logo text

The Beggar's True Love (Chapter 8)

Dalawang buwan din ang ginawang panliligaw ni Jasper kay Beatrice bago niya nakuha ang matamis nitong "oo". Ngayon ay dalawang linggo na silang magkasintahan. Narito siya sa bahay ng dalaga. Hinihintay na makababa ito ng hagdan. Noong isang araw ay napag-usapan nila na ipapakilala ang kasintahan sa mga magulang niya. Noong una ay nag-alinlangan pa si Beatrice pero kalaunan ay napapayag niya rin ito.
"Bagay ko kaya ito, 'nay?" tanong ni Beatrice sa ina nitong si Edna habang pababa sila ng hagdan.
Napatingin si Jasper sa may hagdan. Hindi niya maiwasang mapa-titig kay Beatrice dahil napakaganda nito sa suot na off-shoulder dress na kulay peach na mas lalong nag-palitaw sa ganda nito.
"Oo naman anak. Bagay na bagay mo," puri naman ng ina nito. Tumingin sa kaniya ang ginang. "Kahit tanungin mo pa si Jasper," nakangisi nitong sabi. Napatingin sa kaniya si Beatrice at kitang-kita ang pamumula ng pisngi nito. Mukhang nahihiyang magtanong si Beatrice sa kaniya.
"'Di ba bagay ni Beatrice ang suot nito na dress?" ang ina na nito ang nagtanong. Papalapit na ang mga ito sa kaniya. Tiningnan niya si Beatrice mula ulo hanggang paa. Napakagat-labi ang dalaga.
"Opo. Bagay na bagay po ni Beatrice ang suot niya," puri niya rito. Inirapan siya ni Beatrice.
"Huwag mo nga akong binobola!" pagsusungit ng kasintahan. Natawa siya sa inasal nito.
"Kinikilig lang iyan. O siya, mag-iingat kayo sa pupuntahan ninyo," Tiningnan siya ng ginang. "Ipakamusta mo na lang ako kina balae," biro ng ina ni Beatrice. Natawa naman siya. Sa konting panahon na nakasama niya ang ginang ay napansin niya na kalog ito. Hindi iyon namana ni Beatrice. Marahil sa ama ito nagmana.
"Opo. Makakaasa po kayo," tugon niya sa sinabi nito. Inilahad niya ang siko sa kasintahan. Nagpaaalam na rin ang ginang na pupunta sa kusina dahil may aasikasuhin daw.
"Tara?" alok niya. Umabrisete naman ito sa kaniya. Huminga ito ng malalim.
"Kinakabahan ako, Jasper. Paano kung hindi ako tanggap ng magulang mo?" sabi ni Beatrice. Humarap siya rito.
"Tanggapin ka man nila o hindi. Paninindigan ko ang relasyon natin, Beatrice. Hindi sila ang magiging dahilan para maghiwalay tayo," sinsero niyang sabi. Napatitig ang kasintahan sa kaniya saka ngumiti.
"Salamat, love," madamdaming pahayag ni Beatrice sa kaniya.
Ngumiti siya at hinalikan ito sa noo. Lumabas na sila ng bahay at nagtungo sa kaniyang mamahaling sedan na naka-park sa harapan ng bahay. Pinagbuksan niya ng pinto ng passenger's seat ang kasintahan. Nang makapasok ito sa sa loob, pumasok na rin siya sa driver's seat at pinausad iyon patungo sa kanilang mansiyon.
Nang marating nila ang mansiyon nina Jasper, hindi maiwasang humanga ni Beatrice sa laki at ganda ng bahay. Naikuyom niya ang kamao ng maramdamang pinagpapawisan ang kaniyang kamay. Natigilan siya ng hawakan ni Jasper ang kaniyang kamay na nakapatong sa kaniyang hita. Napalingon siya sa binata. Kitang-kita ang pag-aalala sa mukha nito.
"Ayos ka lang ba?" tanong nito. Huminga siya ng malalim at sinalubong ang tingin nito.
"Kinakabahan ako, Jasper. Paano kung hindi nila ako magustuhan? Paano kung may babae silang inilaan para sa'yo? Paano kung paghiwalayin nila tayo?" nag-aalalang tanong niya.
"Love, relax. Okay? Huwag ka muna mag-isip ng kung ano-ano. Gaya nga ng sabi ko, tanggap man nila ang relasyon natin o hindi. Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko," paniniyak ng kasintahan. Lumamlam ang kaniyang mga mata na napatitig sa kasintahan.
"Salamat. I love you," sinsero niyang sabi.
"I love you, too," ganti nitong tugon saka siya hinalikan sa noo.
Lumabas na si Jasper ng kotse. Pinagbuksan siya nito ng pintuan saka sabay silang pumasok sa loob na magkahawak ang kamay. Nang mga sandaling iyon ay lumakas ang loob niya dahil sa mga sinabi ni Jasper. Higit sa lahat, kasama niya ito.
Muli, huminga ng malalim si Beatrice ng malapit na sila sa dining area ng mansiyon. Kanina, habang naglalakad sila ni Jasper patungo sa dining area ay hindi niya maiwasang humanga sa ganda ng mansiyon. Ngayon lang siya nakapasok sa ganitong kagandang mansiyon. Nang nasa bungad na sila ay humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ng kasintahan. Nilingon siya ni Jasper.
"Handa ka na ba na ma-meet ang magulang ko, love?" tanong nito. Liningon niya ito. Tumango siya. Hangga't wala siyang ginagawang masama ay wala siyang dapat ikatakot.
"Handa na ako. Kaya ko ito, love," may kompiyansa niyang sabi. Ngumiti ng matamis si Jasper saka pinisil ang ilong niya.
"That's my girl," bulalas nito. Pumasok na sila sa loob. Nadatnan nila ang ina ni Jasper na nag-hahain ng pagkain sa mesa. Samantala, nakaupo naman ang ama nito at may binabasang magazine. Lumingon sa gawi nila ang ina ni Jasper.
"Oh, narito na pala si Jasper at si Beatrice!" masiglang wika ng ina ni Jasper.
Kanina, nang papunta sila rito ay nagpadala na ng mensahe si Jasper na nagsasabing nasa daan na sila. Nabanggit rin ng kasintahan na nasabi nito sa magulang ang pangalan niya.
"Come on," paanyaya ng ginang sa kanila. Pumasok sila sa loob. Ipinaghila siya ni Jasper ng upuan. Saktong tapos naman na maghain ang ina ni Jasper.
"Magandang gabi po Ma'am at Sir," bati niya sa dalawa. Itiniklop ng ama ni Jasper ang binabasang magazine saka tumingin sa kaniya na may ngiti sa mga labi.
"Masyado namang pormal ang Sir. Pwede na sa'kin ang Tito Diego,"
"Tita Amelia nalang sa'kin," sambit naman ng ina ni Jasper.
Ano ang ibig sabihin nito? Tanggap siya ng magulang ni Jasper? Napatingin siya sa kasintahan na ngayon ay nakangiti na nakatingin sa magulang nito. Muli, bumalik ang tingin niya sa magulang ni Jasper. Kailangan na niyang tanungin ang bagay na nagpapagulo sa kaniyang isipan.
"Tanggap niyo po ako?" tanong niya. Natawa ng mahina si Diego. Samantala, napangiti naman si Amelia.
"Oo naman, iha. Tanggap ka namin. Ikaw ang pinili ng anak ko na mamahalin niya kaya wala akong karapatan na kwestiyunin kung sino ang gusto niyang maging girlfriend. Buhay niya iyan kaya karapatan niyang magdesisyon ng mga bagay para sa sarili niya lalo na sa buhay pag-ibig niya. Basta sa ikabubuti niya. Walang problema sa'kin iyon," mahabang paliwanag nito.

Book Comment (290)

  • avatar
    Quarry Bonwalon

    beautiful

    08/03

      0
  • avatar
    MaliñanaMarcy

    Ang Ganda nya po

    05/03

      0
  • avatar
    Dong Je

    morning

    04/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters