Chapter 10

"Sabrinah," tawag ng isang malambing  na boses sa akin.
"Sabrinah..." 
Sinubukan ko ang lumingon lingon para hanapin ang may ari ng boses na yun pero wala akong nakikita. Madilim kasi sa parteng ito na kinahihigaan ko tapos wala pa ang buwan, kaya madilim ng sobra. 
"Sabrinah,"  tawag  ulit  sa'kin nong malambing na boses. 
This time, sinubukan kong gumalaw at doon ko lang napansin na nakapikit pala ako kaya dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.  
Pagkamulat ko ng mata, ganun parin, madilim. Malamig din ang simoy ng hangin. 
"Sabrinah, I'm here." Sabi ng boses.
Sinundan ko ang boses na yun hanggang sa matunton ko ang  isang parte ng madilim na daanan.  
"Sabrinah, I'm here. It's me, your dad." 
"Dad?" Tawag ko. 
"Yes sweetie it's me," ngiti ng isang lalaking medyo may katandaan na.  
Nakatayo siya sa gitna ng kalsada na may isang metrong layo sa kinaroroonan ko. Sa tabi niya ay may isang babae na sa tantya ko ay kasing edad ni mommy kaya lang hindi ko makita ang mukha niya kasi. Tinitigan ko siya nang mabuti hanggang sa ngumiti siya sa akin. 
Ang ngiting yon... Pamilyar. Ganun din kasi ang ngiti ni mommy kaya nga lang parang mas bata at maganda ang babaeng ito kesa kay mommy. Si mommy kasi parang stressed masyado sa mga nagdaang araw. 
"Anak.... Sab." Tawag sa akin ng babae. Nang ngumiti ulit siya ay doon ko lang napagtanto na si mommy nga pala talaga ang babaeng yon. 
Ang ganda ni mommy don ah!
"Dad! Mom!" Masayang sigaw ko at papalapit sa kanila. Malaki ang ngiti ko habang naglalakad ng dahan dahan. 
It's been more than 10 years since I last saw my dad's face. I was just 10 years old when he smiled at me for the last time. And I have always been dreaming of seeing him again, talking and smiling with me. With mom. At ngayon, nandito nga siya, nakangiti habang tinatawag at hinihintay ako. 
Napaluha ako nang malapit na akong makalapit sa kanila. Si daddy, ganun pa din ang hitsura niya, walang pinagbago. Mas bata nga siyang tingnan ngayon kaysa sa dati. Ang kaibahan lang ay ang kulay ng damit niya. Para kasing lumiliwanag iyon, puting puti. Si mommy naman, nakangiti sa akin pero parang may gusto siyang sabihin sa akin na hindi niya magawa. 
"Don't come close sweetie. Stay there. Don't come with us. "  Ang bulong ni daddy, pero rinig na rinig ko yun. 
Hindi ko siya sinunod. Gusto ko siyang mayakap. Gusto ko siyang makasama. Gusto ko pa siyang makausap.  
Huminto ako sandali nang lumingo-lingo siya sa akin. Puno ng pag aalala ang mukha niya. 
Napansin ko ang pagbukas niya ng baba niya kaya doon ko tinoon ang paningin ko. 
'No.' ang sabi niya sa hangin.  
Hahakbang na sana ako nang bigla nalang may isang sasakyan ang mabilis na nagpatakbo palapit sa direksyon ko. Sinasabi ng isip ko na tumakbo at umiwas pero parang nakabaon ang buo kong katawan. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko hanggang sa...parang kinain ako ng malaking liwanag. Tawag tawag ko si mommy at daddy habang umiiyak na ako. 
"Sabrinah!" 
Napabalikwas ako ng bangon. Habol ang hininga ko nang mapagtanto ko na nananaginip lang pala ako. 
"Ok ka lang  ba?" Tanong ng isang kaedad ko lang din na babae? 
Tiningnan ko siya at pagkatapos ay tumango. 
Binigyan niya ako ng isang baso na tubig. "Inumin mo'to." 
Kaagad kong kinuha at ininom ang tubig. Pinagpapawisan na rin ako pero ang pawis ko ay sobrang lamig. 
"Meron ka bang sakit? Sigurado ka na okay ka lang?" Sabay na tanong niya. 
"Okay lang ako." Sabi ko. Binigay ko sa kaniya ang baso. "Salamat." 
Inalis ko ang kumot sa katawan ko at nagsuot na ng tsinelas para pumunta sa banyo. 
"Anong oras na nga pala?" Tanong ko sa kaniya. 
"Alas otso y medya na ng umaga."  Sagot niya. "Kanina pa nga pala nakahanda ang almusal mo kaya lang tulog ka pa. Iinitin ko nalang." 
"Okay. Thank you." Sagot ko 'tapos tuluyan nang pumasok sa banyo.  Naghilamos muna ako at pagkatapos ay nagtooth brush . Mamaya na ako maliligo, nagugutom na rin kasi ako. 
Pagkababa ko sa kusina, nakahanda na ang kakainin ko. Kaya lang, medyo hindi ko gusto ang lasa at ang amoy kaya sa huli, prutas ang kinain ko. Nasusuka kasi ako kapag pinipilit kong kainin ang nakahandang pagkain sa lamesa.  
Inubos ko ang grapes na nakalagay sa maliit na fruit tray. Naubos ko rin ang maraming apple pati na saging. 
"By the way, Hi." Ngiti na pukaw ko sa attention ng kaedad ko na babae. Masyado kasi siyang tahimik habang nagbabalat ng orange. 
"I am Sabrinah Ellington, what's your name?" Tanong ko. Hindi ko pa kasi alam ang pangalan niya. Gusto ko sana siyang kaibiganin kasi mabait, hindi katulad ni Ellie na baliw at maldita.
"Lisa Alcantara. Pinsan ko si Zhander sa  father's side."
"Ahh, sa company ka na dapat dumiretso, maaga kasi sigurong pumasok si Zhander sa trabaho." 
"Actually, ikaw ang sadya ko. Hindi kasi ako nakapunta sa wedding niyo kasi nasa malayo ako no'n." 
Ngumiti ako ng isang nahihiya at naiilang na ngiti at saka tinigil ang pagkain ng prutas. 
Tiningnan ko siya ng taimtim. "Bakit gusto mo'ko makita?" 
"Eh kasi, nang malaman ko na ikakasal si Zhander, siyempre hindi ako naniwala. Kasi naman, wala kaming kilala na dine-date ng lalaking yun, kasi nga masyadong workaholic. But when I heard na nag-announce kayo ng date ng kasal niyo, napa oh my God talaga ako. Sayang nga lang wala ako sa kasal niyo."
"Ah... Hehehe." Naiilang na tawa ko. Grabe kasi siya makatingin. 
"Mas maganda ka nga pala talaga sa personal." Tawa niya. "Magkaedad lang naman tayo kaya I'll drop the honorific." 
"By the way, I volunteered to take care of you while Zhander is busy with work. Ayos lang naman yun sayo diba?" 
"Um, yes of course. Yeah." I smiled.  "May dala ka bang kotse?" Tanong ko sa kaniya. May naisip akong gawin ngayong araw 
"Oo, bakit? Aalis ka ba?" 
"Hmm..." Sabi ko sabay subo ng orange. "Hindi ka naman siguro busy diba?" 
"Hindi naman." Sagot niya. 
Ngumiti ako sa kaniya 'tapos tumayo. "Pwede mo ba ako ihatid sa bahay namin? Tapos punta tayo sa dagat." Excited na sabi ko. Matagal ko na kasi talagang gusto ang pumunta sa dagat kasi hindi ko pa nakikita ang sunset.
At saka isa pa, parang stress reliever ko na rin talaga ang nature. Mula kasi nang malaman ko na buntis ako, parang palagi akong stressed. Masyado ding mainit ang ulo ko. Dagdag pa ang panaginip ko kagabi na parang may gustong iparating sa'kin, kaya I wanna give myself a break.
Need din naman ng baby ang magrelax ang mommy. 
"Sure, matagal na rin kasi no'ng last punta ko sa dagat. Tsaka, baka wish ng baby mo yan." Ngiti niya. Napa-palakpak ako. Wish nga din siguro ni baby 8-)
"Yes! Magbibihis na ako." Sabi ko pagkatapos ay umakyat na para magbihis.  Simple black jeans at plain yellow shirt lang ang sinuot ko. Naglotion ako tapos perfume. Pagkatapos ay nagsuklay at bumaba na. 
"Let's go?" Tanong ni Lisa na naghihintay sa labas ng bahay. Hawak na niya ang susi ng car niya. 
"Hmm. Let's go." Ngiti ko tapos sumakay na sa kotse. 
Habang nasa biyahe kami, tinatawagan ko si mommy. Kaya lang cannot be reached palagi. 
Sinubukan ko ulit pero ganon pa rin. Napuno ako ng pagtataka. Bakit kaya? Wala naman siguro masamang nangyari sa kanya di ba?
"Bakit? Anong problema?" Tanong ni Lisa habang nagdadrive. 
"Hindi kasi sumasagot si mommy." Sagot ko na sa cellphone ko parin nakatingin. 
"Baka busy lang. Mamaya mo nalang tawagan ulit." Suhestiyon niya. Napaisip ako. Parang may mali, kasi kahit may ginagawa si mommy sinasagot niya naman ang mga tawag ko. 
Tatawagan ko sana si Ellie nang bigla nagring ang phone ko. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay napabuntong hininga ako. 
"Bakit? Sino yang tumatawag sa'yo?" 
"Wala." Sabi ko nalang kasi ayoko ng maraming  mga tanong. Nakuha niya naman na wala ako sa modo para magdaldal kaya sa pagda-drive lang siya nakatoon. Pero halata parin sa mga mata niya ang curiosity. 
'Sabs answer your phone.'
'I have something to tell you.'
Magkasunod na text message ni Erick sa'kin tapos tumawag ulit siya. Tulad kanina, hindi ko rin sinagot ang tawag niya. Hinayaan ko lang yun na ring ng ring. Bahala siya!
Maya maya lang ay tumahimik na ang phone ko. 
' Sabs answer it! I have something very important to tell you.' 
' It's about your mom!'
Medyo nagtaka ako sa last text message niya kaya in-open ko yun at nagreply. 
'What about my mom? Is she with you?'  
Nag antay ako ng reply sa kaniya pero wala kaya tinawagan ko nalang siya. 
"Erickson, what happened to my mom?" Kaagad na sabi ko pagkasagot niya ng tawag ko. 
"She's here, Sabs." Sagot niya sa kabilang linya. "She's with me." 
"Nas'an kayo?" 
"Nandito... Sa hospital."

Book Comment (260)

  • avatar
    Ayesha

    This story has made me cry, laugh, and kilig! Im gonna say this is a very good story🥹

    15/05

      0
  • avatar
    Aiz Aiziah Matz Matutina

    nice one

    10/03

      0
  • avatar
    SaclausaJionel

    beautiful

    23/02

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters