logo text

The Beggar's True Love (Chapter 6)

Hindi maiwasang mapatingin ni Jasper kay Beatrice habang naglalakad sila patungo sa bukid na pag-aari ng mga ito kung saan nakatanim ang mga gulay na itinitinda ng dalaga sa palengke. Napapansin rin niya na madalas na mapatitig sa kaniya ang dalaga at malalim ang iniisip. Hindi na nakapagtataka na magduda na ito sa kaniya. Anoman ang mangyari ay nakahanda na siya sa pwede nitong sabihin sa kaniya.
"Nandito na tayo!" masiglang sigaw ni Beatrice. Doon lang siya bumalik sa kasalukuyan. Nasa harap na siya ng mga tanim ng gulay. Hindi naman marami iyon. Sakto lang para sa paninda.
"Tara mamitas na tayo!" sigaw nito. Natigilan siya. Wala siyang alam sa mga ganito. Napatingin siya kay Beatrice na mataman na nakatingin sa kaniya na may matamis na ngiti sa mga labi. Napakamot siya sa batok.
"Pasensiya na, Beatrice pero—"
"Pero wala kang alam sa mga ganito. Tama ba?" tanong nito.
Kitang-kita niya ang pagkagat-labi nito. Tumango-tango siya. Napakurap-kurap ito at kitang-kita sa mukha nito ang sakit na idinulot niya rito. Sobrang guilty siya dahil nasaktan niya ang babaeng gusto niya at natututunan na niyang mahalin.
"Sino ka nga ba talaga, Jasper De Guzman?" punong-puno ng hinanakit nitong tanong. Huminga siya ng malalim, nag-angat ng tingin at sinalubong at titig ng dalaga.
"Hayaan mo akong magpaliwanag, Beatrice," nakikiusap niyang sabi. Tumango-tango ito saka tumingin sa likuran niya.
"Maupo tayo, roon," anyaya nito sabay turo sa puno na nasa likuran nila.
Lumingon si Jasper at nakita ang mahabang upuan na gawa sa narra na pwede kumasya ang tatlong tao. Nauna ng naglakad si Beatrice. Sumunod naman siya. Umupo sila ng makarating doon. Tiningnan niya si Beatrice. Nakatingin lamang ito sa malayo. Ibinuka na niya ang bibig para ipaliwanag ang lahat.
"Ako at ang lalaking pumakyaw ng mga paninda mo ay iisa," pagtatapat niya. Napalingon ito sa kaniya. Kitang-kita niya ang luhang dumadausdos sa pisngi nito. Gusto niyang punasan ang mga iyon pero hindi pwede. Galit sa kaniya si Beatrice. Ang babaeng pinakitaan siya ng kabutihan pero niloko lamang niya.
"Bakit ka nagpanggap? Ano ba ang rason mo at ginawa mo ang bagay na ito?" naguguluhan nitong tanong sabay tingin sa kaniya.
"Dahil gusto kita, Beatrice. Alam ko na kapag nakipag-lapit ako bilang mayaman alam kong hindi mo ako tatanggapin. Alam ko na iisipin mo na baka pinaglalaruan lamang kita lalo at magkaiba ang estado natin sa buhay. Kaya gumawa ako ng paraan para mapalapit sa'yo," punong-puno ng sinseridad niyang sabi. Tinitigan niya ito sa mga mata para maramdaman niyo na totoo ang mga sinabi nito.
"Hindi ko alam. Sa totoo lang nasaktan ako, Jasper. Sana sinubukan mo muna bago ka gumawa ng isang bagay na alam mong makakasakit sa'kin," Ngumiti ito. "Siguro umuwi ka muna sa inyo dahil sa ngayon hindi ko pa kayang patawarin ka sa ginawa mo. Hindi lang ako nag niloko mo maging si inay," Napatango-tango siya.
"Naiintindihan ko. At, patawad sa nagawa kong kasalanan," aniya.
Nasa kwarto si Beatrice ng mga sandaling iyon. Hindi maiwasang isipin si Jasper. Sa ginawa nitong panloloko sa kaniya. Sobrang nasasaktan siya. Sinasabi na nga ba niya na tama ang haka-haka niya dahil malaki ang pagkakahawig nila ng lalaking pumakyaw ng gulay niya. Iisang tao lamang pala ang mga ito. Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi nito na kaya nito iyon nagawa ay dahil sa gusto siya nito. Huminga siya ng malalim. Nakarinig siya ng sunod-sunod na katok sa pinto hanggang sa bumukas iyon. Tumingin siya roon. Nakita niya ang kaniyang ina na nakatayo sa labas.
"Pwede bang pumasok, iha?" tanong nito sa kaniya. Tumango naman siya.
"Pasok po kayo, 'nay," paanyaya niya rito. Nang makapasok ang kaniyang ina ay dahan-dahan nitong isinara ang pinto. Tumabi ito sa kaniya.
"Nagpaliwanag na sa'kin si Jasper. Naiintindihan ko kung bakit niya iyon nagawa. Minsan kasi may mga bagay tayo na nagagawa na hindi na-pag-iisipan dahil mas napapairal ang emosyon natin," panimula ng kaniyang ina. Tumingin siya rito. Ngumiti ito sa kaniya.
"So, kailangan ko siyang patawarin ngayon?" tanong niya. Hinawakan nito ang kaniyang kanang kamay at pinisil iyon.
"Hindi anak. Kung masakit pa talaga sa'yo ang ginawa niya, wala namang masama kung hindi mo muna siya kakausapin. Dahil balik-baliktarin man natin ang mundo. Mali pa rin talaga ang ginawa niya," paliwanag ng kaniyang ina. Niyakap niya ang kaniyang ina.
"Salamat po sa pag-iintindi po sa'kin, 'nay," madamdamin niyang sabi. Hinagod naman nito ang kaniyang likod at ng ayos na siya ay kumalas siya sa pagkakayakap sa kaniyang ina.
"Nasaan po si Jasper?" tanong niya.
"Umuwi na. Babalik raw rito kapag ayos na daw ang lahat," tugon ng kaniyang ina.
Tumango-tango siya. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot dahil wala na ang lalaki. Na sa konting panahon ay nagustuhan niya. Ngumiti siya sa kaniyang ina at tumayo. Kailangan niyang aliwin ang sarili kaysa magmukmok.
"Gusto ko po magluto, 'nay! Ako na lang po ang magluluto ng pananghalian natin," masiglang sabi ni Beatrice. Nang mga sandaling iyon ay ramdam ng kaniyang ina na nasasaktan ang kaniyang anak.

Book Comment (290)

  • avatar
    Quarry Bonwalon

    beautiful

    08/03

      0
  • avatar
    MaliñanaMarcy

    Ang Ganda nya po

    05/03

      0
  • avatar
    Dong Je

    morning

    04/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters