"Tapos mo na bang punasan iyang window?" "Yes mommy." "Okay, good. Kunin mo na yung bedsheets na nilabhan natin kagabi, siguro naman ay tuyo na iyon." Lumabas na ako sa mula sa kwarto ni ate Luxainne matapos niya iyong sabihin sa akin. Haystt! Nakakapagod maglinis sana may tip kay ate. Bukas na pala siya makakarating dito, sana maraming chocolates. Kinuha ko na sa sampayan iyong bedsheets atsaka punda kahit bedsheets lang inutos sa akin, iuutos din naman iyon sa akin e. Tuyo naman na ito, thanks sa dryer. "Mommy oh! Sana may pasalubong talaga tayo kay ate, napagod tayo maglinis e." "Of course hindi natin siya hahayaang makapasok dito kapag wala." Pilyong saad ni mommy sa akin. Ilang sandali pa kaming nagtawanan sa mga walang kwenta naming jokes hanggang sa tuluyan na kaming matapos sa paglilinis. "Magpahinga ka na muna. Maligo ka maya-maya pupunta tayo kay daddy mo." Tumango lamang ako sa kanya. "Ano kaya ang susuotin ko?" Bulong ko sa sarili ko. Tumayo na ako para maghanap ng outfit ko for today. Kahit naman na sa hospital kami pupunta, gusto ko aesthetic pa rin ang dating ko. I am wearing a simple plain white dress nga today. Papunta na kami sa hospital kaya dali-dali na akong pumasok sa car. "Where do you want to eat?" Tanong ni mommy sa akin. "Drive thru nalang tayo, jollibee then sa kwarto na tayo ni papa kumain para may kasama siya." Tugon ko sa kanya. Mom started driving na co'z why not? Dumaan din kami sa jollibee para bumili ng makakain pang lunch. We ordered spaghetti, bff fries because that's my favorite, chicken and rice. Bumili na din kami ng paper plate and water dahil wala kaming dala. I told you mom and I were not a girl scout. I saw Aster standing sa entrance ng hospital nang makarating kami. I waved my hand at him and he just smiled at me. Pumasok na kami sa elevator ni mommy, good thing walang ibang tao. "Daddy, how are you?" Pangangamusta ko kay daddy nang makapasok kami sa loob ng room niya sabay yakap sa kaniya. "I'm fine." Tipid at mahinang sagot sa akin ni Dad. "Hon, Doc, good afternoon." Nandoon pa si Doctor Cruz kaya nag blessed din ako sa kaniya and he smiled at me naman. I assumed kakatapos niya lang e check ang kalagayan ni Daddy. "Uhm, Mrs. Smith, can we talk?" "Sure." "Excuse us." Ani Dr. Cruz Lumabas si Doctor Cruz at sumunod naman sa kaniya si Mommy. Ano kayang pag-uusapan nila at kailangan pang lumabas? Well, nakakakaba. The last time they did that pinag-usapan nila ang bad condition ni dad. "Luna, how's your day with your mom?" Bahagya akong napatingin kay dad nang itanong niya iyon sa akin. He's smiling widely as if wala siyang sakit na dinaramdam. "We cleaned ate's room. Nakakapagod nga e but I have no choice." Well, totoo naman. Nakakapagod talaga sana talaga may tip from ate. "Baby, don't worry. Your ate will be proud of you." Pang-aasar niya sa akin. "Sana nga dad! Sana nga din ay may tip para naman mas galingan ko pang maglinis next time." I said confidently while letting my brows move up and down. "You're really getting older Luna..." "You can speak tagalog na fluently, I feel like you're disregarding daddy's language." Pagpapatuloy niya. "Of course not daddy. It's just nasa Pilipinas tayo kaya hindi uso ang english dito." Pilyong sambit ko. Napatawa kaming dalawa matapos ko iyong sabihin. Hayst! I really love seeing dad being happy. We stopped laughing when we saw mom enter the room again. The happy expression from her face kanina turned into an empty expression, parang ang dilim ng itsura niya. Ano kaya pinag-usapan nila ni Doc? "Kain na tayo." Pag-aaya niya sa amin nang hindi man lang kami tinitingnan. "I have eaten earlier, Hon. I'm sorry I didn't wait for you." "G-gusto mo ba ng apple?" Nauutal-utal na saad ni mommy. From the tone of her voice I can say that there's bad news. "No, thanks." Tipid niyang tugon kay mommy. "Halikana Luna, kumuha kana dito ng gusto mong kainin." Saad sa akin ni mommy. Tumayo na ako at lumapit sakanya. Kumuha ako ng spicy chicken joy and dalawang rice, nagsalin din ako ng tubig sa aking baso. Hindi pala kami nag order ng drinks ni mom sa Jollibee because ayaw niya. Tumabi ako kay umupo ako sa chair malapit kay dad habang si mommy naman ay sa sofa. "Are you okay hon?" Napatingin ako kay mommy nang magtanong si daddy kay mommy. Well, siguro napansin niya din ang aura ni mommy, it's giving sad expressions. "Yeah." Matipid na sagot ni mommy. "Alam ko hindi. Did Doctor Cruz inform you about my condition?" Dad asked. "Yeah, but don't worry about that." Mom said and faked a smile. "I know, my condition is getting worse. I feel like I don't have much time to---" "Dad, don't say that!" Putol ko sa sasabihin ni daddy. "We will do everything to make you live longer! We have a promise to each other right? You promised me na gagaling ka so that we can travel again. You also promised me na ikaw ang kasama kong aakyat sa stage when I graduate so please!" I said. "I'm sorry." Naghari ang katahimikan sa aming tatlo matapos iyon sabihin ni daddy. I am very sad at this moment. I don't wanna lose dad! He is my best friend. I wanna live with him until maabot ko na ang pangarap ko para sa aming pamilya. "Mommy, kuha ako spag ha." "Sure, Luna." Tumayo na ako para kumuha ng spaghetti, naglagay din ako sa plate ko ng fries because favorite ko nga iyon, sayang at walang sundae perfect combo pa naman ang fries and sundae. Natapos ang araw ko ng walang ibang ginawa kundi samahan si dad. Gusto ko sanang matulog doon pero sabi ni mommy ay huwag na may nurse naman na magbabantay. Pagdating namin ni mommy sa bahay ay kanya-kanya na kaming pumasok sa aming kwarto. Naligo na din ako after ilang minuto ng pagpapahinga ko para naman fresh ako bago matulog. Bigla kong naalala si Aster. Hindi nga pala kami nakapag-usap kanina siguro hindi na siya nakatakas sa room niya. I decided to stalk him sa fb pero hindi lumalabas ang account niya. Hayst! hindi ko nga pala alam ang surname niya. Maybe I should ask him bukas. Wait, what? Really tatanungin ko siya? Hindi ko naman siya kaano-ano so, why would I do that? Ilang oras akong nanatiling gising dahil hindi man lang ako tinatamaan ng antok. What should I do? Okay, pupunta nalang ako sa room ni mommy. I knocked on her room pero wala akong response na natanggap. Hindi naman naka locked ang door niya kaya pumasok na lang ako. "Mom? Are you crying?" Gulat niya akong nilingon. She's crying nga. "B-bakit gising ka pa?" Tanong niya sa akin. "Hindi po ako makatulog e. Ikaw? Why are you crying?" "S-stress lang sa company." Nauutal-utal niyang tugon sa akin. I know it's not. Alam kong hindi ito about sa company. Nilapitan ko siya at niyakap na mas lalong nagpahagulgol sa kaniya. She's the toughest person na nakilala ko. Minsan ko lang din siyang makitang umiiyak at nagsimula iyon noong nagkasakit na si daddy. "Shhh mom...Calm down, I'm here. You can tell me everything mommy..." "Luna, your dad..." I knew it. It's about dad. "D-dr. Cruz said may taning na ang buhay niya..." Biglang bumigat ang pakiramdam ko at nagsimulang mamuo ang luha sa aking mga mata. I don't know what to feel right now. T-that hurts. "Even though we do chemo for the second time, he will not be okay..." I started crying matapos iyon sabihin ni mommy. Why? Why is this happening to us? I can't Imagine my life without dad. Dad has a biggest role in my life. I just can't live without him I mean, maybe I can but not completely. Lord...Why? We're praying, Mom, dad, ate and I were worshipping you. So, why? Lord please I don't wanna lose my dad. I can't remember how long I cried with mom that night. We are so vulnerable. We don't know what to do. We just hugged each other and cried until we fall asleep.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (280)
Princess Jane Arradaza
I love this story subra nagagandahan ako diko nanga namalayan na madaling araw na HSHS plsss po sa next chapter I wanna read again Ang ganda² talaga Ng story my line din na ranas ko like sa daddy nya pro Yung ghost and Leo ackkk nakaka exciting pa talaga sa next chapter.
24/08/2023
0
ۦۦ Clea
His story is so beautiful, I can see myself in what I read since I've been a bts fan since grade 7 and everything he mentioned in the story almost matches my situation back then
22/08/2023
0
Ashlie Kyle Purog
complete naba talaga to huhu wla syang naging jowa eme huhu pero ang sakit mo aster pero move na forda go ....nice story
I love this story subra nagagandahan ako diko nanga namalayan na madaling araw na HSHS plsss po sa next chapter I wanna read again Ang ganda² talaga Ng story my line din na ranas ko like sa daddy nya pro Yung ghost and Leo ackkk nakaka exciting pa talaga sa next chapter.
24/08/2023
0His story is so beautiful, I can see myself in what I read since I've been a bts fan since grade 7 and everything he mentioned in the story almost matches my situation back then
22/08/2023
0complete naba talaga to huhu wla syang naging jowa eme huhu pero ang sakit mo aster pero move na forda go ....nice story
20/08/2023
0View All