Chapter 10

"Excited ka?" binuhat ko naman si kiro at pinaupo sa hita ko, i'm done cooking so manonood muna kami it's still early so we'll eat later.
"Opo, will i have a friend there mama?" He asked. I smiled before nodding, he like the stuff i bought for him and he almost didn't want to let it go. Tinanong nya ako ng mga bagay-bagay hanggang sa mapagod siya kaya nagpasya narin kaming kumain, maaga kaming nagising kinabukasan mukhang excited talaga siya. Pinaalam ko naman sa magbabantay sa kanya na ako nalang ang bahala kay kiro, half day lang ang pasok ng daycare kaya susunduin ko nalang siya.
"Good Morning Miss, kayo na po ang bahala sa anak ko."
Matapos kong ihatid sa kiro ay dumiretso narin ako sa school, nakita kong papasok sa Library si Clark so i followed him. Sa pinaka dulo ang pinili niyang pwesto kaya tahimik akong lumapit doon, nanatili akong nakatayo sa gilid niya habang busy siya sa pagbubuklat nang kanyang libro.
"Pwedeng maki-share-
"You can't, find another table." Natutop ko naman ang bibig ko, ang sungit talaga! Tumingin naman ako sa kabilang table, dito nalang ako. Naghanap ako nang libro, kunwari ay magrereview ako.
"Nandito ka pala...I've been looking for you i thought you were in the room." Napalingon naman ako sa nagsalita, napairap ako nang makita na naman iyong babae! Nag-angat naman ng tingin si Clark sa kanya, ngumiti pa ito bago inayang umupo sa harap niya yung babae.
"I need to review we have a recitation later remember." Umawang ang labi ng babae sa narinig kaya napalabi ako. "By the way have you eaten breakfast yet?" Tanong niya sa kasama. Bakit ang bait niya sa kanya pero sakin hindi!
"I haven't even eaten yet, nagugutom na nga ako e." Nakaramdam naman ako ng inis kaya kinuha ko ang bag ko at tumayo bago ibinalik ang libro na kinuha ko. Bumuntong hininga ako nang makalabas ako ng library, sakto namang padaan si Noemi kaya sumabay na ako.
"Aga mo ngayon ah." Tumawa naman siya bago kumapit sa braso ko.
"Hindi pa kaya ako natutulog." Sagot niya, umirap naman ako.
"Bakit? Magdamag ba kayong nag bebe time?" Pabiro niyang hinampas ang braso ko kaya napangiwi ako.
"Hindi ah! Wala nga akong jowa e! Gumawa kasi ako nang project."
Napatigil kami sa paglalakad nang makita ko ang pinsan ko, marami siyang kasama kaya pumirmi ako sa pagkakatayo. Hindi naman siya tumingin sa gawi namin kaya hinila ako ni Noemi.
"Kilala mo?"
Lumingon ako sa pinsan ko na papasok ngayon sa Library, umiling naman ako sa tanong ni Noemi.
Nagchat naman sa group chat si Remy na malapit na daw siya kaya naupo kami sa bench ni Noemi, dito nalang namin siya hihintayin. Ilang minuto lang ang hinintay namin nang makita namin si Remy na papalapit sa gawi namin.
"May laro ngayon sila Owen diba?" Remy asked. Umupo naman sya sa tabi ko bago uminom ng tubig sa bottle mukhang tumakbo siya dahil mabilis ang paghingal niya.
"Ngayon ba yun? Akala ko bukas?" Kumunot naman ang noo ko sa usapan nila.
"Ano bang pinag-uusapan niyo? Hindi ko alam yan 'a"
"Let's watch basketball later!"
Basketball?
"Ha? Paano 'yan may klase ako!"
"Sila Owen ang maglalaro ngayon , dapat panoorin natin siya." Si Remy
"Oo nga kara, sumama ka na." Napasimangot naman ako bago tumingin sa kanilang dalawa, hindi naman ako pwedeng umabsent sa klase ko para lang makanood nang basketball.
"Kasali ba si Clark?" Nanlaki ang mata ko nang marealize ang sinabi! Dapat ay sa isip ko lang 'yun.
"Hindi, pero kaibigan nya yung kasali! Si Owen Hutton Gutierrez!"
"May gusto ka ba kay Clark?" Tanong ni Noemi. Umawang ang labi ko dahil sa tanong niya!
Umiling naman ako bago nag-iwas ng tingin. Hindi ko naman gusto 'yon! Napakasungit.
Hanggang sa pagpasok ko nang room ay laman parin ng isipan ko ang sinabi ng dalawa, kaya ko bang umabsent para lang mapanood ang laro ng kaibigan ni Clark?
Bahala na.
Discussion. Recit. Quiz. Hanggang sa natapos ang dalawang subject namin, wala ang next prof namin kaya makakasama ako sa panonood. Natanaw ko naman ang dalawa sa labas ng room, inayos ko ang laman ng bag ko bago lumabas.
"Dalian mo kara! Malapit na mag-umpisa ang laro." Hinila naman kaagad ako nang dalawa, halos walang klase ang ibang section dahil nagsisilabasan rin sila. Nahirapan pa kaming makapasok sa basketball court dahil sobrang daming estudyante, mukhang magsisimula na nga dahil kanina pa punuuan ang mga pwesto kaya nakatayo nalang kami sa gilid.
Inilibot ko ang tingin sa kabuuan nang court nagbabakasakaling nandito rin si Clark, it was impossible for him not to watch his friend. I smiled when i saw him nakaupo siya malapit sa gawi namin, kausap niya ang pinsan niya...naka suot nang jersey, siguro siya yung Owen na sinasabi nang mga kasama ko.
"Baka naman inlove ka na?" Napawi ang ngiti ko nang magsalita sa tabi ko si Noemi. "Ngumingiti ka na mag-isa."
"A-ako?" Turo ko sa sarili ko, habang unti-unting nilingon silang dalawa ni Remy na pinipigilan ang pagtawa.
"Kanina kapa nakangiti 'dyan habang nakatingin kay Clark!" Napasimangot naman ako dahil napansin pa nila 'yon.
"Masama bang ngumiti?" I asked.
Umiling naman ang dalawa kaya napairap ako, ibinalik ko ang tingin ko sa gawi ni Clark pero halos mawalan naman ako nang balanse ng maabutan ko siyang nakatingin sa gawi namin.
Nag-iwas siya ng tingin nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya, humawak naman ako sa dibdib ko dahil sobrang lakas ng kabog 'non. Napatingin naman sakin ang dalawa na nakakunot ang noo habang sinundan ang tingin ko kay Clark.
"Sabi na e!" Halos mapangiwi naman ako sa lakas ng boses ni Remy. Tumingin naman ang iba sa kanya pero parang wala siyang pakialam. "Sabi na nga ba!"
Nagkatinginan naman  kami ni Noemi kaya nagkibit balikat ako, ano bang problema 'nito?
"Inlove ang kaibigan ko!" Remy Shouted. Suddenly the sorroundings became quit so i bit my lip because of the embarrassment i felt. Ngiting-ngiti pa siya habang tumatalon kahit pinagtitinginan na siya.
Pasimple naman akong tumingin Kay Clark habang nakakunot ang noo niyang nakatingin sa'min.
Bumalik naman kaagad ang ingay sa loob ng court nang i announce na magsisimula na ang laro. Hindi naman ako makapag focus sa panonood dahil pa'nay ang sulyap ko 'kay Clark.
Halos siksikan na kami dahil napakarami talagang estudyante na nanonood, marahil ay sinadya talagang walang klase ngayon dahil may laro.
"Go Owen!"
"Go Zayd!"
Halos mabingi naman ako sa sigawan, hindi ko naman alam kung sino ang ichicheer ko!
Napalunok ako ng muntikan nang madapa yung 'Owen' mabuti nalang at nabalanse niya kaagad ang katawan niya.
Mabilis naman kaagad natapos ang laro,  Champion sila 'Owen' kaya halos magkaroon ng fiesta sa loob ng basketball court, inaya ko naman ang dalawa na lumabas na dahil tapos naman na pero busy sila sa kakatalon dahil nanalo daw ang manok nila.
Bumuntong hininga ako bago naisipang iwanan nalang sila, nakipagsiksikan ako para lang makalabas.
Finally! Ang init sa loob!
Pinunasan ko naman ang pawis sa noo ko, nakaramdam naman ako ng uhaw kaya kailangan ko pang pumunta sa cafeteria.
"Hala! Sorry!" Napatingin naman ako sa nakabunggo sa'kin, napakatangkad niyang tao hindi man lang niya ako nakita!
"Hoy! Ang lawak ng dadaraan mo hindi mo man lang ako napansin na nakatayo ri'to!"
Hindi man lang niya ko tinapunan ng tingin dahil tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Tarantado talaga!

Book Comment (53)

  • avatar
    Kavin Raj

    Nice super story I wonder to read more

    25/04/2022

      10
  • avatar
    Jhaya Mari

    it's nice

    22d

      0
  • avatar
    Abdulcader B. Saidamen

    Thanks

    06/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters