CHAPTER 5

Ilang araw kaming sa hospital natutulog dahil iyon ang gusto ni dad, magkakasama kami. Buong araw ay wala kaming ginagawa kundi ang makipagkwentuhan sa kaniya. Hindi na rin siya nakakabangon ng maayos, palagi nalang siyang nakakaramdam ng sakit sa kaniyang katawan. Kami naman nila mama ay madalas ding magdasal sa panginoon, madalas din kaming nagbabasa ng bibliya para kay daddy.
Hindi ko na rin nakita pang muli si Aster, siguro ay hindi na iyon nakatakas sa room niya. Siya lang talaga ang pasyenteng nakita kong pakalat-kalat lang kung saan-saan. Ano kaya ang meron sa kanya? He looks healthy naman at masaya, mukhang walang problema. Subalit, ika nga nila the happiest smiles hide the saddest thoughts.
"I think I have no more time. Anytime, I'll leave this world." 
Nagkatinginan kami nila mommy and ate dahil sa sinabi ni dad. Palagi niya naman iyong sinasabi. He said his condition is getting worse day by day. 
"Dad, don't talk like that." Ate said. 
"Uhm, honey, your siblings want to see you. They'll be here tomorrow so, please..." Mommy said while holding dad's hand.
I remained silent while rubbing mommy's back. At this moment I can't say anything, sobra akong nasasaktan for dad. I don't want him to leave us yet nakikita kong hirap na hirap na rin siya.
"Mommy, labas muna ako." Mahinang sambit ko.
"Sus! Magkikita na naman kayo ng bf mo? Date schedule niyo?" Panunukso ni ate. 
"Ate, wala akong boyfriend, si Aster, kaibigan ko lang siya. Pasyente siya dito sa hospital." 
"Sus, diyan naman nagsisimula ang lahat e, sa pagkakaibigan. Introduce that Aster boy to us." She chuckles. 
"Ate, please lang. Sa chapel ako pupunta, ipagdadasal ko na you would stop teasing me."
"Haynako, Ainne, hayaan mo na iyang si Luna. Nagiging religious talaga kapag in love." Natatawang saad ni mommy. Hindi ko na sila pinansin pa dahil baka mapikon lang ako sa walang kwenta nilang joke. 
Narating ko na ang chapel at kahit isa ay walang tao. Maganda ang hospital chapel na ito, malinis at makikita mo talagang bagong renovate pa ito. Pumunta ako sa pinakaunahan atsaka doon ay lumuhod.
"Lord, bigyan niyo pa po ng lakas si papa para makasama namin siya nang mas matagal." Saad ko sa isipan ko habang nanatiling nakapikit.
"Gabayan niyo po sana kaming lahat. Sa ganitong sitwasyon ay kayo lamang po ang labis naming kailangan..." 
"Lord, forgive us kung lumalapit lamang kami sa inyo sa tuwing kami ay may kailangan. Minsan ay nakakalimutan pa nga po naming magpasalamat sa inyo sa lahat ng blessings na binibigay niyo."
Tumulo ang luha ko matapos ko iyong sambitin.
"Lord, I know that you are with us through hard times. In Jesus Christ, our Lord, we pray: Heavenly Father, source of life and health: Comfort and ease your ailing servant, and offer your power of healing to those who attend to his needs. This will help him to be strengthened in his weakness and have faith in your loving care. Amen." 
Dahan-dahan kong pinunas ang aking mga luha sa aking pisngi. Tumayo na ako para lumabas sa doon at pinagpagan ang aking sarili. Pagkalabas ko sa chapel ay nakita ko kaagad ang lalaking nakasuot pa rin ng puting hospital gown na nakatayo lamang sa harap ng chapel habang nakatingala sa itaas. 
"Aster, magdadasal ka ba?" Tanong ko sakanya.
"Secret."
Ayan na naman siya! 
"Haynako Aster! Kung magdadasal ka, edi pumasok kana." Bulyaw ko sa kaniya.
"Shhh! Ingay mo Luna. Baka may makarinig sa iyo, isipin pa nilang nababaliw ka." Pilyong niyang sambit atsaka nagsimulang humalakhak na parang gago."
"Ngayon lang kita nakita ulit, hindi ka ba nakatakas sa kwarto mo?" Saad ko sa kaniya.
"Did you miss me?" He chuckes. 
Inirapan ko lang siya. Tsk! Bigla tuloy akong tinubuan ng hiya. Bakit ko pa nga ba siya tinatanong? Ano bang pakialam ko sa kaniya?
"Hindi no! Asa ka!" 
"Sus, huwag mo nang itanggi Luna..."
"Na miss din naman kita." Pagpapatuloy niya.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman pagkatapos niya iyong sabihin. Tsk! Pakiramdam ko ay sobrang pula ng pisngi ko dahil sa sobrang init nito sa pakiramdam ko. Am I blushing?
"Okay po, sabi mo e. Mauna na ako Aster, kung ano-ano kasing kalokohan ang pumapasok sa isip mo, baka mahawa pa ako." Saad ko at tuluyan na akong umalis.
Dumeretso na ako sa elevator at sakto wala namang tao. Bahagya akong napalingon sa aking likuran nang may marinig akong taong mahinang tumatawa. 
"Aster? Paano ka nakapasok?" 
"Secret."
Kinuskos ko pa ang aking mga mata sa pag-aakalang namamalik-mata lamang ako pero hindi, totoo itong nakikita ko.
"Aster?" I touched his face para tuluyan kong makumbinsi ang sarili ko na he's real na real talaga. 
"Paano ka nakapasok?" Tanong ko ulit sa kanya. 
"Hindi mo ba ako napansin?" Tanong niya sa akin. 
Well, hindi ko talaga siya napansin. 
"Hindi, baka natulala lang ako saglit kaya hindi kita napansin." 
"Nasa likod mo lang ako kanina. Sinundan kita." 
Weird. Kahit naman siguro tulala ako ay mapapansin ko pa rin siya.
"Saan ka pupunta?" 
"Sa kwarto ko, magpapahinga ako Luna." 
"Talaga? Saan banda ang kwarto mo para naman madalaw kita."
"Gusto mo talaga akong makasama. Kaya ka tinutukso ng ate mo sa akin e."
What?
"Paano mo nalaman?" Gulat na tanong ko sa kanya. 
"Narinig ko lang kayo." 
Weird. 
Bumukas na ang elevator kaya tuluyan na akong lumabas. Si Aster naman ay ewan ko, baka nasa elevator pa.
"Kamusta si dad?" Tanong ko kina ate at mommy pagkapasok ko.
"Okay naman siguro siya, nakatulog na e." Saad ni ate. 
"Halikana Luna, let's eat. Kanina ka pa namin hinihintay."
Wow! Mcdooooo!
"Oppsss! Wash your hands muna baka may germs galing sa kamay ng bf mo." Bulyaw ni ate sa akin nang kunin ko ang isang pirasong chicken. 
Hindi ko na ako nagsalita, I just rolled my eyes at her. Gumamit naman ako ng fork e, atsaka hindi naman ako nagkakamay kapag hindi ako nakakapaghugas ng kamay. 
"How's your date kasama ang hospital bf mo?" Tanong niya sa akin matapos niya akong tapikin sa balikat. 
Si ate talaga! 
"Ate, pwede ba? Huwag ka munang mang-asar kumakain ako e." 
"Kumakain din naman ako." Sarcastic niyang sagot.
Napapadalas na talaga ang panunukso niya sa akin. Hayst! Kung hindi ko lang talaga siya kapatid baka kanina ko pa ito sinapa palabas dito sa room ni dad.
"Luna, ikaw nalang magbantay sa daddy mo mamaya, okay? Uuwi kami ni ate mo para labhan mga damit natin atsaka maglilinis din kami ng guest room para sa mga kapatid ng daddy mo."
"Okay po."
Sa wakas! Hindi ko muna makakasama si ate. Yes! Walang makakapikon mamaya.
Pagkatapos naming kumain ay umalis din sila kaagad. Ako lang ang naiwan dito kasama ni daddy, tulog pa rin siya. Umupo lang ako sa sofa, kinuha ko na rin ang earpods ko at nilagay sa aking tenga. Alangan namang sa mata? EARpods nga e. 
As usual k-pop music na naman ang pinapakinggan ko. In my dreams by red velvet, sobrang ganda. Pakiramdam ko ay napaka magical at aesthetic ko kapag pinapakinggan ko ito ngunit, sad song din naman ito. This song means daw na the singer is longing for love in her dreams. She can't pursue her love in her real life. 
'In my dreams, you love me back
In my dreams, you love me back'
Ganda talaga ng lyrics ang sarap sa ears, isali mo pa ang voice ng singers na sobrang ganda din talaga. Sana sa graduation ball namin ay masayaw namin ito, or kahit patugtugin man lang dahil sobrang ganda talaga.
'Kkumeseodo kkumingeol
Almyeonseodo I still love you
Idaero don't wake me up
Dalkomhage nal songnyeojwo
In my dreams'

Book Comment (280)

  • avatar
    Princess Jane Arradaza

    I love this story subra nagagandahan ako diko nanga namalayan na madaling araw na HSHS plsss po sa next chapter I wanna read again Ang ganda² talaga Ng story my line din na ranas ko like sa daddy nya pro Yung ghost and Leo ackkk nakaka exciting pa talaga sa next chapter.

    24/08/2023

      0
  • avatar
    ۦۦ Clea

    His story is so beautiful, I can see myself in what I read since I've been a bts fan since grade 7 and everything he mentioned in the story almost matches my situation back then

    22/08/2023

      0
  • avatar
    Ashlie Kyle Purog

    complete naba talaga to huhu wla syang naging jowa eme huhu pero ang sakit mo aster pero move na forda go ....nice story

    20/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters