita nakausap. Lagi kasi akong kinakausap ni Janna," hinging-paumanhin niya. "Ayos lang," tipid nitong tugon. Hindi na lang niya ito pinansin at itinuon na ang pansin sa daan. Hindi lang kasi siya sanay na tahimik ito dahil lagi itong nagkukuwento sa kaniya kapag magkasama sila. Tapos sa backseat pa ito naupo. Kasi itong mga nakaraang araw ay sa passenger's seat na ito nauupo lalo at palagay na ang loob nila sa isa't-isa. Nang makarating sila sa mansiyon ng mga ito at maipasok iyon sa loob, agad niyang pinagbuksan ng pinto si Cathy. Pagkalabas na pagkalabas nito ay agad niyang hinawakan ang kamay nito at ipinihit paharap sa kaniya. Ipinalibot niya ang mga kamay sa bewang nito. "GABRIEL," paanas nitong sabi. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahapit rito. "Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit ka nagkakaganoon kanina," utos niya. Nag-iwas ito ng tingin. "Dahil naiinis ako! Naiinis ako dahil si Janna na lang ang kausapp mo kanina at hindi mo man lang ako pinapansin," pagmamaktol nito. Napangiti sya dahil doon. Ibig lang sabihin non, may gusto ito sa kaniya pero kailangan niyang i-confirm dahil ayaw naman niyang mapahiya. "Bakit ka naiinis?" pang-aasar niya. Tiningnan siya nito at inirapan. Aalis na sana ito sa pagkakayakap sa kaniya pero ang ginawa niya, sinapo niya ang pisngi nito saka mariin na hinalikan sa labi. Bahala na kung magalit ito. Dahil ng mga sandaling iyon ay natutukso na siyang halikan ito. Labis siyang nagtaka ng tugunin nito ang halik niya. Ibig bang sabihin niyon? May gusto rin ito sa kaniya? Iginiya niya ang dalaga sa tinutuluyan niyang simpleng bahay at ipinasok sa loob at inihiga sa kama. Darang na darang na siya ng mga sandaling iyon. Handa naman siyang panagutan ang dalaga kung sakali man na may mangyari sa kaniya na posibbleng mangyari. Pumaimbabaw siya rito at ng mga sandaling iyon ay may namagitan sa kanila na kailanman ay hindi niya pagsisisihan. Masaya siyang natulog sa tabi ng natutulog na dalaga na nakatulog na dahil sa pagod. Nagising si Cathy na masakit ang ibabang parte ng kaniyang katawan. Napangiti siya dahil naibigay niya ang sarili sa lalaking minamahal. Sa lalaking hindi niya lubos akalain na mamahalin niya. Iminulat niya ang mga mata. Iginala ang paningin sa kinaroroonan niya. Tumigil iyon sa isang lalaki na may ginagawa sa kitcenette na katabi lamang ng kama. "Gabriel?" tawag niya sa lalaki. Tumigil ito sa ginagawa at nilingon siya. Agad itong lumapit sa kaniya at umupo sa kama saka inalalayan siya na makaupo. "Ayos ka lang ba?" nag-aalala nitong tanong. Ngumiti siya. "Masakit lang ang katawan ko," aniya. Lumamlam ang mga mata nito na nakatitig sa kaniya. "Ako pala ang una mong karanasan. Thank you," buong sinseridad nitong sabi. Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi nito. "Dahil sa 'yo ko gusto ibigay ang sarili ko," Ngiti lamang ang itinugon nito saka tumayo. Inilahad nito ang kamay sa kaniya. "Meryenda muna tayo. Ihahatid kita sa bahay niyo mamaya baka madatnan tayo ng dad mo rito," paliwanag nito na kaagad naman niyang sinang-ayunan. may pinuntahan kasi itong kaibigan. Tama nga naman ito. Mahirap na kapag nadatnan sila. Tiyak na katakot-takot na sermon ang aabutin nila lalo at wala naman silang relasyon. Pinagsaluhan nila ang ginawa nitong hamburger at orange juice. Tahimik lamang silang kumakain hanggang sa matapos sila. Nagpasya na rin siyang magtungo sa bahay para mahiga sa kaniyang silid lalo at masakit pa rin talaga ang kaniyang katawan. Pagkatapos ma-i-park ni Gabriel ang sasakyan sa garahe, lumabas na siya. Huminga muna siya ng malalim para mabawasan ang kabang nararamdaman. Ngayon ang balak niyang pagtatapat ng namagitan sa kanila ni Cathy sa ama nito bilang pagrespeto. Hihingin niya ang kamay nito para maging kabiyak. Oo, mabilis man pero hindi naman puwede na isawalang-bahala niya lang iyon dahil may namagitan sa kanila ng dalaga. Pagkapasok sa bahay ay dumiretso siya sa opisina ng ginoo. Kahit si Cathy ay hindi alam ang gagawin niyang ito. Ang tanong, matatanggap kaya siya ng ama ni Cathy? Bahala na. Ang mahalaga sinubukan niya. Nang matapat siya sa pintuan ng opisina nito, huminga na naman sya ng malalim. Kumakabog ng malakas an kaniyang dibdib. Kumatok siya ng dalawang beses at ipinihit iyon. Iyon kasi ang bilin nito na gawin niya kung pupuntahan niya ito sa opisina. Nang makapasok, nakita niyang nakaupo ito sa swivel chair at nakatingin sa kaniya. "Magandang umaga po," bati niya. "May kailangan ka, Gabriel?" tanong nito. "May ipagtatapat po ako, sir," sabi niya. Iilahad nito ang kamay sa visitor's chair. "Maupo ka muna," paanyaya nito. Umiling siya.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good story
08/03
0nice story
13/12
0wow
17/10
0View All