Chapter 11

"What happened?" Nagpa-panick na tanong ko kay Erick pagkadating namin sa hospital. Pagkasabi kasi ni Erickson na nandito sa hospital si mommy ay kinabahan kaagad ako. May kakaiba akong nararamdaman. Magkahalong takot at kaba. 
"Anong nangyari?! Nasaan si mommy?" Magkasunod na tanong ko.
Tiningnan niya ako ng diretso sa mata at saka sumagot.
"Ino-operahan pa siya ng mga doctor."
"Ino-operahan? Bakit?"  
"Sabs, may glioblastoma ang mommy mo." 
"Glioblastoma?" 
"Oo. Last stage ng brain cancer, glioblastoma." 
Nanlumo ako sa sinabi ni Erick. Bigla nalang, parang binagsakan ako ng langit at lupa. Paano nangyari yun? Paanong nagkaroon ng brain cancer si mommy eh ang lakas-lakas niya? Last stage? 
Napaupo nalang ako sa sahig sa labas ng OR. Wala na akong pakialam kahit may maraming mga nurses o doctor o kahit mga tao ang dumadaan. Wala akong pakialam!  
Nilapitan ako ni Lisa at hinagod hagod ang likuran ko.
"Kailan pa?" Tanong ko. "Kailan mo pa nalaman na may glioblastoma si mommy? Kailan pa siya nagkaroon ng brain cancer? Last stage?" Mapait akong tumawa bago tumayo. 
"Sabs..." Tanging sagot lamang ni Erick. 
"Sagutin mo ang tanong ko Erick. Kailan mo pa nalaman na may brain cancer si mommy? Kailan pa?!" Hindi mapigilang sigaw ko. Pigil pigil ko ang pagtulo ng luha ko dahil ayokong magmukhang mahina. Ayokong magmukhang kawawa lalo na ngayong nakahiga si mommy sa operating room. 
Ayokong umiyak. Ayaw kong tumulo ang mga luha ko... Ayoko. 
Pero parang ulan na bigla nalang bumuhos ang mga luha ko nang marinig ko ang sagot ni Erickson.
"Nung last time na punta ko sa bahay niyo. That's when I knew she was sick." 
Wala sa sarili akong napaupo sa bench sa tabi ng pintuan ng operating room. 
"Sabs, I'm sorry kung hindi ko sinabi sayo kaagad. Sorry. Plinano ko na sabihin sayo para naman alam mo pero nagmakaawa sa akin ang mommy mo at wala na akong nagawa pa. " 
"Bakit nga ba?" Tanong ko sa kabila ng mga iyak ko. "Bakit nga ba ayaw ipaalam ni mommy? Erickson last stage ng brain cancer... Sabihin mo sa'kin, kung ikaw ako anong mararamdaman mo? Kung may last stage ng brain cancer ang mommy mo, anong mararamdaman mo, ha Erickson?"  Hindi ko na napigil ang humagulgol. 
Ang bigat bigat sa pakiramdam... Ang malaman na may brain cancer ang mommy ko at ngayon ko lang nalaman. Ngayon lang na nasa last stage na. Bakit ganun?
"Bakit hindi ko man lang napansin na may dinadala palang sakit si mommy? Bakit hindi ko man lang napansin? Ang sama sama kong anak... Ang sama sama ko." Dinig na dinig sa buong hallway ang hagulgol ko pero wala akong pakialam. Nagpatuloy pa rin ako sa pag iyak. 
Lumapit si Erickson sa akin nang dahan dahan. "Sabs, wag mong sabihin yan." Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang hintuturo niya. 
"Sabrinah..." Niyakap niya ako. Hinahaplos niya ang buhok at pati na ang likod ko. 
Gusto ko siyang itulak dahil galit ako. Galit ako sa kaniya dahil hindi niya sinabi sa'kin ang tungkol kay mommy. Pero wala akong lakas na gawin yon. Masyado na akong mahina para gawin pa yon. At saka isa pa, kailangan ko rin ng isang tao na masasandalan sa ngayon. At nagkataon na wala si Ellie, wala din si Zhander. 
Nang mahimasmasan ako ay kumawala ako mula sa pagkakayakap niya. 
Pinahid ko ang mga luha ko bago ko siya tiningnan. 
"Magiging okay naman siya diba?" 
"Sa ngayon ino-operahan pa siya ng mga doctor." Diretsong sagot niya. Napayuko ako. 
Alam ko naman na ino-operahan pa siya. Ang gusto ko marinig na magiging okay siya. Na gagaling siya. Gusto ko marinig yon. Gusto ko na may magsabi na gagaling si mommy at makakasama ko pa siya ng matagal. Yun ang gusto kong marinig.
"Pero magiging okay din ang lahat Sabs." Pag-comfort ni Erickson sakin na sinabayan din ni Lisa. 
"Yes, Sabby.  Gagaling ang mommy kaya 'wag ka na malungkot. Makasasama sa baby yan." 
Napabuntong hininga nalang ako. 
"Natawagan ko na pala si Zhander," Sabi ni Lisa. "Pupunta daw siya dito right after ng meeting niya." 
Tumango tango lang ako sa sinabi ni Lisa kahit ang totoo hindi naman ako nakikinig. 
"Are you all right?" Hinawakan ako ni Lisa sa isang kamay ko. Hindi ako kumibo. Nanatili lang akong nakatungo. 
"Sabs," mahinang tawag ni Erickson. 
"Sabrinah." Ulit niya. Nang hindi pa rin ako kumibo ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. 
"Umuwi ka nalang muna, magpahinga ka. Baka mapa'no pa ang baby mo." Utos niya sa'kin pero lumingo-lingo ako. 
Itinaas ko ang ulo ko. "Pupunta lang ako sa comfort room." Sabi ko nang hindi man lang sila tiningnan. 
Pagkapasok ko sa comfort room, pumasok ako sa nabukas na cubicle. Pagkasarado ko, doon ako umiyak ulit. Una ay mahina lang, hanggang sa humagulgol na ako ng pagkalakas-lakas. Humihikbi ako nang tumatawag si Ellie. 
"Hello, Sab. Okay ka lang ba?" Tanong kaagad niya pagkasagot ko ng tawag. 
"Ellie si mommy..." Mas lalo akong napaiyak. 
"Oo, alam ko. Kakatawag lang din ni Zhander. Okay ka lang?" 
"Ellie..." Hagulgol ko. 
"Hush, tahan na. Malapit na ako diyan, wag ka na umiyak makakasama para sa baby mo yan. Okay?" 
Puro mga hikbi ko lang ang nasasagot ko sa kaniya. 
"Sab ibababa ko na muna ang tawag ah,  basta wag ka na umiyak. Malapit na ako diyan." Pagkasabi niya, ibinaba ko ang phone ko. 
Nang sa pakiramdam ko ay nalabas at naiyak ko na lahat ay lumabas na ako. Hindi na ako nag-abala pang magsalamin. Hindi din ako naghilamos ,wala akong pakialam kahit ano pa ang hitsura ko ngayon, basta diretso akong lumabas.  Mabuti nalang walang ibang tao sa loob kaya nalabas ko lahat ng nararamdaman ko. 
"Sabby," tawag sa'kin ni Lisa. Patakbo siyang lumapit sa akin. "Nalabas na sa OR ang mommy mo. Nilipat na siya sa kwarto." 
Dinala niya ako sa kwarto kung saan nandoon si mommy. Pagkapasok namin, nakita ko ang doctor na kinakausap si Erickson kaya lumapit ako sa kanila. Gusto ko malaman ang kalagayan ng mommy ko. 
Napansin ni Erickson ang paglapit ko sa kanila. Sa akin siya nakatingin kaya napatingin din sa akin ang doctor. 
"You must be the daughter," the doctor said to me. "I've been waiting for you. Can we talk in  my office?" 
"Of course." Sagot ko. 
"This way." Sabi niya saka nauna nang lumabas. Tumingin muna ako kay mommy bago sumunod sa doctor. 
"Kumusta ang mommy ko doc?" Kaagad na tanong ko sa doctor pagkapasok namin sa office niya. 
"Hindi na maganda ang lagay niya ngayon." Sagot ng doctor. "Bakit ngayon ka lang?" 
Napakunot ang noo ko sa tanong niya.
"Three months nang patient ang mommy mo dito, hindi mo ba alam?" 
"Ngayon ko nga lang nalaman na may sakit pala siya." Maluha luha na sagot ko. "Hindi ko napansin at hindi rin niya pinapakita na may dinadala na pala siyang sakit." 
"I see. Three months nang may glioblastoma ang mommy mo at mas lalong lumala ang lagay niya when she refused to be admitted. May treatment pa dapat sa sakit niya but she keeps on refusing. Walang bisa ang operasyon kasi nagkalat na masyado ang mga infected cells sa utak niya." Paliwanag ng doctor. 
"It's sad to say pero ihanda mo nalang ang sarili mo." Napahigpit ang hawak ko sa suot kong blue skirt. 
          
Habang naglalakad pabalik sa ward ni mommy, halo-halong alaala ang tumatakbo sa isipan ko. 
"Nung last time na punta ko sa bahay niyo. That's when I knew whe was sick." 
"Sabrinah, iingatan mo ang sarili mo ha? At ikaw Zhander, ingatan mo ang anak ko pati na magiging apo ko." 
"Sabrinah, alam ko naguguluhan ka pa sa ngayon. Alam ko nahihirapan ka, pero tandaan mo nandito lang kami." 
"Sabrinah ingatan mo ang sarili mo." 
Bakit hindi ko man lang napansin na may kakaiba na pala sa mga salitang iyon ni mommy.  
'Ingatan mo ang sarili mo..." 
"Ingatan mo ang sarili mo "
"Zhander, ingatan mo ang anak pati na ang apo ko." 
Napaiyak nalang ako bigla dahil sa mga alaalang iyon.  Sa lahat ng  mga salitang yon ay may pinapahiwatig na pala si mommy. Bakit hindi ko man lang naisip? Bakit hindi ko man lang napansin?
"Sab!" Tawag ni Ellie sa'kin nang makita niya ako pagkabukas niya nang pinto ng ward ni mommy. 
Inalalayan niya ako papasok at pinaupo. "Nagdala ako ng pagkain dito, kumain ka muna." 
Hindi ako sumagot sa kaniya. Lumapit ako sa nakahigang si mommy. Hinawakan ko ang kamay niya at saka tiningnan. 
Maraming mga tube at kung ano-anong mga naka-konekta sa kamay at ulo ni mommy. Naka-bandage rin ang ulo niya.
"Sabs, uuwi na muna ako. Babalik nalang ako bukas." Paalam sa akin ni Erickson na tinanguan ko lang. Sumunod ding nagpaalam si Lisa. Uuwi na daw muna siya sa bahay nila. 
Nang kami nalang ni Ellie ang naiwan sa kwarto ay bumuntong hininga si Ellie. 
"Sab, kumain ka na muna. Malapit nang mag-gabi." 
"Wala akong gana." Mahinang sagot ko sa kanya. 
"Kahit na, kumain ka parin." 
"Ayoko." Matigas na sabi ko. "Ayokong kumain, hindi ako nagugutom." 
Wala nang nagawa pa si Ellie. Hindi niya ako nagawang pilitin na kumain kaya naupo nalang siya. 
"Kung ayaw mong kumain, matulog ka nalang. Nanghihina ka na masyado. Magagalit si tita sayo niyan 'pag nakita ka niyang ganyan ang hitsura mo." 
"Okay lang ako Ellie. Baka nag-aalala na rin si tita sayo." Sabi ko sa kaniya habang inaayos ko ang kumot ni mommy. 
"Natawagan ko na si mommy at alam na niya ang tungkol sa mommy mo. Pero uuwi muna ako para kukuha ng gamit at magsasama na rin ako ng para sayo. "
Tinanguan ko siya. "Sige." 
Pagkasarado niya ng pinto ay dumukwang ako sa hinihigaan ni mommy. Pinatong ko ang mga braso ko sa kama niya at saka ipinatong ang ulo ko. Pinikit ko ang mga mata ko para umidlip. 
Ilang sandali lang, bumukas ang pintuan. Hindi na ako nag-abalang alamin kung si yon. Medyo dinadalaw na din kasi ako ng antok. 
Naramdaman ko ang pagpahid nang kung sino man  sa luha na lumalabas kahit nakapikit na ako at ang pagkumot niya sa coat niya sa akin. 
Inalis niya ang ilang hibla ng  buhok ko  na nakatabon sa mukha ko. Hanggang sa maramdaman ko na hinahalikan na niya ako sa noo.

Book Comment (260)

  • avatar
    Ayesha

    This story has made me cry, laugh, and kilig! Im gonna say this is a very good story🥹

    15/05

      0
  • avatar
    Aiz Aiziah Matz Matutina

    nice one

    10/03

      0
  • avatar
    SaclausaJionel

    beautiful

    23/02

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters