Seven pm na nang magpaalam ang dalawa, masyado nang gabi 'yon kaya kailangan ko na ring patulugin si Kiro. Kinabukasan ay maaga parin kaming gumising, sinabihan ko nalang ang magbabantay 'kay kiro na sunduin sya ng lunch. "Mahilig ka ba sa mga Riddles?" I asked. Lumingon sakin si Clark, narito kami ngayon sa Library dahil nakasabay ko syang pumasok at dumiretso sya dito kaya sumama ako. Hindi naman sya mukhang naiinis kaya hinayaan ko nalang ang sariling sumunod sa kanya. Tumaas ang kilay nya sa tanong ko. "Why?" "Uhmm...may ipapasagot sana ako!" "All right, just tell me and i'll listen" he said before looking back at the book he was holding. Huminga ako ng malalim bago umayos sa pagkaka-upo. "A man is found murdered in his office and the suspects are Peter, Julie, Jason,Molly and Brian." Tumigil ako sa pagsasalita bago lumingon kay Clark na nakacross na ang braso sa dibdib habang nakatingin sa malayo, hindi ko alam kung nakikinig ba sya. "Continue." Tumango naman ako, akala ko ay may sarili syang iniisip! "There is a calendar in the office with the numbers 6.4.9.10 and 11 written in blood....but who is the killer?" "Jason" tipid na sabi nya. My lips parted because of his answer. "Why?" Baka kasi hinulaan nya lang ang sagot! "Do you still need an explanation? I already said the correct answer." "Paano kung hula mo lang 'yon ha?! Madaya ka kung ganun- "6-june" Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi nya! Ganoon parin ang ayos nya, ayaw ko naman syang kulitin dahil baka palabasin kami. "4-April....9-September...10-October and.." sa wakas ay tumingin sya sakin, diko naman matagalan ang titig nya kaya nag-iwas ako ng tingin. "11-November..get all the first letter or every month and you can get JASON." Napatulala lang ako sa harap ko dahil sa sagot nya, pinaghirapan kong gawin ang Riddle na 'yon pero nasagot nya agad! Iba talaga kapag matalino, pwede na syang magtrabaho sa pulis! "So?" "So?" balik na tanong ko. "Manlilibre ka ba?" He asked. "H-ha? Ano bang gusto mo?" Baka mamahaling pagkain ang gusto nya! Aba wala akong pera! "Sandwich lang" tipid na sagot nya. "S-sige mamaya kapag lumabas na tayo.." Kinakabahan ako dahil ngayon lang nya ako pinansin nang ganito! Himala at hindi sya nagsusungit ngayon, baka kasi ay buhusan ko nalang sya ng holy water para bumait din sya kahit paminsan-minsan. "I still have a Riddle, kapag nasagot mo liligawan mo ako." Napatigil naman sya bago kunot-noong tumingin sakin, na realize ko naman ang sinabi kaya nanlaki ang mata ko! "What? Hindi naman kita gusto ba't kita liligawan." Sabi nya. Kinuha nya ang bag nya at inayos ang libro bago tumayo, ibinalik nya iyon bago diretsong lumabas ng library....iniwan ako mag-isa. Hindi ko alam kung bakit parang nasasaktan ako! Ramdam kong nag-iinit ang sulok ng mata ko kaya umiling-iling ako bago niligpit ang gamit at tuluyan ng lumabas sa Library. Nakasalubong ko naman iyong babaeng kasama ni Clark minsan, tumigil naman sya sa harap ko kaya huminto ako sa paglalakad. "Nasa loob ba ng library si Clark?" She asked. I shook my head, sinabi 'kong kakaalis lang ni Clark. Tumango naman sya bago ako tinalikuran, dumiretso nalang ako sa room baka mahuli pa ako sa klase ko. Hindi nalang sana ako pumunta ng Library dahil mukhang wala na ako sa mood makinig ngayong araw kung sakaling maglelecture man. "Hoy! Okay ka lang?" Tamad akong tumingin kay Yumi, tumango naman ako bago isinandal ang ulo sa upuan ko. "May iniisip lang ako" sabi ko. "Bat ka nakasimangot? Nakakalungkot ba yang iniisip mo?!" Hindi ko naman sya pinansin dahil mas nangingibabaw parin sa isip ko ang nangyari kanina! Hindi ko 'rin alam kung bakit ko sinabi 'yon, mukhang hindi na naman nya ko papansinin dahil sa ginawa ko. Napasimangot naman ako sa naisip. "Paano mo malalaman na may gusto ka sa isang tao?" Gulat namang napatingin sakin si Yumi. "Gaga! May nagugustuhan kana ba?!" "Wala, nagtatanong lang ako." "Seryoso? Ang pagkakaalam ko kapag may gusto ka sa isang tao, gusto mong lagi syang nakikita tapos napapangiti ka kapag pinapansin ka nya....yan lang ang alam ko! Hindi ko pa naman naranasan magkagusto sa isang tao! Sa unggoy pwede pa!" Natawa naman ako sa sinabi nya, loko-loko talagang babae. Mabilis lang lumipas ang oras hanggang sa mag-uwian na. "Sabado bukas, labas tayo? Punta tayong park." Tanong ni Noemi habang papalabas na kami ng school, hindi pa daw sila uuwi dahil dadaan muna sila sa mall dahil may bibilhin lang daw. "Okay.. isama mo si Kiro" Banggit ni Remy. "Manlilibre ba kayo?" I asked. Tumango naman kaagad si Remy kaya napangiti ako, dapat lang na manlibre sila! Pumara naman kaagad ako ng taxi para makauwi na. Naabutan ko naman si Kiro na may kalarong aso sa labas, kumunot ang noo 'kong lumapit sa kanya. "Kaninong aso yan? Baka kagatin ka!" Binuhat ko si Kiro para mailayo sa aso, mukha naman syang maamo pero hindi naman nakakasiguro baka bigla nalang kumagat. "Naliligaw ata sya Mama, pwede ba natin syang kunin?" Tanong ni Kiro, umiling naman ako dahil baka may nagmamay-ari sa aso! "Bumili nalang tayo" Sabi ko, tumango naman sya kaya pumasok na kami sa loob. Hindi ko alam kung nasaan ang nagbabantay sa kanya. "Umuwi na sya mama, dahil may emergency daw." Mukhang nabasa ni Kiro ang tumatakbo sa isip ko, napakunot ang noo ko. Emergency? Pero iniwan nalang nya bigla si Kiro dito! "Pero hindi ka nya dapat iniiwan nalang bigla ri'to!" Inis na sabi ko, pumunta ako sa kwarto para makapag-bihis. Lumabas din ako kaagad ako, naabutan ko syang nanonood na naman ng tv. Sa mga sumunod na araw ay ganun parin ang pangyayari, hindi ko na naaabutan si Clark sa library kaya sa room agad ang bagsak ko. Siguro ay umiiwas na sya, hindi man lang ba nya naisip na baka nagbibiro lang ako? Papunta ako nang comfort room ng makita ko syang nakasandal sa pader, mukhang malalim ang iniisip nya. Didiretso na sana ako pero bigla akong napatigil, huwag nalang siguro. Baka kapag makita nya 'ko ay mas lalo syang umiwas sakin. Kahit puputok na ang pantog ko ay nagsimula nalang akong tumalikod para maglakad pabalik sa room. "Wait!" Napatigil ako ng marinig syang magsalita sa likuran ko, nanatili akong nakatalikod habang pinaparinggan ang paglapit nya. Kinakabahan ako ng maramdaman ang dibdib nya sa likod ko! Umabante ako ng kaunti dahil sobrang kaba ang nararamdaman ko! "Damn!" Napaigtad ako ng hawakan nya ang braso ko, yumuko naman ako para hindi nya makita ang mukha ko! "A-ano ba!" "You make me crazy! Do you really like me? I want you to answer me properly!" Madiin ang pagkakasabi nya, nag-angat naman ako ng tingin sa kanya. Inalis ko ang pagkakahawak nya sa braso ko bago umayos ng tayo at humarap sa kanya. "Kapag sinabi ko bang 'oo'... what will you do?" Nanghahamon 'kong tanong. I'm not really sure kung gusto ko ba talaga sya, pero aminin ko man o hindi.. nagseselos ako kapag nakikita ko silang magkasama nung babae. "Make me fall then" he said. Natigilan ako sa sinabi nya, alam 'kong lalaki ang dapat gumagawa nun pero ako itong nagkagusto sa kanya. Hindi ako makasagot sa tanong nya kaya lumapit sya sakin bago pinatakan ng halik ang noo ko. "If you don't make me fall for you, then ililibre mo ako ng tatlong sandwich at coffee." Sabi nya bago namulsa at tuluyan ng naglakad palayo! Napalunok naman ako sa sinabi nya! Hinawakan ko ang noo ko kung saan nya hinalikan 'yon! Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko, gusto kong tumili pero napalingon ako sa tumikhim. Halos manigas naman ako sa kinatatayuan ko ng makita ang prof ko! "What a nice scene! Make him Fall Miss. Wilson....Good luck!" Nginitian nya ako bago nagsimulang umalis, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi ng prof ko! Naalala 'kong kailangan ko palang pumunta sa comfort room! Halos takbuhin ko 'yon dahil ngayon ko lang naramdaman na naiihi na ko!
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Nice super story I wonder to read more
25/04/2022
10it's nice
22d
0Thanks
06/01
0View All