Homepage/Where You Can Find Peace/
47: Tears of Regret
"Ken, tapos ka na? Let's go na. Kanina pa ready mga friends mo."
Katok ni kuya Kash sa pinto ng kwarto ko.
"Palabas na!"
Sigaw ko. Buti na lang maaga pa rin ako nagising kahit hindi ako nag-set ng alarm.
"Let's go."
Bungad ko kay kuya na naghihintay sa'kin. Totoo nga na ready na ang lahat at ako na lang ang hinihintay. Pati 'yung tatlo ay nandito na sa bahay.
Tatlong sasakyan ang dala namin. Ang isa kila kuya, ang isa sa'min ni Ren, Tasha at Aice, tapos ang pangatlo ay para kila Sky. Ako nagda-drive ng kotse na dala ko pero sila kuya at sila Sky may sariling driver.
Medyo malayo ang pupuntahan namin. Sobrang tahimik naman ng mga kasama ko. Si Ren tulog, habang si Aice at Tasha nakatingin lang sa labas ng sasakyan. Buti na lang talaga at binuksan ko ang radyo, para kahit papaano may ingay akong naririnig.
Hindi ko maiwasan tingnan si Aice sa rearview mirror. Hindi ko naman inaasahan na magtatama ang tingin namin. Pero imbes na umiwas, nginitian niya pa ako. Natuwa naman ako dahil kahit papaano may kaunti ng progress sa pagitan naming dalawa.
"Shopping!"
Agad na kumapit si Navi sa braso ko nang makarating kami.
"Picture muna tayo, minsan lang eh."
Inilabas ni ate Dyne ang phone niya at ibinigay sa isang driver para kuhaan kaming lahat. Tumabi sa'kin si Tasha at Navi. Nasa likod namin ang boys, sa gilid namin ang mag-asawa. Habang nasa balikat ni Ren si Zix. Dalawang take ang kinuha namin since marami na ang tao, kailangan na namin lumakad kung hindi "mata-traffic" kami.
Sinimulan na namin ang gustong gawin ni Navi, ang shopping. Hindi ako mahilig sa ganito pero wala akong magagawa dahil pati sila kuya at ate gusto rin mag-shopping. Tutal andito na rin naman kami, namili na rin ako ng gusto ko at ng nga ireregalo ko sa kanilang lahat. Wala na akong pakialam kung kasama ko 'yung pagbibigyan ko.
"Let me help you."
First time simula kahapon na kausapin ako ni Aice. Ibinigay ko rin sa kaniya ang ibang dala ko dahil hirap na din ako. Sa dami kasi ng pinamili nila ate at Navi, pati ibang boys tumulong na sa paghawak.
"You don't have to be awkward with me, I don't expect an answer."
Ngumiti siya sa'kin at sinuklian ko rin siya ng ngiti. Ang totoo niyan, naba-bother pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may mali. Hindi ko na lang pinansin since andito kami para mag-saya hindi para mag-isip ng alam kong makakasira ng araw ko.
Matapos ang shopping namin, naghanap na kami ng restaurant na makakainan. At habang hinihintay ang pagkain, tsaka lang ako nag-post sa instagram ko. Pinasend ko rin kay ate Dyne ang picture namin kanina para mai-post ko naman sa IG ko. Hindi nagtagal nakatanggap agad ako ng comment from Mike.
mike.l: Hoooooy. Sana all.
kenria: iyak ka na, ang saya namin dito.
Minessage niya naman ako at wala akong humpay sa pang-aasar sa kaniya. In fairness, na mi-miss ko rin itong kumag na 'to. Magka-usap lang kami hanggang sa mag-simula na kami kumain. Actually, hanggang sa matapos at mag-simila na kami mag-libot sa lugar, kausap ko si Mike.
"Huy, ganda ng ngiti. Sino kausap mo?"
Mahina akong hinampas ni Tasha sa kamay. Nasa labas lang kami ng isang coffee shop at nagpapahinga. Sila kuya Kash, ate Dyne, Zix at si Ren may bibilhin daw muna. Hindi na kami sumama dahil napapagod na kami.
"Si Mike, inggit na inggit kasi."
Sagot ko habang malaking naka-ngiti.
"Si Mike naman pala."
Sabay sabay na banggit nila Tasha, Clark at Adrian kaya napatingin ako sa kanila.
"Hoy! Epal kayo, ano 'yun? Bakit?"
"Wala."
Sabay na sagot din nila. Tumingin naman ako kay Aice na parang walang nadidinig at nagcellphone lang. Hindi ko na sila pinansin at mabuti na lang at hindi na rin nila ako inasar, baka kung ano isipin ni Aice.
Nang dumating na sila kuya, naglibot na ulit kami. Halos lahat na yata ng pwede namin puntahan, pinuntahan na namin.
"Ken, do you like Mike?"
Tumabi sa'kin si Aice at walang preno na nag-tanong.
"Ha!? Hindi ah!"
Pagtanggi ko. Pero sobrang lakas talaga nang tibok ng puso ko. Nabigla yata sa tanong niya.
"Okay."
Hindi ko alam kung kumbinsido pa siya o hindi. Bahala na, wala naman talaga akong gusto kay Mike. 'Di ba?
Wala naman talaga, 'di ba?
Hindi ko maiwasan na laging tumingin kay Aice at pinapakiramdaman siya. Kagagawan ito nila Tasha, Clark at Adrian eh. Kung ako tuloy inisip ni Aice.
Ilang oras pa kami doon at medyo madilim na nang maka-uwi kami.
"Ken, hindi ka pwede tumanggi. Sasama ka bukas."
Pauwi na sila Navi at pinaalalahanan niya ako kung ano meron bukas.
"I'll think about it."
Sagot ko sa kaniya.
"Ken, please!"
Pagmamaka-awa niya. Bumuntong hininga ako at tumingin kay kuya. Tumango naman siya sa'kin at bahagya na nakangiti.
"Fine."
Walang gana ko silang iniwan sa sala at umakyat na papunta sa kwarto ko.
Bukas na. Bukas na ang birthday mo ax. Handa na ba talaga ako na makita ka? Gusto mo na ba akong makita?
Hindi na ako lumabas ng kwarto para sa dinner. Hindi naman dahil nagmumukmok ako dahil kay Ax, wala lang talaga akong gana kasi walang humpay ang kain namin sa labas.
Kinabukasan maaga akong nagising, actually, parang hindi nga ako nakatulog.
Ito na kasi ang araw, ang araw na pupuntahan ko siya simula noong inilibing siya. Isang taon at mahigit na ang nakakalipas pero pakiramdam ko parang kahapon lang nangyare. Nakakapanghina at ang sakit pa rin sa puso kapag naaalala ko.
Pero sa kabila ng mabigat na pakiramdam, mas minabuti ko na kumilos na. Mukhang oras na nga yata na tanggapin ko at harapin ko ang nangyare. Hindi nga yata ako makakausad kung magkukulong ako sa nakaraan.
"You sure you're ready?"
Bungad sa'kin ni kuya nang makababa ako. Bumuntong hininga lang ako at tumango sa kaniya. Umalis na kami ng bahay, pero hindi sumama sila kuya. May importante silang pupuntahan ngayon, kasama ko naman ang mga kaibigan ko kaya hindi ako natatakot.
Tahimik lang ako buong biyahe. Si Aice pinag-drive ko ng sasakyan at pinasunod ko na lang sa sasakyan nila Sky. Dumaan na rin kami sa flower shop para bumili ng bulaklak. Pati na rin sa paborito niyang bakery para magdala ng paborito niya. Sobrang hilig kasi sa tinapay no'n.
Isang beses nga tinanong siya kung sino ang una niyang pupuntahan kapag matatapos na ang mundo, ang sagot niya "si manong baker". Hindi manlang ako naisip, kaya ko na raw sarili ko.
Nang makarating sa sementeryo, nagpa-iwan muna ako sa sasakyan. Dahil gusto ko muna ipunin ang lakas ng loob ko. Gusto ko handang-handa na talaga ako kapag hinarap ko siya.
Sa kotse pa lang hindi ko na maiwasan ang maiyak. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko pero hindi ko magawa. Natagalan tuloy ako lalo sa sasakyan. Bumuntong hininga ako ng ilang beses bago lumabas at maglakad papunta sa kanila.
Si Navi umiiyak na, at ang iba naming kaibigan tahimik lang na nakatingin sa puntod ni Ax.
"Happy Birthday, Babe."
My friends cleared the way. I knelt in front of his tombstone and placed the flower and the bread.
"I got the flowers you always gave me. It's beautiful isn't it? I just realised how beautiful it is. Dati natutuwa lang ako sa bulaklak na 'to kasi galing sa'yo, ngayon alam ko na kung bakit ito lagi ang binibigay mo sakin."
I continued talking not minding the people around me. Napa-tingin ako kay Navi ng madinig ko siyang humikbi, yakap yakap na siya ng kapatid niya.
"Sorry ha, ngayon lang ako nakabisita. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na puntahan ka. Sa totoo niyan hindi ko pa talaga tuluyang natatanggap eh. Ang hirap kasing tanggapin Ax. Ang sakit kasi."
No one dared to speak. They just stood there and listened to me. Nahihirapan na akong magsalita ng maayos dahil pinipigilan ko ang mga luha ko. I don't want to sound pathetic while talking to him.
"How is it up there? Is it as beautiful as they say? Do they even have enough space for you? Ang kulit mo pa naman, hindi ka mapakali sa iisang lugar,"
Kinakausap ko siya na parang nasa harapan ko lang siya. I imagine him in front of me, smiling.
"You know I always to talk to you. But I receive no answer everytime, is that how much you like up there? You don't want to be bothered?"
Halos araw-araw ko siyang kinakausap. Lahat ng mga hinanakit ko sa buhay siya ang unang nakakarinig.
"Can you even hear me? Can you please come back?"
I paused for a while. Hindi ko na kinakaya ang bigat ng mga luha na gusto ng lumabas.
"Was it worth it? Was leaving me worth it?"
Then, I started crying. Both my hands are trembling. My lips can't stay still. My eyes can't stop watering.
I remembered the day that I found him. Lifeless.
"I didn't even know you were tired. I didn't even know you were suffering. I didn't know anything that's why I hate myself."
Naririnig ko si Xei na pinapagalitan ako dahil sinisisi ko na naman ang sarili ko.
"Hindi ko manlang napansin. I could have saved you, pero wala akong nagawa. I f*cking hate myself, for living comfortably while you were suffering in silence."
Inilabas ko na lahat ng nararamdaman ko. Ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko magpakita sa kanila, dahil pakiramdam ko kasalanan ko. I feel responsible for not knowing better.
"I'm so sorry. I'm sorry Axton, I'm sorry."
Napa-yuko na ako nang tuluyan at ang parehong kamay ko ay nasa lupa na. That's when Aice interrupted, he probably can't handle the sight anymore. He picked me up, and as soon as he did I cried in his chest. He didn't say anything and just let me release everything I've been keeping.
"Ken?"
Agad na hinanap ng mata ko kung saan nanggaling ang boses na tumawag sa'kin.
"Ikaw nga, Kenny."
Umalis ako sa yakap ni Aice at lumipat sa mga braso ni Tita Mari na handa na akong bigyan ng mahigpit na yakap.
"Tita, I'm sorry!"
Umiyak ako sa yakap ng mama ni Axton.
"It's okay, Ken. I'm just so happy, so happy that you finally faced him. Thank you so much."
Namiss ko ang boses niya. Namiss ko ang yakap niya. Namiss ko lahat sa kaniya. Sa buong pamilya nila, siya ang nagpapaalala sa'kin kay Ax, dahil sila ang magka-mukha.
"Ate Ken, I missed you."
May biglang yumakap sa'kin habang nakayakap ako kay Tita. It was Axrin, Axton's younger brother.
"I missed you ate, but I hate you!"
Umupo ako para makapantay ko siya.
"I hate you because you left me too. I couldn't find you when I needed you the most. You and kuya left me."
Hindi ko mapigilan yakapin siya. Wala akong masabi, kahit paghingi ng tawad hindi ko magawa. Iniwan ko siya, totoo 'yun. Iniwan ko siya noong kailangan niya ako. Hindi ko kayang itanggi 'yun.
"But I missed you, ate. I missed you so much. Thank you for coming back."
Kumalma na siya at pinunasan ang sarili niyang luha. Axrin is matured for his age. Pinalaki silang independent nila tita. He's only 7, pero alam kong alam niya na akung ano ang mga nangyayare sa paligid niya. Lalo na kung ano ang nangyare sa kuya niya.
"I'm sure he's finally smiling up there,"
Lumapit sa'kin si tito at inakbayan ako. Humarap kami sa puntod ni Ax.
"Because finally, kasama ka na namin."
I'm sorry, Ax. For taking this long to see you. I never realized that I've caused your family even more pain by leaving them too. I'm sorry.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (69)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
oo dahil siya ang author
11/08
0muito bom
17/07
0Ang gandaaa
13/07
0View All