"Ano?! Magpapanggap ka bilang isang pulubi para lamang mapalapit sa tinderang iyon?!" gulat na tanong ni James kay Jasper. Binigyan niya ng masamang tingin si James. "Huwag mo siyang insultuhin ng ganiyan dahil kahit tindera siya ay may katangian siya na wala sa iba," pagtatanggol niya sa dalaga. Napamaang sa kaniya si James. Hindi makapaniwala sa mga narinig. "Lintik! Tinamaan ka na, tol!" hindi-makapaniwalang bulalas ni Justin. Ngumisi lamang siya. Siguro nga tinamaan siya sa dalaga. Ganoon talaga siguro kapag na-love at first sight. Gagawin mo ang lahat para mapalapit ka lang sa babaeng gusto mo. "Siguro nga tinamaan ako, tol. Ngayon lang nangyari sa'kin ito," pagtatapat niya sa kaibigan at pinsan. Bumuntong-hininga na lamang ito. Hindi pa rin ito makapaniwala sa nangyayari sa kaniya. "Ayos na ba ang outfit ko?" tanong ni Jasper sa pinsan. Nakasuot siya ngayon ng may karumihang damit na sinadyang butasan para maging kapani-paniwala ang kaniyang gagawin. May inilagay din siya sa mukha na parang tigyawat at bigote. Hindi iyon basta-basta matatanggal at talagang pinasadya iyon sa kaniyang mukha para kahit maligo siya ay hindi iyon basta-basta matatanggal baka kasi maisipan ng dalaga na patuluyin siya sa bahay nila. Talagang ibang-iba ang itsura niya ng mga sandaling iyon. Inisip na rin naman niya kagabi ang magiging consequences kung ano ang magiging reaksiyon nito kapag nalaman nito na isa siyang mayaman at hindi pulubi. Pero sa ngayon ay hindi muna niya iisipin iyon. Ang mahalaga ay mapalapit siya sa babae. Iyon ang importante sa kaniya ngayon. Saka na lang niya pro-problemahin kapag naroon na siya sa sitwasyon na iyon. Natawa na na-iiling si James. "Ang pangit mo, pinsan!" natatawang puna ni James. Okay lang iyon sa kaniya. "Ramdam ko na hindi tumitingin sa panlabas na kaanyuan ang dalagang iyon," komento niya. "Sana soon ma-meet ko iyang babaeng kinababaliwan mo!" sabi ni James saka siya tinapik sa balikat. Natawa si Jasper sa sinabi nito. "Soon. Kapag naging okay ang plano ko, ipapakilala ko siya sa'yo. Baka kasi kapag ngayon, agawin mo sa'kin," aniya na natatawa. Kunwari binatukan siya nito. "Hindi kita kayang katalohin, no?!" sabi nito. Bigla siyang sumeryuso. Naisip niya bigla si Nancy. Ang ex-girlfriend nito na nasa America. Naghiwalay kasi ang mga ito dahil nawalan na ng oras si Nancy kay James. Sobrang minahal ng pinsan niya si Nancy dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang nakaka-move-on ang pinsan. Biglang may naisip siya. Asarin kaya niya ito? "Oo, dahil patay na patay ka pa rin kay Nancy," naka-ngising sabi niya. Natigilan ang pinsan at biglang nag-iwas ng tingin. Sinasabi na nga ba eh. "Hindi ah! Naka-move-on na ako!" pagtanggi nito. Natawa siya saka tinapik ang balikat nito. "Mauna na ako, pinsan," paalam niya rito saka lumabas na siya ng silid. Susunod na rin naman iyon maya-maya. Naghihintay na sa baba ang driver niya. Hindi niya maiwasang mapangiti. Na-e-excite siya dahil magkikita na sila ng dalaga. Hindi maiwasang mapangiti ni Beatrice dahil maraming namili sa kaniya ng araw na iyon. Inayos niya ang magulong mesa ng mga gulay. Abala siya sa pag-aayos ng may matanaw siyang pulubi di-kalayuan sa kaniyang kinaroroonan. Sobrang dungis nito. Napakunot-noo siya ng hindi man lang ito bigyan ng kahit konting barya ng mga taong dumaraan sa tapat nito. Nakaramdam siya ng awa sa pulubi. Kapag may nakikita siyang pulubi, talagang nakakaramdam siya ng awa. Kumuha siya ng singkwenta pesos sa kaniyang bulsa. Lumabas ng puwesto at nilapitan ang pulubi. "Manong," tawag niya rito. Nag-angat ito ng tingin at kitang-kita niya ang pagkislap ng mga mata nito. Sandali! Parang pamilyar sa kaniya ang mga mata nito. Parang may nakita siyang ganoon ang mata. Bumalik lang siya sa kasalukuyan mula sa malalim na pag-iisip ng iabot nito sa kaniya ang lata kung saan inilalagay ang mga barya. "Palimos, ganda," iyon ang sabi nito. Bigla siyang natigilan. Ka-boses nito ang lalaki na pumakyaw sa kaniyang mga gulay ilang araw na ang nakararaan. Inilagay niya roon ang singkwenta pesos rito. "Pambili mo ng pagkain mo, manong," sabi niya. Ngumiti ito sa kaniya. Hindi niya maiwasang humanga sa ganda ng ngipin nito. Ngayon lang siya nakakita ng pulubi na maganda at malinis ang ngipin. "Salamat, ganda," Bigla itong tumikhim. "Gutom na kasi ako. May pagkain ka ba diyan?" nagmamakaawa nitong tanong. May tira pa naman siyang ulam kanina. Adobong sitaw iyon. Kahit papaano ay swerte pa rin sila dahil nakakakain pa rin sila ng tatlong beses sa isang araw at hindi humantong na kailangan nilang mamalimos. "Oo, mayroon pa. Halika rito," anyaya niya sa pulubi. Tumayo naman ito. Iginiya niya ito sa kaniyang puwesto. "Bea! Naku. Huwag kang basta-basta nagtitiwala! Mamaya hindi pala pulubi iyan at baka balak ka niyang nakawan!" pasigaw na sabi ng isang tindera di-kalayuan sa puwesto niya. "Hindi totoo ang sinasabi niya. Wala akong balak na masama. Hindi ako ganoong klase ng tao," nagmamakaawa nitong sabi sa kaniya. Hindi niya tuloy maiwasang maalala ang lalaki na pumakyaw ng paninda niya dahil ka-boses talaga nito ang lalaki. Ngumiti siya. "Oo naman. Naniniwala ako sa'yo," sagot niya. Iginiya niya ito pa-upo sa bakanteng upuan ng kaniyang puwesto saka kinuha ang eco bag kung saan naroon ang pagkain na nakalagay sa lunch box. Inilabas niya ang kanin at ulam saka iniabot ito iyon. "Oh hayan, kain ka na para mabusog ka," Tiningnan siya nito. Makikita ang pagkalito sa mukha ng pulubi. Itinuro nito ang adobong sitaw. "Ano ito?" tanong nito. Hindi niya maiwasang makaramdam ng awa rito dahil maski ang adobong sitaw ay hindi alam. Ganoon ba talaga kahirap ang sitwasyon nito na maski ang ganoong ulam ay hindi nito alam? "Adobong sitaw ang tawag diyan. Tikman mo, masarap iyan," sabi niya habang nakangiti ng matamis. Tumango-tango ito at nagsimula ng kumain. Pero, ramdam niya hirap ito sa pagkain. Kumuha siya ng tubig at inilagay sa mesa sa tabi nito. Tiningnan siya nito at nginitian. "Masarap ang pagkain. Pasensiya, hindi lang kasi ako sanay. Hindi kasi ako kumakain ng ganito," sabi nito at muling itinuon ang atensiyon sa pagkain. Siya naman ay pinagmamasdan lamang ang gana nito sa pagkain. Masarap sa pakiramdam na nakakatulong siya sa kapwa niya kahit sa maliit lang na paraan.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
beautiful
08/03
0Ang Ganda nya po
05/03
0morning
04/03
0View All