Homepage/I Got Pregnant By A Billionaire/
Chapter 6
"Get away from me!"
Paulit-ulit na sigaw ko kay Zhander. I can't stand his smell. Really.
"Ano bang problema mo?! Malayo na nga ako sa'yo oh."
"Ewan ko sayo!" Irap ko sa kaniya. " Umalis ka nga sa harapan ko, nakakainis ang hitsura mo." Reklamo ko ulit. Padabog akong naglakad palayo sa kanya, palabas ng hospital.
"Sa'n ka naman pupunta?" Pasigaw na tanong niya. Hindi ako sumagot. Maski ang lumingon hindi ko ginawa. Patuloy lang ako sa paglalakad. Bigla-bigla nalang akong nabadtrip na hindi ko naman alam kung bakit.
"Sabrinah!"
Pagkalabas ko ng hospital, nagring ang phone ko.
"Hello, mommy."
"Sabrinah where are you?" Tanong ni mommy. Hindi naman halata na nag-aalala siya.
"Uhm, in the hospital."
"With Zhander? Bakit may nangyari ba?"
"No, nothing happened. Paano mo nga pala nalaman na I'm with Zhander?"
"Kay Chairman tsaka nagtext si Zhander sa'kin." Sagot niya. "Anyways, come home as soon as you can, nandito si Erickson."
"What is he doing there?" Iritadong tanong ko.
"He said he wanted to talk to you. Pumunta ka nalang dito. Ayaw umalis eh."
Tsk. Pinatay ko ang tawag.
Nakakainis!
Nagulat ako nang May biglang humablot sa kamay ko. Hinila niya ako papunta kung sa'n naka-park ang kotse niya.
"Ano ba?!" Sigaw ko.
"Get in the car." Cold na sabi ni Zhander. Nakakatakot pa ang hitsura niya.
"Sabi ko diba lumayo ka sakin."
"And I said get in the car. Uuwi ka na diba?" Binuksan niya ang kotse at tinulak ako papasok.
"Ayoko nga makita hitsura mo-"
Tinapunan niya ng maliit na tuwalya ang mukha ko.
"Ano ba! Bwisit." I cursed. Tinanggal ko ang nakatabon sa mukha ko.
"Ayaw mo'ko makita diba?" Kinuha niya mula sa kamay ko ang maliit na tuwalya. " Ayan, takpan mo mukha mo." Sabi niya sabay takip sa mukha ko.
"Bwis*t ka!"
*****
"Sabrinah." Tawag ni Erickson pagkapasok ko sa bahay.
"Bakit ka nandito?"
"Sabs, let's talk please."
"Sorry Erickson but I have nothing to say to you kaya please umalis kana."
"No Sabs, please hear me out."
"Sabi ko umalis kana! I don't wanna hear your sh*t anymore. "
"Sabs..."
"Erickson, get out!" He heaved a deep sigh.
"I'll just talk to you next time."
"No Erickson. There's no next time."
Lalapit pa sana siya sa'kin pero naglakad ako papunta sa kwarto ko. Iniwan ko siya para umalis na talaga.
"Sabrinah... Si Erickson asan na?" Tanong ni mommy.
"Pinalayas ko na. Bakit pinapasok niyo 'yun?"
"Eh nagpumilit eh. Kawawa naman." Sagot niya. " Nga pala, tumawag si Ellie kanina hinahanap ka."
"Bakit daw?"
"Ewan ko, hindi sinabi."
"Sige, tatawagan ko nalang yun mamaya. Punta po muna ako sa kwarto, inaantok ako eh."
Hindi ko na inantay pa ang sagot niya. Tinatamad talaga ako ngayon eh, dumagdag pa ang p*tang inang Erickson na yun.
Pagkapasok ko sa kwarto ko, nilagay ko sa table ang phone at bag ko.
"Hay... Kumusta na kaya si Ellie? Hindi man lang dumalaw ang bruha. Ano kayang pinagkakaabalahan no'n?" Tanong ko sa sarili ko. "Matawagan na nga."
Kinuha ko ang phone ko at hinanap ang number ni Ellie. Ang gaga wala man lang kahit isang message sa'kin.
"Hello, Sab! Kumusta?" Bungad niya pagkasagot.
"Hindi okay." Pagtataray ko. "Hinahanap mo raw ako kanina sabi ni mommy."
"Ah oo, muntik ko na makalimutan! Hindi ka ba pinuntahan ni Sarah sa bahay niyo?"
"Hindi. Bakit? Ano na naman ba ang problema sa malanding babaeng yun?"
"Eh kasi, iniwan ni Erickson kaya nababaliw na. Ang sabi niya nilalandi mo daw si Erickson kaya siya iniwan. Nagbanta pa nga na susugurin ka daw sa bahay niyo."
"Ang kapal ng mukha! Eh siya nga yong nang-agaw."
"Kaya nga eh." Tawa niya. "Baliw na baliw kay Erickson Haha..."
"Ellie, ibababa ko na to. Inaantok na ako eh." Sabi ko. " Nga pala, pwede kaba dumaan dito? Dalhan moko ng mansanas, okay? Bye!" Binaba ko na agad ang tawag, baka magreklamo pa eh.
ELLIE's POV
"Uy Ellie, uuwi ka na?" Tanong ni Mark, kasamahan ko sa trabaho. "Pwede ba sumabay?"
"Sige."
Ngumiti siya. "Nga pala, kumusta si Sabrinah? Nakakamiss ang presence niya."
"Alam mo, nakakasakit ka... Ako ang kasama mo pero si Sab hinahanap mo." Pabiro kong sabi.
"Seryoso... Nakakamiss naman kasi talaga si Sabrinah eh."
"Sabagay, tama ka naman. Dadaan ako sa bahay nila, gusto mo sumama?" Tanong ko kasi kahit hindi niya aminin alam kong may gusto to kay Sab. Hay... Ang tindi talaga ng charm ni Sabrinah.
"Pwede ba?"
"Ay wag na pala." Naglakad ako nang mabilis.
"Ellie naman eh!"
"Dalian mo na! Bibili pa tayo ng mansanas eh."
******
Chairman's POV
"Im home." Zhander announced. I act as if I didn't heard him.
"By the way, I have talked with Mr Ferrer." He said. Still I didn't move and faced him. Nakahawak lang ako sa phone ko. Alam ko naman na kasing pinuntahan niya sa hospital si Mr Ferrer dahil katatapos lang nitong tumawag.
"Itutuloy niya pa rin ang investment sa company." He said. "Chairman... Dad!"
"Hmm... I already know about that. If you have nothing else to say, go ahead and go to your room." I said, uninterested.
I noticed his annoyance.
"About Sabrinah Ellington-"
"Why? What about Sabrinah?" I cut him off.
"Tsk. She wants to cut the wedding."
"Why?" I ask. " Hmm okay. You can leave now." I told him. I pick up my phone and wrote a post in the Company's website.
No, there must be a wedding.... (Devilish grin).
Sabrinah's POV
"Sab! Nandito na si Ellie!!" Sigaw ni mommy sa baba.
"Sab!"
"Hmm... Ano ba? Ang ingay!" Mahinang reklamo ko. Inaantok pa ako eh.
Maya-maya lang tumahimik na ulit.
*Knock! knock!*
"Sabrinah?" A soft voice from outside my room. "Sab, pwede ba pumasok?"
"Hmmm..." Nakahiga pa rin ako at nakapikit. "Ellie..." Sabi ko.
I heard the door opened. "Ellie, ang mansanas ko?"
"Ah... Sab, si Mark to."
"Mark?" Tanong ko. Binuksan ko ang isang mata ko. "Mark Smith?" Napabangon ako. "What are you doing here?"
"Sinama lang ako ni Ellie. Anyways, how are you? I missed you." Ang seryoso ng mukha niya. Para tuloy nanuyo ang lalamunan ko.
Nga pala, crush ko siya before naging kami ni Erickson. Hindi alam ni Ellie yun kasi hindi ko sinabi. Hindi rin alam ni Ellie na nanligaw si Mark sa'kin right after ng break up namin ni Erickson. Pero di ko sinagot kasi nga broken hearted ako. Tsaka kaibigan nalang ang tingin ko sa kaniya ngayon nothing else.
"Ah hehe... Baba na tayo." Tanging sagot ko nalang. Nakakailang naman kasi ang tingin niya. Tapos may 'i missed you, I missed you' pa. Ang awkward.
"'Lika na!" Tawag ko sa kanya. Nakatunganga pa rin kasi eh.
Ngumiti muna siya sa'kin bago lumabas. Ako na nagsara ng pinto ng kwarto ko.
"Ellie!!" Sigaw ko kaagad pagkababa ko. Yumakap ako kay Ellie.
"Tinutopak kana naman ba?" Bungad niya sa'kin. "Umaandar na naman pagka-isip bata mo."
"Hmm kanina pumunta si Erickson dito, ang init ng ulo niyan. Pinauwi niya kaagad 'yong tao." Sumbong ni mommy kay Ellie. Tsk. Sumbongera talaga, buti di ako nagmana sa kanya.
"Ba't pumunta dito si Erickson?" Tumingin si Mark sa'kin.
"Eh kasi nga gusto makipag balikan kay Sabs. Alam mo naman tong friend ko, habulin masyado sa mga lalaki." Si Ellie na ang sumagot. Tumatawa pa siya habang sinasabi ang mga salitang yun.
Tumango tango lang si Mark.
"Uyy Ellie, ang mansanas ko 'asa'n na?" Parang batang sabi ko.
"Nasa ref, nilagay ko. Mamaya mo na kainin yun may dala si Mark na barbecue."
"Talaga? Nasan na? Mommy pahingi ako." Palingo-lingo na kinuha ni mommy ang barbecue. Si Ellie nagsasandok ng kanin. Si Mark naman kinuha ang mga drinks sa ref.
Ako naman nilantakan ko na ang pagkain, natakam nalang ako bigla eh.
Tawa lang kami ng tawa hanggang sa nagpaalam na sina Mark at Ellie na umuwi. Ako naman dumiretso na ulit sa kwarto ko, si mommy nalang daw magliligpit.
Pagkadating ko sa kama ko, diretso higa na ako.
Hindi na ako nagbihis, inaantok na ako masyado. Late na din kasi.
[Morning]
Maaga akong gumising. My plan for today is ang maghanap na ng trabaho. Malapit na kasi mag three weeks simula nang umalis ako sa trabaho. Nabo-bore na rin ako na palaging nasa bahay lang ang setup kaya magtatrabaho na ako para maiba naman.
"Mommy!" Sigaw ko. Ang tahimik kasi ng bahay eh. "Mommy!" Sigaw ko ulit.
"Sabrinah, nandito si Zhander. Susunduin ka raw." Biglang sulpot ni mommy. Yung totoo, tao ba tong si mommy o multo. Nanggugulat eh.
"Sa'n ka galing my, ba't bigla kang sumulpot?" Pagdadrama ko.
"Sira. Batok gusto mo?" Nag-akma pa siyang batukan ako.
"O, ano na naman daw ginagawa ng Zhander na yan dito? Anong drama 'to? Bakit may pasundo-sundo pa?" Tanong ko.
"Huh? Hindi mo nakita?"
"Nakita ang alin? You know what mom, ang weird mo ngayon." Reklamo ko. Nawe-weirduhan talaga ako sa kaniya ngayon. "Mommy, May nakikita ka ba na hindi ko nakikita?"
Kung kanina di niya tinuloy ang pagbatok sa'kin, ngayon tinuloy na talaga, at tinodo pa.
"Mag-surf ka kasi minsan hindi yung palagi kang natutulog." Hay, sermon na naman si mommy kay aga-aga.
"Puntahan mo na si Zhander sa labas. Kanina pang alas syete naghihintay sayo yun, anong oras na ngayon? Mag-aalas otso na uyy."
"Bakit may sinabi pa akong pumunta yun dito? Eh ayoko ngang makita mukha no'n eh. Umiinit dugo ko sa kanya."
"Basta puntahan mo na sya, kung ano-ano pa sinasabi mo diyan eh."
"Oo na. Parang pinapalayas ang datingan ng salita mo mommy. Nakakatampo ka ahh." Nag-post ako.
"Hay ewan ko sayo." Iniwanan ako. Hmm si mommy talaga.
Hay, makaalis na nga.
"Aalis na ako!!" Paalam ko.
Pagkabukas ko ng gate, nakita ko si Zhander na palakad-lakad at parang hindi mapalagay. Chinicheck ang oras.
Nang mapansin niya ako ay lumapit kaagad siya sa'kin. Kinuha ang braso ko at dinala sa kotse niya.
"Sandali!" Kinuha ko ang braso ko. "Bakit ba?!"
"Get in the car first. I'll explain later."
Pinagbuksan niya ako.
"Sandali nga eh! Ano bang problema? Bakit parang nagmamadali ka? Tsaka hindi naman ako nagpasundo sa'yo ah!" Labas sa ilong na sabi ko.
Hindi siya sumagot. Tinulak niya lang ako ng mahina papasok sa kotse. Sumunod naman na siya. Pagkapasok niya, pinaandar niya kaagad.
"Hindi ka ba nagche-check sa internet?"
"Bakit ba kasi?" Naiirita na ako. Katulad na katulad lang ng sinabi ni mommy.
Nag-browse siya sa internet at pinakita niya sakin. Nanlaki ang mata ko bigla. Pano kasi ang sinasabi dun ay tungkol sa kasal daw namin ni Zhander.
"Teka ano to? Sinong... P-Papano?" Nauutal na tanong ko. Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (260)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
This story has made me cry, laugh, and kilig! Im gonna say this is a very good story🥹
15/05
0nice one
10/03
0beautiful
23/02
0View All