CHAPTER 2

Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga nang napagtanto kong hindi lang ako basta nag-iimagine. Ang lalaking nakasuot ng puting hospital gown! Nandito nga siya! As in real na real! What the freak? Ano bang meron sa lalaking ito?
"Anong ginagawa mo dito paano ka nakapasok?" Gulat na tanong ko sakaniya ngunit mahina lamang ang aking pagsasalita. 
"Dinadalaw ka. Iniwan mo kasi ako." He pouted.
Iniwan? Wala namang tayo ah! Sino ka ba? 
"Nakabukas ang pintuan, kaya pumasok na ako. Sorry, naistorbo ko pa ang pagpapahinga mo, akala ko ay tulog ka." Dagdag niya pa. 
"Lumabas kana dito! Bago pa magising si daddy." 
"Chill ka lang Luna, hindi naman niya ako makikita."
Aba! Isn't he nervous? Baka mapagilatan pa siya. Loko-loko talaga itong lalaking ito. Naku! Kapag siya talaga mahuli ng kung sino man diyan na pumasok dito sa room ni dad ay baka pareho kaming makatikim.
"Trespassing ang ginagawa mo." Mahinahong saad ko sakanya. 
"Huwag kang mag-alala, wala namang masamang mangyayari." He chuckles. 
"May pinagtataguan ka ba?"
"Wala naman Luna, gusto lang talaga kitang makasam---." 
"I mean, gusto kitang maging kaibigan." Dagdag niya pa sa kaniyang sinabi atsaka ngumiti sa akin. 
"Napapasaya mo kasi ako." He said pa nga.
Maaliwalas ang kaniyang pagmumukha na parang walang iniindang sakit o problema. I don't think he is sakitin din, I feel like he's healthy nga e. 
"Aster nga pala." Inabot niya sa akin ang kanyang kamay kaya nakipag shake hands ako sa kanya. Sobrang lamig ng kamay niya siguro dala ng aircon or sadyang may sakit lang talaga siya (sa utak).
"Hindi na ako magpapakilala, you already know who I am. I mean my name but not my story." 
"Willing naman akong mas kilalanin ka pa." He said calmly. 
Nagpalitan lamang kami ng ngiti sa aming mga labi. He has a good smile, straight teeth and pinkish lips, bagay na bagay sa kaniyang maputing balat at poging pagmumukha. Hindi mo talaga makikita sa itsura niya na may sakit siya or what. Sobrang linis niyang tingnan. 
"Luna, who are you talking to?" 
Tumingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na iyon. 
"Dad, did I wake you up?" 
"Who are you talking to?" 
Nilingon ko ang sofa kung saan ako umupo kanina ngunit hindi ko nakita ang lalaking nakasuot ng puting hospital gow--- I mean si Aster. Saan kaya siya pumunta at tila nawala siya ng parang bula. Hindi ko rin naramdaman ang paglabas niya sa pintuan. Weird.
"Wala dad, I'm singing." Nakangiti kong sagot sa kaniya. 
"Gusto mo ba kumain dad? May iniwan na fruits si mommy." 
"Apple." Tipid na sagot niya.
Tumayo ako para kunin ang apple sa table na malapit sa bintana. Dad loves apple talaga. Whenever we bought fruits, hindi talaga nakakalimutan ang apple. 
I sliced the apple into eight pieces. Dadalhin ko na sana ito kay dad when I saw Aster sa labas ng bintana waiving his hand. Gosh! Paano siya nakarating doon agad? Kung elevator ang gamit niya, hindi naman siguro ganoon kabilis, nasa third floor kasi ang room ni dad. Tumalon ba siya? Kung tumalon siya, paanong buhay pa siya? Weird niya talaga. Sino ba talaga siya? Anong mayroon sa kaniya? Mukha naman siyang normal na tao.
"What's wrong?" 
Naglakad na ako paalis sa bintana at lumapit kay dad matapos niyang sabihin iyon. 
"Wala po."
Hindi pa rin mawala sa isip ko kung paano nakarating ka agad si Aster sa ground nang ganoon kabilis? Another thing, paano siya nakalabas dito sa room nang hindi ko man lang naramdaman? Weird.
"Where's your mother?" Dad asked me while he was still eating. 
"She went to the company." 
"Miss mo?" Panunukso ko sa kaniya. 
"Of course sweetheart, as always." 
"I miss you all Luna. I miss our complete family." Dagdag niya pa. 
Me too.
"Don't worry dad, we'll reunite fully once more." 
Be positive. 
"When will your sister return home so that we can spend time together?"
Biglang bumigat ang loob ko sa sinabi niya. Miss niya na talaga si ate. Gusto na talaga niya kaming mabuo ulit. 
"She said, next week."
Sabi ni ate inaayos na daw niya ang mga papers niya. Uuwi sana siya nung sinabi namin sakanya na sinugod namin sa hospital si dad pero marami pa siyang kailangang asikasuhin kaya hindi natuloy.
"Water, sweet heart."
Tumayo naman ako ka agad para kuhaan ng tubig si daddy. Dinala ko na din ang platong ginamit niya dito sa mesa. Bahagya akong sumilip sa bintana bago dalhin at ibigay kay daddy ang iinumin niya, ngunit hindi ko na nakita si Aster doon. 
Niyakap ko si daddy katulad ng palagi kong ginagawa. Nakaupo ako sa chair while my head is nasa dibdib niya. He's fingers are playing with my hair. Well, daddy's girl talaga ako. 
I looked at him when he stopped playing with my hair and I saw his eyes were now closed. Nakatulog na naman siya.
Nagising ako nang kayakap pa rin si dad. Hayst! Nakatulog din ako. I opened my phone para tingnan ang oras, it's already 4:45 in the afternoon. 
"Daddy's girl!" 
Nagulat ako nang marinig ko iyon, familiar ang boses.
"Aster? Ikaw na naman? Kanina ka pa ba dito?" Mahinang tanong ko sa kaniya. 
"Hindi naman, Luna."
Umalis na ako sa pagkakaupo ko at lumipat sa sofa. Sumunod naman si Aster sa akin at tinabihan ako sa pagkakaupo ko. 
"Sweet mo sa daddy mo." Saad ni Aster sa akin. 
"Yeah." 
"Close talaga kami ni dad, simula noong bata pa ako. Si mommy at ate Luxainne naman ang palaging magkakampi." 
"Sana all." Pilyong sambit niya. 
"Ikaw ba? Nasaan ang parents mo? Hindi ka ba pinapagalitan sa tuwing umaalis ka sa room mo?" Tanong ko naman sa kaniya. 
"Well, nasa bahay sila. Hindi naman nila alam na nandito ako." 
I was shocked sa sinabi niya. Hindi alam ng parents niya na nandito siya? Paano?
Knockk! knockk!
Someone is knocking, maybe si mommy. Lumapit ako sa pinto para buksan iyon at hindi nga ako nagkamali, si mommy iyon.
"How's your dad Luna?" Pambungad na tanong niya sa akin. 
She was carrying a paper bag, siguro pagkain iyon. 
"Okay naman po."
Wait! Si Aster?! 
Mabilis kong nilibot ang paningin ko sa buong silid, wala na si Aster. Tumalon na siguro sa bintana. Sumilip ako sa bintana baka sakaling makita ko ulit siya sa ground ngunit wala siya. Weird niya talaga, paano siya nakalabas sa room nang hindi ko man lang naramdaman. Hindi kaya imagination ko lang siya?
"Ah Luna, your ate said makakarating na siya sa lunes." 
"Really mommy?" Excited kong tugon sa kaniya. 
"Shhhh! Baka magising ang daddy mo." Saad niya sa akin. 
Sus! Masaya lang naman ako e.
"Sorry naman. Pero totoo?" Hindi makapaniwala kong saad. 
"Yup! Kaya bukas maglinis tayo sa kwarto ni ate mo." 
Huh? Bakit naman kami ang maglilinis doon? 
"Oh? Wala tayong kasambahay Luna, pababantayan ko nalang muna sa mga nurse daddy mo para tulungan mo akong maglinis doon.
Tama nga pala at wala kaming kasambahay. Hindi ko talaga maintindihan ang pamilyang ito! Well, masasabi ko naman na mayaman kami at afford naming kumuha ng kasambahay pero ayaw ni dad. Noong umuwi kami dito ay si mommy and daddy lahat gumagawa ng mga house chores. Ngayong dalaga na ako, tumutulong na din ako sa mga house chores para kahit papaano ay may matutunan ako. Sabi kasi ni mommy mas maganda daw na marunong kami sa buhay kaysa sa inaasa lang sa ibang tao. Also isa sa dahilan kung bakit ayaw nila mom and dad kumuha ng kasambahay is because umaalis din naman kami sa bahay tuwing vacation namin dahil sa United Kingdom naman talaga ang place namin. 

Book Comment (280)

  • avatar
    Princess Jane Arradaza

    I love this story subra nagagandahan ako diko nanga namalayan na madaling araw na HSHS plsss po sa next chapter I wanna read again Ang ganda² talaga Ng story my line din na ranas ko like sa daddy nya pro Yung ghost and Leo ackkk nakaka exciting pa talaga sa next chapter.

    24/08/2023

      0
  • avatar
    ۦۦ Clea

    His story is so beautiful, I can see myself in what I read since I've been a bts fan since grade 7 and everything he mentioned in the story almost matches my situation back then

    22/08/2023

      0
  • avatar
    Ashlie Kyle Purog

    complete naba talaga to huhu wla syang naging jowa eme huhu pero ang sakit mo aster pero move na forda go ....nice story

    20/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters