Chapter 9

Wala sa sarili akong nakatingin sa salamin, nag-iisip kung tama ba tong nangyayari sa'kin.
Parang ang bilis bilis naman kasi yata ng mga pangyayari. 
Tama pa ba tong ginagawa ko? 
Una, after a break up I lost my virginity from a one night stand na hindi ko alam na billionaire pala. 'Tapos kahapon lang na-confirm na buntis pala ako. And now....
And now I am sitting in front of  the mirror, wearing this white gown and holding a bouquet. 
I look at my reflection in the mirror. 
I look so beautiful. 
Then I look at the wedding dress I'm wearing right now through the mirror, then I smiled sadly. 
"This is absurd." I said.
Kailan lang nong break up ko, bakit ikakasal na kaagad ako?
Bakit buntis na ako? 
Bakit ang gulo ng buhay ko? 
"Sabs, are you okay?" Biglang pasok ni Ellie. She sits beside me. "Bakit parang ang lungkot ng mukha mo?" 
I slowly turned to look at her. 
"Ellie..." 
"Oh, bakit?" Inayos niya ang buhok ko. 
"Ellie... Bakit ikakasal na kaagad ako?" Malungkot na tanong ko sa kaniya. " Bakit ako nabuntis?" 
Bigla siya tumigil sa ginagawa niya. Tiningnan niya ako. 
"Shunga ka talaga!" Sabi niya sa'kin. "Malamang buntis ka kasi may nangyari sa inyo ni Zhander at kaya ka magpapakasal kasi nabuntis ka. Ah hindi pala, engaged na nga pala kayong dalawa bago pa May nangyari sa inyo." 
"Ehhh, Ellie..."
"O... Bakit  na naman?" 
"Iuwi mo nalang kaya ako? Itakas mo'ko dito." 
"Sapak gusto mo?" Tinaas niya ang kamay niya. "Para kang baliw. Umayos ka Sabrinah ah, magsisimula na ang ceremony. Nandun na din pati si tita kaya umayos ka." 
"Ellie..." 
"Hmm ang ganda ganda ng bestfriend ko." Ngumiti siya sakin.  "Oh sige na, babalik na ako don, basta I'm so happy for you." 
Niyakap ako ni Ellie bago siya bumalik sa wedding venues. 
And I was left alone, again.
                         *****
🎶Not sure if you know this, but when we first 🎶
🎶I got so nervous I couldn't speak 🎶
🎶In that very moment I found the one and 🎶
🎶My life had found its missing piece...🎶
Habang dahan-dahan akong naglalakad sa aisle, kitang kita ko kung gaano kasaya ang mga bisita. Si chairman, si Ellie at mommy at pati mga shareholders. Pati mga staff ng company nandito din. 
At the head of the altar, there's Zhander waiting. Wearing his black suit with a black tie and black formal shoes. He looks so attractive.
As soon as I perched on the head of altar, the ring bearer comes. 
Without no more words, Zhander put on the ring on my finger and I did the same. 
"The groom may now kiss the bride." 
Slowly... Zhander put his hand on my back and pulled me a little closer to him before he lean in to kiss me, and so,  our lips met and I feel like there's these butterflies inside of me.
It took like five minutes before he lets go of my lips. And right after that, everyone stood up and clap their hands.
"Cheers!" Everyone raised their glasses. 
"Congratulations." Random people greeted. 
"Ms Ellington," Mr Guevarra approaches me. 
"Ow Mr Guevarra, hi." I give him a smile.
"Can I have a toast with you?" He asked. He raised his glass "Congratulations." 
"Thank you." Sabi ko 'tapos uminom. 
"Hindi ko aakalain na ikaw pala ang wife ng president. Back then, you were one of our best employees."
Nginitian ko lang si Mr Guevarra dahil wala akong masabi. Nakakahiya din naman kung bigla ko nalang siyang iwan. 
"Mr Guevarra," Zhander suddenly show up. 
"Mr President,"
Lumapit si Zhander sa'kin. He put his hand on my waist.
"Mr president, let's make a toast." Mr Guevarra said. Zhander smiled at him and did the toast. "Congratulations to the both of you once again." 
"Thank you." Sabay na sabi namin ni Zhander. 
Marami pa ang nag congratulate samin. Mga employees ng company, shareholders at mga kaibigan ni chairman hanggang sa lumalim ang gabi at nagpaalam na ang lahat.
"Sabs, uuwi na kami." Paalam ni Ellie sa akin. 
"Sabs, thanks for inviting me to your wedding." Ngiti ni Mark sa'kin. "Ingatan mo siya ah." Sabi niya na kay Zhander nakatingin. 
"Sabrinah, iingatan mo ang sarili mo ha? At ikaw Zhander, ingatan mo ang anak ko pati na magiging apo ko." Maluha luha na sabi ni mommy.
"Mommy..."
"Sabrinah, alam ko naguguluhan ka pa sa ngayon. Alam ko nahihirapan ka, pero tandaan mo nandito lang kami. Tawagan mo lang ako kapag may problema ka okay?" 
Tumango tango ako at niyakap siya.
"Wag ka na umiyak, aalis na kami." 
Niyakap ako ni Ellie bago sila sumakay. "Tawagan mo ako lagi ah, wag lang sa oras ng trabaho. Baka mabungangaan ako ng bruhang  Sarah eh." Tawa niya. 
"Oo. Mag-iingat kayo ah. Mark, bye." 
"Hmm, bye."
"Aalis na kami kaya pumasok na kayo. Malamig dito sa labas. Zhander alagaan mo si Sabrinah."
"Opo." Sagot ni Zhander. "Ingat sa pagda-drive, Mr Torres." 
"Opo president." 
                    ******
"Here, drink this before you sleep." Binigyan ako ni Zhander ng isang baso ng gatas. 
"Thank you." I said. "By the way, how is Mr Ferrer's wife?" 
"She's doing her best to survive." 
"Ah, I see." 
"Ah," he cleared his throat. "Are you close with Mr Guevarra?" 
"Huh? Ah, dati akong employee sa company ni Mr Guevarra." 
"Ahh." 
Tinapos ko na ang pag inom ng gatas tapos tumayo para ilagay sa kusina ang baso. Pero pinigilan ako ni Zhander. 
"Ako na, akin na yan." 
Inabot ko sa kaniya ang baso. 
"Thank you."
Nang makababa na si Zhander ay humiga na ako sa kama. 
Bumuntong hininga ako. 
Ang awkward nito. Sana pala sumama nalang ako kina mommy. 
Hawak hawak ko ang cell phone nang makabalik si Zhander. Ka-text ko si Ellie at Mark. 
Nang hindi na sila nagreply ay nilagay ko na sa table ang phone ko. Si Zhander naman ay humiga na rin. 
Nakatalikod  ako kay Zhander nang biglang dumilim. 
Napaharap ako kay Zhander. 
"What's wrong?" He asked.
"I... Can we keep the light on? Hindi kasi ako makatulog kapag walang ilaw." 
Nakahinga ako nang maluwag nang maliwanag na ulit. May takot kasi talaga ako sa dilim.
"Tulog ka na ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi pa. Hirap ako makatulog 'pag may ilaw." Sagot niya habang nakapikit ang mga mata. Siguro sinusubukan ang makatulog.
Tiningnan ko siya at pagkatapos ay bumangon ako.  
"Bakit?" 
"Papatayin ko ang ilaw para makatulog ka." 
"Wag na. Humiga ka nalang ulit. " 
"Bubuksan ko lang para-" 
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Bigla kasi siya bumangon at humarap sa'kin. 
Napasigaw pa ako sa gulat ng bigla niya ako hatakin pahiga. Nakapatong ang ulo ko sa braso niya.  Tapos ang isang kamay niya ay nakayakap sakin. 
"Matulog kana, baka magalit pa si baby sa'kin kasi pinatulog ko ang mommy niya nang nakapatay ang ilaw."  
Napangiti ako sa sinabi niya. Ang lambing ng tono ng boses niya. 
"Tulog na..." 
Kinumutan niya ako at hinalikan sa noo , tapos niyakap ng mahigpit.

Book Comment (260)

  • avatar
    Ayesha

    This story has made me cry, laugh, and kilig! Im gonna say this is a very good story🥹

    15/05

      0
  • avatar
    Aiz Aiziah Matz Matutina

    nice one

    10/03

      0
  • avatar
    SaclausaJionel

    beautiful

    23/02

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters