logo text

Her Savior (Chapter 3)

"Ano po favor ninyo, sir?" tanong niya. Huminga muna ito ng malalim.
"Gusto kita maging driver o bodyguard ng anak ko. Ayaw ko na maulit ang nangyari sa kaniya nitong nakaraan. Baka mas grabe pa ang mngyari sa kaniya. Baka hindi ko na mapatawad ang sarili ko," punong-puno ng pag-aalala nitong sabi. Sabagay, mas mainam nga talaga na magkaroon itong sariling driver o bodyguard. Walang pakundangan na sumang-ayon siya. Kailangan niya ng trabaho ngayon. Ipapaalam na lang niya sa boss niya na may nag-alok sa kaniya ng trabaho tiyak naman na sasang-ayon ito. Tumango siya.
"Opo. Payag po ako," aniya. 
"Salamat. Salamat din dahil iniligtas mo ang anak ko sa tiyak na kapahamakan," sinsero nitong sabi. Ngumiti siya.
"Wala pong anuman iyon."
"Gusto ko sana sa bahay ka tumira, iho. I mean, sa maliit na bahay na katabi ng bahay namin puwede ka doon para hindi mo na kailangang bumiyahe pa. Gastos ko na rin lahat ng mga pangangailangan mo," assurance nito. Napangiti siya sa offer nito. Kailangan niya talaga iyon para makaipon siya. Pero biglang may sumagi sa isip niya.
"Sige po payag po ako pero may pakisuyo lang po sana ako," sabi niya.
"Sige anything," tugon naman ng ginoo.
Nagising si Cathy na pasikat na si haring araw. Kaagad siyang bumangon, lumabas ng silid at bumaba ng hagdan. Habang pababa ay narinig niya ang boses ng kaniyang ama na may kausap.
"Tiyak na makakasundo mo ang anak ko pero alam ko naman na kaya mong i-handle ang ugali niya," wika nito na naging dahilan para magsalubong ang kaniyang kilay. Sino naman kaya itong kausap ng kaniyang ama? Nanlaki ang kaniyang mga mata ng mapagtanto kung sino iyon. Iyong magiging driver ata niya iyon! Tuluyan na siya bumaba. 
"Hi dad!"bati niya sa kaniyang ama. Lumingon ang kaniyang ama.
"Hello, iha. Good morning," bati nito. Lumapit siya sa kaniyang ama at binigyan ito ng isang halik halik sa pisngi. Ramdam niyang nakatingin sa kaniya ang lalaki. 
"Nga pala, iha. Narito pala si Gabriel, siya ang magiging personal driver mo  bodyguard," ani ng kaniyang ama saka binalingan si Gabriel.
"Ikaw na ang bahala sa anak ko. Sa'yo ko na ipagkakatiwala ang buhay niya," wika nito. Tumayo si Gabriel at iniabot ang kamay sa kaniyang harapan.
"Gabriel pala," pagpapakilala nito. Tinaasan niya ito ng kilay.
"Sorry pero hindi ako nakikipagkamay sa empleyado ko," aniya saka tumalikod at naglakad patungo sa hagdan.
"Maliligo lang po ako, dad then sabay na tayong kumain ng agahan," aniya saka dire-diretsong umakyat sa itaas. 
"Pagpasensiyahan mo na ang inasal ng anak ko. Ganiyan talaga iyan. Kung maaari sana baguhin mo siya. Baka ikaw ang makapagpabago sa kaniya," pakiusap nito. Tumango-tango siya.
"Gagawin ko po ang makakaya ko," assurance niya. 
Nagkuwentuhan pa sila ng ginoo ng ilang minuto hanggang sa matanaw niya ang dlaaga na pababa ng hagdan. Hindi niya maiwasang mapatitig rito dahil sa taglay nitong kagandahan. Bumagay rin rito ang suot na uniporme na humahakab sa katawan nito. Kung alam lang siguro nito na siya ang lalaking nagligtas dito ay tiyak na iba ang magiging trato nito sa kaniya. Tumayo ang ginoo at nagpaalam na kakain muna sila. Inalok siya nito pero tumanggi siya. Kumain na kasisiya bago nagtungo rito. Habang naghihintay ay in-open niya ang cp niya maglaro. Pampalipas-oras.
"Let's go," narinig niyang sabi ng babae. Tiningala niya ito at nasa harapan niya ito at nakapamaywang. Tumayo na rin sya saka binuksan ang pintuan para sa dalaga. Nang makalabas ito, sumunod na rin siya. Nagtungo na sila sa kotse nito at pinagbuksan ito ng pintuan. Hindi man lang ito nagpasalamat na hinayaan na lang niya.
"Suplada," aniya saka umikot na at pumasok sa deriver's seat.
"Ma'am, may sasabihin ako," ani ni Gabriel ng nasa daan na sila patungo sa kompanya na pag-aari nila. Tiningnan niya ito sa rear view mirror.
"Yes, ano iyon?" suplada tanong ni Cathy.
"Dapat po bilang CEO maayos ang ugali sa kapwa tao. Hindi iyong nagsusungit. Kasi doon ka mas nirerespeto, eh," makahulugan nitong sabi. Inirapan niya ito.
"Ano ba ang pakielam mo?" mataray niyang sabi.
"Sinasabi ko lang po. Iyon ang pinaka-importanteng ugali sa lahat. kung gusto mong respetuhin ka, dapat marunong kang rumespeto, wika nito. 
Hindi naman siya suplada. Na-intimidate lang siya sa lalaki kanina. Ang guwapo kasi nito. At ang pagtrato niya sa mga empleyado, iyon kasi ang alam niya. Pero ng mga sandaling iyon ay naantig ang puso niya sinabi nito. Tama nga naman ito. Tumingin siya sa labas ng bintana.
"Okay," aniya. Hindi niya napansin ang pagngiti ni Gabriel. Masaya ito dahil napasunod niya ang dalaga.
Napasandal si Cathy sa kaniyang swivel chair matapos pirmahan ang kahuli-hulihang dokumento. Hindi niya maiwasang isipin si Gabriel. Nitong mga nakaraang mga araw ay naging komportable na sila ni Gabriel sa isa't-isa. Madami rin siyang natutunan rito. Dahil siguro sa nakukuha niya lahat ng gusto niya kaya pati ugali niya nagbago. Thanks to Gabriel dahil binago siya nito. At sa maikling panahon na iyon ay nagustuhan na niya ang binata.
"Kamusta kaya siya ngayon?" hindi niya napigilang itanong sa sarili. 
Kapag nasa bahay ito ay nasa hardin ito at nagdadamo o kung anuman ang iutos rito ng kaniyang ama. Napatingin siya sa wall clock ng kaniyang opisina. Mag-aalas-singko na ng hapon. Napangiti siya. Susunduin siya nito maya-maya. Usapan rin nila ni Janna na magkikita ngayon. Na-miss daw siya nito saka gusto nito makita ang driver niya slash bodyguard.
Nang sumapit ang alas-singko, kaagad niyang isinukbit sa kaniyang balikat ang hand bag at lumabas ng opisina. Nagpaalam na rin siya sa kaniyang seretarya bago tuluyang pumasok sa elevator na magdadala sa kaniya sa lobby. 
Nang makarating sa parking area, nakita niya si Gabriel na nakasandal sa kaniyang kotse. Hawak nito ang cellphhone at mukhang may ka-text. Mukhang napansin nito ang presensiya niya kaya napatingin ito sa direksiyon niya. Ngumiti ito sa kaniya. Kumabog ng mabilis ang dibdib niya dahil mas lalo itong gwumapo sa pang-ngiti nitong iyon. Agad siyang lumapit rito.
"Kanina ka pa?" tanong niya. Umiling ito.
"Kararating ko lang. Let's go?" paanyaya nito. Tumango naman siya. Pinagbuksan siya nito ng pintuan ng passenger's seat. Nang makapasok, sumunod na rin ito saka pinasibad ang sasakyan patungo kina Janna. Siya ang nagbibigay direksiyon rito.
Nang marating nina Cathy at Gabriel ang bahay ng kaibigang si Janna. Bukas na ang gate ng mga sandaling iyon at naroon ang kaibigan a labas at inaabangan sila. Nag-text kasi siya kanina na malapit na sila. Mukhang interesado talaga na makilala ni Janna ang kaniyang driver. Hndi na niya hinintay na pagbuksan pa siya ni Gabriel. Lumabas na siya ng kotse at sinalubong si Janna.
"Bes!" tili niya saka nagyakapan sila. Nang kumalas si Janna sa pagkakayakap sa kaniya, pinakatitigan siya nito.
"Asan na ang driver mo?" mapang-usisa nitong tanong. Tiningnan niya ang sasakyan.
"Nasa loob ng sasakyan," aniya. Inirapan siya nito.
"Dali! Tawagin mo na para makita at makilala ko!" nagmamadali nitong sabi. Bumuntong-hininga siya saka nagtungo sa pintuan ng driver's seat saka kinatok iyon. Bumaba naman ang wind shield niyon.
"Bakit?" tanong nito.
"Lumabas ka daw. Gusto kang makita ng kaibigan ko," nahihiya niyang sabi. Nagsalubong ang kilay nito. Nag-iwas siya ng tingin. Tiyak na iniisip na nito na baka naikukuwento na niya ito sa kaibigan. Well, wala naman masama doon. Normal lang n magkuwento ka ng mga bagay-bagay sa mga kakilala mo.
"Okay," sagot nito saka lumabas ng kotse. Tiningnan niya ang kaibigan na ngayon ay nakatingin kay Gabriel. Nang pumihit ang binata paharap kay Janna, namilog ang mga mata nito kasabay ng pag-awang ng mga labi pero kaagad din iyong itinikom ng kaibigan. Lumapit si Gabriel kay Janna. Siya naman ay naiwan sa labas. Inilahad nito ang kamay sa dalaga.
"Nice to meet you," ani nito. Tinanggap naman ni Janna ag pakikipagkamay nito.
"Nice to meet you too," nakangiting tugon naman ni Janna. Hindi niya maiwasang magselos ng mga sandaling iyon kahit man sabihin na kaibigan niya si Janna. Single si Janna at maganda kaya hindi imposible na magustuhan ito ni Gabriel.
"Cathy!" Naudot si Cathy sa malalim na pag-iisip ng tawagin ni Janna ang pangalan niya. Napatingin siya rito. Maging si Gabriel ay nakatingin na rin. Jusmiyo! Nakakahiya ang pagiging lutang niya!

Book Comment (269)

  • avatar
    Ricablanca Desirie

    good story

    08/03

      0
  • avatar
    EmrrMohha

    nice story

    13/12

      0
  • avatar
    Mirull Efype

    wow

    17/10

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters