CHAPTER 10

"Maghihintay nalang po ako dito, hindi na ako sasama sa loob." 
"Bakit Luna? Date schedule niyo ng bf mo?" Ate Luxainne chuckles. 
Hindi pa rin pala talaga tapos si ate Luxainne sa pang-aasar sa akin? Why? Ang lungkot-lungkot na nga ng buhay ko ngayon nagagawa niya pa akong asarin. 
"Ate naman e, wala naman akong boyfriend. Ayaw ko lang talaga pumasok sa loob."
Wala naman na kasi akong babalikan doon. Nakapag-paalam na ako sa loob kanina atsaka may isang tao akong hinihintay. I mean he's not a human but used to be a human being. 
"Sus, hindi mo man lang ipinakilala kay daddy." 
I just rolled my eyes at her. Hindi ko na alam kung umalis na ba sila or what, umupo nalang ako sa may waiting area sa ilalim ng isang puno. 
Sobrang lamig dito, the hangin is very malakas. I am looking at the building kung saan halos dalawang buwan kaming nag stay. It feels heavy to feel na iiwan na rin namin ang lugar na ito.
"You're leaving..." Saad ng familiar na boses. 
"Aster? Kanina ka pa ba nandiyan?" I asked. 
"Hindi naman, papasok na sana ako sa loob pero nakita kita dito."
"Wow? Na miss mo ba ako? Hinahanap mo ba ako?" Pagbibiro ko sa kanya. 
"Hindi naman." 
Ay? Medyo umasa pa naman ako. Ano ba 'yan?!
"Hindi na rin siguro tayo magkikita ulit..." Mahinang saad niya.
"Bakit hindi? Siguro naman ay kaya mo ring pumunta sa kung saan-saan. Pwede ka naman sigurong sumama sa akin sa bahay diba?"
"Hindi pwede Luna."
"Bakit? Sumama ka naman sa akin sa SM e." 
"May binabantayan ako dito. Lumalala na rin ang kondisyon niya kaya mas gusto kong manatili rito para mabantayan siya." Wika ni Aster sa akin.
"Sino?" 
"Yung girlfriend ko."
What? Really?
"Si Aurora..." Mahinang sambit niya.
Sa hindi ko malamang dahilan ay parang mas lalong bumigat ang puso ko. I don't know why pero parang naghihinayang ako. May girlfriend na pala siya? Bakit hindi niya sinabi?
"Really?" 
"Yes Luna, kaso nauna na ako sa kanya. Dito rin kami nagkita sa hospital, dito ko siya nakilala noong buhay pa ako."
"Late na pala ako." Wala sa sarili kong saad.
"What do you mean?" 
Nagulat ako bigla nang ma realized ko kung anong ibig kong sabihin. Gosh! 
"I mean late mo na pala ako nakilala kung kailang ghost ka na. Buti nalang talaga hindi mo ako pinagtripang takutin"
"Well, iyon nga plano ko noong una." He chuckled.
Ang swerte naman ni ate girl at nakasama niya si Aster at nakausap noong buhay pa ito, naging girlfriend pa nga niya. 
Sa halos dalawang buwan ng pagkakakilala ko kay Aster ay naging dependent din ako sa kanya. Hindi ko alam pero palagi ko din siyang hinahanap-hanap, masaya ako kapag nakikita siya, masaya ako kapag nakakasama siya.
"Uhm Aster, total hindi naman na tayo magkikita. May sasabihin sana ako sa iyo." 
Tiningnan niya lang ako na para bang hinihintay ang sasabihin ko. Maybe I am right. This feeling, I've never felt this before. 
"I think I have a crush on you pero don't worry hindi ko naman ineexpect na you will like me back."
Mukhang hindi naman siya nagulat sa sinabi ko nakatingin pa rin siya sa akin na parang wala lang.
"Luna, kahit naman na magkagusto rin ako sa iyo, we can't be together. You know, we belong to different worlds. I am a ghost and you are a human." 
He's right. 
"I'm sorry Luna, I love Aurora. Matagal ko na siyang hinihintay..."
"I understand, Aster. Hindi naman din malalim feelings ko for you. Baka nga natutuwa lang ako sa attention na binibigay mo."
"I'm sorry Luna, nabigyan ba kita ng mixed signals? Hindi ko napansin na naging pa fall na ako sa iyo." 
"Medyo, siguro pero okay naman ako doon. Masaya naman ako na nakilala kita."
"Masaya ako noong nakilala kita at noong nalaman kong nakikita mo ako..."
"Luna you really reminded me of her."
"Ano ba nangyari sa kanya?" 
"She has a rare disease called Klein-Levin Syndrome. Halos dalawang taon na siyang natutulog, miss na miss ko na siya."
"Really? I never heard such a case. Halos dalawang taon na siyang tutulog? Really?" 
"Yes Luna..."
"Sorry, I feel like ginamit kita para maramdaman siya ulit. I just really miss her, you're giving the same energy as her." He said again. 
"Well, at least I am useful." I smiled while saying that.
I felt relieved, I don't know why. Maybe I am happy for him?
"Well, I didn't mean to..."
"That's not my intention Luna." Pagtapos niya sa sasabihin niya. 
"I understand Aster. At least you're happy." I said happily.
"I really wanna be friends with you that day, noong una tayong nagkakilala. Sobrang tagal kong nagpapansin sa mga tao pero hindi talaga nila ako nakikita kaya sobrang saya ko na noong nakita mo ako. Sobrang bored kasi ng buhay ko kaya gusto ko kahit papaano ay may maging kaibigan ako."
"Bakit hindi ka nakipagkaibigan sa multo?" I asked.
"Ayaw ko e. Bakit ba?" Pilyo niyang saad.
Haystt! 
"Mukhang ito na talaga ang huli nating pagkikita." Saad ko sakanya.
"Mukha nga, mag-iingat ka Luna. Be strong, okay?"
"Sure..." 
Nakita kong naglalakad na patungo sa aking direksyon si mama at ate Luxainne. At this moment, mas bumigat lalo ang pakiramdam ko dahil hindi ko na ulit makikita si Aster, ang kaibigan kong pinagkatiwalaan ko. Si Aster ang unang kaibigan ko kung saan ako umiyak, naglabas ng nararamdaman at problema. Siya lang din ang unang kaibigan kong lalaki.
"Good bye, Aster." I whispered. 
"Until I see you again Luna."
I smiled at him atsaka tumayo para salubungin sila mommy at ate. 
"Oh? Luna? Tapos na ba kayong mag date ng hospital bf mo?" 
"Ate! Wala nga!" Saad ko na ikinatuwa niya. She laughed so hard na parang baliw, but insde those smiles, those halakhak ay ang isang pusong durog na durog. Even if ate's laughing I can still feel the pain inside of her soul.
"Pinapasaya lang naman kita, kanina ka pa kasi singkit na singkit. You look like a chinita na."
"Look who's talking." Saad ko.
"Haynako, tama na nga iyan. Tara na!" Mommy said.
"Si Luna kasi!"
"Si ate kasi!"
Magkasabay naming saad ni ate. 
Bago pa man ako tuluyang pumasok sa sasakyan ay sinulyapan kong muli si Aster. He's still sitting there sa waiting area at nakatingin sa direksyon ko. I smiled at him he smiled at me back then he raised and waved his hand. I'm gonna miss this guy for sure. Yung personality niya, his comfort and all are so good to be true, I hope he didn't fake everything.
"Luna? Hindi ka pa ba sasakay? Naku! Tama nga siguro ang ate mo, baka nga may boyfriend kana dito at hinihintay mo pa siya." Bumalik ako sa katinuan nang marinig ko iyong sinabi ni mommy. Gosh! Natulala ba ako kay Aster? Nakangiti pa nga ako oh!
"Mommy, pinagmamasdan ko lang naman itong hospital, sa huling sandali. This place has become a part of our lives too mom. We spend so many day and hours here and now we're leaving."
Well, totoo naman. I have done so many things din dito sa lugar na ito. May nakilala akong tao, may nakausap, may nakasama, may tumulong din sa amin dito. Akala ko nga ay magtatagal pa kami dito.
'Good bye St. Luke Medical Hospital, good bye to it's people, good bye sa lahat ng mga ghost dito, good bye sa mga nurses and doctors, good bye sa lahat ng nagtatrabaho dito and lastly, good bye Aster, iiwan ko na rin dito ang crush thingy ko sa iyo kung sakaling tugma man ang puso't isip ko.' Saad ko sa aking sarili. 
'Hanggang sa muli nating pagkikita.'

Book Comment (280)

  • avatar
    Princess Jane Arradaza

    I love this story subra nagagandahan ako diko nanga namalayan na madaling araw na HSHS plsss po sa next chapter I wanna read again Ang ganda² talaga Ng story my line din na ranas ko like sa daddy nya pro Yung ghost and Leo ackkk nakaka exciting pa talaga sa next chapter.

    24/08/2023

      0
  • avatar
    ۦۦ Clea

    His story is so beautiful, I can see myself in what I read since I've been a bts fan since grade 7 and everything he mentioned in the story almost matches my situation back then

    22/08/2023

      0
  • avatar
    Ashlie Kyle Purog

    complete naba talaga to huhu wla syang naging jowa eme huhu pero ang sakit mo aster pero move na forda go ....nice story

    20/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters