"Cathy! Nasaan ka ba?! Bakit hindi ka pa umuuwi?!" galit na sabi nito. Sabagay, hindi niya ito masisisi dahil nag-aalala lang ito lalo at anong oras na. "Sir. May nangyari—" "Ano?! May nangyari sa inyo ng anak ko? Sino ka ba?!" sigaw nito. Napabuntong-hininga siya. "Patapusin niyo muna ako sir," panimula niya at ng hindi na nagsalita ito ay nagpatuloy na siya sa pagkukuwento sa nangyari. Labis ang pag-aalala nito pero sinabi niyang maayos ang kalagayan ng anak nito kaya wala itong dpaat ipag-alala na ikinapanatag ng loob nito. Sinabi niya rin ang lugar kung nasaan sila ngayon. Bumuga ng marahas na hininga ang ginoo. "Sige, pupunta na ako diyan. Salamat iho sa pagtulong sa anak ko. Tatanawin kong utang na loob ito sa 'yo. Pasensiya na rin kung napagtaasan kita ng boses kanina," sabi at hinging-paumanhin nito. "Wala po iyon, sir. Naiintindihan ko po dahil ama po kayo. Wala pong anuman sir," aniya. Nagpaalam na ito kaya pinatay na ang tawag. Sakto naman na narinig niya ang sirene ng dalawang police mobile na papalapit sa kinaroroonan niya. Huminto iyon sa likuran ng kotse at lumabas mula roon si Jessie kasama ang dalawang pulis na tauhan nito. Lumapit sa kaniya ang dalawang pulis at agad na pinosasan ang lalaki na pupungay-pungay ang mata dahil mukhang nagising na ito. Nilapitan naman siya ni Jessie. "Kamusta iyong babae?" tanong nito. "Ayos naman siya," aniya saka ipinatingin kay Jessie ang babae. "Natawagan ko na rin ang ama niya at tiyak na on the way na ito. Mauna na ako, bro. Salamat sa pagresponde agad," Tinapik niya ang balikat nito. Ganoon din ang ginawa nito. "What are friends for kung hindi tayo magtutulungan 'di ba?" ani nito saka ngumiti. Tumango-tango siya saka nagtungo na sa kaniyang motorsiklo. Sumaludo siya sa kaibigan bago iyon pinasibad palayo. Nagising si Cathy na parang kung anong naaamoy siya. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at nakita ang kaniyang ama na labis ang pag-aalala na nakatitig sa kaniya. "Mabuti naman at gising ka na!" bulalas nito at ibinaba ang kung anumang bagay na ipinapaamoy nito. Herbal iyon na ipinapaamoy para sa nahimatay. "Yes dad. Buti at ligtas ako," maluha-luha niyang sabi. Muntik na siya don mabuti na lang at may nagligtas sa kaniya! Wait! Iyong nagligtas sa kaniya. Gusto niyang makita! Agad syang bumaba ng kotse. "Anak, saan ka pupunta?" tanong ng kaniyang ama. Hindi niya iyon pinansin. Nakita niya ang isang unipormadong lalaki di-kalayuan sa kaniya na may kausap sa cellphone. Lumapit siya roon. Lumabas na rin ang kaniyang ama sa sasakyan at lumpit sa kaniya. Hinintay niyang matapos ang pulis sa pakikipag-usap bago siya magsalita. "Nasaan po ang nagligtas sa 'kin?" tanong niya ng ibinaba na nito ang cellphone. Lumingon sa kaniya ang pulis. "Naku, umalis na, miss. Nagmamadali. Nasa police station na ang nagtangkang magnakaw sa 'yo at ilang oras na lang ay ikukulong na siya," paliwanag nito. Tumango-tango naman siya. Hndi man lang niya nakilala ang lalaking nagligtas sa kaniya para man lang mapasalamatan niya. Nang hindi siya nagsalita. Nilingon ng pulis ang kaniyang ama. "Mauna na po ako, sir. May kailangan pa po akong gawin sa station. Si Roldan na po ang maghahatid sa inyo para makauwi po kayong ligtas," ani nito saka binalingan ang pulis na nasa likod nito na hindi niya napansin dahil ang isip niya ay okopado ng lalaki. "Ikaw na ang bahala sa kanila, Roldan," paalala nito. "Yes, sir!" tugon ng pulis at sumaludo pa. Nagpaalaman na sila. Pumasok na rin sila sa loob ng kotse saka pinasibad iyon ng kaniyang ama pabalik habang nakasunod sa kanila ang sasayan na kinalulunanan ng pulis. "Kailangan mo ngayon ng personal driver, Cathy. Iyong driver na kaya kang ipagtanggol," pagbubukas ng paksa ng kaniyang ama. nasa hapag-kainan sila at naghahapunan. Hindi muna siya pinayagan ng kaniyang ama na magpunta siya sa trabaho. Magpahinga muna daw siya. Napatingin siya rito. "Dad, hindi naman na siguro mauulit—" "Mauulit man o hindi kailangan na natin maging maingat. Paano kung sa susunod iba na ang mangyari sa 'yo?" ani ng kaniyang ama habang matiim na nakatitig sa kaniya. Wala siyang nagawa kundi ang tumango. Tama nga naman ang kaniyang ama at ayaw niya na ulit mangyari iyon. "Okay dad," pagsang-ayon niya. Ngumiti ito. "Salamat naman at pumayag ka," "Para rin naman po ito sa kaligtasan ko dad," aniya. Nang matapos kumain ng hapunan ay nagtungo na siya sa kaniyang silid. Ipinikit niya ang mga mata pero ang sumasagi sa isip niya ay ang lalaking nagligtas sa kaniya. Hindi niya kasi gaanong nakita ang mukha nito dahil hinimatay na siya sa sobrang nerbiyos. "Sayang. pero kung bibigyan ako ng pagkakataon, sana makita ulit kita. O kaya ikaw ang maging driver ko," pagpapantasiya niya at natawa ng mahina sa huling sinabi. "Imposible," aniya na naiiling saka pinilit ang sarili na makatulog. Natigilan si Gabriel ng makita ang lalaking nakaupo sa upuan sa labas ng kaniyang bahay. Katabi nito si Jessie. Parang pamilyar sa kaniya ang itsura ng lalaki. Wait! Kamukha nito ang babaeng iniligtas niya noong isang araw. Baka ito ang ama ng dalaga? Tumayo ang lalaki. "Magandang umaga, Mr. Gabriel Roxas. Nandito ako para humingi sana ng pabor sa 'yo," sabi nito. Tumayo na rin si Jessie. "Bro, nagpunta siya sa presinto para hingin ang address mo dahil may hihilingin daw siya. Bilang respeto ay ibinigay ko," paliwanag naman ni Jessie. Tumango-tango siya. "Ayos lang, bro. Doon tayo sa loob ng bahay," anyaya niya. Sumang-ayon naman ang mga ito. Nauna na siyang naglakad patungo sa loob. Nang makarating ay naupo ang mga ito sa sofa. Maging siya ay naupo na rin sa pang-isahang sofa.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good story
08/03
0nice story
13/12
0wow
17/10
0View All