logo text

The Beggar's True Love (Chapter 2)

Binabagtas ni Jasper ang daan ng mapadaan siya sa palengke ng kanilang bayan. Napatingin siya sa labas ng mahagip ang tingin niya sa isang babae na nasa bungad ng palengke at nagtitinda ng gulay. Hindi niya maiwasang humanga sa kung paano nito asikasuhin ang mga costumer nito. Masaya ito sa ginagawa. Kaya hindi niya mapigilang ihinto ang sasakyan sa isang tabi.
May nagtutulak sa kaniya na makilala ang babae. Kaya lumabas siya ng sasakyan at naglakad palapit sa babae. Nakatitig lamang ito sa kaniya. Ibig bang sabihin nagwagwapuhan ito sa kaniya? Ipinilig niya ulo sa isiping iyon. Marahil ay nagtataka ito kung ano ang ginagawa ng isang kagaya niya sa palengke. Nag-iwas ito ng tingin at inabala ang sarili sa pag-aayos ng mga paninda sa mesa nito. Hindi pa rin ito tumitingin ng makalapit siya. Kaya, tumikhim siya para maagaw ang atensiyon ng babae sa kaniya mula sa ginagawa. Kaagad naman itong lumingon sa kaniya.
"Yes, sir? Ano po ang bi--bilhin ninyo," nagka-kandautal nitong sabi. Natawa siya.
"Huwag kang mag-alala hindi ako nangangain para kabahan ka ng ganyan," sambit niya. Napa-kagat-labi ang dalaga. Hindi niya tuloy maiwasang napatingin sa labi nitong kay-pula. Pag-daka'y tumango-tango ito.
"Ano pong bibilhin ninyo?" tanong nito. Maganda ang mga mata ng dalaga. Parang nangungusap.
"Papakyawin ko ang paninda ko," hindi niya napag-isipan na sinabi. Ano ba itong nangyayari sa kaniya? Well, kayang-kaya naman niyang bilhin ang paninda nito. Ibibigay na lang niya sa mga empleyado niya bukas. Nang dahil sa babae ay naging mapagbigay siya. Gusto rin naman niyang makatulong. Nanlalaki ang mga mata nito.
"Po? Papakyawin niyo po?" hindi-makapaniwala nitong sabi. Ngumisi siya.
"Yes. I-separate mo na lang ang bawat gulay dahil may pagbibigyan ako," sabi niya na dagli naman nitong ginawa. Hindi niya maiwasang matuwa sa ginawa dahil nakatulong siya sa dalaga at sa mga empleyado niya.
Nakaalis na ang binata pero pakiramdam ni Beatrice ay nasa isang panaginip siya. Hindi niya akalain na papakyawin nito ang mga paninda niya. Bumalik siya sa kasalukuyan ng may tumawag sa pangalan niya.
"Beatrice!" sigaw ng isang tindera sa palengke. Napatingin siya sa may katandaan ng babae.
"Grabe! Iba talaga ang ganda mo. Akalain mo iyon, wala pang kalahating araw ubos na ang paninda mo. Umuwi ka na dahil tiyak na matutuwa ang inay mo kapag nalaman niya na naubos ang paninda mo," sabi nito na may matamis na ngiti sa mga labi.
Ngumiti siya. Blessing in disguise talaga ang ginawa ng lalaki. Dali-dali siyang nagligpit ng mga gamit at nang matapos ay umuwi na rin siya. Walang pagsidlan ng kagalakan ang kaniyang puso ng mga sandaling iyon. Matutulungan niya rin ang kaniyang ina na manahi. Marunong rin kasi siyang manahi kahit papaano. Nang makarating sa bahay, nagmamadali siyang bumaba ng tricycle at nagtungo sa pintuan.
"Nay! Nay!" tawag niya mula sa labas. Kaagad namang bumukas ang pintuan at lumabas roon si Aling Edna na ina ni Beatrice.
"Oh? Bakit narito ka? Paano iyong mga paninda mo sa—" Hindi na niya pinatapos ang iba pang sasabihin ng kaniyang ina.
"Inay, may pumakyaw ng mga paninda natin! Isamg mayamang lalaki!" Pagbabalita niya na may kasamang pagtalon-talon pa. Kitang-kita sa mukha ng ginang ang labis na kagalakan.
"Naku! Salamat sa Itaas sa biyayang ibinigay niya," sambit ni Aling Edna.
Nagpasya na silang mag-ina na pumasok sa loob. Ibinigay niya sa ina ang buong kinita niya. Walang labis at walang kulang. Sana magkita ulit sila ng binata. Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti ng maalala ang binata.
"Ano?! Pinakyaw mo lahat iyan?!" hindi-makapaniwalang tanong ni James. Huminga siya ng malalim.
"Hindi ba halata?" Natawa si James at tinapik ang kaniyang balikat.
"Pinsan, hindi ko akalain na ang isang kuripot na kagaya mo ay bibili ng ganiyang karaming gulay at ibibigay mo pa sa mga empleyado mo," sabi nito at sinalat-salat ang noo at leeg niya.
"Nilalagnat ka ba, pinsan?" mapang-uyam nitong tanong. Tinabig niya ang kamay nito.
"Sira-ulo! Pakilagay na lang sa van ang mga gulay at dalhin mo na lang sa kompanya at ibigay roon. Tinatamad akong pumunta roon," saad niya at nagtungo sa kaniyang swivel chair sa kaniyang mini-office sa bahay.
"Babae siguro ang nagtitinda, no?" tudyo ulit ni James. Huminga siya ng malalim.
"Oo, babae. Okay na?" Tumawa ng malakas si James.
"Sabi na, eh!" natatawa nitong sabi. "Sige, ako na bahala sa mga gulay ipaayos ko na lang sa mga staff mo," anito at umalis na ng kaniyang opisina.
Nang makalabas ang pinsan ay napasandal siya sa swivel chair. Aaminin niya, attracted talaga siya sa babae. Ang tanong. Paano siya mapapalapit rito? May nabasa siya sa isang article last month na nagpanggap ang mayamang binata na pulubi at iyon ang naging daan para mapalapit siya sa babaeng nagugustuhan nito.
Dahil kadalasan kapag mahirap ang babaeng nagugustuhan ay pwede kang iwasan dahil ang iniisip nila ay magkalayo ang agwat ng estado nila sa isa't-isa. Biglang may pumasok sa isip niya na ideya. Napangiti siya. Sana, gumana ang plano niya.

Book Comment (290)

  • avatar
    Quarry Bonwalon

    beautiful

    08/03

      0
  • avatar
    MaliñanaMarcy

    Ang Ganda nya po

    05/03

      0
  • avatar
    Dong Je

    morning

    04/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters