Month had passed simula nung umamin si Clark, lagi nya kaming hatid sundo ni Kiro....may mga time pa na minsan nalang kami magkita dahil sa sobrang daming ginagawa sa school wala na kaming oras para magkita but he always updates me on what he's doing. But when i think that he is my boyfriend, di'ko maramdaman yung pagod. Akala ko masasayang lang ang nararamdaman ko para sa kanya, sa dami ng nagkakagusto sa kanya...I'm still the one he chose. I suddenly remembered what my Nanay said earlier, tumawag kasi sya dahil may sakit daw si Tatay. Wala syang kasama para alagaan si Tatay....wala 'ring magaasikaso sa palayan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko naman pwedeng iwanan ang pag-aaral ko ri'to, paubos na'rin ang budget ko. Pero nag-aalala ako sa kalagayan ni Tatay, hindi ko pa sinasabi kay Kiro dahil ayaw ko namang masira ang araw nya. Kasama nya kasi si Clark sa labas, hindi ko magawang sumama sa kanila dahil binabagabag ako dahil sa sinabi ni Nanay. I sighed. Uuwi nalang muna siguro kami ni Kiro, kailangan ko munang mag-isip kung saan kukuha ng pera para sa pampagamot ni Tatay. Tumayo nalang ako bago lumabas ng apartment, kakausapin ko nalang mamaya si Kiro kung gusto nyang umuwi na muna kami, kailangan ko 'din kausapin ang mga prof ko if nakapag decide na 'kong umuwi na muna. Hindi ko naman makita sila Clark kaya naglakad-lakad nalang muna ako, i didn't know where they went. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa park, nakita ko naman kaagad ang dalawa! "Mama! Look!" Tinignan ko naman ang tinuturo ni Kiro, may lumipad pala na balloon. "Baby, i though you didn't want to go out?" Clark asked. He wrapped his arm around my waist. Sa ilang buwan na nagdaan, nasanay na 'ko sa ganito. I looked at him. "Nabored ako bigla" He chuckled. Day had passed, nakauwi 'din kami ni Kiro. I know na marami akong naiwan na project na kailangan 'kong gawin pero nagpumilit si Remy at Noemi na isingit sa schedule nila 'yon..... gusto ko sanang tumanggi pero alam 'kong malaking tulong na 'rin 'yon lalo na't hindi ko maaasikaso kapag kailangang ipagamot si Tatay. "Pasensya ka na anak, sana hindi nalang muna kayo umuwi ni Kiro..... kailangan 'mong mag-aral kaya 'ko namang bantayan ang Tatay mo, andyan naman ang mga kapatid nya para tumulong.....kaya ka nga naroon kasi gusto 'mong doon ka mag-aral diba? Nag-aaral na'rin pala ang apo ko......kayo nalang ang pag-asa namin anak." Kusa nalang tumulo ang luha ko, 'nong nakita ko ang kondisyon ni Tatay ay mas lalo akong naawa.....ang lakas pa nya 'nong umalis kami ni Kiro pero ilang buwan lang ang lumipas ay ganito na ang ibinagsak ng katawan nya.....mas lalo 'rin syang pumayat. "Nay, babalik 'rin ho ako kapag gumaan ang pakiramdam ni Tatay....may mga kaibigan din naman po ako roon, tutulungan nila ako." Bumuntong hininga si Nanay bago tumango, alam 'kong may gusto pa syang sabihin pero nag-iwas nalang sya ng tingin. Pumasok nalang ako sa kwarto ko, kanina pa nakatulog si Kiro dahil siguro sa sobrang pagod. Ang saya ng buhay 'ko roon, without knowing that they suffering here. Hindi ko 'rin sinabi kay Clark na umuwi kami, I knew at this time he was looking for us....my phone was also turn off because i knew he would call me. I don't want to tell him that i have a problem.....i don't want him to worry, i know he also has a problem dahil sa dami ng kailangan nyang i review.....may mga time pa na nakatulogan ko ang ginagawa ko pero pag-gising ko ay nakita ko nalang na tapos na 'yon. Sya pala ang tumapos 'non.....I'm very thankful because i have someone like him. Ilang araw ko 'ding binantayan si Tatay, nagastos ko na'rin yung natitira 'kong budget....hahanap nalang siguro ako ng pwedeng pagkakitaan. May exam kami bukas kaya bumalik na kami ni Kiro, mabuti nalang at hindi ako natambakan ng gawain dahil sa tulong nang dalawa. "Bakit hindi mo sinabi na uuwi kayo? Sana sinamahan ko kayo." I looked at him. I sighed "Mas mabuti na ngang hindi ko sinabi sayo e......ayaw 'ko namang dumagdag pa sa problema mo" "Baby, kaya ko naman pagsabayin lahat- "Clark- "Shhhhhh....sa susunod sasabihin mo sa'kin lahat" "Fine!" I give up. Maaga kaming pumasok kinabukasan, mabuti nalang at pinahiram ako ng reviewer ni Yumi! Medyo nalate na'ko sa naging lesson namin pero makakaabot naman ako sa susunod. "Baby, can you give me some riddles?" Clark asked. I nodded. Mabuti nalang at mahilig akong mag-isip ng mga riddles! "Wait.....medyo marami akong baon na riddles" I laughed. "Hindi ko alam kung saan doon ang kukunin ko" Katatapos lang ng exam namin at narito kami sa Cafeteria, napakahirap ng mga questions pero mabuti nalang talaga ay nakapag review ako kagabi! "Solve ko nalang lahat" Clark said. "Aba! Genius ka?!" Pagsingit ni Remy. "Hon, ang ingay mo" Bulong ni Ashton sa kanya. My lips parted. "Ay sorry!" She gave an apologetic smile. "Sana lahat! May pa 'Hon' ang gaga" Sabi ni Noemi sabay tingin kay Remy. Remy just laughed at what Noemi said. "Kami na pala! Hindi ko pa nasasabi, baka kasi.....you know.... you're not interested to ahmmm" She shrugged. "Hindi ko talaga inaakala na magiging kayo! Sa sobrang sungit nyong dalawa? Baka hindi kayo magtagal" Noemi murmured. "Baby, come on... where's the riddle?" Clark whispered. I looked at him. I chuckled. "Okay, here's the riddle" Tumahimik naman ang iba. " Last night- "May nakita akong nagsesex na dalawang aso" Si Ashton. They all laughed. "Gago ka! Kanina pa nabuburyo si Clark, sisingit ka pa" Si Owen. "Di joke lang, sige magpatuloy" Nag peace sign pa sya. Napailing nalang ako. "Last night there was a office party at the bar "snowman". By 11 pm all the alcohol had been finished and the visitors began to drift away." "Sakto galing akong bar kagabi!" Tinignan naman ng masama ni Remy si Ashton kaya tumahimik 'to. "A group of friends said goodbye to Noemi when she left. That was the last time anybody saw her." "Gaga bat nadamay ako!" "Ikaw daw 'yong mamamatay" Ashton laughed. Tumikhim naman si Clark kaya natahimik sila sa tawanan. "The following morning her body was found dead behind the bar- "Takte! Sabi sa inyo e mamamatay dyan si Noemi!" Ashton blurted out. "Inamo kanina ka pa, manahimik ka nga!" Ibinato naman ni Owen ang plastic bottle kay Ashton. Pinagtitinginan tuloy kami ng iba. "Continue" Clark said. I nodded. "The police arrived at the crime scene. After examining the body the detective interviewed three suspects Ahston, Remy and Owen. "Tangina bakit kasama ako" Si Ashton. "Nananahimik ako dito" Owen. "Hala! Hindi ako ang pumatay kay Noemi!" Remy pouted. Hindi ko naman mapigilan ang tawa ko, halos sitahin narin kami dahil sa sobrang ingay ng mga kasama namin. I continued. "Here are the alibis...... Ashton said 'when she left i went to bathroom' "Anong ginawa ko 'don?" Ahston asked. "Bwesit na yan" Owen laughed. "Remy said 'i ordered one more beer at the bar' "Gaga sumakto" Noemi uttered. "Hoy! Manahimik ka" Sita sa kanya ni Remy. "Owen said 'i was talking to a girl i just met' Halos mapatalon ako sa gulat ng hampasin ni Ashton ang lamesa! "Ginawa kang babaero pre! Sana ako nalang!" Si Ashton. "Sige maghanap kana lang ng ibang babae mo" Biglang sabi ni Remy. Natahimik naman si Ashton. Pinagpatuloy ko nalang ang sasabihin ko. "The police knew who the murderer was following these alibis. But who was the murderer?" "Hindi ako yan!" Ashton said. "Mas lalong hindi ako!" Si Owen. "Alangan naman na ako?" Remy asked. "It's Remy" Clark calmly uttered. "What?!" Gulat na tanong ni Remy. "There was no alcohol left." Tumango naman ako sa sagot ni Clark. "Weee? Di nga? Pano mo nasabi?" May halong pang-aasar ang tanong ni Ashton. "Ugh! Fuck!" Bulong ni Clark, kunot noong tumingin ako sa kanya. "T-Tangina! Umuungol ka?!" Nauutal na tanong ni Ashton. "G-gago! Yung paa ko!" Singhal ni Clark kay Owen. Nanlaki naman ang mata ni Owen. "S-sorry! Bakit kasi parang ampaw yang paa mo! Diko maramdaman!" Natatawa naman ako sa sinabi ni Owen. "Wala ka naman kasing pakiramdam" Mahinang sabi ni Noemi, pero dinig na dinig 'yon. Napatigil naman sila bago kami nagkatinginang lahat maliban kay Noemi na nakatulala lang. "H-ha?" Kunot noong tanong ni Owen. "Wala kang pakiramdam" ulit ni Noemi. Natutop naman ni Owen ang bibig nya bago umayos sa pagkaka-upo. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanila.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Nice super story I wonder to read more
25/04/2022
10it's nice
21d
0Thanks
06/01
0View All