Chapter 11

Busy ako sa pag-inom ng tubig nang maalala ko si kiro, kailangan ko pala siyang sunduin mamaya. Sana nga ay hindi siya umiiyak roon, kailangan niya talagang mag-aral para matuto na siya.
The principal just announced earlier that there will be no classes this afternoon because all the professor have a meeting, that's good for me to be able to rest because i feel tired even though i just watched.
I went out of the cafeteria because i had to go to the comfort room, i saw Clark so i ran closer to him.
"What else do you need? Every time you see me you always come closer." Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya, wala naman akong kailangan sa kanya pero gustong-gusto ko talagang lumalapit sa kanya.
"Sasabay lang ako! Assuming ka talaga masyado." Tinaasan naman niya ako ng kilay bago tumaas ang sulok ng labi niya. Umirap naman ako.
Binilisan ko ang paglalakad pero nagulat ako ng higitin niya ako kaya napasubsob ako sa dibdib niya, nanlaki naman ang mata ko dahil dun!
Napapikit naman ako ng ilapit niya ang mukha niya, pero umawang ang labi ko ng bumulong siya!
"Do you really have a crush on me hmm?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya kaya naitulak ko siya.
"Ako? May crush sayo? Kilabutan ka nga! " Tumawa naman siya kaya natulala ako, sobrang gwapo niya pala kapag malapitan. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa kaya napangiti ako, minsan kasi ay lagi nalang niya akong sinusungitan kaya nakakapagtakang tumatawa siya ngayon sa harap ko.
"You're cute, damn." Bulong niya pero narinig ko, lumawak ang pagkakangiti ko bago lumapit sa kanya at sinundot ang tagiliran niya.
"Ikaw 'ata ang may crush sakin!" Sabi ko, kumunot ang noo niya bago nagseryoso at nag-iwas ng tingin.
"Hindi Ikaw ang crush ko." Napawi ang ngiti ko dahil sa narinig, nag-angat ako ng tingin sa kanya bago ngumiti ng pilit.
"N-nagbibiro lang naman a-ako!"
Tumango naman siya bago bumuntong hininga at nilagpasan ako. Hindi na ako nag-abalang lingunin siya dahil dumiretso na akong pumunta sa comfort room.
May isang subject pa kaming natitira kaya pumasok na ako kahit tinatamad ako, hindi parin talaga mawala sa isip ko ang sinabi ni Clark. Ano naman kung hindi ako ang crush niya?
Hindi naman big deal 'yon.
"Miss. Wilson are you listening?" Napaigtad ako nang magsalita sa harap ko ang prof, tumango naman ako kahit hindi talaga ako nakikinig!
Bumuntong hininga ako bago tumingin sa harapan, mabuti nang makinig nalang ako kaysa sa isipin pa ang sinabi niya.
Lunch time na kaya nauna na akong lumabas, i didn't notice yumi kung pumasok ba siya. Napatigil ako nang makita ko uli't ang dalawa sa labas, mukhang kanina pa sila naghihintay dahil nakabusangot ang mukha nila.
"Bigla ka nalang nang-iiwan!" Sikmal ni Remy. Umirap naman ako dahil kasalanan naman nila 'yon dahil inaaya ko na silang umalis pero hindi nila napapansin.
"Saan kayo ngayon? Wala tayong klase." Si Noemi.
"Park tayo?" Tumingin naman ang dalawa sakin mukhang hinihintay nila ang sagot ko kung papayag ba ako o hindi.
"Susunduin ko ang anak ko." Walang pagaalinlangan 'kong sabi. Umawang naman ang labi nila bago sila nagkatinginan.
"D-do you already have a child?!" Remy asked.
I nodded. "Yes, it's okay if you guys don't want me to be your friend anymore because i have a child-
"No! We're not that kind of people, i hope you said at first so that we can visit you."
"It's hard to take care of a child Kara."
Napanguso naman ako kaya lumapit sila sakin at kumapit sa braso ko.
"Pwede ba kaming sumama Kara?" Noemi asked. Bumuntong hininga ako bago tumango, why not diba? Kaibigan ko naman sila.
"I want to see your daughter!" Excited na sabi ni Remy.
"Lalaki siya Remy." Sabi ko, napatigil naman siya.
"I thought it's a girl! Tuturuan ko sana kung paano mag make up." Natawa naman ako sa sinabi niya.
Magkatabi lang naman ang DLSU at ang School ng Daycare kaya nilakad lang namin, napansin ko namang hindi nagrereklamo si Remy kahit nakakapaso ng balat ang sinag ng araw.
"Mama!" Binuhat ko naman si Kiro mukhang hindi naman nagka-problema dahil bakas ang saya sa mukha niya.
"Kamusta? Okay ba?" I asked.
He nodded. Napatingin naman siya sa kasama ko kaya napawi ang ngiti niya, nagtataka naman siyang tumingin sa akin kaya ngumiti lang ako.
"They are my friends baby, they came here because they want to see you."
"Hi! Ang pogi mo naman... I'm Remy, What's your name?"
"Kiro" tipid na sagot nya kaya napasimangot si Remy. Sumunod naman si Noemi na nagpakilala.
Sumama parin ang dalawa  hanggang sa apartment namin, wala naman daw silang gagawin kaya dito nalang muna sila. Bumili naman sila nang makakain dahil nakakahiya daw kung papakainin ko pa sila.
"Sobrang gwapo siguro nang anak mo Kara kapag lumaki na siya." Kanina pa daldal ng daldal si Remy, kahit hindi siya pinapansin ni Kiro ay kinukulit niya pa'rin. Crush nya daw si Kiro kaya tawang-tawa kami sa sasakyan dahil sa pinagsasabi niya.
"Tumigil ka nga! Pati anak ko pinagpapantasyahan mo." Sabi ko. Nagkamot naman siya ng ulo bago bumalik sa sala. Nanonood kasi si Kiro ng Cartoons kaya nababagot ang dalawa.
"Mama? I'm starving." Bungad sakin ni Kiro habang papalapit sa kanila, hindi man lang niya inaalis ang tingin sa pinapanood. Nakaupo naman ang dalawa sa lapag habang busy sa paggamit ng cellphone.
"Kain na tayo." Sabi ko. Alam kung nagugutom na'rin ang dalawa, hindi daw sila nag snacks kanina.
Tahimik lang si Kiro habang kumakain, samantalang ang dalawa ay kanina pa daldal ng daldal.
"Ikaw ha! May gusto ka pala kay Owen!" Sabi ni Remy kay Noemi.
Nanlaki naman ang mata ni Noemi sa sinabi ni Remy. "H-ha?! Wala akong gusto sa kanya."
Namumula ang pisngi niya habang nag-iwas ng tingin, uminom siya ng tubig bago tumingin kay Remy na tinutukso parin siya.
"Kayong dalawa! May gusto pala kayo sa magpipinsan na 'yon!" Sabi ni Remy. Halos mabulunan naman ako dahil sa sinabi niya.
"Wala akong gusto kay Clark!"
"Wala akong gusto kay Owen!"
Nagkatinginan naman kami ni Noemi, kaya humagalpak kami sa tawa.

Book Comment (53)

  • avatar
    Kavin Raj

    Nice super story I wonder to read more

    25/04/2022

      10
  • avatar
    Jhaya Mari

    it's nice

    22d

      0
  • avatar
    Abdulcader B. Saidamen

    Thanks

    06/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters