Day had passed mas lalong naging hectic ang schedule namin, madalang nalang kaming magkita nila Remy. Mabuti nalang at pumayag ang maid nila Clark na bantayan si Kiro habang busy kami. Tuwing gabi nalang din kami nakakapag-usap, minsan ay hindi ko na nasasagot ang tawag nya dahil sa sobrang pagod. Habang patagal ng patagal ay mas lalong humihirap ang mga ginagawa namin. "Dati na nang nag-aaral dito 'yon!" "Para mo alam? Bago lang yung mukha" Napatingin naman ako sa dalawang babaeng nag-uusap, hindi ko alam 'kong sino ang tinutukoy nila. "Si Abigail 'yon! Sige sabihin mong bago!" Napangiwi ako sa lakas ng boses nung babae, napatingin naman ako sa mga naglalakad papunta sa gawi namin. Naisipan ko kasing dito nalang sa bench gumawa ng activity, wala kasi ang prof namin pero nag-iwan naman ng nakakamatay na gawain. Natigil ako sa ginagawa ng makitang kasama nila si Clark, Si Owen ay may kasamang babae. Hindi pamilyar ang mukha ng iba sakin, baka classmate lang siguro ni Clark. Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang babaeng katabi ni Clark. "Pupunta lang ako sa Principal Office!" Sabi nung babaeng katabi ni Clark. "Ha? Sasama kami!" "I'll go with you" Clark uttered. Looking at her. The girl nodded. "Let's go,then" she held Clark hand. Before turning their back. "Magkakabalikan pa kaya sila?" Tanong ng isang kasama nila. Tahimik lang ako sa gilid habang nakikinig sa kanila, hindi siguro ako napansin nila Clark kaya sumama sya sa babae. "Naghiwalay lang naman sila kasi pumuntang America si Abigail di'ba?" "Oo, siguro" "Manahimik nga kayo! May girlfriend na si Clark" I heard Ashton, mas lalo akong naging interesado sa pinag-uusapan nila. "That's impossible! Sabi ni Clark kapag bumalik si Abigail, tatanggapin nya parin!" Nanigas naman ako sa pagkaka-upo, ex nya pala 'yong sinamahan nya sa Principal Office, pero wala man lang syang nababanggit sa'kin na may hinihintay sya. He's just waiting for her to come back. And now that she's back….w-will he leave me? "K-kara?" Alam kong si Ashton ang tumawag sa'kin, inayos ko ang gamit ko at tumayo para iwanan sila 'don. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, gusto 'kong kausapin si Clark kung totoo ba ang mga narinig ko. "Kara, teka lang!" I heard Ashton shouting. Tumakbo nalang ako, balak ko sanang sa comfort room pumunta pero baka makasalubong ko sila Clark. Pagdating ko sa room ay kunot noong tumingin sa'kin si Yumi. Hindi ko nalang sya pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa 'kong activity. "Sa apartment mo muna kami" Tumango ako sa sinabi ni Noemi. "Sasama kami, okay lang ba?" Owen asked. Bigla 'ko nalang naalala 'yong kanina, bumuntong hininga nalang ako bago tumango. "Pero mahuhuli nalang kami, may kukunin lang ako" Sabi ni Ashton. Nagtama naman ang tingin namin kaya pilit syang ngumiti. "Kara, may problema ba? Kanina ka pa hindi kumikibo" puna ni Noemi. I sighed. "Tara na" bago ko sila tinalikuran. Hindi ko pa kayang sabihin ang nalaman ko kanina, alam 'kong walang ideya ang dalawa kung anong nangyayari. Nakarating naman kaagad kami sa apartment, umalis na din ang maid nila Clark kaya naiwan na samin si Kiro. Binuhat naman kaagad ni Remy si Kiro kaya napasimangot ang bata. "How's school baby pogi?" Remy asked. Kiro pouted. "Ganon parin po" Remy nodded. Hindi ko naman alam 'kong anong gagawin nila ri'to, wala kaming pasok bukas kaya okay lang naman siguro. Napangiwi ako ng may marinig na music sa labas, binuksan naman kaagad ni Remy ang pintuan at bumungad ang dalawa habang may dalang speaker si Ashton, at Mic naman kay Owen. "Hey! Watsup pogi!" Nakipag-apir naman si Kiro kay Ashton kaya ang laki ng ngiti nya. "Bakit yan?" Turo ko sa speaker na hawak ni Ashton. "Party tayo" He laughed. Wala naman akong nagawa ng maglabas sila ng pagkain, madilim na'rin pala sa labas. Pumasok ako sa kwarto para magpalit dahil pakiramdam ko ay nanlalagkit ako. Ilalapag ko na sana ang phone ko ng biglang mag ring 'yon. Clark Calling…… Ayaw ko sanang sagutin pero parang may nagtulak sa'kin para sagutin 'yon. "Baby" napatigil ako ng marinig ang boses nya, napakalambot 'non pero hindi parin nawawala ang nararamdaman 'kong galit. Galit sa mga nalaman, Galit ako dahil hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko. "Anong kailangan mo?" I asked. I heard him sighed. "I love you baby, i will never leave you... remember that" He ended the call. Gusto 'kong maniwala pero hindi ako sigurado kung totoo ba ang sinabi nya. Natapos akong magbihis ay lumabas na din ako, pero napatigil ako nang makita si Clark na nakaupo sa sofa habang nakaupo sa hita nya si Kiro. "Mama, come here!" Napatingin naman ako kay Kiro, parang nagmamakaawa ang mukha nya habang nakanguso. Umupo nalang ako sa tabi ni Clark, pero sinadya 'kong lagyan ng space ang pagitan namin. "May kanta pala ako ri'to! Gusto nyo ba marinig?" Sabi ni Ashton. "Gago baka masira yang speaker!" Nagtawanan naman sila pero hindi ako makasabay, hindi ako natutuwa. "Nirecord ko pa 'to! Wait….off mo Bluetooth mo tanga!" Napapangiwi nalang ako sa kanila. Ramdam ko ang titig sa'kin ni Clark pero pinanatili ko ang tingin sa harapan. "Anong title nyan?" Owen asked. "Middle, teka pakinggan nyo!" Tumango naman ako bago pinakinggan ang kinakanta ni Ashton. STARIN' AT TWO DIFFERENT VIEWS ON YOUR WINDOW LEDGE COFFEE HAS GONE COLD, IT'S LIKE TIME FROZE THERE YOU GO WHISHI'N FLOATIN' DOWN OUR WISHIN' WELL IT'S LIKE I'M ALWAYS CAUSIN' PROBLEMS, CAUSIN' HELL I DIDN'T MEAN TO PUT YOU THROUGH THIS, I CAN TELL Bigla namang tumigil ang kanta kaya napatingin kami kay Ashton. "Teka naman! Itutuloy ko pa ba? Or wag na? Baka kasi matulog kayo ng nakapikit" "Gago! Para ngang basag na pinggan boses mo!" Si Owen. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko kaya nakipagtawanan na'rin ako. "Daddy, do you know how to sing too?" Kiro suddenly asked. Clark nodded. ARE WE GONNA SWEEP THIS UNDER THE CARPET? I HOPE THAT I CAN TURN BACK THE TIME TO MAKE IT ALL ALRIGHT, ALL ALRIGHT FOR US I'LL PROMISE TO BUILD A NEW WORLD FOR US TWO WITH YOU IN THE MIDDLE "You in the middle" kanta ni Owen. "Hanep! Marunong ka din pala kumanta?" Puna ni Ashton. Hinampas naman ni Owen si Ashton kaya napuno ng tawanan ang buong sala. "Nasaan yung mic?" Napatingin ako kay Clark, bigla namang nagtama ang tingin namin kaya nag-iwas ako ng tingin. Kumabog bigla ang dibdib ko. "Yon! Oras na para manuyo!" Ashton Shouted. "Ang ingay mo!" Si Noemi. "Wait…..war kayo?" Remy asked. I raised my brow. "Hindi." Tipid na sagot ko. Binigay naman ni Ashton ang cellphone nya kay Clark, nandon siguro 'yong lyrics na kakantahin nya. "Go Clark! Kapag nagkabati kayo, si Kara na ang papatong sayo!" Ibinato ko naman kay Ashton 'yong unan na nasa gilid ko. "Hoy gago! May bata e!" Si Owen. Tinignan ko naman ang katabi ko pero mukhang nag-uusap si Kiro at Clark. "Game na?" "Yes Dad!" Nag play naman kaagad 'yong music. "Fallin' out, Fallin' in. Nothing sure in this world no, no. Breakin' out, Breakin' in never knowin'. What lies ahead we can really never tell it all no, no,no." Napalunok ako ng higitin nya ang beywang ko papalapit sa kanya, sumigaw naman ang mga kasama namin. "Say Goodbye, Say Hello to a lover or friend, sometimes we, never could understand, why some some things begin then just end" Ngiting-ngiti naman si Remy at Noemi habang nakatingin sa'min, ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang pinapakinggan ang boses ni Clark, ngayon ko lang nalaman na marunong syang kumanta. Napaka ganda ng boses nya, hindi ko akalain na marunong din pala sya. "Shuta! Ang lambing naman ng boses! Maiinlab ata ako!" Pangloloko ni Ashton. "Hon, behave please" tinignan ng masama ni Remy si Ashton kaya natahimik sya. "We can really never tell it all no, no, no. But oh, can't you see that no matter what happens life goes on and on, and so oh baby, just smile." Humarap naman sya sa'kin, hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Muntik na akong matawa ng makita ko ang inaantok na mukha ni Kiro habang nakapulupot ang braso sa leeg ni Clark. "Coz, I'm always around you and I'll make you see how beautiful life is for you and me." Itinapat naman ni Clark ang mic kay Kiro. "Take a little time baby, see the butterflies color's" Nanlaki ang mata ko dahil 'don! Medyo hindi malinaw ang pagkakanta nya pero kung alam mo ang lyrics ay masasabayan mo kaagad 'yon! "Listen to the birds that were sent to sing for me and you, can you feel me." "This is such a wonderful place to be, even if there is pain now everything would be all right, for as long as the world still turns." Pagpatuloy ni Clark. "there will be night and day can you hear me." They sang together. "There's a rainbow always after the rain." "Ilove you Daddy and Mama!" Halos mapangiwi naman si Ashton at Owen dahil malapit sa kanila ang speaker, medyo malakas ang pagkakasabi ni Kiro tapos nakatapat pa sa kanya ang mic. "Daddy and Mama loves you" Clark whispered. I smiled. Kahit ngayon lang, gusto ko muna kalimutan ang nangyari kanina. I hugged them both. "Gagi! Yakapin mo nga din ako!" Napatingin kami kay Ashton na hinila ang braso ni Owen at sapilitang iniyakap sa kanya. "Tangina mo! Kadiri ka!" Owen shouted. "Hoy ang ingay nyo baka may magreklamo sa kabila!" Puna ni Noemi. Tumigil naman ang dalawa bago tumayo si Ashton at lumapit kay Clark, may ibinulong naman sya. "What? No!" Si Clark na kunot na kunot ang noo habang may sinasabi sa kanya si Ashton. "Sige na gagi!" Umalis naman kaagad si Ashton bago nag-tungo sa kusina, umawang ang labi ko ng makitang may dala syang takip ng kaldero at panandok! "Anong gagawin mo dyan?!" I asked. He smirked. "Manood kayo mga kababayan" Sinimulan naman ni Ashton na hampasin 'yong takip, kaya humagalpak kami sa tawa. "Baby, are you down? Down, Down." Panimula ni Clark. "Even if the sky is falling down" Sunod ni Owen. Patuloy parin si Ashton sa ginagawa, kaya halos sumakit ang tyan ko sa kakatawa. "You ought to know tonight is the night to let it go, put on a show i wanna see how you lose control." "Tangina bilisan nyo!" Pagrereklamo ni Ashton. "So leave it behind 'cause we have a night to get away, so come on and fly with me as we make our great escape" Ipinasa naman ang mic kay Clark. "So, baby, don't worry you are my only, you won't be lonely even if the sky is falling down, you'll be my only no need to worry. Baby, are you down? Down, down." Mas lalong nilakasan naman ni Ashton ang pag hampas sa takip. "Baby, are you down? Down, down!" Sabay na kanta nilang tatlo. Pumalakpak naman kami dahil sa ginawa nila, halos pulang-pula na ang mukha ni Remy dahil sa kakatawa. I will never forget this day.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Nice super story I wonder to read more
25/04/2022
10it's nice
21d
0Thanks
06/01
0View All