32: Home

"Was all of that a lie?" 
Parang wala na sa sariling tanong ni Ren. 
"Was our happy and perfect family a lie? Are we even a family?" 
Tuluyan ng bumigay ang emosyon ni Ren. Tinangka siyang lapitan ng ina niya ngunit pinigilan niya ito.
Ako ang nasasaktan para sa kapatid ko. Ang perpektong pamilyang kinalakihan niya ay unti-unting nasisira sa mga mata niya. 
"Why did you even stayed with him? Bakit kailangan mong magtiis sa kaniya mom?" 
"It was for you." 
"For me? Or were you just using me as your wall to keep yourself from running back to the rahonzas?" 
Pati ako ay nagulat sa sinabi ni Ren. 
"Did you ever felt happy in this family like how you did with the rahonzas?" 
"I was happy with you," 
"With the family mom!" 
Sigaw ni Ren. Hindi naman nakasagot ang ina niya. 
"Dad was my role model. I worked hard, studied hard, because I wanted to be like him when I grow up. Tapos ganito 'yung malalaman ko? He fucking ruined a family. He...He ruined your family ate, I'm sorry."
Nanghihina siyang bumaling sa akin. I held his hand.
"I ruined your family."
He cried harder. 
"No, no Ren. It's not your fault. You heard what your mom said right? Papa and kuya loved you. I loved you. Our family accepted you. It's not your fault."
I hugged him and because he's taller than me, he's leaning on my shoulders. 
He stood up straight and wiped his tears then faced his mother.
"Did you ever loved dad?"
Hindi ulit siya nakasagot, so ren spoke again.
"You know what I think mom? You should've stayed with them. Because if you did, I could've lived with a REAL happy family and not with a playpretend one." 
Biglang umalis si Ren. Sakto namang may tricycle na dumaan kaya pinara niya agad. I just watched him leave.
"I'm going home." 
Naglakad na din ako papunta sa kotse ko sa glid. 
"Ken, anak." 
Humawak siya sa balikat ko. Marahan ko naman iyong tinanggal. 
"You were never my mother." 
I told that straight to her face. Nanlaki naman ang mata niya. 
"Your son needs you... my brother needs you. Don't make the same mistake twice. Don't leave your child anymore." 
Hindi ko na siya hinintay sumagot at pumasok na sa kotse. 
I held my hand on the steering wheel and rested my forehead on top of it, and then I started crying. 
Ax, kailan ba ito matatapos? Kailan ba mauubusan ng sakit ang puso ko? Kailan ba ako magiging payapa? Nakakasawa na, ax. Nakakapagod na. 
I lifted my head when I heard a knock on my window. There I saw mike. Looking so worried.
I unlocked the door and he went in. Pinunasan ko muna ang mukha ko.
"What are you doing here?"
Hindi ko siya tinitingnan.
"Diba sabi ko sa'yo itatanong ko kay Ren kung saan lakad niyo? Sakto wala naman tayong klase ngayon kaya naisipan kong puntahan kayo."
Paliwanag niya. Hindi ko siya sinagot o kahit tingnan manlang.
"I overheard everything, sorry."
Pag-amin niya. Hindi naman ako galit since nasa public place kami, malamang hindi lang siya ang nakadinig ng usapan namin. Baka nga makarating agad sa pamilya ko eh. 
"Chismoso." 
Pangaasar ko sa kaniya.
"You okay?" 
He sounded worried. 
"Shouldn't I be?" 
Pilit kong ngumiti ng harapin ko siya. He held my hand.
"Yes. So cry. It's fine." 
He sincerely told me, and I lost it. I cried in front of him. Matapos kong umiyak nag-presinta na siyang iuuwi ako, siya na din ang nag-drive ng kotse ko. 
When we arrived at home it started raining, hard. 
Kasabay ng malakas na ulan ang buhos ng luha ko sa braso ni mike. I told him to leave me alone but he refused. 
I stayed nestled inside Mike's arms even after I cried. Not minding what he thinks or how we looked like. All I care about is the comfort of having someone to hug you when you're sad. 
"Thank you for not leaving. "
I told him while still resting my head on his chest.
"Anything for you." 
Napangiti ako sa sagot niya. 
Shit. Malala na 'ko. 
Umayos na ako ng upo at kumalas sa yakap niya. 
"Pwede ka na umuwi, baka hinahanap kana ng parents mo." 
"Mamaya na lang kapag may kasama ka na." 
Sumandal siya sa couch at minasahe ang braso niya.
"Sorry, nangawit ka pa tuloy."
He just smiled at me. 
"Ma'am,"
Sabay kaming napatingin ni Mike sa pinto ng biglang may kumatok at tumawag sa akin. 
"I'll go get it." 
Tumayo siya agad at binuksan ang pinto. Bumungad sa amin si Clark na basang-basa kahit may dalang payong. Medyo nagulat pa siyang makita si Mike sa loob nang bahay ko. Pero hindi niya pinansin at bumaling sa akin.
"Good afternoon, Sir. Ma'am may naghahanap po sa inyo sa labas." 
Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil sa reaksyon ni Mike sa pagbati ni Clark o mag-aalala dahil mukhang importante ang gustong sabihin ni Clark. 
"Sino? Kung about sa resort, alam mo naman kung sino ang pupuntahan at hindi ako 'yon"
I didn't leave my sit. 
"Ma'am hindi po. Ano po kasi, si Ren po."
Bigla akong napatayo.
"Bakit hindi niyo papasukin?" 
Agad akong lumabas ng bahay kaya sa akin niya itinapat ang payong niyang hawak. 
"Ma'am sinabihan kona po si manong guard na papasukin, ayaw pong maniwala sa akin eh. Masiyado pong loyal sa trabaho." 
Hirap na hirap siyang payungan ako dahil sa bilis kong maglakad. 
"May payong ba 'yong kapatid ko?" 
"Ha!?" 
Takang-taka siyang napatingin sa akin. 
"May payong ba 'yong kapatid ko?" 
Pag-uulit ko sa tanong ko. Natauhan naman siya.
"Wa-wala po." 
"Hindi mo manlang binigyan." 
Hindi siya naka-sagot.
"Toy, hindi ngani pwede. Bawal kaming magpapasok dito. Mawawalan pa ako ng trabaho sa kakulitan mo ay"
Malayo pa lang ay medyo dinig ko na ang sermon ng guard. 
Ang maliit na gate lang ang naka-bukas at nasa labas ang guard kaya hindi kita mula sa loob kung sino ang kausap niya.
"Boss, pakisabi na lang kapatid ako. Alam niya na 'yon." 
Nadinig ko ang boses ni Ren. 
"Ang kulit mo namang bata ka, ilang beses ko bagang asabihin sa iyo kilala ko ang kapatid ni Ms. Ken at hindi ikaw 'yon. Sa iba ka na laang mang-scam at hindi maubra dini 'yan." 
Lumabas ako sa maliit na gate habang nagpapaliwanag ang guard. Nakita ko naman na kumamot pa siya sa ulo niya dahil sa kakulitan ni Ren. 
"Ate!"
Nakuha ko agad ang atensyon ni Ren pagkalabas ko kaya pati ang guard ay napatingin sa gawi ko. 
Patakbong lumapit sa akin si ren at yumakap. Tinangka siyang pigilan ng guard at kahit ni clark dahil basa siya, pero hindi nila nagawa. 
"Toy, ay nako po!" 
Stress na stress na si manong guard dahil sa ginawa ni ren. Parang hindi niya na alam ang gagawin niya.
"Ate," 
I heard his cries. 
"Ma'am pasensya na po talaga. Ang kulit ho namg batang 'yan. Inapilit pong kapatid niyo. Apaalisin ko na laang po."
Pilit na nagpapaliwanag si manong guard.
"Toy, parini na at apahatid 'ta. Saan baga ang bahay niyo?" 
Pinilit niyang alisin si Ren sa yakap ko. 
"It's okay, he's staying here." 
Pinigilan ko siyang hilahin ang kapatid ko.
"Ren, sa loob tayo para makapag-palit ka." 
Umayos siya ng tayo at pinunasan ang luha niya. 
"Clark, pakipasok lahat ng gamit ni Ren. Salamat."
Utos ko kay Clark nang makapasok kami sa gate. Umuulan padin kaya humingi ako ng payong sa isa pang guard para sa amin ng kapatid ko. 
Nagulat si ng makita ang pinsan sa loob ng bahay ko. 
"Ren, siguradong basa ang lahat ng gamit mo. Pahihiramin na muna kita, okay lang? May mga damit naman si kuya dito." 
Hindi ko pinansin ang tinginan nilang magpinsan. 
"Okay lang ate." 
He still didn't remove his stare to Mike. Umakyat na ako sa taas para magpalit at ipakita kay ren ang kwartong pansamantalang gagamitin niya. 
"Pinopormahan mo kapatid ko ha!" 
Tumingin ako sa kanilang dalawa. Nakaturo si Ren kay Mike, tila nananakot.
"Punasan mo muna 'yang sipon mo bago ako matakot sa'yo."
Hinampas ni mike ang kamay ni Ren, nagpunas naman ng ilong ang isa. 
"Ren," 
Tawag ko sa kaniya, pareho silang napatingin sa akin. Sinenyas ko sa kaniyang umakyat na gamit ang ulo ko. Sumunod naman siya agad. Naiwan si mike sa sala.
"This will be your room. Pumasok ka na at maligo, may mga damit si kuya sa drawer." 
He roamed his eyes around. He faced me and smiled.
"Thank you, ate." 
Dumeretso na siya sa banyo. I was left there standing. 
I have another brother, wow. I still can't believe it.
Bumaba muna ako saglit para pakiusapan sana si mike tungkol sa mga gamit ni Ren pero nakita ko na si Clark sa baba kasama niya. 
"Ma'am yung mga gamit po, basang basa. Pina-dryer ko po muna."
Bungad niya sa akin. 
"That's what I came down here for. Thank you." 
Ngumiti naman siya at bumalik na sa trabaho. Pero bago siya lumabas ay mahina niya munang hinampas si Mike, tila nagpapa-alam na aalis na siya. Tumango lang naman si Mike.
"You can go home now if you want to." 
Sabi ko sa kaniya. 
"I'll stay. Nasabihan ko na parents ko." 
Tumango ako sa kaniya at sineyas na aakyat muna para magpalit, ngumiti lang siya. 
Umakyat na ako ulit sa kwarto ko. Naisipan kong maligo na lang kesa magpalit lang. 
Matapos kong maligo kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni kuya.
"Hey, there my little princess. Sakto wala akong masiyadong work ngayon."
Masayang bati niya sa akin pero hindi ko kayang suklian ang saya niya.
"I found him."
Deretso kong sabi sa kaniya. 
"Who?" 
He asked, he sound so confused.
"Renzon."
Natahimik siya sa kabilang linya, expected kona 'yun kaya hinayaan kona lang siya. 
"I'll be there tonight." 
"Mag land travel ka na lang kuya, malakas ang ulan dito baka magkaroon ng problema kung mag pa-private helicopter ka." 
Bumuntong hininga siya at mahinang nagmura, pero wala siyang magagawa kundi ang pumayag. Ibig sabihin noon bukas pa ang dating niya dito. Bago matapos ang tawag ay sinabihan ko din siyang kotse kona lang ang gamitin, miss ko na kasi 'yon.

Book Comment (69)

  • avatar
    Allen Almoroto

    oo dahil siya ang author

    11/08

      0
  • avatar
    SantosMayza de toledo

    muito bom

    17/07

      0
  • avatar
    Charish Anne Jordan Vinson

    Ang gandaaa

    13/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters