Hindi maiwasan ni Jasper na lihim na mapangiti dahil nagtagumpay ang plano niya. Bigla lang siyang nakaramdam ng kaba ng makita sa mata ng dalaga ang recognition. Baka sa boses niya? Napatingin siya sa babae na nag-aayos ng paninda. Nang ibigay nito sa kaniya ang pagkain ay hindi niya alam kung kakainin ba niya iyon o hindi. Dahil sa sinabi nito na masarap iyon ay kinain niya na at hindi nga siya nagkamali. Masarap nga ang adobong sitaw. Pagkatapos kumain at uminom ng tubig ay napa-dighay siya. "Mukhang nabusog ka ata," Narinig niyang sabi ng dalaga. Umupo ito sa upuan na katapat niya. Ngumiti siya. "Oo nga, eh. Ang sarap ng adobong sitaw," puri niya. "Salamat. Luto ko iyan. Mabuti naman at nagustuhan mo," ani nito. "Luto mo pala kaya pala masarap," tugon naman niya. Inilahad niya ang kaniyang kamay para magpakilala. "Jasper De Guzman pala," pakilala niya sa sarili. Kaagad naman iyon tinanggap ng dalaga. Napa-hugot siya ng malalim na hininga ng madama ang lambot ng kamay nito. "Beatrice Vicente pala," pakilala naman nito sa sarili sabay ngiti. Hindi lang pala mukha ang maganda kay Beatrice kundi pati kalooban. Kaagad itong bumitaw sa pagka-kadaop ng kanilang kamay. "Saan punta mo niyan?" tanong nito. Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam. Wala naman na akong tutuluyan. Natutulog lang kasi ako kung saan-saan," sagot niya. Nakaramdam siya ng guilt dahil nagsisinungaling siya rito. Pero ito lang ang alam niyang paraan para mapalapit sa dalaga. Tumango-tango ito. "Pakiramdam ko naman na mabait ka. Sa bahay ka na lang tumuloy para may katulong kami sa pamimitas ng mga gulay sa bukirin namin na naiwan ni itay noong nabubuhay pa siya," sabi nito. Biglang bumilis ang pintig ng puso niya ng marinig ang mga sinabi nito. "Patutuluyin mo ako sa inyo? Hindi ka ba mag-a-alinlangan dahil ngayon mo lang ako nakilala," Bigla itong natigilan. Napa-kagat labi ito at nag-iwas ng tingin. Hindi niya tuloy maiwasang napatitig sa labi nito. Ano kaya ang pakiramdam kapag nahalikan niya ito? "Magaan ang loob ko sa'yo." Tiningnan siya nito. "Alam ko at ramdam ko na mabuti kang tao. Never pa ako nagkamali sa instinct ko," nakangiti nitong sabi. Biglang lumamlam ang mga mata niya na nakatitig rito. "Salamat. Salamat sa tiwala. Hindi ko iyon sisirain." Nang mga sandaling iyon ay alam niya na isang araw ay masisira ang tiwala nito sa kaniya. Bahala na. Ipapaliwanag na lang niya ang dahilan kung bakit niya iyon nagawa. Sa ngayon, focus muna siya sa mga nangyayari. Tinulungan siya ni Jasper sa pagliligpit ng mga gulay na hindi niya na-i-benta. Ang ibang mga tindera ay napapatingin sa kaniya kasabay ng pag-iling dahil sa ginagawa niya. "Pinagtitinginan tayo," sabi ni Jasper. Napatingin siya sa binata mula sa paglalagay ng sayote sa basket. "Hayaan mo sila. Hangga't wala tayong ginagawang masama, wala tayo dapat ikatakot," matatag niyang sabi. Hangga't alam niya sa sarili na wala siyang ginagawang masama ay wala siyang dapat ikatakot. Ito ang itinuro sa kaniya ng kaniyang ama noong ito'y nabubuhay pa. Ngumiti si Jasper saka kinuha sa kamay niya ang basket na puno ng mga gulay. Inuuwi kasi nila ang gulay na hindi nabenta. Mahirap na baka may masamang loob at kunin ang mga paninda nila. Sinisiguro naman niya na sakto ang gulay na ibebenta niya. "Halika na. Tiyak na hinihintay ka na ng iyong ina," masigla nitong sabi. Nakangiting nagtungo sila sa daan at pumara ng pampasaherong tricycle. Nang may huminto ay kaagad siyang sumakay at sa likod naman si Jasper. Nang makarating sila sa tapat ng kanilang bahay ay kaagad siyang tinulungan ni Jasper sa pagbaba ng mga gulay. "Beatrice? Sino iyang kasama mo?" ang tanong na iyon ng kaniyang ina na nakatayo sa tarangkahan ng kanilang bahay ang naging dahilan para matigilan siya. Kitang-kita ang pagkalito sa mga mata ng kaniyang ina habang nagpapalipat-lipat ang mga mata nito sa kanilang dalawa ni Jasper. Huminga siya ng malalim. Sasagot na sana siya ng biglang magsalita muli ang kaniyang ina. "Nag-uwi ka ng pulubi rito sa bahay? Nag-uwi ka ng palamunin?" galit na sabi ng kaniyang ina. Hindi niya maiwasang masaktan sa sinabing iyon ng kaniyang ina. Napatingin siya kay Jasper ng biglang magsalita ito. "Wala po akong balak na masama sa inyo. Handa ko pong pagtrabahuhan ang pananatili ko po rito," Tumingin si Jasper sa kaniya. "Nagpapasalamat po ako kay Beatrice dahil inalok niya sa'kin na dito ako tumira lalo at wala po akong tutuluyan. Mabuti po ang intensiyon ko sa inyo," sinsero nitong sabi. Ramdam ni Beatrice sa bawat katagang lumalabas sa bibig nito ang sinseridad. Biglang lumambot ang mukha ng kaniyang ina. Napatango-tango ito. Mukhang narealize nito ang mga sinabi na hindi maganda. "Okay. Sana huwag mong sisirain ang tiwalang iyon," anito. Ngumiti si Jasper. "Makakaasa po kayo," tugon ni Jasper. Ngumiti ang kaniyang ina saka siya tiningnan. "Pasok na kayo at para makapag-meryenda na rin kayo. Nagluto ako ng aroscaldo," alok ng kaniyang ina. Tumalikod na ito at pumasok sa loob ng bahay. Nagkatingin sila ni Jasper at napangiti sa isa't-isa. May pagkakahawig talaga sila ng lalaki na pumakyaw ng kaniyang panindang gulay. Sayang at hindi niya man lang natanong kung ano ang pangalan nito. Kailan kaya niya ulit ito makikita? "Ang lalim ng iniisip, ah," puna sa kaniya ni Jasper. Napatingin siya rito. "Naalala ko lang iyong lalaking pumakyaw ng paninda kong gulay ilang araw na ang nakararaan. Medyo may pagkakahawig kasi kayo," wika niya. Biglang napa-ubo si Jasper kaya dali-dali niyang hinagod ang likod nito. "Okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong. Tumikhim ito. "Ayos lang ako. Tara na sa loob," sabi nito at binuhat na ang dalawang basket ng gulay at nauna ng pumasok sa loob ng bahay. Hindi niya tuloy maiwasang mapa-titig sa katawan nito. Parehas na parehas ang tindig, built ng katawan at tangkad nito sa lalaking pumakyaw ng gulay niya. Ipinilig niya ang ulo. Imposible naman na magpanggap na pulubi ang binata. Sino ba naman ang gustong maging pulubi 'di ba? Hindi naman pwede na siya ang dahilan dahil tiyak naman na hindi siya ang tipo nito na babae. Ang mayayaman ay para lamang sa mayayaman. Nagkataon lang siguro ang lahat.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
beautiful
08/03
0Ang Ganda nya po
05/03
0morning
04/03
0View All