"Luna bilis!" Sobrang lakas ng buhos ng ulan kaya naman dali-dali na akong lumabas sa kotse papasok sa hospital. Tumatakbo lang ako habang nasa ulo ko naman ang aking kamay. Hayst! Tatakip-takip pa, mababasa rin naman. Dadalawin nga namin ang aking ama na halos mag-iisang buwan nang naka confined dito sa hospital dahil sa sakit niya. Sabi naman ng doctor ay day by day ay mas bumubuti ang kalagayan niya. "Oh nabasa ka pa! Sabing bilisan mo e." "Mommy hindi naman po ako si the flash! Atsaka wala tayong dalang payong." Tugon ko sa aking ina. Alam naman namin na uulan pero hindi kami nagdala ng payong, I mean balak naming magdala pero naiwan sa bahay. Hindi talaga kami girl scout ni mommy. Nasanay din kami na palagi kaming nireremind ni daddy sa mga dapat naming dalhin sa tuwing umaalis kami sa bahay. "Uminom ka ng tubig." Saad niya. Kailangan ba talagang uminom ng tubig kapag nabasa ka ng ulan? "Uminom tayo ng tubig, mommy nabasa din po kayo." Pagtatama ko sakanya. Mukhang pagod na pagod si mommy dahil siya na lahat gumagawa ng kailangan para sa company simula nung dinala namin si dad dito. Hindi siya masyadong nakakatulog at nakakakain ng maayos dahil nag-aalala din siya kay daddy. Kapag nasa bahay kami ay madalas ko siyang nakikitang nag-aayos ng papers atsaka umiiyak. Kapansin-pansin din ang kanyang pamamayat ngunit kahit na ganoon ay nangingibaw pa rin ang kanyang kagandahan. Well, maganda talaga ang lahi namin, that's something I can be proud of. Dumeretso na kami sa loob ng room ni daddy. As usual, ganoon pa rin ang itsura nito, walang pinagbago. Private nga pala ang room ni daddy dahil gusto namin tahimik at malamig ang paligid niya. Alam niyo naman siguro kung gaano kahalaga ang peaceful place kapag nagpapahinga at nagpapagaling ka. Also, para na may privacy din naman kami. "Dad, how are you?" Tanong ko kay daddy pagkapasok namin sa kwarto niya. "I can't say I'm okay, luna. But I feel better than yesterday." Dad responded. Dad is a ibang lahi pala kaya madalas niyang ginagamit ang wikang english sa pakikipag-usap. Nakakaintindi naman siya ng tagalog or filipino language yun nga lang ay nabubulol siya kapag ginagamit ito sa pakikipag-usap. Buti na nga lang ay bilingual ako kaya hindi ako napag-iiwanan ng kausap ko, filipino man or english language. "Honey, if you need anything, just tell me. Okay?" Mom said. Dad nodded. I wonder about kailan magiging okay si dad or kung magiging okay pa ba siya. People say leukemia is not a curable disease, that's why pinanghihinaan na rin ako ng loob. The doctor suggested we do chemotherapy before, kaya ginawa naman namin. But dad's cancer came back. "Luna, aalis muna ako, bantayan mo ang daddy mo. May kailangan lang ako sa company." Palagi naman. Palaging ako ang naiiwan dito para bantayan si daddy, busy kasi talaga si mommy. "Yes mommy." Mahina kong saad. "Kung gusto mo kumain, bumili ka nalang." I nodded. Nakatulog na rin pala si daddy, marami sana akong ikukwento para sakanya pero mukhang pagod siya. I hope dad recovers as soon as possible. I opened my phone and clicked Facebook. As usual puro fb stories lang ng mga friends ko ang bubungad sa akin. It's our summer vacation pero nandito lang ako palagi sa hospital whereas my friends are nasa gala nila with family. I miss the good old days, kailan kaya kami ulit makakapag travel nila daddy? I miss travelling and going to the United Kingdom para mag vacation na talaga. Tulog pa naman si daddy, kaya lumabas nalang muna ako sa room niya. Kakain nalang muna siguro ako sa malapit na cafeteria dahil wala naman akong magawa. Coffee na naman ba kahit mainit? Well malamig naman sa place so g lang. Kasalukuyan akong nasa elevator, scary pa nga dahil may kasama akong isang lalaki baka mamaya kung ano pang gawin sa akin. I don't trust boys talaga maliban kay daddy. Nakasuot ito ng kulay puting hospital gown. Tumakas ba siya? Pero bakit naman siya tatakas, wait! Hindi kaya multo siya? Pero maaga pa naman, siguro naman ay hindi pa allowed lumabas ang mga ghost. Atsaka kung ghost siya, bakit hindi niya ako tinatakot? Nakaramdam ako ng kaba nang tumingin siya sa akin. He's handsome and taller than me pero mukhang kasing-edad ko lang din ito. Hindi naman siya mukhang may sakit at nakakatayo pa nga kahit walang alalay. He smiled at me kaya sinuklian ko nalang din siya ng ngiti balak ko sana siyang tanungin nang bumukas na ang elevator at lumabas siya. Pagdating ko sa cafeteria ay nag-order lamang ako ng kape at cookies. Hindi pa naman ako gutom na gutom, gusto ko lang kumain. "Can I sit here?" Bumalik ako sa katinuan nang marinig ko ang lalaki magsalita. "Yeah." Wala sa sarili kong saad. Kanina pa siguro ako nakatulala sa kape at cookies ko. Bigla nalang ako naging empty e, sobrang dami ng iniisip ko I can't even think a solution para sa lahat. "Lalamig na yang kape mo Luna." Bahagya akong napatingin sa lalaking nasa harapan matapos niya iyong sabihin. Luna? Kilala niya ako? Teka parang siya yung nakasama ko kanina sa elevator. Is he stalking me? "Paano mo nalaman ang pangalan ko? Stalker ba kita?" Napalakas siguro ang boses ko kaya nakatingin sa akin ngayon ang mga tao. "Calm down." He said. Paano naman ako kakalma? "Madalas kitang nakikita at madalas kong naririnig ang pangalan mo." "So what? Close ba tayo?" Mahina lamang ang pagtugon ko sakaniya ngunit bakit nakatingin pa rin sa akin ang mga tao? "Kalma kalang, huwag mo masyadong lakasan ang boses mo. Tingnan mo nakatingin na lahat ng tao sa iyo." Nakangiting saad niya sa akin. "Bakit ka ba nandito? Hindi ba dapat nagpapahinga ka sa room mo." "May iba nang nagpapahinga doon." Mahinang tugon niya sa akin na halos sarili niya lang rin ang nakarinig kaya't hindi ko naintindihan pero hindi ko na itinanong sa kanya ulit. Tinapos ko lang ang pagkakape't pagkain ko ng cookies saka umalis doon. Nandoon pa rin ang lalaking nakasuot ng puting hospital gown pero hindi ko na siya pinansin. Nakiupo lang naman siguro siya doon dahil bored siya. Hindi nga kumain e. Baka tumakas talaga siya at may pinagtataguan. Bumalik na ako sa room ni dad, tulog pa rin siya kaya iniwasan kong makagawa ng ingay. Humiga ako sa sofa para doon magpahinga. I put my headphones na para makinig ng music nang hindi naririnig ni dad baka kasi magising siya, kailangan niya pa naman mag handsome rest. Gustong-gustong kong sabayan ang lyrics ng kanta. Hobby ko nga palang kumanta and dad told me na maganda ang boses ko. When I was young, ang bonding namin ni dad ay kumakanta ako while he was playing his favorite guitar. Those good old days talaga. Paano kaya ako makakabalik doon. I really miss bonding with dad, travelling with mommy, ate Luxainne and daddy, swimming with the whole family, taking pictures together and such. I really miss us na talaga. I wonder kailan uuwi si ate Luxainne here sa pinas. Ate Luxainne is the panganay and I am the bunso. She's working abroad sa family business nila daddy, ako naman is nag-aaral pa. Grade 12 student na ako this next school year. But I'm not ready. Yeah-yeah, yeah-yeah, yeah-yeah Euphoria Euphoria (oh-huh) Take my hands now You are the 'cause of my euphoria Ganda talaga ng boses ni Jungkok. K-pop fan nga pala ako and since I was grade 7 fan na fan na ako ng bts, blackpink and twice. Naging fan naman ako ng straykids, mamamoo and red velvet nung grade 9 ako. Close the door now (door now) When I'm with you, I'm in utopia I wonder kung kailan ako magiging cause of euphoria ng isang tao. Maybe in the right age? Cause I am just a 17 years old teenager. Ano naman kayang kalokohan ang pumasok sa isip ko at nakikita ko ngayon iyong lalaki na nakasuot ng puting hospital gown? Iniimagine ko ba siya kaya nakikita ko ang pagmumukha niya sa tapat ko habang nakahiga ako? Pero bakit ko naman siya iimagine-in? We're not close. Wait! He's blinking like an idiot! Don't tell me this is real? Like as in real na real?
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (280)
Princess Jane Arradaza
I love this story subra nagagandahan ako diko nanga namalayan na madaling araw na HSHS plsss po sa next chapter I wanna read again Ang ganda² talaga Ng story my line din na ranas ko like sa daddy nya pro Yung ghost and Leo ackkk nakaka exciting pa talaga sa next chapter.
24/08/2023
0
ۦۦ Clea
His story is so beautiful, I can see myself in what I read since I've been a bts fan since grade 7 and everything he mentioned in the story almost matches my situation back then
22/08/2023
0
Ashlie Kyle Purog
complete naba talaga to huhu wla syang naging jowa eme huhu pero ang sakit mo aster pero move na forda go ....nice story
I love this story subra nagagandahan ako diko nanga namalayan na madaling araw na HSHS plsss po sa next chapter I wanna read again Ang ganda² talaga Ng story my line din na ranas ko like sa daddy nya pro Yung ghost and Leo ackkk nakaka exciting pa talaga sa next chapter.
24/08/2023
0His story is so beautiful, I can see myself in what I read since I've been a bts fan since grade 7 and everything he mentioned in the story almost matches my situation back then
22/08/2023
0complete naba talaga to huhu wla syang naging jowa eme huhu pero ang sakit mo aster pero move na forda go ....nice story
20/08/2023
0View All