logo text

The Beggar's True Love (Chapter 5)

Pagkatapos kumain ng hapunan ay sinamahan niya si Jasper sa magiging kwarto nito. Binuksan niya ang pinto ng marating iyon. Mabuti na lang laging malinis ang kwarto. Tiningnan niya si Jasper na nahuli niyang nakatitig sa kaniya.
"May dumi ba sa mukha ko?" tanong niya. Ngumiti ito at umiling.
"Wala. Ang ganda mo lang kasi," puri nito sa kaniya. Napakagat-labi siya at nag-init ang kaniyang pisngi. Sanay siya na pinupuri ng mga kakilala pero iba nag dating niyon pagdating kay Jasper.
"Binobola mo naman ako!" Pagsusungit niya para itago ang hiyang nararamdaman. Tumawa lamang si Jasper at pumasok na sa loob. Iginala nito ang paningin sa loob.
"Maganda at maayos ang kwarto," komento nito. Pumasok na rin siya at kinuha sa lalagyan ang kumot at unan saka iyon inilagay sa kama.
"Kukunin ko lang sa kwarto ni inay ang mga damit ni itay. Okay lang naman sa'yo na damit niya ang isuot mo? At saka hindi naman niya iyon nagamit masyado," aniya.
"Okay lang. Ako pa ang nag-iinarte eh ako pa ang tinulungan mo," wika nito. Hindi niya alam pero iba ang dating sa kaniya ni Jasper.
Parang ang lakas ng awra. Iba rin kung magsalita. Hindi na lang niya iyon binigyan pansin. Baka matalino ito noong nag-aaral. Tumango-tango siya. Nagpaalam na siya rito at nagtungo na sa silid ng kaniyang ina para kumuha ng mga damit na gagamitin ni Jasper habang narito sa poder nila.
Hindi maiwasang mapabuntong-hininga ni Jasper ng makalabas si Beatrice. Kitang-kita niya sa mukha nito ang pagdududa at pagkalito. Hindi na nakapagtataka na isang araw ay malaman nito na may tinatago siya. Kailangan niyang ihanda ang sarili kapag nagkataon.
Sa ginawang kabutihan sa kaniya ni Beatrice ay mas lalong nahulog ang loob niya rito. Mas lalo niya itong nagustuhan. Humiga siya ng malalim. Mabuti na lang at may foam ang kama. Tiyak na sasakit ang likod niya kapag nagkataon na sa papag siya mismo hihiga.
Ilang sandali lamang siya nakatitig sa pinto ng marinig ang pagbukas ng pintuan. Agad siyang napatayo at napatingin kay Beatrice na may nakapaskil na ngiti sa mga labi. Inilapag nito ang mga damit sa mesa na nasa gilid.
"Ayan, tiyak na kasya mo ang iyan. Aalis na ako," sabi nito. Tumalikod na ito at ha-hakbang na sana ng tawagin niya ito.
"Beatrice," Lumingon naman ito.
"Hm, bakit?" tanong nito.
Napatitig siya sa maganda nitong mukha. Ngayon ba ang tamang pagkakataon para tanungin ito ng bagay na iyon? Baka magalit ito at paalisin na siya. Hindi! Hindi muna niya sasabihin iyon. Ngumiti siya ng matamis.
"Good night," Tumango-tango si Beatrice.
"Good night, din," ganting-bati nito. Tumalikod na ito at nang tuluyan na itong makalabas. Doon lang niya napagtanto na mahirap ang sitwasyon na pinasok niya. Napabuga siya ng hininga.
"Anong gagawin mo ngayon, Jasper?" hindi niya maiwasang maitanong sa sarili.
Maagang nagising si Beatrice ng umagang iyon para maghanda ng agahan. Hindi niya alam pero gusto niyang ipaghanda ng agahan si Jasper. Syempre, kasama na sila ng kaniyang ina. Nagluto siya ng sinangag, longganisa at hotdog. Sinamahan na rin niya ng tuyo.
"Ang aga natin ngayon, ah?" ang boses na iyon ng kaniyang ina ang nag-palingon sa kaniya mula sa ginagawa. Ngumiti siya.
"Opo, inay. Kailangan din po namin pumunta ni Jasper sa bukid para mamitas ng mga gulay," sabi niya at muling ibinalik ang tingin sa ginagawa.
"Oh, Jasper! Gising ka na pala," sabi ng kaniyang ina.
Bumilis ang tibok ng puso niya ng marinig ang pangalan ng binata. Sa totoo lang. Hindi naman ito ka-gwapuhan pero iba ang dating nito sa kaniya. Kaya hindi niya maiwasang magkagusto. Hindi siya tumitingin sa panlabas na kaanyuan ng isang tao. Mas tinitingnan niya ang panloob.
"Good morning po, Tita,"bati ni Jasper sa kaniyang ina. Naging palagay na ang loob ng kaniyang ina kay Jasper dahil masarap itong kausap.
"Sandali lang at may gagawin lang ako sa itaas. Kailangan ko pa pala ibabad iyong mga maruruming damit," paalam ng kaniyang ina. Huminga muna siya ng malalim at lumingon sa may bungad ng kusina kung saan naroon si Jasper. Nagtama ang mga mata nila ng binata. Ngumiti siya.
"Good morning," bati niya. Gumanti rin ang binata ng isang matamis na ngiti.
"Good morning din," ganting-bati nito saka lumapit palapit sa kaniya. Siya naman ay itinuon muli ang atensiyon sa tuyo na niluluto. Iyon na kasi ang huling niluluto niya. Ramdam niya ang presensiya ni Jasper na nasa kaniyang likuran.
"Mukhang masarap iyang niluluto mo," komento nito. Halos magtaasan ang balahibo niya sa batok dahil tumatama ang hininga nito sa kaniyang taenga.
"Ahem, oo. Masarap itong mga 'to," nasabi na lang niya.
Nakahinga siya ng maluwag ng maramdamang umalis na sa likuran niya si Jasper. Nilingon niya ito saglit at nakitang abala ito sa pagtitimpla ng kape. Iniahon na niya ang tuyo sa kawali. Pinatay ang stove at dinala ang may kalakihang plato na naglalaman ng ulam nila sa mesa.
"Pupunta tayo mamaya sa bukid para mamitas ng mga gulay," sabi niya.
"Sige. Gusto ko iyan. Hindi ko pa nagagawa iyan," masigla nitong sabi.
Napatingin siya rito. Hindi pa niya nagagawa iyon? 'Di ba normal lang iyon sa mga mahihirap? O baka naman walang sapat na bakuran ang mga ito para pagtaniman ng gulay?
"Oo, maganda mamitas ng gulay," sabi niya saka nag-sandok ng kanin.
Tumulong na rin si Jasper sa paghahanda ng kanilang agahan. Pero ng mga sandaling iyon ay nakaramdam siya ng pagkalito. Mapuputing ngipin, magandang pangangatawan, maayos na pananalita na para bang may pinag-aralan, iyong nakita niyang kainisentehan sa adobong sitaw.
Hindi niya maiwasang mapaisip. May inililihim ba sa kaniya si Jasper? Biglang sumagi sa isip niya ang lalaki na pumakyaw ng kaniyang paninda. May pagkakahawig sila. Napatingin siya rito. Nang magtama ang kanilang mga mata, ngumiti ito. Hindi kaya iisa lang sila?

Book Comment (290)

  • avatar
    Quarry Bonwalon

    beautiful

    08/03

      0
  • avatar
    MaliñanaMarcy

    Ang Ganda nya po

    05/03

      0
  • avatar
    Dong Je

    morning

    04/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters