logo text

The Beggar's True Love (Chapter 9)

Gumaan ang pakiramdam niya ng mga sandaling iyon. Inaasahan niya na iba ang magiging trato ng mga ito sa kaniya pero nagkamali siya.
"Salamat po sa magiliw na pagtanggap po sa'kin. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo," buong-puso niyang sabi. Natigilan si Beatrice ng akbayan siya ni Jasper. Tiningala niya ito. Nagtama ang kanilang mga mata.
"Mahal na mahal ko po si Beatrice. Ibang-iba siya sa mga babaeng nakilala ko. Napaka-swerte ko po dahil nakilala ko po ang tulad niya," sinsero nitong sabi habang titig na titig sa kaniyang mga mata ng buong pagsuyo at pagmamahal.
"Tama na nga iyang sweetness! Kain na tayo para matikman ko na ang luto ng aking pinakamamahal na may-bahay," wika naman ng ama ni Jasper na ikinatawa nilang pareho ng kasintahan. Pinalo ni Amelia sa balikat ang asawa.
"Ano ba, Diego! Mahiya ka nga! Ang tanda mo na!" sita ni Amelia sa asawa. Natawa na lamang si Diego sa tinuran ng asawa. Tiningnan niya si Jasper.
"Ang sweet nila," komento niya.
"Ganiyan din naman tayo pag tumanda tayo bilang mag-asawa. Walang magbabago," tugon ng binata.
Hindi niya maiwasang pamulaan ng mukha dahil sa sinabi nito. Ibig lang sabihin 'non siya ang gustong mapangasawa ni Jasper. Nang mga sandaling iyon ay nag-u-umapaw ang kagalakan sa kaniyang puso. Nagyaya na ang ama ni Jasper para kumain. Pinagsaluhan nila ang pagkain na inihanda ng ina ni Jasper.
Napangiti si Beatrice matapos takpan ang tupperware na naglalaman ng niluto niya sisig. Paborito ito ni Jasper kaya naman nagluto siya at balak niyang hatidan ng pananghalian ang kasintahan sa opisina nito at sabay na mananghalian. Sosorpresahin niya ito. Inilagay niya sa paper bag ang tupperware.
Binitbit iyon palabas ng bahay. Pumara siya ng tricycle at nagpahatid sa De Guzman Enterprise. Pag-aari na ito ngayon ng kasintahan. Ipinasa na kasi sa kaniya ang pagiging CEO. Nang makarating sa destinasyon niya, matapos makapagbayad sa driver ay pumasok na siya sa loob ng gusali.
"Yes po. Ano po ang kailangan nila?" tanong ng receptionist saka sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Si Jasper ang sadya ko. Ibibigay ko lang sa kaniya ito," sabi niya sabay pakita ng hawak niyang tupperware.
"Anong pangalan po nila?" tanong nito.
"Beatrice,"
"Wait a minute po. Tatawagan ko lamang po siya," tugon ng receptionist. Iniangat nito ang telepono saka i-dinial ang numero ni Jasper.
"Sir, narito po si Beatrice—" Natigilan ito na parang takot na takot.
"Okay po. Sige po papupuntahin ko po siya diyan," sabi nito saka ibinaba ang telepono. Tiningnan siya nito saka tumayo.
"Halina po kayo Ma'am Beatrice," wika nito saka lumabas sa reception desk. Iginiya siya nito sa elevator.
"Anong floor ba?" tanong niya. Oo, mahirap siya pero hindi naman siya inosenti sa mga ganitong bagay.
"Sasamahan po kita, Ma'am. Iyon kasi ang bilin sa'kin ni sir," alok nito. Umiling siya.
"No need. Ako na ang bahala,"
"Baka kasi pagalitan niya ako Ma'am," nag-aalala nitong tanong. Ngumiti siya rito.
"Ako ang bahala sa kaniya. Titiyakin ko na hindi siya magagalit sa'yo. Bumalik ka na sa trabaho mo," sabi niya.
Matapos magpasalamat at sabihin ang floor kung saan ang opisina ng kasintahan ay bumalik na ito sa reception desk. Siya naman ay pumasok na sa loob ng elevator saka pinindot ang 10. Nang huminto ang elevator at bumukas iyon, lumabas na siya ng elevator at nilakad ang hallway papunta sa opisina nito.
Napakunot-noo siya ng matanaw si Jasper na may kausap na babae. Kitang-kita niya kung paano haplusin ng babae ang braso ni Jasper. Tinatabig naman iyon ng binata. Nakaramdam siya ng pagkairita sa babae. Sino ito para gawin iyon kay Jasper?
"Love!" tawag niya sa kasintahan. Lumingon naman sa gawi niya si Jasper. Sinalubong siya nito ng may ngiti sa mga labi. Nang makalapit ang binata ay inakbayan siya nito saka nilapitan ang babae.
"Olivia, si Beatrice pala. Girlfriend ko," pagpapakilala ni Jasper sa kaniya.
"Hi, nice to meet you," masuyo nitong sabi. Tumango lamang siya saka tinitigan ito ng matalim.
"Hindi ko gusto ang ginagawa mo sa boyfriend ko. Huwag na huwag mo na iyon uulitin dahil ako ang makakalaban mo," mapagbanta niyang sabi. Natigilan ang babae. Hindi inaasahan na sasabihan niya ito ng ganoon.
"Umalis ka na, Olivia," utos ni Jasper sa babae. Tumango-tango ito saka tumalikod at naglakad paalis. Nang makaalis ang babae ay hinarap niya si Jasper.
"Gustong-gusto mo 'yong ginagawa niya 'no?" maiinis niyang sabi.
"So, nagseselos ka?" nakataas ang sulok ang labi nitong tanong. Inirapan niya ito.
"Malamang magseselos ako! Sino ang hindi magseselos doon eh, hinahawakan niya ang braso mo!" Natawa si Jasper. Ipinalibot nito ang mga kamay sa kaniyang beywang at hinapit siya palapit sa katawan nito. Pinakatitigan siya nito.
"Huwag ka ng magselos. Kahit dumikit pa sila sa'kin sa'yo lang ako kakalampag," biro nito. Ipinalibot niya ang mga kamay sa leeg nito.
"Akin ka lang 'di ba?"
"Oo naman. Iyong iyo lamang ako, love," buong-pusong tugon ni Jasper.
Dahan-dahan inilapit ni Jasper ang labi sa kaniyang labi. Nang maglapat ang kanilang labi ay pakiramdam niya buo na siya ng sandaling iyon. Iginiya siya ng binata sa loob ng opisina nito na nasa tapat lamang nila.

Book Comment (290)

  • avatar
    Quarry Bonwalon

    beautiful

    08/03

      0
  • avatar
    MaliñanaMarcy

    Ang Ganda nya po

    05/03

      0
  • avatar
    Dong Je

    morning

    04/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters