CHAPTER 11

Naglalakad ako ngayon papasok sa ng Chapel kung nasaan ang magandang kulay puting mahabang kahon kung saan nakahiga ang isang lalaking nagbigay ng ngiti at saya sa aking buhay. He's wearing his favorite white suit na ginamit niya noong 18th birthday ni ate Luxainne. I wonder what he feels like sleeping inside the coffin.
"Daddy..." Mahinang saad ko habang hinahayaang bumuhos ang mga luha sa aking mga mata. It's painful pa rin. I really love daddy talaga and now that he's gone I don't when is the day na magiging happy ulit ako. 
I hold his picture at niyakap iyon. I wanted to touch him but I couldn't. Sobrang sakit palang makita siyang nakahiga sa loob ng kabaong ngunit mukhang masarap naman ang tulog niya doon, walang sakit.
"Condolence, Luna." Saad ni tita Lucy, Kapatid ni mama. 
"Thank you po." I said while still crying.
"You'll be fine Luna. It takes time pero I know you'll be fine." 
"Thank you po." Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko. 
"Nasaan nga pala si mommy mo? Bakit wala pa siya dito?" Tanong niya sa akin.
"Baka nasa bahay pa po. Umuwi po kasi sila ni ate kanina, may kukunin daw."
"Oh I see. Okay ka lang ba dito?" Tita Lucy asked.
"Yes po tita." 
"Sige, maiwan muna kita dito iha. I'll entertain our bisita." She said.
I just nodded. Wala akong ibang masabi, my mind can't think of anything. Pinagmasdan kong muli si dad at ibinalik na ang kanyang picture frame sa itaas ng kanyang coffin.
Ilang sandali pa akong nanatili sa harap ni daddy habang inaalala ang kahapong nagdaan, ang alaalang lumipas, ang mga masasaya naming araw. He's such a good father, he is kind, caring, lovely, sweet and talented. He's the first ever man who wrote a song for me, ate and mommy. He's the first ever man who played his favorite guitar when I was singing. The love and attention I always get from him, is incomparable.
"Condolence Luna." My friend Hera said.
"Thank you." Nakangiting sagot ko. 
"Tito was such a good guy, I remember noong pumunta kami sa bahay niyo, he cooked for us."
I smilled at Hera because she is right, dad was such a good guy and yeah! Dad always cooked for us. Sa tuwing pumupunta ang friends or classmates ko sa bahay ay siya ang nagluluto kapag nandoon siya. Madalas ding i-compliment ng mga dinadala ko sa bahay ang luto niya, dahil masarap daw talaga.
"Don't worry Luna, your dad is in heaven now. He's safe, no more pain for him."
"Thank you Hera. I just feel sad because I could never talk to him again."
"That's normal Luna. You'll be fine." Hera hugs me while rubbing my back. Hera never disappoints me when it comes to comforting. I've never told her a problem tungkol sa personal life ko pero whenever I get disappointed sa mga academic scores and grades ko, she's always the one who will comfort me.
"I'm sorry Luna, hindi ko na nabisita si tito Andrei noong nasa hospital pa lang kayo. I wish I knew it kaagad para naman nabisita't nakapagpasalamat din ako sa kanya." 
"That's okay Hera. Well hindi na rin ako nag-abala na sabihin pa sa inyo dahil hindi ko na rin naisip iyon. I was busy taking care of him." 
At kilalanin at makipag-usap kay Aster!
"Taking care of tito Andrei lang ba?" 
"Of course Hera, ano pa nga ba?"
Napangiti siya sa akin kaya ganoon din ako. Mabigat man ang nararamdaman ko ay kahit papaano ay nalilibang ako kapag may nakakausap ako.
Mabilis lumipas ang mga araw. Wala kaming ibang ginawa kundi tumanggap ng bisita, bantayan si dad, kumain, magluto at maglinis. Today is dad's third day of burol. Mommy said this burol will last three days lang and ngayon ang last day naming pagbabantay sa kanya. .
"Happy Birthday ate, this is my gift for you."
Binili ko kahapon iyong gift ko sa kanya. Dapat nga ay bibilhin ko nga sa kanya noong magkikita kami ni Aster sa cemetery. That's a very simple gift lang naman, a tulips bracelet. Ate loves tulips so much kasi e, she said that's her favorite flower. Daisy naman ang sakin simula noong sinabi ni Aster sa akin kung anong sinisimbolo non.
"Thank you sissy. We are celebrating my birthday siguro ngayon noh? If dad didn't die..."
"This is my first birthday na wala si Dad." Ate said. I saw how painful this is for her, pinaglalamayan namin si dad ngayong kaarawan niya.
"Well, at least naisayaw mo siya sa debut mo. Ako kasi hindi na." Malungkot kong wika.
"Don't worry we will dance." Ate said then hugged me.
"I miss dad so much ate."
"We both miss him Luna but at least hindi na nakakaramdam ng sakit si dad di ba? Let's pray the best for him." 
I just nodded at her. She is right we should pray for the best. 
"Happy birthday Luxainee. Here's my present." Tita Tonette greeted ate.
"Your presence is more special than a present tita but thank you." 
"Where do you want to eat? We'll cook for you."
"Anything tita." Ate said.
After naming ihatid si dad sa kanyang huling hantungan ay umuwi na kami. Sobrang tahimik sa bahay at kung pagmamasdan mo ang mga tao sa loob, lahat ay naging chinita. We cried so hard before and after ng libing ni dad co'z who wouldn't be?
"I'll help you na mommy." 
"Hugasan mo yung patatas, pakuluan mo na rin, Luna."
"Sure mommy." Tugon ko sa kanya. 
Nagsisimula na kaming magluto para sa dinner namin. Ito na rin siguro ang handa sa birthday ni ate. Gusto nga ni mommy ay sa labas nalang kami kumain, pero ayaw ni ate. Ever since talaga mommy's celebrating our birthdays talaga. She said kasi minsan lang iyon mangyari atsaka it's not bad being thankful, greatful and beautiful in our day.
"We're going home next week, do you wanna come with us?" Tita Flour asked. 
"Our enrollment will start next week." I said. 
"Oh! next time then. I'm sure you misses UK."
"Of course tita Flour."
"Patatas are cooked na po, mommy." Saad ko matapos kong tawagin si mommy.
"Crushed it Luna." She said.
"Okay mom." 
Gagawin nga itong fried cheese balls ni mommy. Well, masarap talaga siya, favorite ko nga namin ni daddy e.
"Luna, ako na diyan." 
"Hindi na ate, hindi dapat pinapagod ang birthday girl." Nakangiting wika ko sa kanya.
"Aysus! Nagpapaka material girlfriend ka lang e. Ipagluluto mo ba yung hospital boyfriend mo?"
Ayan! Hindi pa pala siya tapos sa pang-aasar niya.
"You have a boyfriend Luna?" Tita Flour asked.
"No, tita. I don't have a boyfriend. Ate is just teasing me." Naiiritang saad ko. Kasi naman, ano ba yang sinasabi ni ate! 
Tinapos na namin ang kanya-kanya naming gawain. We prepared adobo, fried tilapia, rice, pizza, and tito Nico and tita Tonnete naman bought a simple birthday cake for ate.
We sang ate Luxainne a happy birthday song before she blows her candle. Tahimik lang kaming kumain, wala masyadong kwentuhan, walang tawanan, ang mga puso namin ay nagluluksa pa rin. After we ate ay pumasok na ako sa kwarto ko, si mama nga lang daw ang maghuhugas ng pinagkainan. 
"I miss you daddy..." I said habang tinititigan ang picture frame namin. That was the first night that I cried so hard na hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako. 
I can't count din kung how many times akong nagising dahil hindi ako makatulog ng maayos, puro itsura niya lang ang nakikita ko. Whenever I woke up din wala akong ibang ginagawa kundi umiyak hanggang sa makatulog akong muli.

Book Comment (280)

  • avatar
    Princess Jane Arradaza

    I love this story subra nagagandahan ako diko nanga namalayan na madaling araw na HSHS plsss po sa next chapter I wanna read again Ang ganda² talaga Ng story my line din na ranas ko like sa daddy nya pro Yung ghost and Leo ackkk nakaka exciting pa talaga sa next chapter.

    24/08/2023

      0
  • avatar
    ۦۦ Clea

    His story is so beautiful, I can see myself in what I read since I've been a bts fan since grade 7 and everything he mentioned in the story almost matches my situation back then

    22/08/2023

      0
  • avatar
    Ashlie Kyle Purog

    complete naba talaga to huhu wla syang naging jowa eme huhu pero ang sakit mo aster pero move na forda go ....nice story

    20/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters