CHAPTER 9

WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS DANGER/HURTFUL CONTEXT. 
"I'm afraid na baka mawala sa amin si daddy...anytime." 
I am with Aster right now, he's comforting me. Madalas kaming magkita dito sa garden dahil walang katao-tao dito. He placed his arms over my shoulder while I was laying to his shoulder and holding his hands. Habang tumatagal mas nakikilala ko si Aster, mas naaappreciate ko kung anong meron sa kanya. He's a good guy you know. 
Ilang araw nang naghihirap si daddy dahil sa sakit na palagi niyang nararamdaman. Sabi ng doctor ay nagkakaroon ng implications sa kanyang bones. I am so scared, I am not ready. Dad's always saying na wala na siyang time to heal and he's leaving as soon.
"Stay strong Luna..." Aster whispered.
Simula noong nalaman kong ghost si Aster at simula rin noong mas lumalala na ang kondisyon ni daddy ay si Aster ang palagi kong nasasandalan. Sa kanya ko lahat nasasabi lahat ng problema ko, minsan nga ay hinihiling ko sa kanya na bumalik na siya sa langit at pakiusapan si lord na pagalingin na si daddy.
Aster is always there for me. Sobrang gaan na rin ng pakiramdam ko sa kanya. Madalas ko nga rin siyang hinahanap-hanap, he's like a home na kung saan ako napapanatag.
"Aster, I can't afford to lose someone who's closer to me." I said while still crying. 
"Of course, no one can..."
"Even the ones who left, they can't." He continues. 
"What do you mean?" I asked. 
"Ako, ayaw ko pa naman noon mamatay, I can't leave my mom, my brother, my sister, my father, my uncle and tita, my cousins and my friends, pero hindi ko na kasi kaya yung sakit, kaya bumigay na ako." 
"Sorry..." Mahinang sambit ko.
"Why?"
Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy na lang ako sa pag-iyak. 
Ganoon din ang naging eksena sa mga sumunod na araw. We're meeting each other sa garden maliban kahapon and ngayon because I'm busy taking care of dad. 
"I-I r-really think I d-don't have that much time." Nauutal-utal na saad ni daddy. 
"Andrei, we are here for you. You can get through with this." Tito Nico said. 
"N-no...I c-can't---"
"Dad please, don't say things like that." Naiiyak-iyak kong saad.
Nakita kong nilapitan ni mommy si daddy para hagkan ito. Mommy is crying na rin at pinupunas naman ni dad ang mga tumutulong luha sa kanyang mata. 
"I-I'm sorry baby...D-daddy just can't anymore." 
"Dad..." Ate Luxainne whispered. 
"M-my two beautiful d-daughters... Fo..F-forgive dad..."
"Dad, stop talking." Ate Luxainne said.
"I'm sorry. D-dad c-can't be w-with you anymore." 
"Dad..." I said pagkatapos ay pinakawalan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang bumagsak. 
"I-I love you, Luna, Ainne, and my dear wife." 
"Honney..." Mahinang sambit ni mommy.
"Nico, Flour, Tonnete, take care of everything."
"Come here." Dagdag pa ni dad. He opened his arms na para bang sinasabi niya sa amin na yakapin namin siya kaya dali-dali kaming lumapit sa kanya.
"M-my wife, Lilia, Luna, Luxainne..." 
Ilang sandali kaming nanatiling nakayakap sa kanya hanggang sa hindi na namin siya naririnig magsalita. Kumawala na kami sa pagkakayakap atsaka pinagmasdan ang lalaking nakahiga sa hospital bed habang nakapikit.
"Dad?" 
"Honey?"
"Andrei?" 
Sabay-sabay naming saad. We didn't get a response from him kaya nagpanic na kaming lahat. 
"He's not breathing-----"
"No! Dad!" Putol ko sa sasabihin ni Tito Nico.
"Call the nurses." Tita Flour said. 
I gently shake dads shoulder pero hindi siya nagising kaya nilakasan ko ng kaunti.
"Dad! Wake up!" I said loudly.
"Luna stop! Thats enough!" Ate Luxainne said. 
"It's over..." Mahinang saad ni mommy.
"No, Daddy, daddy!" I touched dads face then tapped it as if he was going to wake up but he didn't. He's body is cold and I can say that this is clearly a dead body.
Pumasok na ang nurses pati si Doctor Cruz sa loob ng room ni dad at pinalabas muna nila kami. I can't believe this is happening now. Ilang minuto pa kaming naghintay sa labas until lumabas na ang mga tao sa loob.
"I'm so sorry for your loss Mrs. Smith." Malungkot na saad ni Dr. Cruz.
Doon na kami tuluyang humagulgol ng malakas. This is not real right? Dad! How could you leave us. I don't know what to do right now, I just let my body do what it wants to do. I am so vulnerable, I can't stop crying, all I can do is to sit and hug myself on the floor. I feel so hopeless! 
I looked at my mommy, ate and titas and tito. They're all crying too. Ate is hugging mommy na sobrang lakas ng sigaw dahil hindi matanggap ang nangyari. Sino bang makakatanggap ng pangyayaring ito?
I saw the man who was wearing a white hospital gown standing in the pathway. I wanted to hug him so badly because I know siya ang magpapagaan ng loob ko but If I run sa kanya, magtataka ang mga kasama ko so I stayed where I am.
Bahagya kong iniyuko ang ulo ko at inihiga sa tuhod ko. I am hugging my knees while crying because I'm hurt. Naramdaman kong may malamig na kamay na pumatong sa aking balikat, kaya tiningnan ko kung sinong gumawa noon. It was Aster, he's tapping my shoulder and that made me cry so hard.
"Condolence, Luna. That's okay, iiyak mo lang yan. You'll be fine." Nalulungkot niyang wika. 
I can't say a single word to him. Ayaw ko naman kasing magduda ang pamilya ko or sabihan akong weird or baliw dahil kinakausap ko ang hangin.
Ilang sandali pa ay nilapitan ako nila mom and ate kaya lumayo na si Aster sa akin. Mom and ate didn't say a word, they just hug me tightly.
Dad, if you're a ghost now...Magpakita ka naman sa akin. Samahan mo ako, samahan mo kami nila ate, umuwi ka sa bahay. 
Tumayo na kami nang makita naming inilalabas na nila si dad sa kwarto. Ang balat niyang malamig kanina, ang mata niyang nakapikit, ang katawan niyang natutulog ng mahimbing kanina ay natatakpan na ngayon ng puting kumot. I can't stand watching him being like that. Bawat hakbang nila papalayo sa amin ay siyang nandudurog sa puso ko hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko na siyang nagpaparamdam sa akin na katotohanan nga ito.
"Tara na, kunin na natin ang gamit sa loob. Aalis na tayo." Mom said. 
Kinuha na nga naming tuluyan ang mga gamit dahil aalis na nga daw kami at babalik nalang dito mamaya to claimed daddy's body. Iiwan na namin itong hospital kung saan palaging nakahiga si daddy. Iiwan na namin itong hospital na palagi kong pinupuntahan para bisitahin at samahan ang isang taong mahalaga sa buhay ko. Iiwan na namin itong hospital kung saan ko nakilala si Aster. 
I feel sad din dahil baka hindi na kami magkita ni Aster ulit. Ngunit he can walk naman e, atsaka nakaya naman niyang pumunta sa cemetery kung saan siya nilibing kaya baka pwede naman niya siguro akong dalawin sa amin. Nasaan na nga ba siya? Gusto ko sana siyang kausapin.
Pauwi na kami sa bahay, dala na namin lahat ng gamit namin sa hospital. I really feel sad dahil sa nangyari. There's really no time for us na para makausap ulit si dad. We would never see him again in this world. I wanted to be happy for dad because finally hindi na siya masasaktan ulit but I can't because I miss him already. Minsan ay gusto kong maging selfish, minsan naiisip ko na okay na akong nakikita siyang nasasaktan at least buhay siya, nakakasama ko siya, nakakausap but that's unfair for him, siya ang nahihirapan.
'Would you know my name
If I saw you in heaven?
Would it be the same
If I saw you in heaven?'
I started crying again after I heard the intro of tears in heaven song. I remember kinanta rin namin ito ni dad noon after ng burol ni lola, mama niya. Memories bring backs nga, ngayon ay mukhang sa kanya ko naman ito kakantahin. 
'I must be strong
And carry on
'Cause I know, I don't belong
Here in heaven'
How are you dad? I already miss you. Are you in heaven now? How does it feels like? Ikuwento mo naman sa akin, sa panaginip ko.

Book Comment (280)

  • avatar
    Princess Jane Arradaza

    I love this story subra nagagandahan ako diko nanga namalayan na madaling araw na HSHS plsss po sa next chapter I wanna read again Ang ganda² talaga Ng story my line din na ranas ko like sa daddy nya pro Yung ghost and Leo ackkk nakaka exciting pa talaga sa next chapter.

    24/08/2023

      0
  • avatar
    ۦۦ Clea

    His story is so beautiful, I can see myself in what I read since I've been a bts fan since grade 7 and everything he mentioned in the story almost matches my situation back then

    22/08/2023

      0
  • avatar
    Ashlie Kyle Purog

    complete naba talaga to huhu wla syang naging jowa eme huhu pero ang sakit mo aster pero move na forda go ....nice story

    20/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters