Homepage/Collection Of One-Shot Story 1/
The Beggar's True Love
(Chapter 7)
"Pinsan!" bati sa kaniya ni James ng pagbuksan siya nito ng pintuan ng condominium nito. Matapos magpahatid sa isang tricycle driver sa kanila, inayos na niya ang sarili. Tinanggal niya ang pekeng tigyawat, buhok at balbas. Nagtataka nga ang tricycle driver dahil hindi nito akalain na doon siya nakatira.
"Pwede bang pumasok?" tanong niya. Niluwagan nito ang pagkakabukas ng pintuan. Pumasok siya sa loob at naupo sa sofa.
"Bakit para kang pinagsakloban ng langit at lupa? Hindi ka ba nagtagumpay sa plano mo?" tanong ni James. Umiling-iling siya at bahagyang natawa.
"Nagtagumpay ako dahil napalapit ang loob ko sa kaniya pero ngayon, galit siya sa'kin dahil niloko ko siya. Naramdaman niyang nagpapanggap ako at syempre ipinaliwanag ko sa kaniya ang lahat," pagsusumbong niya. Hindi lang kasi pinsan ang turing niya kay James kundi parang kapatid na rin.
"Sino ba naman ang hindi magagalit sa ginawa mo, pinsan? Niloko mo 'yung tao. Masasaktan at magagalit talaga siya," I-kinumpas ni James ang mga kamay. "Hayaan mo na siya, pinsan. Kalimutan mo na siya. Marami pa namang babae diyan na pwede mong magustuhan," payo sa kaniya ni James. Binigyan ni Jasper ng masamang tingin ang pinsan.
"No! Hindi ko siya susukuan, James. Oo, maraming mga babae diyan pero ibang-iba si Beatrice. Ibang-iba siya sa mga babaeng nakilala ko," determinadong sabi ni Jasper. Bumuga ng marahas na hininga si James.
"Mukhang tinamaan ka na ni Kupido," nasambit ni James.
Pauwi na si Beatrice ng hapon na iyon lulan ng tricycle. Dalawang araw na niyang hindi nakikita si Jasper. At, aminin man niya sa hindi, namimiss niya ang binata. Minsan kapag umuuwi siya galing sa palengke at nag-e-expect siya na madatnan si Jasper sa harap ng kanilang bahay at hinihintay siya ngayon. Handa na siyang patawarin ang binata.
Pero alam niyang malabo iyon. Sino ba naman ang magti-tyaga na suyuin ang isang kagaya niya? Tiyak na nakahanap na ito ng iba. Nasaktan siya sa isiping iyon. Bumaba siya ng tricycle at akmang bubuksan na ang gate ng may magsalita sa likuran niya.
"Beatrice," Napa-higpit ang hawak niya sa gate. Dahil ba iniisip niya ito kaya naririnig niya ang boses niya.
Huminga muna siya ng malalim saka pumihit paharap sa kalsada para tingnan kung guni-guni lamang ba niya iyon. Naroon si Jasper, ang lalaking pumakyaw ng kaniyang gulay at ang lalaking tinulungan niya. Napaka-gwapo talaga nito. Titig na titig ito sa kaniya. Nasa tabi ito ng isang magarang Nmax.
"Jasper. Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.
Naglakad ito palapit sa kaniya. Titig na titig pa rin sa kaniya ito. Napakagat-labi siya. Nang nasa tapat na niya ito ilang metro ang layo sa kaniya ay biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso.
"Galit ka pa ba sa'kin?" tanong nito. I-bubuka na sana niya ang kaniyang bibig ng may magsalita sa kanilang likuran.
"Beatrice? Sino iyang kasama mo?" tanong ng kaniyang ina. Lumingon siya at nakita ang kaniyang ina na papalapit sa kanila.
"Tita. Si Jasper po ako," tugon ng binata.
"Jasper? Ikaw iyan?!" Gulat na sambit ng kaniyang ina. Natawa si Jasper. Napatitig siya sa binata dahil napakasarap pakinggan ng tawa nito.
"Opo, ako nga po." Tiningnan siya ng kaniyang ina. "Papasukin mo ang bisita mo, anak," utos ng kaniyang ina. Tiningnan niya si Japer na nahuling nakatingin na pala sa kaniya.
"Halika, pasok ka," paanyaya niya at niluwangan ang pagkakabukas ng gate. Sabay-sabay silang pumasok sa loob. Nagtungo agad siya sa kusina at naghanda ng meryenda para sa binata. Nag-titimpla siya ng juice ng magsalita ang kaniyang ina.
"Galit ka pa ba kay Jasper?" tanong nito. Humarap siya sa kaniyang ina.
"Hindi na po, 'nay. Hindi naman po niya tayo ginawan ng masama. Kung ang Diyos nga marunong magpatawad, tayo pa kaya?" tanong niya. Ngumiti ang kaniyang ina. Lumapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay.
"Mabuti naman kung ganoon. Puntahan mo na siya at sabihin na pinapatawad mo na siya. He deserves it, anak," payo ng kaniyang ina.
Tumango-tango siya at napangiti. Kinuha niya ang tray ng meryenda at nagtungo sa salas kung saan naroon si Jasper.
Kanina pa hindi mapakali si Jasper sa kaniyang kinauupuan. Iniisip na baka hanggang ngayon galit pa rin sa kaniya si Beatrice. Hindi talaga siya nagpakita ng dalawang araw sa dalaga dahil gusto niyang mawala muna ang galit nito sa kaniya. Sa totoo lang, miss na niya ito. Sa dalawang araw na iyon ay napagtanto niya na hindi lang pala niya ito gusto, higit pa roon ang nararamdaman niya sa dalaga.
"Ang lalim naman ng iniisip mo. Mukhang malulunod ata ako," Napatingin si Jasper sa dalaga ng marinig ang boses nito. Nakahawak ito ng tray na may lamang dalawang baso ng juice at biscuit.
"Huwag kang mag-alala handa naman akong sagipin ka," pakikisakay niya sa biro nito. Napakagat-labi si Beatrice dahil sa biro niya. Inilapag na nito ang tray sa center table at naupo sa katapat niyang upuan.
"Meryenda ka muna," alok nito sa kaniya. Kinuha niya ang isang basong tubig at ininom iyon. Nang matapos, tinitigan niya si Beatrice.
"Galit ka pa ba sa'kin?" Nang mga sandaling iyon ay napakalakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Ngumiti ito saka umiling. Nakahinga siya ng maluwag dahil doon.
"Hindi na. Hindi naman ganoon kalaki ang kasalanan mo sa'min. May rason ka kung bakit mo iyon nagawa. Ang hindi ko lang maisip kung bakit mo nagawa iyon? Ibig kong sabihin, bakit sa'kin ka pa nagkagusto? Mahirap lamang kami Jasper at walang maipagmamalaki," Mararamdaman ang lungkot sa tinig ni Beatrice. Tumabi siya rito at hinawakan ang kamay ng dalaga. Natigilan ito sa ginawa niya.
"Dahil iba ka sa mga babaeng nakilala ko, Beatrice," sabi niya. Bumaba ang tingin niya sa labi nito. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa dalaga. Hanggang sa makarinig sila ng isang tikhim. Kaagad siyang lumayo sa dalaga. Napatingin siya sa ina ni Beatrice.
"Kung balak mong halikan ang anak ko. Dapat ligawan mo siya," seryusong sabi nito.
"Nay!" nahihiyang turan ni Beatrice. Seryuso niyang tiningnan ang ginang.
"Opo, liligawan ko po si Beatrice, tita," Tiningnan niya si Beatrice.
"Liligawan mo ako?" hindi-makapaniwala nitong tanong. Tumango siya.
"O, liligawan kita,"Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (290)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
beautiful
08/03
0Ang Ganda nya po
05/03
0morning
04/03
0View All