Homepage/Collection Of One-Shot Story 1/
The Beggar's True Love
(Last Chapter)
Narinig na lang niya ang pag-lock ng pinto hanggang sa dinala siya ni Jasper sa isang silid. Mukhang kwarto iyon ng opisina nito. Naramdaman na lang niya ang paglapat ng malambot na bagay sa kaniyang likuran. Si Jasper ang unang kumalas sa halik. Nasa silid nga sila.
"I love you, Beatrice,"
"I love you, too Jasper,"
Muli, hinalikan siya ng kasintahan. Nang gabing iyon ay ipinagkatiwala niya ang sarili sa lalaking minamahal.
May kompiyansa at buo ang loob ni Beatrice na lumabas ng sedan ni Jasper. Narito sila ngayon sa parking area ng De Guzman Enterprise. Nakisuyo kasi si Jasper na samahan niya ito sa trabaho dahil na-miss daw siya nito.
Nag out of town kasi ito ng isang linggo at kararating lang nito kagabi. Pinahiram sila ng binata ng pampuhunan para sa mini sari-sari store sa bayan na ngayon ang ina niya ang nagma-manage. Gusto ng kasintahan na ibigay ang puhunan pero nagpumilit siya na bayaran iyon.
Nang matapat sila sa gwardiya, ngumiti si Beatrice.
"Magandang tanghali po," bati niya sa may katandaan ng gwardiya.
"Magandang umaga rin po, ma'am,' gantin-bati sa kaniya nito. Inakbayan siya ni Jasper.
"Mang Kaloy, si Beatrice po. Girlfriend ko," pagpapakilala ni Jasper sa kaniya.
"Napakaganda po ng girlfriend niyo sir. Bagay na bagay po kayo," puri sa kanila ni Mang Kaloy.
Matapos magpasalamat ni Jasper sa matanda ay sabay na silang pumasok sa loob ng gusali. Napatingin ang mga empleyado na nasa lobby sa kanila. Kung dati ay nahihiya siya, ngayon ay hindi na. Taas-noo niyang tiningnan ang mga empleyado at binigyan ng masuyong ngiti. Salamat sa ina ni Jasper dahil tinuruan siya kung paano magkaroon ng confidence sa sarili. Ngumiti siya sa mga ito. Hinapit siya ni Jasper palapit sa katawan nito.
"Guys, i would like to introduce you my girlfriend, Beatrice Vicente," anunsiyo ni Jasper. Tumingin ito sa kaniya. "And soon to be my wife," punong-puno ng sinseridad nitong sabi.
"Thank you,"
Palakpakan ang mga naroon kasabay ng pagbati ng mga ito ng "Congratulations!" Iginiya siya ni Jasper sa elevator. Nang nasa loob na sila ay ipinalibot niya ang mga kamay sa leeg nito at siya na ang kusang humalik sa kasintahan. Tinugon naman iyon ni Jasper. Parehas na hinihingal ng maghiwalay ang kanilang mga labi.
"Gusto ko lang magpasalamat dahil hindi mo ako ikinakahiya sa mga empleyado mo," madamdamin niyang pahayag. Ngumiti si Jasper.
"Of course, Love. Bakit naman kita ikakahiya? Proud ako dahil ikaw ang girlfriend ko," buong-puso nitong sabi. Magsasalita na sana siya ng bumukas ang elevator. Natawa nalang sila pareho. Sabay silang lumabas ng elevator at nagtungo sa opisina ni Jasper.
"Okay,dad. Pupunta na ako diyan," pagtatapos ni Jasper sa usapan nila ng ama nito. Matapos ibulsa ang cellphone, tumingin ito sa kaniya.
"Love, puntahan ko lang si dad. May sasabihin daw siya sa'kin. Okay lang ba na hintayin mo ako dito?" paalam nito sa kaniya. Ngumiti siya saka tumango.
"Sure," sang-ayon niya.
Hinalikan siya sa noo ni Jasper saka lumabas na ng opisina. Nang mapag-isa siya ay iginala niya ang paningin sa kabuuan ng opisina. Kitang-kita mula sa kinauupuan niya ang mga establishemento at mga gusali. Napakayaman talaga ni Jasper. Hindi niya akalain na ang isang kagaya nito ay magkakagusto sa katulad niya. Kay iba rin pala na hindi tumitingin sa estado ng buhay.
Tumayo siya at nagtungo sa mesa nito. Napangiti siya ng makita ang litrato nilang dalawa na nakalagay sa picture frame na nasa mesa nito. Kinuha niya iyon at hinaplos. Nang maibaba iyon ay nagtungo naman siya sa silid kung saan may namagitan sa kanila ni Jasper.
Umupo siya sa kama. Biglang tumunog ang cellphone niya kaya lumabas siya ng silid at nagtungo sa sofa kung saan naroon ang kaniyang cellphone. Tiningnan niya ang cellphone at nakitang si Jasper ang tumatawag. Agad niyang sinagot iyon.
"Love, bakit?" tanong niya.
"Love pwede ka bang pumunta rito sa lobby para sabay na tayong kumain sa labas. Ayos lang ba sa'yo?" pakiusap nito.
"Sure!" masigla niyang sabi saka pinatay na ang tawag. Kinuha na niya ang hand bag at lumabas ng opisina. Natigilan siya ng paglabas niya ng opisina ay may mga nasa limang kababaihan na nakahilera ang lumapit sa kaniya isa-isa para ibigay ang tangkay ng rosas.
"Para saan 'to?" tanong niya sa pangalawang babae na nagbigay sa kaniya ng rosas.
"Malalaman niyo po sa ibaba, ma'am," sagot nito na may masuyong ngiti sa mga labi. Nang matapos ibigay sa kaniya ngll panghuling babae ang rosas. Nakita niyang may nakadikit na papel roon. Tiningnan niya iyon at binasa.
"Sasamahan ka ni Michelle patungo rito sa baba, love," bigkas niya. Napatingin siya sa babae.
"Tara na po, ma'am," sabi nito saka iginiya siya sa elevator.
Nang nasa elevator na siya, biglang may pumasok sa isip niya ng mga sandaling iyon. Mag-pro-propose na ba sa kaniya si Jasper? Biglang kumabog ng mabilis ang puso niya dahil doon.
Nang bumukas ang elevator ay narinig niya ang malamyos na musika na Destiny. Lumabas siya ng elevator at iginala ang paningin sa kabuuan ng lobby. Natutop niya ang bibig ng sa isang sulok ay lumabas ang limang kalalakihan na may hawak na styro. Nanlalaki ang mga mata niya ng mabasa ang nakasulat sa styro. Walang iba kundi,
"Will You Marry Me,"
"Will you marry me, love?" ang boses na iyon ang nagpatigil sa kaniyang mundo ng mga sandaling iyon.
Pumihit siya patalikod at nakita si Jasper na nakaluhod sa kaniyang harapan habang hawak ang kahon ng singsing. Dahil siguro sa pagkagulat kaya hindi niya narinig ang pagbukas ng elevator. Napa-kagat-labi siya para pigilin ang luhang gustong kumawala sa kaniyang mga mata. Inilahad niya ang kamay sa harapan nito. Tumango-tango siya.
"Yes, i will marry you!" Kaagad na tumayo si Jasper at isinuot ang singsing sa kaniyang palasinsingan. Niyakap siya ng kasintahan na ngayon ay fiancee niya na.
"Thank you dahil tinanggap mo ang proposal ko," wika ni Jasper. Doon na tumulo ang luha niya dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ng mga sandaling iyon. Sobrang saya niya. Napuno ng palakpakan ang buong lobby.
"Kiss, kiss," sabay-sabay na sabi ng mga naroon. Tinitigan siya ni Jasper. Tumaas ang sulok ng labi nito.
"Paano iyan? Gusto nila ng halik? Pagbibigyan mo ba sila?" tanong nito na nakataas pa rin ang sulok ng labi.
"Then, kiss me," sabi niya. At, sa isang iglap lang ay sinakop na ni Jasper ang labi niya at hinalikan ng buong-puso at pagmamahal.
Kanina pa hindi mapakali si Jasper sa labas ng emergency room. Kanina ay sumakit na ang tiyan ni Beatrice at pumutok na rin ang panubigan nito. Tumawag si Ate Rose kaya agad siyang umuwi para ihatid rito sa Patricio's General Hospital. Kitang-kita niya sa mukha ng asawa ang sakit kaya sobrang nag-aalala siya. Kinuha niya ang cellphone sa kaniyang bulsa at i-dinial ang numero ng pinsan na si James. Ilang ring lang ang lumipas ng sumagot ang pinsan.
"Hello, pinsan. Bakit?" bungad nitong tanong sa kaniya. Huminga siya ng malalim. Ramdam niya sa sarili ang panginginig ng kaniyang kamay na nakahawak sa cellphone niya.
"Pwede mo ba ako samahan dito, pinsan. Kailangan ko ng kausap," pakiusap niya. Bumuga ng marahas na hininga si James.
"Asaan ka ba? Bakit parang takot na takot ka?" nagtatakang tanong ng pinsan sa kaniya. Oo, hindi siya matatakutin. Ngayon lang. Dahil si Beatrice ang dahilan kung bakit siya natatakot ngayon.
"Narito ako sa Patricio's General Hospital. Pumutok na ang panubigan ni Beatrice at isisilang na niya ang aming panganay. Kaya hindi mo ako masisisi kung bakit takot na takot ako ngayon," wika niya.
"Okay. Ten minutes nandiyan na ako," sabi ni James saka pinatay na ang tawag. Ganito pala ang pakiramdam kapag manganganak na ang asawa mo. Nanghihinang napaupo siya sa steal bench na naroon. Ilang minuto siyang naghintay hanggang sa makita si James na papalapit sa kaniya. Tumabi ito.
"Relax. Magiging maayos din ang lagay ng mag-ina mo," pagbibigay-loob nito sa kaniya.
Pumikit siya at nag-usal ng maikling panalangin para sa kaligtasan ng kaniyang mag-ina. Ang nasa Itaas lang ang makakatulong sa kaniya ng mga sandaling iyon. Pagdilat niya ay saktong lumabas ang isang doktora sa emergency room. Tumayo siya at nilapitan ito. Pag-aalala ang rumehistro sa mukha ni Jasper.
"Kamusta na po ang mag-ina ko?"
"Kayo po ang asawa ni Ma'am Beatrice po?" tanong nito. Tumango siya.
"Yes po. Ako nga po," magalang niyang sagot. Nakahinga siya ng maluwag ng ngumiti si doktora.
"Isang malusog na sanggol po ang isinilang ng iyong misis. Congratulations po," bati nito na may masayang ngiti sa labi.
Matapos makapagpaalam ni doktora, biglang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata dahil sa labis na kagalakan. Napalingon siya kay James ng tapikin nito ang balikat niya. Isang matamis na ngiti ang ibinigay nito sa kaniya.
"Congratulations, pinsan," bati nito sa kaniya.
Magsasalita na sana siya ng biglang bumukas ang emergency room at inilabas mula roon ang kaniyang asawa na nakahiga sa stretcher. Ipapasok si Beatrice sa isang pribadong silid.
Nagising si Beatrice na may humahaplos sa kaniyang pisngi. Walang iba kundi ang asawa niyang si Jasper. Nakangiting mukha nito ang bumungad sa kaniya.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Jasper. Kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha nito. Malamlam siyang napatingin rito.
"Salamat sa pag-aalaga sa'kin sa loob ng siyam na buwan," madamdamin niyang pahayag. Hinalikan ng asawa ang kaniyang noo.
"Kung anoman ang ipinangako ko sa'yo noong ikasal tayo ay tutuparin ko iyon. Handa kong ialay ang buhay ko para sa inyo," Titig na titig sa mga mata niya ang asawa habang sinasabi iyon.
Magsasalita na sana siya ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok roon ang isang nurse kalong nito ang kanilang anak. Tinulungan siya ni Jasper na makaupo saka ibinigay sa kaniya ang sanggol.
"Ang cute po ng baby ninyo," komento nito. Ngumiti lamang siya.
"Kmukha ko siya," sabi ng asawa. Sumimangot siya.
"Ako ang kamukha niya," naka-ngusong sabi niya. Natawa si Jasper at hinaplos ang kanilang anak saka siya tiningnan ng buong-puso at pagmamahal.
"Salamat sa sakripisyo mo sa pagsilang sa ating anak. mahal na mahal kita," Nakipagtitigan siya.
"Walang anuman. Mahal na mahal din kita,"Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (290)
Share
End
Recommendations for you
beautiful
08/03
0Ang Ganda nya po
05/03
0morning
04/03
0View All