CHAPTER 8

"Mommy! Ate! Ano pong nangyari kay dad?!" Sigaw ko sakanila ng makati ko sila. Nasa labas sila ng room ni daddy na para bang kanina pa sila ikot nang ikot. They're crying and even dad's siblings are crying. 
Buti nalang talaga at hindi traffic kaya nakarating ako kaagad. Kanina pa ako nag-aalala sa kalagayan ni dad dahil hindi man lang sinasagot nila ate ang tawag ko. 
"Luna, we don't know basta bigla nalang may kung anong dinamdam na sakit ang daddy mo." Mom said na para bang hindi siya mapakali dahil ikot siya nang ikot. 
Ate is now hugging me and mom, halos tatlong minuto na kaming naghihintay dito sa labas. Sabi ni ate kanina ay sigaw nang sigaw si daddy at rinig na rinig iyon dito sa labas ng room niya. But now, I think he's okay dahil wala naman akong naririnig na sigaw coming from him.
"How's my husband?"
"How's Andrei?"
Magkasabay na tanong nila mama at ng mga kapatid ni daddy pagkalabas ng doctor sa loob ng room. They're all crying din kaya halatang nag-aalala talaga sila sa condition ni daddy.
"He is fine, he's now sleeping. Nagkaproblema lang sa muscle ng patient but he's okay now." Saad ni Dr. Cruz. 
"Hayaan niyo nalang muna siyang magpahinga." Dagdag niya pa.
"Thank you doc." Tugon ni mama sa kanya. 
"Sige po, mauna na ako sa inyo." Iniwan na kami ni doctor Cruz kaya naman sinilip namin ang kalagayan ni Daddy. We saw him sleeping kaya hindi na muna kami pumasok, baka mag caused kami ng ingay sa kanya.
"Let's go home, so you can take a rest." Mahinanong saad ni mama sa mga kapatid ni daddy.
"Sure, but who will take care of Andrei?" Tito Nico Asked.
"Don't worry uncle, we'll tell the nurse to keep an eye on dad while we are not around." Ate said. 
"Uhm, I'll stay here so there's someone who can watch over dad."
"Are you sure Luna?" Mommy asked me. 
"Yes mommy, dalhan niyo nalang po ako ng makakain, pagbalik niyo po."
"Okay, take care." Mom and ate kissed me before they left.
Pumasok na ako sa loob ng room ni dad. Madilim na rin ang paligid kaya isinara ko na ang window. Sinulyapan ko si daddy and he's sleeping peacefully. Nilapitan ko si daddy para halikan din siya sa noo, inayos ko na rin ang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan. 
"Dad, please stay with us pa. I can't imagine our family without you." Mahinang sambit ko. 
Pinagmasdan ko pa siya ng ilang sandali bago ako umupo sa sofa. As usual, wala na naman akong gagawain, makikinig nalang siguro ako ng music. I opened my phone and clicked spotify para maghanap ng songs doon. I saw this one song that reminds me of someone kaya iyon nalang ang pinakinggan ko.
'Youngblood thinks there's always tomorrow
I miss your touch on nights when I'm hollow
I know you crossed a bridge that I can't follow'
Sinasabayan ko lang ang pag-awit ng bawat lyrics sa aking isipan.
'Since the love that you left is all that I get
I want you to know'
Bigla kong naalala si Aster. Hayst! Bakit ba? Sino ba siya para bigla nalang pumasok sa aking isipan?
'That if I can't be close to you
I'll settle for the ghost of you'
What if ma-fall in love ako sakanya? Aster was the first ever guy except sa relatives and teachers ko na nakakausap ko palagi. I feel so comfortable when I'm with him. Nagagawa ko ring makipag-lokohan sa kanya which is hindi ko nagagawa sa mga lalaking nakilala ko.
I'm sure naman na hindi naman kami magkakasama ng matagal because he is dead na nga and I am alive. I just know na hindi forever mananatili dito ang soul niya, we belong to different worlds. 
Maybe I am a little bit attached to him that's why palagi ko siyang naiisip. Speaking of palagi ko siyang naiisip nakikita ko na naman ang itsura niya sa harapan ko. Wait! 
"Aster?" Tawag ko sa kanya atsaka hinawakan ang kaniyang mukha. Malamig pa rin talaga ang balat niya. Paano ko kaya siya nahahawakan kung ghost na siya?
"Hi, how are you? Kamusta daddy mo?" 
"Mukhang okay naman na siya." Mahinang saad ko. 
"Good. Mabuti naman." Tugon niya sa akin. 
"Sa ibang araw nalang tayo mag-usap baka kasi magising si daddy e, nagpapahinga na siya." 
"Hindi mo naman ako kailangan kausapin gamit ang bibig at boses mo Luna. May phone ka naman e pwede mo naman sigurong e type nalang diyan ang sasabihin mo at babasahin ko nalang." 
Wow! Ibang level din ang strategy niya ha. 
I opened my ms word para doon na nga lang siya sagutin katulad ng sinabi niya. 
'Okay, Fine!' I typed sa cellphone ko at pinabasa sa kanya.
"Ano daw ba ang nangyari?"
'Bigla nalang daw nakaramdam ng sakit si daddy.'
"Oh, okay. Pero mukhang he is fine na."
Tumango lamang ako sa kanya.
'May itatanong pala ako.'
Curious na talaga kasi ako e.
"Go ahead." Excited niyang tugon akin.
'Nakakakita ka ba ng ibang multo?' 
Natawa siya sa itinanong ko sa kanya. Mali ba ang tanong ko? 
"Hindi ba obvious? Well, yes. Minsan nakakausap ko rin sila and just like me, mukhang may hinahanap at kailangan pa raw sila kaya hindi pa sila nakakabalik kung saan man sila nararapat."
'How does it feel maging ghost?'
"Normal lang, parang tao lang din, hindi nga lang nakikita ng iba." 
'Anong itsura ng heaven?'
Sandali siyang natigilan sa sunod na naging tanong ko. 
"Well, I don't remember it so well. But it's pretty, beautiful."
I know it is.
"I hope your dad will fight that cancer, Luna." He said matapos siyang mapabuntong-hininga. Hindi na ako nagulat na alam niya ang sakit ni daddy, marites naman siya e. 
'Sana nga, I can't imagine life without him.' 
As in I can't. For my seventeen years of living dad nasanay ako na palagi ko siyang nakikita, nayayakap, nahahalikan, at nakakausap, I can't imagine na isang araw hindi ko na iyon magagawa sa kanya.
Halos ilang oras kaming nag-usap ni Aster. Madami din siyang naikwento sa akin tungkol sa buhay niya. Nabanggit niya rin sa akin kung paano naging paborito ng mama niya ang bulaklak na daisy. Pakiramdam ko ay mama's boy si Aster, puro mother niya ang laman ng kwento niya.
Knock! Knock! 
I think mommy's here. Binuksan ko na ang pintuan para tingnan kung sino iyong kumakatok. It's mommy and ate nga! Sa wakas makakakain na ako. 
"Good evening mommy and..." Tiningnan ko muna up and down and side by side si ate bago ko tuluyang banggitin ang kanyang pangalan.
"Dinner mo." Mahinang saad sa akin ni ate bago iabot sa akin ang paper bag.
"Thanks." Nakangising tugon ko. 
"Kamusta ang daddy mo Luna?"
"He's fine mom, natutulog pa rin po siya." 
"I see." Tipid at mahinang saad ni mommy.
Kinuha ko na sa paper bag ang Tupperware atsaka binuksan. Yum! 
"Wow, Kaldereta!" Nandito pa rin pala si Aster. Akala ko umalis na siya. 
Nilingon ko lang siya atsaka nagsimulang kumain. Gusto ko sana siyang yayain kumain pero hindi pwede, baka magulat lang sila mommy. Paano kaya siya nakakakain?
"Luna, mauna na ako. Family bonding niyo na e."
Tumango lang ako dahil hindi naman ako makapagsalita. 
"See you tomorrow." Saad niya. Hindi ko na siya tiningnan pa dahil hindi sarap na sarap ako sa pagkain. Ngunit nasa isip ko ang gusto kong sabihin...
"Take care, Aster. See you again, tomorrow." 

Book Comment (280)

  • avatar
    Princess Jane Arradaza

    I love this story subra nagagandahan ako diko nanga namalayan na madaling araw na HSHS plsss po sa next chapter I wanna read again Ang ganda² talaga Ng story my line din na ranas ko like sa daddy nya pro Yung ghost and Leo ackkk nakaka exciting pa talaga sa next chapter.

    24/08/2023

      0
  • avatar
    ۦۦ Clea

    His story is so beautiful, I can see myself in what I read since I've been a bts fan since grade 7 and everything he mentioned in the story almost matches my situation back then

    22/08/2023

      0
  • avatar
    Ashlie Kyle Purog

    complete naba talaga to huhu wla syang naging jowa eme huhu pero ang sakit mo aster pero move na forda go ....nice story

    20/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters