"Oh my dear Andrei..." "How are you?" Pagpapatuloy ni tita Tonette. Nandito na nga ang mga kapatid ni daddy na sina Tita Tonnete, Tita Flour at tito Nico. Simula noong dumating sila ay hindi na natigil ang iyakan. "Luna, bumili ka muna nang maiinom ng mga kapatid ni daddy mo." "Pati paper plates, fork and spoon na rin." Dagdag pa ni mommy. Hayst! Nakalimutan na naman ni mommy ang mga plato. Minsan talaga ay grabe siya mag panic kaya nawawala sa isip niya kung anong dapat dalhin. "Anong maiinom mommy? Soft drinks?" "Kahit ano, kung anong available." Lumabas na ako sa room ni daddy para bumili nga ng inutos sa akin ni mommy. Nag-aabang nalang ako ng taxi dahil ginamit ni ate Luxainne ang car ni mommy, umuwi muna siya para matulog. Isa pa, hindi naman ako marunong mag drive, ayaw ako turuan ni mommy dahil baka kung saan lang daw ako pumunta. Haynako! May bilihan naman malapit dito sa hospital ngunit, balak ko mag withdraw kaya sa SM nalang ako pupunta, medyo malapit din naman iyon dito, isang sakayan lang naman. Pwede naman akong mag jeep para mas tipid pero ayaw ko kasi mainit atsaka ayaw ko din makipagsiksikan. I tried kasi nung isang mag jeep papuntang SM ayon, kahit punong puno na kami sige pa rin ang driver sa pagsabi ng "Meron pa, kasya pa dalawa." Well, naiintindihan ko naman sila dahil iyon ang source of income nila pero grabe na rin talaga iyon. "Luna!" Tawag sa akin ni Aster. Hayst! Mangungulit na naman ang mokong ano kaya ang kailangan niya sa akin. "Ano na naman? Busy ako! May pupuntahan ako." "Talaga? Sama ako Luna." What? Really? Gusto niya bang magkasala ako? "Aster hindi naman siguro tamang isama kita sa pupuntahan ko atsaka isa pa, nakasuot ka ng hospital gown baka isipin nila na itinakas kita." "Hindi naman nila ako mapapansin." Wow? Talaga ba? "Hindi pwede Aster." "Pwede Luna." Pamimilit niya sa akin. "Bahala ka Aster! Puro ka kalokohan! Kailan ka kaya ikukulong ng bantay mo para hindi kana makatakas?!" Bulyaw ko sa kaniya. "Behave lang naman ako, promise." I just rolled my eyes at him. Malilintikan talaga ako kapag may nakaalam na isinama ko itong mokong na ito. Pinara ko na ang taxi nang makita ko ito para makaalis ja din ako. Hayst! Sana malaki-laki ang matitira sa two thousand na binigay sa akin ni mommy para naman may makupit ako. Just kidding! "Aster, pakisarado nalang." "May kasama ka miss?" Tanong sa akin ng driver. "Opo, sir." Ilang sandali pang nanatiling nakatingin sa salamin ang driver na parang may hinahanap. Ilang sandali ding nanatiling nakabukas ang door ng taxi dahil hindi rin kumikibo si Aster. "Hindi pa ba tayo aalis?" Tanong ko atsaka hinila ang door ng kotse dahil tahimik pa rin si Aster at hindi sinunod ang sinabi kong isara niya ito. "A-alis na po, maam. Saan po ba?" "SM po." Tahimik lang ang biyahe namin hanggang sa makarating kami sa SM, hindi pa rin kumikibo si Aster kaya hindi ko nalang pinansin. Kinakabahan na siguro siya dahil alam niyang pagagalitan siya. "Aster may gusto ka bang bilhin?" "Hindi po ako si Aster." Sagot ng babaeng nasa likod ni Aster. Well, hindi naman talaga siya si Aster, hindi ko rin naman sinabi na siya si Aster. Hindi ko nalang siya pinansin at tinanong ko ulit si Aster dahil hindi niya pa rin ako pinapansin. Ano kayang nagawa ko sa lalaking ito? "Aster!" Tawag ko sakanya atsaka siniko siya. "Aster, may gusto ka ba?" "Ikaw..." He whispered. "A-ako?" "Oo, ikaw. Kung anong gusto mo iyon na lang rin sa akin." Tugon niya. Ah okay, akala ko naman kung ano na. Nakabalik naman kami sa hospital nang ligtas. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganoon nalang ka intense ang tingin sa akin ng mga tao. Anong meron? Sa tuwing kinakausap ko si Aster kung walang taong sasagot ay pinagbubulungan nila ako. Tinawag pa nga akong baliw noong bata kanina, kung hindi lang iyon bata baka sinapak ko na. "Aster oh!" Inabot ko sa kanya ang chuckie, sabi niya kasi kung anong sa akin ay iyon nalang din ang sakanya. "Thank you." Mahinang sambit niya. "Mauna na ako, puntahan ko na sila daddy. For sure, kanina pa naghihintay iyong mga kapatid niya." He nodded. Akmang aalis na ako nang bigla niya akong tawagin ulit. Nilingon ko naman siya dahil uto-uto ako. "Magkita tayo mamaya sa Faith Memorial Cemetery." What? For what? "Bakit doon?" "Basta, hihintayin kita doon Luna." He said. "Paano kung hindi ako payagan?" Tanong ko sa kaniya. "Edi bukas or sa ibang araw." He chuckles. Naglakad na ako papalayo sa kaniya. Puro talaga siya kalokohan, bakit ba sa cemetery pa kami magkikita? Ililibing niya ba ako? "Luna, bakit ngayon ka lang?" "Sa SM po ako bumili, nag withdraw din kasi ako." "Uhm, let's eat." Anunsiyo ni mommy sa lahat. "Alright." Saad ni Tito Nico Si tito Nico nga pala ang bunsong kapatid nila daddy, si tita Tonette naman ang panganay, sumunod si daddy tapos si tita flour. "Delicious, what is this again? Abodo?" Tanong ni Tita Flour "Adobo." Pagtatama ni mommy sa kanya. Narinig ko rin ang mahinang nilang tawanan ni mommy. "Kain kana, Luna." Saad ni mommy sa akin. I nodded. "Uhm, dad do want to eat some?" "Banana, Luna. Sliced it for me, please." "Sure dad." "You are so thoughtful Luna." Ani tita Tonnete. I just gave her a smile. Well, thoughful talaga ako, especially kay daddy. "Mommy, si ate?" "Mamaya pa siguro pupunta dito, namimiss mo na ba ang pang-aasar niya sa iyo?" "Hindi noh!" Sus! Si mommy talaga! Hindi ba pwede nag-aalala lang ako kay ate dahil baka wala siyang makain sa bahay. Hindi pa rin talaga mawala sa isip ko iyong sinabi ni Aster sa akin, hindi ko maiwasang mag overthink. Wala naman siguro siyang masamang balak sa akin, dahil mabait naman ang pagkakakilala ko sa kanya. Pero bakit sa cemetery? Sobrang ingay pa rin nina dad kasama ang mga kapatid niya, mukhang simula kanina ay puro chika lang sila, hindi na siguro nakapagpahinga si dad. Sige lang, kapatid naman niya iyan e. Siguro nangulila din talaga sila kay dad dahil matagal din nila itong hindi nakasama. Pupunta nga sana kami ngayong summer vacation namin sa United kingdom para bisitahin sila doon ngunit, ito ang nangyari, bumalik ang sakit ni dad. "Mommy, may pupuntahan pala ako mamaya." Pagpapaalam ko kay mommy pagkatapos niyang umupo sa tabi ko. "Saan ka na naman pupunta?" Mahinang tanong niya sa akin. "Di ba po nag withdraw ako? I wanna buy something kasi." "Ano na naman ba iyan Luna? Don't gastos too much for the things na hindi mo naman masyadong kailangan." "Secret. Depende." May gusto kasi akong bilhin na necklace, ireregalo ko sana kay ate dahil malapit na ang kaniyang birthday. Kikitain ko nalang siguro muna si Aster because wala lang. Matagal pa naman kasi mag close ang mall, pero ang cemetery? Ayaw ko naman pumunta doon nang gabi na. Bakit nga ba sa cemetery? Sa dinami-dami ng lugar na pwede naming puntahan bakit doon pa? Anong meron doon? Weird talaga ni Aster. "Nasasanay ka na talagang lumabas, baka totoo ang sinasabi ng ate mo ha?" "Mommy naman e, may pupuntahan ako kasi malapit na birthday ni ate, may gusto akong bilhin para sa kanya. Palagi niya rin kasi akong binibigyan ng gift even though hindi ko naman birthday. So, I guess I should give her a present too." "Hmmm, sige na nga Luna, basta mag-ingat ka." Tugon ni mommy. "Yes mommy." Pero bakit nga ba kasi sa cemetery?! Kinakabahan na tuloy ako! Ano kaya ang meron doon? Nandoon ba ang greatest secret niya? Is he trying to prank me? Am I gonna be his victim? Well, let's see.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (280)
Princess Jane Arradaza
I love this story subra nagagandahan ako diko nanga namalayan na madaling araw na HSHS plsss po sa next chapter I wanna read again Ang ganda² talaga Ng story my line din na ranas ko like sa daddy nya pro Yung ghost and Leo ackkk nakaka exciting pa talaga sa next chapter.
24/08/2023
0
ۦۦ Clea
His story is so beautiful, I can see myself in what I read since I've been a bts fan since grade 7 and everything he mentioned in the story almost matches my situation back then
22/08/2023
0
Ashlie Kyle Purog
complete naba talaga to huhu wla syang naging jowa eme huhu pero ang sakit mo aster pero move na forda go ....nice story
I love this story subra nagagandahan ako diko nanga namalayan na madaling araw na HSHS plsss po sa next chapter I wanna read again Ang ganda² talaga Ng story my line din na ranas ko like sa daddy nya pro Yung ghost and Leo ackkk nakaka exciting pa talaga sa next chapter.
24/08/2023
0His story is so beautiful, I can see myself in what I read since I've been a bts fan since grade 7 and everything he mentioned in the story almost matches my situation back then
22/08/2023
0complete naba talaga to huhu wla syang naging jowa eme huhu pero ang sakit mo aster pero move na forda go ....nice story
20/08/2023
0View All