Chapter 8

           S A B R I N A H
"Sabs!" Sigaw agad ni Ellie pagkarating niya sa company nila Zhander. Nagpapasundo kasi ako sa kaniya kasi baka dumugin ako ng mga reporters sa labas.
"Lukaret ka! Ba't di mo sinabi sa'kin na ikakasal ka na? Kailangan talaga sa internet ko pa malaman. Nakakainis ka!" Pagtatampo niya.
Hay, ang ingay-ingay ng babaeng to. Sakit sa taenga. 
"Ano na? Wala ka man lang bang sasabihin sakin?" Tanong ulit niya. 
"Ayoko na pagusapan 'yun, pwede ba?" Mahinang sabi ko. Pagod kasi talaga ako eh. Ewan ko ba bakit parang ang bilis ko atang mapagod these past few days. It's not like I'm sick.
"Hindi pwede."she said.
"Ellie please. I wanna go home." 
"Hindi kita iuuwi hangga't 'di mo sinasabi sakin ang tungkol sa kasal mo. Kung gusto mo tawagan mo si Erickson. Darating agad 'yun." She teases me. 
"Ellie!" I shouted. "Fine. Ayaw mo, edi 'wag." I said as I walk out. 
Lalabas na sana ako nang bigla nalang umikot ang sikmura ko. 'Tapos sumakit pa ang ulo ko.
"Sabs! Sorry na." Sigaw ni Ellie.
Hindi ko siya pinansin. Tumakbo ako pabalik sa comfort room. 
"Sabs! Uy sa'n ka pupunta?!" 
Hindi ko parin siya pinansin. Binilisan ko ang pagtakbo dahil hindi ko na talaga mapigilang masuka. 
When I got in the comfort room, suka ako ng suka pero wala naman lumalabas.  
When I felt better, I washed my face and breathe. I stared at my reflection on the mirror. 
Ang putla putla ko. 
Naghilamos ako ulit. Kaya lang dahan dahan na umikot ang paningin ko. Hindi ako makakita ng maayos. 
Ang sakit sakit ng ulo at mata ko. Nahihirapan na din akong huminga. 
Sinikap ko ang maglakad kahit palabas lang comfort room. Para akong lasing na hawak hawak ang ulo habang naglalakad. 
Nasa pintuan na ako nang bigla nalang ako nahimatay. Pero bago paman ako tuluyang mawalan ng malay, naramdaman ko ang mga bisig na sumalo sa'kin. I landed into someone's arm. And after that, I passed out. 
Nagising ako na nasa hospital na. Naka-dextrose. 
"Hmm..." I groaned. Masakit pa rin kasi ang ulo ko. 
"Sabs... Gising ka na pala." Ellie said. Inalalayan niya ako para makaupo mula sa pagkakahiga. 
"Kumusta ang pakiramdam mo? Nagugutom kaba?" 
"Bakit ako nandito?" Tanong ko sa kaniya. 
"Hinimatay ka kasi sa pintuan ng comfort room kanina. Buti nalang nasalo ka ni Zhander." She said. 
"Si mommy?" 
"Nasa labas kasama si Zhander, kausap ang doctor."  She said.  " Gusto mo ba ng tubig?"
"Ayoko!" I half-shouted. Tiningnan niya ako ng may pagtataka. 
"Ba't ka sumisigaw?"
"Ayoko sa'yo." Parang bata na sabi ko. 
I look away. " I hate you, Ellie." 
"Sorry na nga eh. Ito naman parang bata." She tries to comfort me. "Oh, apple oh." Binigay niya sa'kin ang isang plato na may lamang binalatan at hiniwas na apple. 
"Ayoko nang binalatan." I complaint. "Gusto ko yung buo. Ayoko nang hiniwa." 
"Eh pareho lang naman 'yan. Apple pa din naman to." 
"Ayoko nga ng hiniwa at binalatan eh! Bakit ba pinipilit mo ang gusto mo?!" 
"Eto na nga oh, bibigyan ka na ng isang buong apple." Mahinang sigaw niya. Kumuha siya ng isang buong apple. 
"Oh heto. Kainin mo pati buto! Nakaka-high blood ka." 
Inisnaban ko lang siya. Nakakainit ng ulo eh. Pinipilit ang gusto niya eh sa ayoko nga. 
Kinuha ko ang apple at kinagat agad. 
"Bakit ba ang init ng ulo mo sa mga nagdaang araw?" Tanong niya. "Kanina, parang tinatanong ka lang biglang uminit ang ulo mo. Ngayon naman para sa apple lang sumisigaw ka na. May dalaw ka ba?" Pagda-daldal niya.
" 'Di pa ako dinadatnan." Walang ganang sabi ko.
"Talaga? Eh bakit ang init init ng ulo mo?"
Napatalon ako sa gulat ng bigla siyang sumigaw. "Oh my God!" She exclaimed. "Buntis ka?" 
Napatigil ako sa pagngatngat ng apple. 
Umayos ako ng upo sa hospital bed. 
"Uy, ba't bigla kang natahimik? Galit ka na naman ba?" Lumapit siya sa'kin. "Joke lang naman yun." 
"Ellie..." Mahinang tawag ko sa pangalan niya. Nag hmm lang siya. 
"Actually, hindi ako dinatnan sa buwan na'to. " 
"And so? Baka delayed lang." She said. Bigla siyang tumawa. 
"Feeling buntis ka naman, eh wala naman gumalaw sayo. Ano, automatic lang?" Tawa niya. Kumuha pa nga siya ng apple na hiniwa niya kanina.
"Ellie..." Tawag ko sa kanya ulit. Nag hmm lang ulit siya while chewing.
"Actually meron..." 
Nabitawan niya ang  hawak niya na tinidor. "Ano?! Sino?!" Sigaw niya.
"Kanino mo naman ginawa yun? Kay Erickson ba? Dios ko naman Sana!"
"Hindi kay Erickson, Ano ka ba? Hanggang kiss lang yun sakin." 
"Eh kanino nga? Ba't wala kang sinabi sa'kin tungkol dito?" Sabay sabay na tanong niya. 
" Naalala mo nung nagluluksa pa ako sa break up namin ni Erickson, diba nag night club tayo non?" Tumango siya. Pinulot niya ang tinidor at kumain na ulit ng apple. 
"Sa hotel ako natulog no'n." 
"Oh tapos? Sino kasama mo?" Tanong niya. 
"Eh...hindi ko matandaan yung mukha kasi blurred yung paningin ko. Ang naalala ko lang, sinakay ako no'ng lalaki sa kotse at dinala sa hotel kasi sabi ko. Tapos 'di ko na maalala ang sunod na nangyari. Basta nagising nalang ako nung umaga dahil tawag ng tawag si mommy." Kwento ko sa kaniya.
"Then pagkatapos no'n, nagkita kami ni Erickson sa isang café. Do'n sinabi sa'kin ni Erickson ang lahat. Dalawang buwan na daw sila ni Sarah. Ang mas masakit pa, May nangyayari na sa kanilang dalawa habang kami pa. Ang sabi pa niya hindi naman daw niya mahal si Sarah dahil ako ang mahal niya." 
"Gag*." Sabi ni Ellie. " Naghahanap pa ng iba eh hindi naman gwapo." 
"Kaya nga sinampal ko eh." Sabi ko. " 'Tapos nagmadali na akong lumabas. Sumakay ako sa kotse ni Zhander, hindi ko pa alam pangalan niya no'n. Basta sumakay lang ako at nagpahatid sa isang club. Kaso nalasing ako kaya ayon, May nangyari samin."
"Teka, si Zhander Taylor ba yang tinutukoy mo na Zhander?" Tumango tango ako sabay kagat sa apple ko. 
"So, totoong ikakasal ka nga sa kanya?" Tumango ulit ako.
"Dahil ba sa nangyari sa inyo no'ng gabing iyon?" Tanong niya.
"Hindi. " Sagot ko. "Yung tungkol sa kasal, kasunduan lang yon ng mga magulang namin no'ng bata pa kami. Nalaman ko lang yun after may nangyari samin. Pumunta kasi siya sa bahay namin at don ko nga nalaman ang sa kasal.
"Oh my gosh." Sabi ni Ellie. "Oh my gosh Sabs, pang-pelikula yang drama niyo." Tili niya.
"Ibig sabihin, engaged na kayo before pa man may mangyari sa inyo. Galing!" She smiled.  "Nag-pregnancy test ka na ba?" Tanong niya.
"Hindi pa. Sana naman hindi." 
          *****
"Sabs," tawag ni mama sakin pagkapasok, kasama ang doctor. 
Ngumiti sakin ang doctor. "How are you feeling Mrs Taylor?" Tanong niya sakin. 
"Mrs Taylor?" Nagtatakang tanong ko. 
Tiningnan ko si mommy. 
"She's the personal doctor of Taylor's." Sabi ni mama. 
"Anyways," sabi ng doctor. "You should be more careful now, dahil dalawa na kayo ng baby mo ang mapapahamak kapag nagkataon." 
"Baby?" Sabay na tanong namin ni Ellie. 
"Yes, you are one month pregnant. Congratulations." Ngumiti ulit sa akin ang doctor. "Bibigyan kita ng vitamins para sa buntis mamaya." 
"Doc, sigurado kabang buntis ako?" Tanong ko ulit, gulat.
"Yes. Siguradong sigurado." Napatakip ako sa baba ko. 
Oh my God.
"Anyways,  maiwan ko muna kayo. May aasikasuhin pa akong ibang pasyente. Babalikan kita mamaya dala ang vitamins." Sabi niya.
Hindi ako kumibo. 
Hinatid ni mama sa pintuan ang doctor. 
Nang makalabas na sila, tumabi si Ellie sa'kin ng upo sa kama. 
"Sabrinah Ellington, ang hina mo talaga kay Lord." Panunukso niya sa akin. Tapos Maya-maya lang ay nagsisigaw na siya.
"Buntis ka nga talaga. Confirmed!"

Book Comment (260)

  • avatar
    Ayesha

    This story has made me cry, laugh, and kilig! Im gonna say this is a very good story🥹

    15/05

      0
  • avatar
    Aiz Aiziah Matz Matutina

    nice one

    10/03

      0
  • avatar
    SaclausaJionel

    beautiful

    23/02

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters