Chapter 70 .

- Ysabelle's POV -
"Ready na ako." sambit ko kay El na naghihintay sa salas
Tumingin naman siya sa'kin, nasa second floor ako ng bahay.
"Okay." sagot niya
Agad siyang umakyat sa second floor at binuhat niya ako pababa ng hagdan. Hangga't maaari kasi ay iniiwasan namin na maghagdan ako. Wala lang talagang choice na umakyat dahil nasa taas ang kwarto namin.
"Ang bigat mo na Misis." ani El
Ngumiti ako.
"Lumalaki na si Yechezkel."
Hinalikan niya ako sa noo ko.
"Salamat sa pag-aalaga sa anak natin." sambit niya
"Of course, treasure natin siya."
Ibinaba na ako ni El sa salas. Nakaayos na rin siya, ako na lang talaga ang hinihintay niya.
"Let's go?" pang-aaya ko
"Ihahanda ko lang ang motor."
Tumango ako. Nauna na siyang lumabas para ilabas ng gate 'yung motor niya. Ang ginawa ko na lang ay pinakawalan ko si Aris sa kulungan niya para kahit wala kami, may magbabantay sa bahay.
Aalis kami. Bibisita kami kay Celine at Mom.
Baka kasi hindi ko na sila mabisita kapag mas lumaki pa ang tiyan ko.
Lumapit na sa'kin si El.
"Tara na Misis."
Inalalayan niya akong maglakad. Regular kong ginagamot ang mga sugat niya kaya mabilis na naghihilom. Hindi pa naman siya umaalis so far. Nag-usap na kami na hindi na siya babalik sa underground.
Sumakay na kami ng motor niya at nagdrive na siya. Malayo ang ibab'yahe namin dahil uuwi kami mismo sa lugar namin.
Niyakap ko si El kahit medyo mahirap gawa ng tiyan ko.
"Masakit pa ba ang mga sugat mo?" tanong ko sa kanya
"Hindi na, salamat sa paggamit sa'kin Ysabelle."
"Uulit ka pa? (-_-)"
"Hehehehe."
Aba at hindi sumagot ng maayos!
"Ipapakiusap ko pa kay Jamie ang association. Sa totoo lang, tatlong buwan pa ang kontrata."
Hinampas ko siya sa likod niya.
"Tatlong buwan?! Ang tagal pa nu'n!"
Hindi naman na sumagot pa si El.
Sino ba ang mga nasa likod ng association na 'yun at pupuntahan ko!
"Sabihin mo lang sa'kin kapag may nararamdaman kang kakaiba para makahinto ako ha."
Tumango lang ako, kita ko naman na nakatingin siya sa'kin mula sa sideview mirror.
"Saan tayo unang pupunta? Kina Celine o sa Dad mo?"
Napaisip ako. Balak rin kasi naming i-visit si Dad sa kulungan at ibalita naman sa kanya na magpapa-apo na siya.
"Hmm, kay Dad muna siguro. Para makwento ko kina Mom at Celine ang lagay ni Dad."
"Okay."
***************
"Dahan-dahan." paalala sa'kin ni El habang pababa ako ng motor, hawak niya lang ako sa isang kamay ko
Tiningnan ko 'yung City Jail, nasa loob n'yan si Dad.
Inayos lang ni El ang motor niya tapos inaya na niya ako papasok.
"Dito ka rin ba before?" tanong ko
"Hindi, du'n ako sa mas malaki."
Tumango ako.
"Dito ba naka-assign si Philip?" tanong ko pa habang papasok na kami
"Hindi rin, du'n siya sa kung saan ako nakulong."
May bumati sa'min na pulis at tinanong kami kung anong purpose ng pagpunta namin. Sinabi lang namin na for visitation lang tapos pinag-log in lang kami.
"Kay Ramos daw!" sigaw nu'ng isang pulis
"Bakit Ramos?" tanong sa'kin ni El
"'Yun talaga ang surname ni Dad." sagot ko
"Eh? Ba't ikaw?"
Halatang naguguluhan siya.
"Surname ni Mom ang gamit ko. Hindi pumayag ang side ni Mom na magpalit siya ng surname nu'ng ikasal sila ni Dad. Kahit sa'kin, hindi sila pumayag na hindi Alejos ang surname ko."
"Ngee? Pwede ba 'yun?"
Tumango ako.
"Oo, may lawyer naman"
"Hala! Paano 'yun, pinalitan ko apelyido mo?"
Natawa ako sa tanong na 'yun ni El.
"Okay lang, desisyon ko naman na gamitin ang surname mo. Isa pa, hindi nila alam na may asawa na ako."
Tumingin sa'kin si El.
"Bakit?"
Ngumiti ako sa kanya.
"Baka magkagulo." simpleng sagot ko tapos nakita ko na si Dad
"Dad." tawag ko
Tumingin sa'kin si Dad at agad kumunot ang noo niya.
Wala pa rin siyang pinagbago, pumayat lang siya ng konti.
Lumapit ako kay Dad.
"Dad-----"
'Yun lang ang tanging nasabi ko dahil sinampal niya ako. Nakaposas ang dalawang kamay niya pero nagawa niya pa rin akong sampalin.
"Ysabelle."  agad na lumapit sa'kin si El at inilayo ako kay Dad
"Hoy Ramos, bawal kang manakit dito!" saway nu'ng pulis na agad hinila si Dad palayo
"Wait lang po." pigil ko du'n sa pulis, "K-Kausapin ko po si Dad."
"Ysabelle!" saway sa'kin ni El dahil nakita niya nga na sinaktan ako ni Dad
"You, bastard! Ano'ng ginawa mo sa anak ko?!!" bulyaw ni Dad kay El tapos agad niyang kin'welyuhan
"D-Dad..."
"Punyeta ka!!! Binaboy ko ba ang anak ko ha!!!!"
Napahikbi na ako habang patuloy na sinisinghalan ni Dad si El.
"Hindi ko ginawan ng masama si Ysabelle!" sagot ni El kay Dad, "Kasal kami!"
Itinulak ni Dad palayo sa kanya si El tapos tumingin siya sa'kin. Tumango ako sa kanya.
"K-Kasal po kami Dad." sambit ko rin
Muling lumapit sa'kin si El nang bitawan na siya ni Dad para protektahan ako.
Tinapik ko siya sa balikat niya.
"It's okay, tinawag niya akong anak." sambit ko kay El
Naupo si Dad sa isa sa mga silya at mahinahon na siya.
"Maupo kayo." sambit niya
Sumunod naman ako, si El ay nakaaalalay at nakaprotekta sa'kin.
"Kelan pa kayo kasal?" tanong ni Dad
"Malapit na pong mag 2 years." sagot ko
Hinawakan ni El ang kamay ko. Ngayon lang namin hinarap kay Dad ang tungkol sa relasyon namin.
"Buntis ka."
Tumango ako sa sinabit ni Dad.
"Mag 6 months na po Dad."
Napahikbi na naman ako. Naiiyak talaga ako. Ngayon ko na lang ulit siya nakita, at nagiging emosyonal ako dahil magkakaanak na rin ako.
"Ingat mo ang anak ko, El." ani Dad
"Makakaasa po kayo, a-ah, D-Dad."
Napangiti ako sa itinawag ni El kay Dad, kahit si Dad ay medyo nagulat.
"Dapat na malusog ang magiging apo ko. Gusto ko siyang makita kapag pwede na."
Tuluyan na akong naiyak. Agad naman akong inalo ni El.
"Huwag kang umiyak, Ysabelle! Malaki ang kasalanan ko sa'yo, hindi ka dapat umiiyak dahil sa'kin."
Pinunasan ko ang luha ko.
"O-Okay na ako Dad, napatawad na po kita." sambit ko sa kanya
Matagal ko na 'yun gustong sabihin sa kanya ngunit ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na bisitahin siya.
Tumango sa'kin si Dad.
"Salamat anak, ihingi mo ako ng patawag kay Isabela kung sakaling makakadaan ka sa kanya sa cemetery." ani Dad tapos tumayo na siya
"Dad." tawag ko
Ayaw ko pa sana siyang umalis agad.
"Mabuhay ka ng maayos at masaya kasama ang pamilya mo, Ysabelle. Hindi ko 'yun naibigay sa'yo."
Nagkaroon na ng sound ang pag-iyak ko. Hindi ko akalain na darating ang ganitong pagkakataon na hihilingin ni Dad na mabuhay akong masaya at maayos.
"Bibistahin ulit kita Daddy." pahabol ko bago siya tuluyang mawala sa paningin ko
Niyakap ko si El at sa kanya ako umiyak. Pinapatahan niya ako pero hindi ko magawa. Sobrang daming nangyari sa'min ni Dad, ngayon lang kami nagkausap ng ganito.
"Ysabelle tahan na, baka makasama sa inyo ni Yechezkel ang sobrang paghagulhol mo." nag-aalalang sambit sa'kin ni El
Hinawakan ko ang damit ni El at ipinunas ko 'yun sa mukha ko.
"Geez, Ysabelle naman." mahina niyang reklamo sa'kin
Medyo natawa tuloy ako.
"Pambihira, huwag mong sisingahan ha. Wala akong dalang extra." saway niya pa sa'kin
Hindi ko naman siningahan 'yun, bastos ko naman kung gan'un.
"Leader El?"
Sabay kaming napalingon ni El sa tumawag sa kanya. Hindi ko siya kilala, basta lalaki siya na nakasuot din ng pangpreso.
"Toni?" patanong na sagot din ni El
"Leader El! Putcha! Makukulong ka ulit?!" ani nu'ng tinawag na Toni
"Tanga ka! Asa ka!"
Medyo natawa ako sa conversation nila.
"Asawa mo?" tanong pa nu'ng Toni habang nakatingin sa'kin
"Oo, si Ysabelle. Ysabelle, si Toni, magkasama kami noon sa kulungan---teka! Bakit na'ndito ka?!" ani El
"Putcha! Ang ganda ah!" react ni Toni habang nakatinging-nakatingin sa'kin, hindi niya pinansin ang mga sinabi ni El
Hinawakan ni El ang mukha ni Toni para ilayo sa'kin ang tingin.
"Huwag mong titigan, bwisit ka!" ani El
"Teka, teka, buntis ang asawa mo!"
Hinampas ni El ang sarili niyang dibdib.
"Syempre!" proud niyang saad
"Hanep! Iba ka talaga Leader El! Congrats congrats!" tapos nag-apir sila
"Teka nga! Sagutin mo muna ang tanong ko! Bakit ka na'ndito?" ani El
"Eh? Inilipat nila ako dito, bumaba ang kaso ko." nakangiting sambit ni Toni
Kahit ako kay napangiti sa ibinalita niya. Nakakatuwang marinig 'yun dahil ibig sabihin malaki ang chance na makalaya siya.
"Tanga! Ang galing mo p're!" bati sa kanya ni El tapos nagtawanan sila
"Nga pala Leader El, may naghahanap sa'yo noon sa kulungan bago ako malipat dito."
Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni El. Ako'y nakikinig lang sa usapan nila.
"Sino?" tanong ni El
"Tanda mo 'yung tinulungan mong matanda kay Goliath? 'Yung kinabukasan ay nakalaya din?"
Nag-isip si El.
Mabuti naman at tumutulong siya kahit nasa kulungan siya noon.
"Parang may natatandaan nga ako. Bakit daw?" ani El
"Hanap ka! Cañeda ka nga ba? Izzy Kiel Cañeda?"
Kahit ako ay nagtaka na rin sa sinasabi ni Toni. Si El ay hindi pa muna sumagot.
"Oo, 'yun ang tunay niya pangalan." ako na ang sumagot dahil bigla akong na-curious
"Ayu'n! Apo ka daw niya!"
Natingnan ko si El.
"Lolo mo El?!" sambit ko
Salubong ang mga kilay ni El, nag-iisip siya.
"Hindi ko siya kilala." sagot ni El, "Hindi ko tanda ang mukha niya."
Kumamot sa ulo niya si Toni.
"Hindi ko nga rin alam dahil hindi ko naman kilala ang pamilya mo. Basta may kasama niyang pulis na mataas ang rango. Tatay mo ba 'yun?" dagdag pa ni Toni
Oh gosh! Pulis nga ang tatay ni El, nakwento niya sa'kin.
Tinapik ni El ang balikat ni Toni.
"Sige p're, salamat sa balita. Uuna na rin kami ni Misis." bigla ay sambit ni El
"Ah, okay okay. Kita tayo kapag nakalabas na ako."
"Sige."
Tumayo na rin ako dahil inaya na nga ako ni El na umalis. Tahimik lang siya.
"Hinahanap ka pala ng pamilya mo El." sambit ko sa kanya nang makalabas na kami sa City Jail.
"Hayaan mo sila." malamig niyang tugon, agad niyang inayos ang motor niya para masakyan namin
"Ayaw mo ba silang makita?"
Susubukan kong kumbinsihin niya na makipagkita sa tatay niya o sa Lolo niya.
"Ayoko!" mariing sagot niya
Inalalayan na niya akong makasakay sa motor niya.
Nararamdaman kong galit siya at ayaw pag-usapan ang magulang niya.
Siguro ay hindi pa ito ang tamang oras para magkita silang muli ng tatay niya. Pero sana balang araw, mapatawad niya rin ang magulang niya gaya ng nangyari sa'min ni Dad ngayon lang.

Book Comment (454)

  • avatar
    HlJoker

    love

    16/05

      0
  • avatar
    AlvesMatheus Rodrigues

    livro muito legal recomendo

    11/01

      0
  • avatar
    HoudaRabehi

    great

    02/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters