CHAPTER 4

I woke up early dahil maaga raw makakarating si ate Luxainne. Mabigat pa rin ang ulo at mata ko, ganoon din ang puso ko dahil sa nalaman ko kagabi. Sa kwarto rin pala ako ni mommy nakatulog. 
Lumabas na ako sa room ni mommy para hanapin siya. Nakita ko naman siya kaagad dahil may naaamoy akong masarap, she's cooking. 
"Good morning mommy." Bati ko sakanya atsaka humalik sa kaniyang pisngi. 
"Good morning." 
Katulad ko ay kitang-kita rin ang paniningkit ng kaniyang mga mata gawa ng pag-iyak. Hayst! Susunduin namin si ate na ganito ang itsura namin.
"Kailangan niyo pa ba ng tulong ko mommy?" I sweetly asked her. 
"Yes. Maglatag ka na ng spoon, fork, plate and drinking glass. Can you do that Luna? 
"Sure mommy, pero may bayad." Pilyong saad ko. 
"Sige, huwag kana kumain." Nakangising tugon niya sa akin.
Sinunod ko naman ang pinapagawa sa akin ni mommy. Naglagay ako ng plato, fork, spoon and drinking glass sa mesa and when the breakfast is ready, we started eating. 
"Anong oras daw natin susunduin si ate?" 
"9am." 
It's already 6:38 am. Matagal pa naman ako magbihis, kailangan kasi aesthetic ako e. 
"Yung napag-usapan nga pala natin kagabi, about sa condition ng daddy mo. Huwag mo nang sabihin sa kaniya, okay? Act like you know nothing." 
"Yes mommy." 
Wala rin naman akong balak sabihin iyon kay daddy at baka ma stress pa siya. Ayaw ko na rin iyong pag-usapan, kung pwede lang ay mag-act blind kami. 
"I know he can feel it, I know he knows it. Pero ayaw ni daddy mo na nakikita tayong nasasaktan so, we should act like we're strong."
Yeah. Ayaw ni dad na nakikita kaming nasasaktan or nahihirapan.
"Ayaw ko din na e blamed niya ang sarili niya for getting that disease kaya tayo nasasaktan." Pagpapatuloy ni mommy. 
I nodded. 
Hindi ko pa rin talaga maimagine ang life without dad. Hindi ko rin alam kung paano ko siya haharapin nang hindi umiiyak. 
"Sinong maghuhugas?" Tanong ni mama sa akin pagkatapos naming kumain. 
"Si ate nalang po mommy, surprise natin." I chuckled. 
"Siraulo ka talagang bata ka." Saad niya sa akin atsaka ako pinagtawanan. 
Sa huli, ako ang naghugas ng lahat ng pinagkainan namin dahil si mommy ang nagluto. Okay naman ito sa akin, hindi naman ako nagrereklamo. Medyo lang! Pero kailangan din naman kasi nating tulungan ang ating mga magulang. Right?
Paalis na nga kami pero hindi pa ako tapos mag-ayos ng buhok. Kasi naman si mommy, ako pa pinaghugas e alam naman niyang matagal ako mag-ayos. 
"Luna bilisan mo na!" Bulyaw niya sa akin.
"Wait lang kasi mommy, masyado naman po kayong excited!" 
Nakasuot nga pala ako ng crop top and high waist-wide legged na jeans, nagdala din ako ng jacket just in case lamigin ako. 
"Oh tara na! Tapos na po ang prinsesa." Saad ko kay mommy pagkalabas ko ng kwarto ko. 
Nakarating kami sa airport nang ligtas. Halos thirty minutes pa kaming naghintay bago namin makitang bumaba ang airplane. Hayst! So, matagal.
"Mommy! Luna!" Tawag sa amin ni ate ng makita niya kami. Niyakap niya kami ni mommy na akala mo naman ay ten years kaming hindi nagkita. 
"Ainne..." Maiyak-iyak na saad ni mommy. 
"Tara na po, mamaya na kayo mag moment, masyadong mainit e." Reklamo ko sa kanila. 
"Sus, ang dalagang bunso, sungit-sungit!" Pilyong saad ni ate. 
Nasa car na nga kami at si mommy na ang nag drive. Nasa back seat ako si mommy and ate naman nasa front. Kumain na din muna kami bago puntahan si daddy dahil gutom daw si ate Luxainne. 
"Mauna na kayo, dito muna ako." Saad ko sa mga kasama ko. 
Nandito na nga pala kami sa hospital, pero wala akong lakas para puntahan si daddy. Feeling ko ay maiiyak lang ako.
"May bf ka ba dito? Date schedule niyo noh? Pang-aasar sa akin ni ate. 
"Ate, wala akong bf. Gusto ko lang muna tumambay dito sa garden para sa sariwang hangin."
"Sus! Sige na nga! Sabi mo e!" Tugon niya. 
"Mommy, si Luna may boyfriend na raw." Bulong niya kay mommy. Nagtawanan silang dalawa hanggang sa tuluyan na silang nawala sa paningin ko. 
Nilapitan ko ang puting bulaklak doon atsaka pumitas ng isa. Sana ay hindi ako mapagalitan. Wala rin naman sigurong nakakita sa akin maliban sa CCTV footage. 
"Mahilig ka pala sa bulaklak."
Muntik na akong mapatalon sa gulat after I heard that. Familiar. Lumingon ako sa aking likuran kung saan naroroon ang lalaking nakasuot ng puting hospital gown. Hayst! Nakatakas na naman ata.
"Nandiyan ka pala, Aster. Tumakas ka na naman ba?" 
"Siguro." 
Aba! Hindi pa talaga siya sigurado sa sagot niya. 
"Bulaklak na daisy ba iyan?" Tanong niya sa akin. 
"Malay ko!" Tugon ko sakanya. 
"Patingin!" Lumapit siya sa akin para tingnan iyong bulaklak na hawak ko. 
"Daisy nga." Nakangiting saad niya. 
Umupo kami sa upuang nasa ilalim ng puno. Hawak-hawak ko pa rin ang bulaklak na tinawag niyang daisy. Well, hindi naman ako masyadong mahilig sa bulaklak kaya hindi ko alam kung anong tawag dito. First time ko lang din naman kasi itong makita e. 
"Paborito ni mama yang bulaklak na daisy." Nakangiting wika niya sa akin. 
"So, that explains kung bakit alam mo ang tawag sa flower na ito." 
"Madalas niya iyang dalhin sa akin dito sa hospital noon. Sabi niya ay nagsisimbolo daw iyan ng hope or new beginnings." 
"Noon? Hindi ka na ba niya dinadalhan ng bulaklak ngayon?" Tanong ko sa kanya. 
Napabuntong hininga siya bago tumingin sa akin. I can see that sparkle in his eyes. 
"Dinadalhan pa rin, pero paminsan nalang. Atsaka hindi na rito." 
"Huh? Bakit? Saan na niya dinadala?" Wala sa sarili kong tanong sa kaniya dahil hindi ko naman gets kung anong ibig niyang sabihin. 
"Iniwan ko na sila."
"What do you mean iniwan?" Tanong ko ulit sa kaniya dahil mas lalo akong naguluhan sa mga sinasabi niya. 
"Basta, ikukwento ko sayo lahat, kapag comfortable na ako." Nakangiting saad niya. 
"Okay fine!" 
"Bakit ka nga pala nandito Luna? Hindi ba dapat nandoon ka kay daddy mo?" 
"Gusto ko lang ng sariwang hangin. Ikaw? Bakit nandito ka? Hindi ba dapat nagpapahinga ka sa kwarto mo?" Tanong ko naman sa kaniya. 
"Gusto ko lang din ng sariwang hangin." Tugon niya. 
"Hindi ka ba pinapagalitan sa tuwing lumalabas ka?" 
"Hindi, sino namang magagalit?" He chuckles. 
"Mga nagbabantay sa iyo." Saad ko. 
"Hindi naman sila nagagalit." 
"Ano nga palang sakit mo Aster? Bakit nandito ka sa hospital?"
"Secret." 
Marunong din pala itong mag secret. 
"Tsk! Okay. Sige na Aster, pupunta na ako kay daddy." Pagpapaalam ko sakaniya. 
Iniwan ko siyang nakaupo pa rin doon habang pinagmasdan niya lang akong humakbang papalayo sa kaniya. 
Knock! Knock! 
I knocked sa door ng room ni dad before entering. Nagk-kwentuhan sila ni ate. Napansin naman nila ako kaagad kaya hindi naman awkward ang pagpasok ko. 
"Tapos na date niyo ng boyfriend mo?" Bungad sa akin ni ate. 
"What? Boyfriend?" Dad asked. 
"Huwag kang maniwala kay ate daddy." 
"Look what she's holding dad." Ate said. 
"Well, galing ako sa garden. Pinitas ko ito para ibigay kay daddy, sabi nila this flower symbolizes hope or new beginnings."
"Baka bigay ng bf mo." 
Galing talaga mang-asar ng kapatid ko. Nakakapikon sarap kurutin, nakakagigil!
"Ate, kung may bf man ako edi sana matagal ko nang pinakilala sa inyo." 
Wala naman kasi talaga akong boyfriend. Basted nga lahat ng mga manliligaw ko e. Study first kasi ako! 

Book Comment (280)

  • avatar
    Princess Jane Arradaza

    I love this story subra nagagandahan ako diko nanga namalayan na madaling araw na HSHS plsss po sa next chapter I wanna read again Ang ganda² talaga Ng story my line din na ranas ko like sa daddy nya pro Yung ghost and Leo ackkk nakaka exciting pa talaga sa next chapter.

    24/08/2023

      0
  • avatar
    ۦۦ Clea

    His story is so beautiful, I can see myself in what I read since I've been a bts fan since grade 7 and everything he mentioned in the story almost matches my situation back then

    22/08/2023

      0
  • avatar
    Ashlie Kyle Purog

    complete naba talaga to huhu wla syang naging jowa eme huhu pero ang sakit mo aster pero move na forda go ....nice story

    20/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters