logo text

The Beggar's True Love (Chapter 1)

Napasandal si Jasper sa kaniyang swivel chair matapos ang isinagawa niyang pulong sa kaniyang mga investors. Napaisip siya, trenta'y dos anyos na siya pero hanggang ngayon wala pa rin siyang girlfriend. Kadalasan sa mga naging girlfriend niya ay ang habol sa kaniya ay ang pera niya.
May kaya naman ang pamilya ng mga naging ex-girlfriendsl niya pero gusto ng mga ito na makuha ang parte ng kayamanan niya. At, iyon ang hindi mangyayari. Mas gugustuhin pa niya na maging single kaysa makatagpo ulit ng ganoong babae! Napabuntong-hininga siya. Ayaw na muna niya isipin iyon.
Ang mahalaga sa kaniya ngayon ay ang pag-igihan pa ang pamamahala sa kompanya para kung sakaling dumating o makatagpo niya ang babae na para sa kaniya ay may maipagmamalaki siya. Napatingin siya sa pinto ng bigla iyong bumukas at pumasok si James, kaibigan at pinsan niya na negosyante rin.
"Pinsan!" sigaw nito. Ito na naman ang pinsan niya na palaging nang-aasar sa kaniya.
"James, pinsan. Napadalaw ka?" Tanong niya rito. Umupo ito sa visitor's chair. Ngumisi ito.
"May ipapakilala sana akong chiks sa'yo," anito na nakangisi pa rin. Napakunot-noo siya. Ito na naman si James sa pangrereto sa kaniya. Alam naman niyang hindi siya mahilig sa reteo.
"Ayaw ko. Wala akong panahon sa mga ganiyang bagay, pinsan. Alam mo naman na kadalasan sa mga naging girlfriend ko ay pera ko lang ang habol nila sa'kin," aniya at muling itinuon ang atensiyon sa binabasang dokumento. Huminga ito ng malalim.
"Paano ka magkakaroon ng asawa niyan kung hindi ka susubok uli," pamimilit ni James. Inihinto niya ang ginagawa at tiningnan ang kaibigan.
"Hindi naman ako nagmamadali. Alam kong darating ang panahon at pagkakataon na makakatagpo ko rin ang babae na itinadhana sa'kin," seryuso niyang sabi. Walang nagawa si James kundi ang tumahimik na lamang. Niyaya na lamang siya ng pinsan na uminom sa bahay nito pagkatapos ng trabaho.
Maagang nagising si Beatrice para maghanda ng iti-tinda niya sa palengke. Katuwang niya ang kaniyang ina sa pag-pre-prepara niyon. Lumabas siya ng silid at nagtungo sa kusina para batiin ang kaniyang ina.
"Good morning, 'nay," bati niya rito. Lumingon ang kaniyang ina at ngumiti sa kaniya.
"Good morning din anak," ganti nitong bati sa kaniya.
Nang matapos magluto ng agahan ang kaniyang ina ay inayos na nila ang mga gulay sa basket na dadalhin niya palengke para i-tinda. Oo, mahirap ang magtinda pero wala, eh. Ito lang kasi ang alam nilang pwedeng pagkakitaan lalo at hindi siya nakapagtapos ng high school dahil sa hirap ng buhay. Wala naman kasing gustong tumanggap sa kaniya sa trabaho dahil puro hight school graduate lamang ang hinahanap ng mga ito.
Pangarap niya din makapagtapos ng pag-aaral pero dahil sa hirap ng buhay ay napilitan siyang huminto dahil nagkasakit ang kaniyang ama ng lung cancer na humantong sa kamatayan. Dahil doon, hindi na niya natapos ang pag-aaral dahil kailangan na niyang tulungan ang kaniyang ina sa pagtitinda. Matapos makapag-agahan at makapag-ayos ng sarili, tinulungan siya ng kaniyang ina na ipasok sa loob ng tricycle na suki na niya ang paninda niya.
"Mauna na po ako, 'nay!" paalam niya sa ina ng makapasok sa tricycle na maghahatid sa kaniya sa palengke.
"Mag-iingat ka, anak!" paalala ni Aling Edna sa anak.
Umusad na ang sasakyan patungo sa palengke. Habang daan ay hindi maiwasang malungkot ni Beatrice dahil hindi umuusad ang kanilang buhay. Sapat lang sa pang-araw-araw na gastusin ang kinikita niya sa palengke at ang pagiging mananahi ng kaniyang ina. Naniniwala siya na darating ang araw na makakatikim siya ng kaginhawaan at iyon ang panghahawakan niya. Tatapusin na niya ang isang taon sa High School sa susunod na taon.
Pagdating sa palengke ay agad siyang nagtungo sa kaniyang puwesto at sinimulang ayusin ang mga gulay sa mesa niya na naroon. Ngiti at pagbati ang ibinibigay niya sa mga kagaya niyang tindera na napapadaan sa puwesto niya. Nang maayos ay nagtawag na siya ng mga taong bibili ng kaniyang paninda.
Mabuti na lang nasa bungad siya ng palengke kaya mabenta sa puwesto niya. Hanggang sa may humintong sasakyan hindi-kalayuan sa kaniya. Bumaba ang sakay niyon kaya napatingin siya doon. Hindi niya maiwasang mapa-titig sa lalaking bumaba. Napaka-gwapo nito at matikas ang tindig.
"Miss, dito nga," sabi ng isang costumer nila kaya agad siyang napatingin rito at inasikaso ang babaeng mukhang naiinip na.
"Ayon ba ang tinitingnan mo? Miss, hindi ka magugustuhan niyon. Mayaman lang ang nababagay doon. Ang mga kagaya nating mahihirap ay hindi nararapat sa mga mayaman na kagaya niya," pagsusungit nito na hindi na lang niya pinansin. Ayaw niyang magkaroon ng kaaway kaya hinabaan nalang niya ang pasensiya.
"Hindi naman. Napatingin lang ako," pagdadahilan niya.
Nagkibit-balikat lamang ito. Pagkatapos makapag-bayad ang babae ay umalis na rin ito. Huminga siya ng malalim at napatingin muli sa direksiyon ng lalaki. Biglang kumabog ng mabilis ang kaniyang puso ng makitang papalapit ito sa kaniya. Sa kaniya nga ba talaga?

Book Comment (290)

  • avatar
    Quarry Bonwalon

    beautiful

    08/03

      0
  • avatar
    MaliñanaMarcy

    Ang Ganda nya po

    05/03

      0
  • avatar
    Dong Je

    morning

    04/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters