SABRINAH Nakakapagod ang umiyak. Nakakapagod magpigil ng lungkot. Nakaupo ako sa tabi ni mommy. Umiiyak. Kinikwestyon ang pagiging isang anak ko. Inaalala ang naging panaginip ko noong isang gabi. Sa naging panaginip ko, nandoon si daddy at mommy. Si daddy na matagal ko nang dinadasal na mapanaginipan. Pero bakit sa panaginip kong iyon lang siya nagpakita? Bakit sa panaginip kong iyon lang siya nagparamdam? Bakit nga ba? May ibig sabihin kaya ang panaginip kong iyon ? Bigla na namang tumulo ang luha ko. "Mommy..." Sambit ko habang tumitingan sa nakaratay na si mommy. Kinuha ko ang kamay Niya at hinimashimas ito. Pangatlong araw na ito simula noong operation ni mommy. Pero hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon at iyon ang ikinababahala ko. Ang Sabi ng doctor hindi naman siya na-coma, pero bakit hanggang ngayon tulog pa rin si mommy? Nakatitig ako sa hawak-hawak ko na kamay ni mommy nang makaramdam ako ng mainit na kamay sa likod ko. "Let's go home for now, you need to rest." Malambing na sabi ni Zhander. "At least sleep for a few hours." "Oo nga Sab. Dalawang gabi ka nang babantay Kay tita." Sang-ayon ni Ellie. Hindi ako nagsalita. Nanatili akong nakatitig lang kay mommy. Ilang sandali pa, naramdaman ko ang paghawak ni Zhander sa kamay ko. Tinanggal niya iyon mula sa pagkakahawak kay mommy na hinahayaan ko lang din naman. "Let's go." Inalalayan niya ako sa pagtayo. Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami. Pagdating namin sa kotse niya ay binuksan niya ang pinto para sa'kin. "Careful." Nang makapasok na ako ay sumakay na din siya at pinaandar ang kotse. "Sa bahay namin..." Sabi ko. "Gusto ko pumunta sa bahay namin." "Okay, doon tayo pupunta." Sabi niya at pinaliko ang kotse papunta sa daanan ng bahay namin ni mommy. Meron akong gustong makita sa bahay namin... Mga alaala at diary ni mommy kung meron man siya. Gusto kong makita iyon. Kung sakali man na may diary si mommy, siguro naman sinusulat niya roon ang lahat nang masasaya at malulungkot na karanasan niya sa buhay. Gusto kong mabasa iyon. Nang makarating na kami sa bahay ay hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ng pinto ni Zhander. Nauna na akong bumaba sa kaniya. Pumasok ako sa bahay habang nakasunod naman sa likuran ko si Zhander. Sa bawat parte ng bahay, naaalala ko ang mga memories na kasama si mommy. Sa living room kung saan palagi kaming nanonood ng movies dati. Sa kusina kung saan naalala ko na tinuturuan ako ni mommy na magluto ng cake noon no'ng highschool palang ako, pero imbes na magseryoso upang matuto ay pinaglaruan ko ang harina at mga itlog. Pero kahit ganoon ay hindi ako pinagalitan ni mommy. Luhaan akong nakatingin sa kusina. Pinapanood ang nagtatakbuhan na si mommy at ang sarili ko. Hanggang sa dahan-dahan na iyong naglalaho. Pinahid ko ang luha ko. Sumunod akong pumasok sa kuwarto ni mommy. Ewan kong saan na napunta si Zhander, hindi na kasi siya nakasunod sa'kin. Marahan kong pinihit ang pintuan ng kuwarto ni mommy. Pagkabukas ay una kong nakita ang litrato namin na kasama si mommy at daddy. Parehas kaming nakangiting tatlo sa kuha na iyon. Sa tabi niyon ay ang litrato naming dalawa ni mommy. Kuha ito noong wala na si daddy, medyo maliit pa ako dito. Umupo ako sa kama ni mommy. Sa ulohan ng kama niya ay may isang maliit na notebook. Ito na ba iyon, ang diary ni mommy? Inabot ko iyon at binuksan. Sa unang pahina ay may nakalagay na litrato naming dalawa ni mommy. Sa litrato na ito ay dalaga na ako. Nakasuot ako ng school uniform dito at si mommy naman ay simple red dress lang ang suot. Pareho kaming nakangiti ni mommy dito sa litrato. Mukha ngang diary ito ni mommy. Nagbukas ako ng bagong pahina, at doon may nakasulat na petsa na October 16, 2020. Ito siguro yung petsa kung kailan sinulat niya ito. Sabby's College Graduation Sabrinah anak, congratulations sayo. Sana palagi mong iisipin na andito ako palagi na nagmamahal at sumusuporta sa iyo. Proud na proud ako sayo anak. I love you. Napatulo na naman ang mga luha ko. Gumagawa na pala si mommy ng diary noong college palang ako, 'di ko man lang alam. December 12, 2020 Sabby's first day of work Good luck anak! Proud na proud ako sayo. ~~~ December 25, 2020 Merry Christmas Sabrinah. I love you always!!! ~~~~ February 14 , 2021 A date with my Sabby. I was very very happy today. Thank you anak, I love you. Happy Valentine's day. ~~~~£ October 11, 2021 Sabby's Birthday Happy 24th Birthday Sabrinah!!! Gusto sana kitang ipasyal ngayon dahil birthday mo, pero sigurado na busy ka dahil first day mo today as a regular employee ng kompanyang pinagtatrabahuan mo. Ipaghahanda nalang kita ng paborito mong pagkain at cake. October 30, 2021 Brain cancer... Sa sunod na pahina ay litrato ko na may suot na wedding gown ang nakalagay. Picture ko at ni Zhander at picture namin ni Zhander na kasama si mommy during sa wedding. Sa ibaba ng pictures, may nakasulat na ... Sabrinah anak, may brain cancer si mommy. Meron akong glioblastoma. Ang Sabi ng doctor ito daw yong last stage ng brain cancer at hindi na daw ako magtatagal dito. Sabby anak, pasensiya ka na, patawarin mo sana si mommy kung ililihim ko ito sa iyo. Sabby anak, ayokong aminin sa iyo na may sakiy ako kasi alam ko na malulungkot ka lang. At ayokong mangyari iyon. Kung sakali man na iwan na kita, 'wag na 'wag mong sisisihin ang sarili mo. Sabrinah anak, Sabby ko... Tatandaan mo palagi na mahal na mahal kita. ******* Ellie's POV Inaayos ko ang kumot ni tita nang bigla nalang sunod sunod na tumunog ang monitor ni tita. Napatingin ako doon at nakita ko na nag-iiba ang linya doon. Mula sa paliko-liko ay nagiging isang linya iyon kaya madali akong tumakbo palabas para magtawag ng doctor. Kinakabahan ako noon. Nanginginig ang buong katawan ko. Umiiyak na din ako. Madaling pumasok ang doctor na nag-opera kay tita kasama ang mga nurse. Nagkakagulo sila sa loob at para bang ayokong isipin ang susunod na mangyayari. Nasa labas ako ng kuwarto pero naririnig ko pa rin ang tono ng life monitor ni tita. Hanggang sa lumabas na nga ang doctor.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (260)
Ayesha
This story has made me cry, laugh, and kilig! Im gonna say this is a very good story🥹
This story has made me cry, laugh, and kilig! Im gonna say this is a very good story🥹
15/05
0nice one
10/03
0beautiful
23/02
0View All