Chapter 13

Until now i'm still thinking about what happened in the school, i don't know if what happened before is really true.
Kiro has been asleep but i still can't sleep, it's like i want to go to Clark and ask if what he said is true.
I don't know how he will fall for me.
I stood up from bed before going to the kitchen, got a glass of water.
Hindi parin ako nakakaramdam ng antok, i wanted to go out but it was late at night baka mapano pa ako.
I just took my phone and went to facebook, I was scrolling on my news feed when a post caught my attention.
That was a picture of Clark and i while he was kissing my forehead, i frowned because of that.
Who took this picture?
I don't know if I'll be happy or annoyed because why still need to take a picture and post it on social media.
It's been more than three hours since the picture was posted, and more than a thousand people immediately reacted to that post. Ang iba ay pumuso karamihan ay angry react.
I went to the comment section.
And there i saw Clark's name, he was the first who commented on it.
Clark Archer Gutierrez
Thanks. Ang qt namin dba
Umawang naman ang labi ko sa nabasa! Halos matawa ako dahil 'don....b-bakit ang jeje?
Binasa ko naman ang ibang reply sa sinabi ni Clark, napahinga ako ng maluwag ng makitang walang negative comment.
Napatigil ako ng tumunog ang messenger ko.
Friendship
Remy Madden;
May pa kiss to forehead ang gaga!
Nag-init naman ang pisngi ko dahil 'don! Hindi ko naman alam na may kumuha pala ng picture sa'min at nakarating sa social media.
Noemi Jenkins;
Kayo na?
I frowned at Noemi's question.
Hindi ko naman alam ang irereply ko kaya ibinaba ko ang cellphone ko at hinilamos ko ang palad ko sa mukha.
Narinig ko namang tumunog uli ang messenger ko kaya tamad 'kong kinuha 'yon.
Clark Archer Gutierrez;
Congrats. Sikat na us
I almost dropped the phone i was holding when i read Clark's message! Hindi ko inaasahan na sya ang magchachat sa'kin!
Kataleya Wilson;
H-hindi ko alam na ganun ang mangyayari! Hindi ka ba magagalit?
Nanginginig ang kamay ko habang nagtitipa sa keyboard para lang mag reply sa kanya!
Clark Archer Gutierrez;
Why should i be angry? you? Are you mad at the picture they posted?
Sabi ko nga hindi sya galit! Kinagat ko naman ang pang-ibabang labi ko habang nag-iisip ng mairereply sa kanya.
Mas okay pala na English ang gamitin nya kaysa sa Tagalog!
Clark Archer Gutierrez;
Are you still there?
Baby?
Hey,
Nabitawan ko naman ang cellphone ko dahil tinawag nya akong baby! Mabuti nalang at sa sofa nahulog...nagtipa naman kaagad ako ng irereply sa kanya.
Kataleya Wilson;
Matutulog na 'ko
Hindi ko alam kung bakit 'yon ang nasabi ko! Hindi pa naman ako inaantok pero kinakabahan ako habang nakikita ang pangalan nya sa screen ng cellphone ko!
Clark Archer Gutierrez;
Okay baby, go to sleep...you still have class tomorrow...I'll pick you up.
Kung hindi lang tulog si kiro ay kanina pa ako tumitili ri'to, mukhang ako ang mas mahuhulog sa kanya!
Narealize ko naman ang sinabi nya! Susunduin nya ko bukas? Matutuwa na sana ako ng maalalang kasama ko si kiro.... should i tell him about kiro?
Bumuntong hininga ako. Iiwasan nya ba 'ko kapag nalaman nyang may bata akong kasama? Baka isipin nyang may anak na'ko.
Kataleya Wilson;
Pero may kasama akong bata, okay lang ba? Or mag taxi nalang kami, kaya naman namin.
Ilang minuto ang lumipas pero hindi parin sya nagrereply! Kinakabahan ako habang pabalik-balik ang tingin ko sa cellphone ko, baka nagbago ang isip nya?
Clark Archer Gutierrez;
Okay, I'll call you tomorrow. Good night baby
I don't know how i fell asleep habang iniisip ang mga naging usapan namin ni Clark, nagising nalang ako ng may kabang nararamdaman! Susunduin nya kami mamaya ni Kiro, kanina pa nakakunot ang noo nya habang nakatingin sa'kin.
Alam kong mukha akong natatae dahil sa sobrang kaba!
"Mama, what's wrong?" Napatingin ako kay Kiro, nginitian ko naman sya ng pilit habang ipinagpatuloy ang niluluto.
"Wala, ubusin mo na yan...kakain na din tayo malapit na 'to maluto." Tumango naman sya kaya nagmadali ako sa ginagawa.
Natapos kaming kumain ay sabay na kaming naligo ni Kiro, sya ang una 'kong binihisan bago ako sumunod sa pag-aayos ng sarili. Sakto namang nag ring ang cellphone ko kaya sinagot ko kaagad 'yon, hindi ko na inisip kung saan nya nakuha ang cellphone number ko!
"Hello?"
"Uhmm... Nandito na 'ko sa labas, ready na ba kayo?"
"H-ha?! P-paano mo nalaman ang apartment namin?!"
Medyo napalakas ang boses ko dahil sa sobrang gulat! Ni hindi ko nga nabanggit sa kanya na dito ako nag e-stay!
"Ayaw mo ba?"
"Hindi naman!" Lumingon ako kay Kiro na kunot na kunot ang noo habang nakatingin sa'kin.
"Tara na" Binuhat ko si Kiro pero hindi  parin naka end ang call kaya hinayaan ko nalang.
"Sino kausap mo Mama?" Napatigil ako ng magtanong si Kiro, alam 'kong narinig rin ni Clark 'yon kaya nagmamadali akong pinatay ang tawag!
"Just a friend... susunduin nya tayo" Pagsisinungaling ko, alam kong hindi sya kombinsido sa sagot ko pero hindi nya na 'ko pinansin.
Pagkalabas namin ay nakita ko si Clark na prenteng nakasandal sa sasakyan habang nakapamulsa, kahit anong isuot nya ay bagay na bagay na talaga sa kanya... malayo palang ay amoy na amoy na ang pamilyar na pabango nya.
"Men's perfume last longer than their promises." I calmly uttered.
Clark's brows furrowed. "What did you say?"
"H-ha?"
"May sinasabi ka?"
"M-may sinabi ba ako?"
Tumaas naman ang sulok ng labi nya bago tumingin  kay Kiro, titig na titig sya sa bata kaya tumikhim ako...nag iwas naman sya ng tingin bago umayos sa pagkakatayo.
Lumapit naman sya kaya napaatras ako, ganun nalang ang panlalaki ng mata ko nang buhatin nya si Kiro mula sa'kin!
"May i know your name?" Clark asked.
"Khian Rogue" mahinang sabi ni Kiro.
"Pogi ah" Natawa naman silang dalawa kaya napangiwi ako! Close na ba sila?
Tinalikuran naman nila akong dalawa bago buksan ni Clark ang Shotgun seat at 'don pinaupo si Kiro bago ikinabit ang seatbelt! Sinarado naman nya 'yon bago tumingin sa'kin.
Bumuntong hininga sya bago ako tinaasan ng kilay. "What? Get in, baby"
I know what he means! He wants me to sit in the back seat!
Inis akong binuksan ang pinto, pumasok naman kaagad ako bago padabog na sinarado 'iyon.
"Your Mom looks angry huh"
Kiro laughed. "Hmm..she's really like that."
"Kiro" may pagbabantang tawag ko, hindi ko alam kung bakit sya nakikipag-usap kay Clark ng ganun-ganun lang!
"Sorry Mama.... we'll just buy pandesal so you won't be angry,  right?" Tumingin sya kay Clark na sinimulan ng paandarin ang sasakyan.
"Yes, pero mamayang gabi ko nalang ipapatikim sayo 'yong pinaka-masarap 'kong pandesal." He smirked.
Nagets ko naman 'yon kaya sinamaan ko sya ng tingin! Nag-usap lang silang dalawa habang nakatingin lang ako sa labas, sa tagal na naming magkasama ni Kiro ngayon ko lang sya nakitang ganito kadaldal sa pakikipag-usap!
Hindi ko naman namalayan na nasa school na pala kami nila Kiro, paano na naman nya ba nalaman na dito sya pumapasok?! Kunti nalang at malapit na ako mag assume na may gusto din sya sa'kin!
Napatigil ako ng  biglang buksan ni Clark ang pintuan! Mabuti nalang at nahawakan nya ang siko ko kaya hindi ako nahulog!
"Careful baby, baka makunan ka" hinampas ko naman ang braso nya dahil sa ginagawa nyang pang-aasar!
"Hindi ako buntis gagu!"
"Really? Akala ko buntis ka" bumaba ang tingin nya sa tiyan ko kaya sinundan ko 'rin ng tingin 'yon! Halata pala ang bilbil ko dahil sa suot ko! Nakakalimutan ko na kasing mag exercise kaya hindi ko na naaalagaan ang katawan ko!
"M-mag eexercise ako bukas para mawala 'to" bulong ko. Napatigil ako ng makita si Kiro na bored na nakatingin sa'min... pilit akong ngumiti bago binuhat si Kiro. Ibinilin ko naman sa teacher nya na sya na ang bahala kay Kiro, ako nalang ang susundo sa kanya kapag lunch dahil hindi parin nakakabalik ang hinire 'kong taga-alaga sa kanya.
"Let's go baby" hinawakan ni Clark ang kamay ko pero binawi ko kaagad 'yon dahil para akong nakuryente!
"M-mauna ka" hindi tuloy ako makatingin ng diretso sa kanya kaya nagmamadali kaagad akong pumasok sa back seat!
"Akala ko ba ako ang mauuna?" Mukhang pinipigilan nya ang matawa kaya napairap ako! "Why are you there? Ayaw mo ba akong katabi? Pinagmumukha mo akong driver mo."
"Okay na 'ko dito!" Hindi naman sya sumagot kaya pinaandar nya na Ang sasakyan.
Pinagtitinginan tuloy kami ng makita nilang magkasama kami ni Clark!
"Kalmado ang siraulo" bulong ko, mukha kasing walang pakialam si Clark habang nakatingin sa'kin! Hinawakan nya naman ang kamay ko bago nya binilisan ang paglalakad, hindi ko naman mabawi 'yon dahil sobrang higpit ng pagkakahawak nya!
"Baby? Will you join me?" Kapagkuwan ay tanong nya, nag-angat naman ako ng tingin sa kanya.
I frowned. "H-ha? Saan?"
"Library"
I nodded. Kahit wala akong kailangang i-review ay sasama parin ako! Sya na 'tong nag-aya kaya sino ba naman ako para tumanggi.

Book Comment (53)

  • avatar
    Kavin Raj

    Nice super story I wonder to read more

    25/04/2022

      10
  • avatar
    Jhaya Mari

    it's nice

    22d

      0
  • avatar
    Abdulcader B. Saidamen

    Thanks

    06/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters